Chapter 55: The Fear of Taking Risks
Harvey's Point of View
Narating na namin 'yung loob ng gusali. Hindi mahagip ng mga mata ko si Haley maliban na lang sa tatlong lalaki na naroon sa gitna't mukhang may malalim na pinag-uusapan. Saka nga lang nila kami napansin noong papalapit kami.
Kaagad-agad silang tumayo at mabilis na naglabas ng kutsilyo. "Sino kay--" Hindi naipagpatuloy ng isa sa kanila ang pagsasalita dahil mabilis akong nakarating sa likod nila't binigyan ng malakas na hampas ang batok nila dahilan para matumba kaagad ang mga ito. Maliban sa isa na mabilis nakailag at inatake pa ako ng mga kutsilyo niya. Mabuti na lansg din at nahawakan ni Reed at Jasper 'yung pulso niya.
Nabitawan din niya 'yung hawak-hawak niyang patalim.
Pinatunog ko 'yung mga daliri ko bago buhatin ang isang lalaki na nakadapa, hawak ko 'yung manggas ng damit niya at mukhang nasasakal sa ginawa ko. "Nasa'n si Haley?" Cool lang na tanong ko.
"Hindi… ko alam." Nasasakal na sagot ng lalaking hawak-hawak ko kaya ang ginawa ko ay pinatalon ko ang kutsilyo sa pamamagitan ng pagpapatalbog nito sa paa ko't mabilis iyon sinalo. Iyon 'yung patalim na hawak-hawak ng lalaking ito kanina.
Idinikit ko ang patalim sa kanyang leeg. "Kung hindi ka magsasalita, tutuluyan kita." Banta ko pero binigyan lang niya ako ng ngisi.
"Tutuluyan? Nakakatawa. Bata ka lang, hindi mo rin magagawa 'ya-- Eek!" Ibinaon ko nang kaunti ang patalim sa balat niya kung sa'n may tumutulo ng dugo roon.
Namutla na ang mukha niya't nagsisimula ng mapagpawisan, tinaliman ko na ng tingin ang lalaking ito. "Kung hindi mo alam, parte ako ng organisasyon n'yo noon. Kaya kung hindi mo magagawang magsalita, wala siguro akong magagawa kundi ang tuluyan ka rito, 'di ba?" Pananakot ko pa sa kanya, hindi siya makukumbinsi kung wala akong gagawin.
"Hindi ko sasabihin…" Taas-noo niyang pagmamatigas kaya nagsalubong na ang kilay ko.
"Hindi namin alam kung nasa'n 'yung kaibigan n'yo. Pero dinala siya ni Ray sa kung saan ngayon ngayon lang." Biglang pagsasalita nung isa pang lalaki sa lapag dahilan para mapalingon kami sa kanya.
"Renzo!" Pasitang tawag nung lalaking hawak nila Reed.
Inangat ng Renzo na iyon ang ulo niya habang dahan-dahang umuupo mula sa pagkakadapa niya kanina. "Pwede n'yo pa siyang maabutan sa labas. Bilisan n'yo lang."
Ayon sa ginagawang reaksiyon ng dalawang kasama ni Renzo, mukhang malabo na makapagsinungaling siya. Tinuro niya ang kaliwang bahagi nung lugar. "Diyan siya dumaan, dumiretsyo lang kayo at pwede n'yong makita si Ra--"
"T*ngina mo, Renzo! Mamamatay tayo sa ginagawa mo!" Galit na galit na sigaw ng lalaking hawak ko.
Hindi ko lang siya pinagtuunan ng pansin at binitawan na nga lang siya para sundan si Reed na biglang tumakbo paalis. Dumaan kami sa tinuturo ng Renzo na iyon.
Ang sabi naman niya ay dumiretsyo lang kami lang kaya iyon ang ginawa namin. At totoo nga, nakalabas na kami at naabutan pang bukas 'yung pinto. Bumungad din sa amin 'yung tirik na tirik na araw.
"Ito 'yung dinaanan natin kanina." Saad ni Jasper pagkalabas namin.
"Nasa'n sila Mirriam?!" Mabilis akong lumingon pagkasigaw pa lang ni Reed. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang sasakyan kung sa'n nag park kanina si Jasper.
