Chapter 41. "Congratulations"
Ethina's POV
"Talaga? Patingin nga Ethina!" Inagaw ni Jenina ang phone ko at tiningnan ang wallpaper ko na selfie ni Sanjun. "Shet! Ethina, ang gwapo si Sir Sungit pag naka-smile!" Kinikilig na sabi niya, tinitigan ko naman siya na parang naguusig, aba ako lang dapat kiligin sa asawa ko. "Sorry naman! Ikaw na may lovelife!" Maktol ni Jenina tsaka binalik ang phone ko.
Natawa naman ako sa inasal ni Jenina. "Pero alam mo Jen, ang cute kaya kanina, nahuli ko kasi siyang nagseselfie sa phone ko." Natawa naman kami pareho. "Caugth in the act si Lucifer!" Malakas kaming tumawa at nag-appear.
"Pero in fairness, that means, he really loves you." Pang-aasar ni Jenina. "Ayiiiee, punyeta ka ang harot mo." Sabi niya sabay sabunot ng mahina sa akin. "Pero teka, nasabi mo na ba ang tungkol diyan sa Sanjun Jr. na dinadala mo?" Nabigla naman ako at biglang naglaho sa mukha ko ang pagtawa.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com