webnovel

TRANSPORTED: Searching My Mr Right In Another World (Tagalog)

Anong mangyayari kung ang isang student galing sa modern era na mahilig mag aral, at puno ng acne ang mukha ay na transport sa ibang mundo na may Cheat power system? Ngunit...ang goal nito na itinatak niya sa kanyang isipan...ay mahanap ang kanyang Mr. Right, nang sa ganun ay makabalik ito sa kanyang sariling mundo. Oh come on! Tila mas mahalaga pa atang mahanap niya ang kanyang 'the one' kaysa sa cheat power system niya! All rights reserved (c) 2019 ____________ A/N: Hi! Thank you for reading my story. Sorry kung may napansin kayong wrong typos, grammar or etc. Unedited po kasi ito. Salamat sa pang unawa. Reviews are highly appreciated!

ArujinSan · Fantasia
Classificações insuficientes
7 Chs

CHAPTER 6: Save the Demon Fish

MABUTI nalang talaga at hindi ito nangulit sa pagtatanong. Hinubad ko lahat ng aking mga saplut sa katawan at lumusong sa batis na medyo na tatakpan ng mga puno at ligaw na mga damo.

Hulog ng langit ata ang pagkikita naming dalawa, dahil bukod sa pinatira niya muna ako sa bahay niya ay wala itong ginawang kalaswaan sa akin.

Hmm...well…kung sa kanya rin naman ay gugura na ako noh! Sino ba kasing baliw ang hindi mag kakagusto sa kanya! 😍

Ang gwapo, sobrang puti, makinis ang balat. At ito pa! Dinaig pa ang kutis ng babae. Sa kakaisip ko sa mukha niya na parang gusto akong halikan kahit asuming ako, abay! Hindi ko maiwasang hindi kiligin!

Naigulo ko ang aking buhok. "Ahhh! Nakakainis naman na utak ito o-oh! Pero sana…siya si Mister Right ko ng makauwi na ako sa aking mundo."🤔

Lumangoy ako pailalim para mawala ang pagka green minded kong utak. Sa kaka-basa ko ng wattpad sa cellphone ko sa mundo ko, ito na ang epekto. Kasalan ko ba?Eh Ang gandang gumawa ng Novel ng mga Author sa Wattpad. Kagaya nalang ni Ate Cece, hehehe fan niya talaga ako, pati ni shinkumi yung perverted vampire niya? Nakaka inlove! Madami pang Author ang hinahangaan ko na magaling magsulat sa mundo ng wattpad - pero next time ko na ata ma chichika dahil may kung anong bagay akong naaninag sa may di kalayuan.

Speaking of, andito parin ako sa ilalim ng tubig. Malinaw ang tubig, pero diba pag nasa ilalim ka na at walang ilaw ay wala kang maaninag? Pero bakit tila may nakikita akong gumagalaw sa ilalim? Kulay berde.

Wag niyong sabihin na luminaw na ng 101% ang mga mata ko. Ginamit ko ang aking isip upang sabitin ang status. Pumunta ako sa store at bumili ng 30 minutes fish lungs na nagkakahalaga ng 20 points?! 😳

Nyemas na sistema to! Ang sarap lunurin sa tubig. Mandadaya sa pag bibinta ng mga item!

No way! 20 points ang mawawala sa akin?! Huwag nalang. Lumangoy ako paitaas upang makaahon, ng biglang nagkaroon ng mission.

Nakasaad doon na kailangan kong iligtas ang isang demon fish na nasa ilalim na na trap.

Eh? Nang makita ko ang points na tumataginting na 200 points lang naman. Okay 20 points lang naman ang maibabawas sa akin. Ang liit na halaga!

Hehehe. Kung maililigtas ko ito, may 200 instant points agad ako. 😏 Why not!

Hindi ko aakalaing isda ang ililigtas ko. Pumunta ako sa store at bumili ng Fish lung saka idinikit ito sa bawat likod ng aking mga tenga.

Mabilis akong nag iba ng posisyon at lumangoy ng pailalim. Binilisan ko ang aking paglangoy. Kung hindi niyo na itatanong, specialty ko ang paglalangoy. Naisabak na rin ako sa mga school to school competition. Pero kung patagalan ng paghinga sa tubig ang pag uusapan, 2 minutes lang ang kaya ko.

May napansin akong napakalaking seaweed sa ilalim, may parang kung anong bagay ang nasa loob noon dahil maingay. Matagumapay ko itong nalapitan, subalit hindi ko naman maaninag kung sino ang nasa loob.

Wag kang tanga Cloe, may ililigtas ka diba? Malamang ang isda na ililigtas mo ay nasa loob nito.

Inikotan ko ito. Nagbabasakaling may makita akong pintuan. Pero wala. Ano to? Parang isang trap na sinadyang dinisinyo ang itsura, ng sa ganun ay may mahuli talaga?

Mukhang kailangan ko na namang bumili sa store. "Status," wika ko.

Parte din ata sa nabili kong Fish lungs ay ang makapagsalita sa ilalim ng tubig. Mabuti naman, dahil kung hindi, baka kanina pa ako lumutang ng walang buhay.