Patakbo kaming lumapit doon, only to see nothing. "Lumipas na ba ang isang oras?" Nag-aalalang tanong ni Jasper.
'Di kaagad ako nakaimik. Walang lumalabas sa bibig ko pero punong puno na ng pag-aalala 'yung puso ko. Wala pa nga yata sa kalahating oras bago kami umalis dito, eh.
Kaya imposible naman yatang umalis kaagad sila rito?
Kinuha ni Jasper 'yung cellphone niya, mukhang tinatawagan niya sila Kei. "Hindi ko sila ma-contact." Magkasalubong ang kilay na sabi ni Jasper.
Luminga-linga ako dahil baka nag park lang sila sa kung saan pero huminto 'yung mata ko sa isang gamit. Pamilyar iyon kaya tumakbo ako sa harapan ng malaking gulong. Nakapatong doon 'yung laptop ni Reed, nakatupi lang ito nang kaunti pero nang buksan ko ay bumungad sa akin ang tracking system. Laking gulat dahil may dumagdag na dalawa pang pulang bilog at kasalukuyan itong mga gumagalaw sa system.
Base rin dito, sinusundan nung dalawa pang may hawak sa device 'yung tracking device ni Haley. Nandito kasi ako sa profile and tracking chart ni Haley kaya alam kong sa kanya ito.
…pero kanino iyong dalawa?
Namilog pa ang mata ko nang may mapagtanto ako. "Oy, ano'ng ginagawa ng laptop ko riya--" Pinutol ko 'yung sasabihin ni Reed.
Humarap ako sa kanya. "Reed! Bumalik ka sa loob! Kailangan natin ng sasakyan na magagamit! Humiram ka sa isa sa mga lalaking 'yon!" Natataranta kong utos. Hindi na siya nakapagsalita, ginawa niya kaagad 'yung sinasabi ko pero napahinto rin siya dahil lumabas iyong Renzo kanina. Humarap siya sa amin pagkalabas pa lang niya sa nilabasan namin kanina at pahagis na ibinigay ang susi sa akin noong makalapit sa aming tatlo. "Walang sasakyan, pero kaya n'yo naman sigurong mag drive ng motorsiklo, hindi ba?" Tanong niya.
Sandali pa kaming hindi nakapagsalita nang tanguan namin siya.
Hinagis ko kay Jasper 'yung susi. "Ikaw ang mag drive." Wika ko at nilapitan si Reed, inabot ko sa kanya ang laptop niya. "Maghihintay ako rito, gagawa na lang ako ng paraan para makasunod." Saad ko at tumungo kaunti nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ikaw na ang bahala." Pagtitiwala ko kay Reed dahilan para mapaawang-bibig siya. Napalitan din iyon ng seryosong tingin at tumango bilang pagsagot.
"Makakaasa ka." Tugon niya.
Nakaangkas na si Jasper at napaandar na rin 'yung motorsiklo. "Bilisan mo, Reed! Baka makalayo pa sila!" Pagmamadali ni Jasper kaya umalis na nga sa harapan ko si Reed para umangkas sa likuran dala-dala ang laptop.
Wala na silang sinabi at mabilis na pinaharurot 'yung motorsiklo.
Naiwan kami ni Renzo rito habang sinusundan sila ng tingin hanggang sa mawala na ang imahe nila sa paningin ko.
Inilipat ko na ang tingin ko kay Renzo na nabaling pa rin ang tingin sa harapan. Huminga siya nang malalim at tumingala. "Hanggang dito na lang siguro." Sambit niya kahit hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy.
Mirriam's Point of View
Nakasunod pa rin kami sa sasakyan kung nasa'n si Haley, ewan ko kung napansin na ni Ray na may sumusunod sa kanya dahil kung ano ang bilis ng takbo niya kanina ay gano'n din ngayon. Hindi gaano kabilisan, hindi rin gano'n kabagalan.
"Walang signal 'yung network ko rito. Hindi ko matatawagan sila Reed." Pag-alis ni Kei ng cellphone sa tabi ng tainga niya.
Inilipat ko ulit 'yung tingin sa harapan. Nakaupo kasi si Kei sa likuran dahil delikado kung hahayaan ko siyang umupo sa passenger seat. "Wala akong charge." Sagot ko naman at huminga nang malalim. "No choice, tayo talaga ang dapat gumawa nito--" Napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang binilisan ni Ray 'yung pagpapatakbo ng sasakyan niya.
