Chapter 70: Filled with an Empty Space
Santos' Point of View
Pumasok na ako sa bahay ng Rouge Residence matapos akong pagbuksan ng gate ng nagngangalang si Rachelle. Nakita ko na siya noon tuwing kuhaan ng card, nakwento niya nga sa akin na umuuwi-uwi lang siya rito sa Pinas kapagka natapos na 'yung trabaho sa ibang bansa. May dalawa o tatlo siyang day off.
Mahirap kung iisipin pero mukhang umuuwi-uwi siya rito para balansehin 'yung oras niya para sa anak gayun din sa trabaho. Madalang lang ang ganyan dahil hindi ganoon kadali ang mag trabaho sa ibang bansa.
Pumasok na ako sa loob nung bahay, mukhang siya lang din mag-isa rito ngayon. Ang liwanag at maaliwalas kung tingnan ang loob, perong ito talaga 'yung masasabi mong tahanan.
Pinaupo ako ni Mrs. Rouge sa pahabang sofa saka niya ako pinagkuha ng juice. "Ah, Ma'am. Huwag na po. Hindi naman po ako magtatagal."
Tiningnan niya ako sandali bago siya lumingon sa labas ng bintana kung saan nakatayo sa labas ng gate ang guwardiya ko. Ibinalik niya rin sa akin ang tingin pagkatapos at ngumiti. "It's been rough lately, ano?"
Humagikhik ako. "Hindi naman, okay lang kasi baka mamaya may sumaksak na lang po bigla sa likod ko."
Labas sa ilong lang siyang nanatiling ngumiti bago siya umupo sa single sofa na nasa harapan ko kaya pilit akong napangiti. Hindi talaga niya ako ipagkukuha ng juice.
Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga kandungan niya at tiningnan ako sa mata. Sa hindi malamang dahilan, parang biglang lumamig ang paligid. Kinilabutan din ako dahil sa pag-iba nung aura niya. Ito ba 'yong sinasabi nila na intimidating?
Medyo nakita ko bigla si Haley kay Mrs. Rouge. Talagang mag-ina, no doubt.
Wala akong ideya kung mamamangha ako sa sarili ko dahil hindi ko naman din ugali na magkaroon ng pakielam sa paligid ko. Pero siguro natauhan ako matapos niya akong pabagsakin sa lupa, literal.
Humph. Paano ko makakalimutan 'yon? Siya lang sa lahat ng estudyante ang gumawa ng ganoon sa akin kahit na guro niya ako. Pambihira.
Parang pagkatapos mangyari 'yon, medyo nagising ako.
Maybe the reason why my life have not change even a single bit is because I'm already full of myself.
And that student of mine-- Haley came and made me realize that. I realized how empty my space to fill something in there.
"Tungkol ba ito sa nangyari sa anak ko?" Tukoy niya kay Haley kaya ako naman na nakatulala na pala ay napakurap at bumalik na nga sa wisyo.
Umayos na ako nang upo bago ko seryosong tingnan si Mrs. Rouge. "Ah, hindi naman po. Pero gusto ko lang pong itanong dahil nabanggit niya lang sa akin nung nakaraan." Pagsisinungaling ko.
"Pero nagkaroon ba ng kambal si Haley?" Tanong ko dahilan para kumunot nang kaunti ang noo niya.
Hindi siya sumagot, ilang segundo rin yata 'yon.
"Mayroon." Sagot niya at lumingon sa likod kung saan nakapatong at nakapaskil ang mga litrato.
Mga family pictures. Nandoon din 'yong mga larawan ng mga estudyante kong magkakaibigan.
Pero tumuon sa atensiyon ko ang isang photo frame. Napaawang-bibig nang makita nga 'yung dalawang mag kambal. Pareho sila ng ngiti, damit, length ng buhok. Pareho rin ang paraan ng pagpikit nila ng mata kapag ngingiti kaya wala akong ideya kung sino diyan si Haley.
"But she's not here anymore." Dagdag ni Mrs. Rouge dahilan para mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya. Wala na siya rito? Isa lang ang ibig niyang sabihin, 'di ba?
"You mean…"
Tumango siya. "Illness sent her to heaven."
Namuo ang takot, pangangamba't pagkalito sa mukha ko.
Pumasok sa isip ko 'yung tingin ng kambal ni Haley bago ako mawalan ng malay. May asul siyang mata, pero malamig at walang bahay kung tingnan.
Kung titingnan ang litrato ng magkambal sa likod ni Mrs. Rouge. Hindi mo iisipin na parehong tao sila nung nakita ko nung nakaraan.
Hindi ba ako nagmamalik mata? Dalawang magkambal ang nakita ko nung araw na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Sa totoo lang, kaya ako umuuwi uwi rito kahit medyo hirap ako sa schedule ko kasi gusto kong makabawi kahit papaano sa anak ko habang nagta-trabaho ako." Panimula ni Mrs. Rouge sa kwento niya.