Naghahanap ako ng pwede kong bilhin sa store. Pero ang nakita ko lang ay isang Sea Dagger na nagkakahalaga ng 5 points. Mukhang ordinaryong dagger lang ito.

Wala na akong panahon na mag isip. Binili ko na agad. At sa isang iglap lamang ay nasa kamay ko na. Hinimas ko ito. Sigurado akong hindi ito mapurol dahil matalim.

GINAMIT ko agad ito upang maputol ang ilang parte ng seaweed. Pero langya! Hindi man lang nagasgasan kahit kaunti?!

"Anong klaseng seaweed ba ito na triple ang tangkad sa akin?!" Inis kong sigaw. Nakakainis naman talaga eh, nasayang lang tuloy ang points ko. -.-

Ugh! Bigla ko na namang naalala na hindi ko pa pala nabibili yung acne clear ko! Pag natapos ko ang mission na ito, bibilhin ko agad ito. Mahirap na, baka mahimatay si Toru pag nakita ito tigayawat ko na namumula mula pa.

Napahawak ako sa aking pisngi at naikimbot ng bahagya ang aking pwetan. "Kyah! Nakaka inlove talaga si Toru-" 😍

"May tao ba sa labas?" Tanong bigla ng boses na nasa loob kaya natigil ko ang aking pag papantasya. Nanlaki agad ang aking mga mata ng mapaisip ako na isda ito diba?

Teka - wag niyang sabihin na katulad din siya ni Toru na nag aanyong tao. 😲 Napatakip ako sa aking katawan ng maalala ko na wala akong saplut kahit isa.

"Hellooo," aniya. Hindi agad ako nakasagot.

"Saglit lang tutulungan kitang makalabas," sabi ko sa kanya. "Paano ka kasi napunta sa loob na yan?" Sa wakas ay nakalma ko ang aking sarili.

"Ang totoo niyan, ay may hinahanap akong asul na perlas. Sakto namang nasa gilid ng seaweed na ito," aniya may himig na lungkot.

"Nakuha mo naman diba?" Tanong ko. Natahimik ito ng ilang segundo bago nagsalita, "O-oo naman. Kung makalalabas ako dito, kung ibibigay ko ito sayo...tatanggapin mo ba? Dahil niligtas mo ako, sayo ko nalang dapat ito ibigay Binibini," Tila nahihiyang tanong nito sa akin. Ang ganda ng boses...parang dinuduyan ako.

Pumunta na naman ulit ako sa store ng aking system at bumili ng damit. Ang mura lang na damit ay simple mermaid clothes.

Pero napansin ko na ilan sa nabibili kong item ay pwedeng i upgrade. Pero walang hiyang system, kailangan kong magbayad ng points para sa pag upgrade ng mga items ko.

Sa huli, bumili ako ng damit na kulay pink. Pero ng sinuot ko ito - bigla akong nagkaroon ng buntot?! 😮

Holly cow!

Nawala ang mga paa ko at napalitan ng kulay pink na buntot. So bale, naka kulay pink na bra lang ako. Hinimas ko ang buntot ko. Totoo ngang mga kaliskis, at pagnahahawakan ko ito. Konektado sa aking katawan. Nangingislap pa ang mga kaliskis ko. For the first time and forever, parang nananaginip parin ako.

Napabuntunghininga ako. Mas okay na ito kaysa makita niya akong nakahubad. Sa iniisip ko, kinilabutan tuloy ako.

"Buhay ka pa ba?" Tanong ko ulit.

"Oo- kaya mo bang putulin ang seaweed na ito?"

Napaisip ako sa tanong niya. Sinubukan ko kanina. Pero hindi gumana. Maliban nalang kung i a upgrade ko ang dagger. Tama!

"Makakaya ko! Magtiwala ka lang sa akin," sabi ko ng may kumpyansa saka ito in-upgrade sa level 5 para sigurado. Nagkaroon ng kurteng kaliskis na kulay gold sa hawakan. So, ito pala ang ibig sabihin ng upgrade.

Hahaha! Ngayon gumagana na ang utak ko sa fantasy world na ito. 😢 Pero dana naman maputol ka na seaweed ng makuha ko na ang 200 points ko!

"Dumapa ka!" Sigaw ko sa kanya upang maalarma ito sa gagawin ko.

"A-anong gagawin mo?" Di nito maiwasang di magtanong.

"Puputulin ang hinayupak na seaweed na ito na halos maubos na ang puntos ko!" Galit kong sigaw. Mabilis naman itong tumugon na nakadapa na daw ito sa loob.

"Wish me luck baby dagger," sabay halik sa aking dagger. "Wag mo akong ipapahiya, dahil malaking puntos ang inenvest ko sayo," wika ko na kinakausap ito, kahit hindi naman nagsasalita.

Medyo lumayo ako ng kaunti. Nakasaad dito ang tamang paggamit sa level 5 na dagger. Kailangan ko lang daw i center sa bagay na puputulin ko at sabihin ang katagang,

"Dagger slice!"

*Wosh - Boghs!*