Ang kaninang nakatungo kong ulo ay tumingala para makita siya. Nakangiti pa rin siya't hindi iyon inaalis. Bumubuka sara ang bibig ko, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko dahil sini-sink in pa ng utak ko 'yung mga nangyayari.
Pero nagpasya na akong magtanong. "Bakit hindi ka na lang mag stay rito?" Para na rin mabantayan niya 'yung anak niya. "Tapos iyong asawa mo na lang ang mag trabaho?" Suhestiyon ko.
"Nasabi na rin 'yan ng Joseph, 'yung asawa ko. Pero," Her eyebrows furrowed, not removing the smile on her lips. "But if I do that, parang hindi ko rin nagagampanan 'yung pagiging tatay ng anak ko. Parang may kulang." Nakapamilog ang paraan ng mga mata kong nakatingin sa kanya. Wala akong maintindihan.
"Sabihin nating pride?" Patanong niyang wika at humawak sa mga pisngi niya.
Labas sa ilong akong ngumiti. "But don't work too much," Ibinaba ko ang tingin sa tumutumbok niyang tiyan. "Makakasama po 'yan sa anak n'yo."
Humagikhik siya. "Salamat." Tumingala siya't tumingin sa kanang bahagi. "Pero bakit nabanggit ni Haley 'yung kambal niya?" Tanong niya kaya pasimple akong napakuyom. Tama bang manahimik ako tungkol sa kambal ni Haley?
"Ah, Mrs. Rouge." Tawag ko sa kanya kaya ibinaba niya ang tingin sa akin.
"Ah, hindi pa talaga ako kasal."
Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya humingi kaagad ako ng pasensiya. "S-Sorry, Ma'am."
"Ano ka ba, wala 'yon." Pag gestured niya at ibinaba na ang kamay. "Siya nga pala, nung wala ka pala. Nabalitaan kong may pumalit na muna sa'yo, ah?"
Tumaas ang balahibo ko't mabilis na pumintig ang puso. Tandang tanda ko pa 'yung mga mukha nung mga taong kumuha sa akin. Alam ko pa kung ano ang mga itsura nila.
"Pero temporary adviser lang daw siya, ang sabi pa nga niya--" Napatayo ako, nabangga pa ng mga tuhod ko ang mga paahan nung glass table kaya gumewang ito at kamuntik-muntikan pang bumagsak.
"Pumunta po siya rito?!" Nagulat si Miss Rachelle sa biglaang pagtaas ko ng boses.
"O-Oo." Nauutal niyang sagot dahilan para mas makaramdam ako ng takot. "Nasaan po si Haley?!" Pag-abante ko ng kanan kong paa.
Napaatras siya. "A-Ang sabi ng asawa ko, na sa Nwonknu Resto raw si Haley. Makikipagkita sandali sa sub adviser niya." Na sa panganib 'yung estudyante ko!
Gusto kong magalit sa kanya. Pero inaalala ko 'yung bata sa tiyan niya.
Paano niya nagagawang pagkatiwalaan 'yung ibang tao?! Paano kung may mangyaring hindi maganda sa anak niya?!
Higpit ko na lamang ikinuyom ang mga kamao ko at wala ng iniwan na salita, mabilis akong tumakbo palabas sa bahay ng Rouge at pinuntahan ang guwardiya kong pulis. "SIR! TUMAWAG KA NG PULIS! KASAMA NG ESTUDYANTE KO 'YUNG SUSPECT!"
Na-alarma siya't salubong ang kilay na humarap sa akin. "Ano? Sigurado ka na ba diyan?"
"Hindi 'to 'yung panahon para hindi ka maniwala!" Sa galit ko, hindi ko na naiwasan na kunin ang kwelyo niya at inilapit siya sa akin. "Kapag may nangyari sa estudyante ko, sisiguraduhin kong panangutan mo!"
Nainis siya sa ginawa ko pero inalis lang niya ng mga kamay ko na nakahawak nang mahigpit sa kwelyo niya bago kunin ang walkie talkie niya para ipaalam ang sitwasyon.
***
HINDI NA ako isinama ng mga pulis sa area kung nasaan ngayon ang estudyante kong si Haley pero hindi ako pumayag na manatili. Kumuha ako ng taxi at pumunta sa SAED para puntahan ang Nwonknu Resto na iyon. Subalit, nagkaroon ng traffic sa kalagitnaan ng biyahe. Pero kumpara sa usual na pamumuhay sa kalsada, parang nagkakaroon ng gulo sa may harapan dahilan para mamuo ang traffic.
Puro busina na ang nariringi sa paligid. Samantalang hindi ako mapakali na nakaupo sa likod habang naglililingon. Binuksan naman nung driver ang window shield niya noong may dumaan na lalaki-- nagbebenta siya ng mga candy at sigarilyo.
"Oy, ano mayro'n? Ba't parang nagkakagulo sa harapan?" Tanong nung driver.
"Boss, may patayan daw sa may hotel na malapit lang dito." Pagkarinig ko pa lang no'n, pumasok sa utak ko 'yung Nwonknu.
Ibinigay ko na kaagad sa driver 'yung bayad na nadukot ko lang sa bulsa at lumabas sa sasakyan para tumakbo papunta roon. Medyo malayo layo pa iyon pero itatakbo ko na lang.
***
HINGAL NA HINGAL akong nakarating. Nandito na ang mga pulis at nakapalibot sa harapan nung Nwonknu Resto Hotel. Ito ang naging dahilan ng matinding traffic.
Nakarinig kami ng iilang pagsabog sa itaas kaya napatingala ako. Nag-aalala na nakatingin sa gusali nang may makita akong familiar na lalaki sa peripheral eye view ko. Laking gulat noong makita ko ang lalaking halos dalhin ako sa kamatayan.
Sa eskenita siya dumaan at mukhang nagmamadali, medyo marumi ang puting polo niya at may iilan siyang pasa sa mukha. May tinitingnan din siya sa hawak niya kaya na-alarma ako.
Kaya pati ang dapat kong pagsabi sa mga pulis, nawala sa utak ko. Sinundan ko na lang ang lalaking iyon dahil baka may malaman ako at makita ko si Haley.
Alam ko nilalagay ko na 'yung sarili ko sa kapahamakan. Alam na alam ko, at nagtataka pa rin ako hanggang ngayon bakit nandito ako.
Nagtago ako sa malaking pader na hindi ako makikita saka ko sinilip ang lalaking 'yon. Tinanggal niya 'yung marumi niyang polo at tinapon na lang sa tabi saka siya nagsuot ng panibagong itim na polo na nakasabit kanina sa may bandang pulso niya.
Naglakad siyang muli, hangga't maaari tahimik lang din akong nakasunod sa kanya.
Lumabas siya ng eskenita, pero bago magpatuloy sa paglalakad ay naglililingon na muna siya. Kumanan siya ng lakad kaya naghintay na muna ako ng mga ilang segundo bago ako sumunod.
Nakalabas na rin ako at nandoon siya sa tapat ng isa pang resto hotel.
"Ngh." Ano'ng gagawin niya rito?
***
GUMAMIT SIYA ng elevator paakyat sa pinakaunang palapag ng gusaling ito.
Hindi ako pumasok sa elevator na pinasukan niya, doon ako sa kabila dahil dalawa ang elevator sa floor na ito. Pinindot ko ang first floor saka ako naghintay ng ilang sandali, 'tapos bumukas na ang stainless door kaya pumasok ako sa loob para makaakyat.
Sana nga lang talaga alam ko kung saan talaga siya papunta.
Nakarating na ako sa unang palapag. Nung magbukas ang pinto, dahan-dahan akong lumabas at pasimpleng tumingin sa paligid. Laking inis ko na nawala siya sa paningin ko.
Pero alangan namang sabayan ko siya? Sh*t.
Naglakad ako dahila baka mahanap ko siya sa kung saan dito. Lumilingon lingon ako't tumingin sa likod, kaliwa't kanan.
Subalit hindi ko na siya nakita kaya inis akong napasuntok sa pader na katabi ko lang. Yumuko ako habang inis na inis sa sarili. "Saan siya pwedeng magpunta?" Bulong sa sarili at pumikit nang mariin.
Sumandal ako sa pader, nanatiling nakatungo nang makita ang signage ng exit door. Tiningnan ko ang kaliwa kung saan nakaturo 'yung arrow nung signage, ilang minuto akong nakatingin sa tahimik na daan nang may pumasok sa isi pko. Baka kaya umakyat at dumiretsyo rito dahil sa rooftop talaga ang pakay niya?
Nagmadali akong pumunta sa balcony na nasa kanan ko. Humawak ako sa mga railings at tumingala para makita kung may rooftop. At hindi nga ako nagkakamali. Kaya tumakbo ako kung nasaan ang exit door para makaakyat sa rooftop.
Halos matalisod ako habang papaakyat, nakakaramdam na rin ako ng kaba at takot.
Kung ganito ang pakiramdam ko, maaaring tama ang hinala ko.
Na sa tapat na ako ng pinto palabas ng rooftop. Hindi na ako nag-atubili at patulak kong binuksan ang pintong iyon.
Tumambad kaagad sa akin ang nakaangat sa ereng si Haley habang hawak siya sa manggas ng damit nung lalaking iyon at may hawak na kutsilyo sa kanang kamay.
Handa na niyang isaksak 'yon sa estudyante ko pero ang sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan…
*****