Umismid ako. "Mukhang napansin na niya tayo." Wika ko at dikit-kilay na nag seat belt. "Kei. Humanda ka na." signal ko. Naka seatbelt na rin naman siya sa likod at mukhang handa na rin kaya napahawak na siya sa kapitan.
"Handa na rin ako." Tugon niya.
Inilipat ko ang kambyo sa pinakahuling number nito at inapakan na nga ang gas kasabay ang pag-alis ko ng paa ko sa clutch. Handa ng makipagbanggaan sa kanya.
Ray's Point of View
Nakabaling lang ang tingin ko sa harapan at tahimik lang na nagda-drive. Malalim ang iniisip ko dahil nag-aalala rin ako kay mama kaya hangga't maaari ay hindi gano'n kabilis 'yung takbo ko.
Kilala ko naman si D-Ger kahit papaano, kapag sinabi niya. Sinabi niya, hindi niya ako bibiguin na makipagkita sa ina ko kaya wala rin dapat akong ipag-aalala. Makikita ko pa si mama, alam ko.
Huminga ako nang malalim na mabigat ko ring ibinuga 'tapos ay sinilip si Haley Miles Rouge na natutulog pa rin.
Pumaharap ulit ako ng tingin nang may mapansin ako sa rear mirror. Inayos ko iyon para makita 'yung na sa likuran ko at nang matingnan ko nang mabuti. Naalala ko 'yung sasakyan na naka-park kanina.
Ibinalik ko 'yung hawak ko sa manibela 'tapos iling na binilisan 'yung takbo.
Kei's Point of View
Mabilis na pinaharurot ni Mirriam 'yung sasakyan upang mahabol si Ray.
Ramdam na ramdam ko 'yung sobrang takot na halos atakihin ako sa puso, gayun din 'yung kaluluwa ko na halos maiwan na sa likuran sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Mirriam.
Gusto kong mangiyak dahil pakiramdam ko ito na 'yung kahuli-hulihang maimumulat ko 'yung mga mata ko sa araw na 'to. But at the same time, I don't wanna think that I'm going to die here. I still want to live, together with my sister.
Kaya 'di ako makakapayag!
Napapikit ako nang mariin. Kayo na po ang bahala sa 'min, God.
Pakikipag-usap ko sandali sa kanya saka ako lumipat sa passenger seat matapos kong alisin ang seat belt ko. Napatingin sa 'kin si Mirriam. "Kei! Doon ka lang sa likod!" Udyok niya sa akin. Kinuha ko 'yung mga matitigas na bagay sa compartment dito sa harap at binuksan 'yung bintana.
"Magpatakbo ka lang, babatuhin ko 'yung bintana ni Haley nang magising siya't magkaro'n ng pagkakataong mapatumba si Ray. 'Di naman siya nakagapos." Instruksiyon ko. Alam ni Haley na depensahan 'yung sarili niya, kung magigising siya. Mas malaki ang chance namin na matapos na itong mga 'to.
Tiningnan ko ang mga hawak ko.
Pwede na siguro 'tong mga bote ng pabango ni Harvey. Mabuti na lang pala't hindi gawa sa plastic at hindi pa niya ito natatapon.
"Paano kung hindi magising si Haley?" Tanong ni Mirriam sa akin, base rin sa tono ng boses niya. Hindi rin siya sigurado.
Tumingin ako sa labas ng bintana kung sa'n papalapit na rin kami sa sasakyan ni Ray. "Banggain mo na 'tong kotse sa sasakyan nila." Litanya ko at inilipat 'yung tingin sa hindi kalayuan kung nasa'n 'yung bangin. 'Yung bangin na pwedeng makapagdala sa 'min sa kamatayan.
Binilisan na nga ni Mirriam 'yung takbo ng sasakyan kaya ngayon ay napantayan na rin niya si Ray. Ngunit laking gulat namin nang si Ray na 'yung nangunang banggain kami.
Napatili ako't muntik ng mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at humawak ako sa pwedeng mapagkapitan.
Si Mirriam naman, nagawa pa rin niyang balansehen ang sasakyan at patakbuhin ito nang maayos, pagkatapos ay siya naman 'yung bumangga sa sasakyan ni Ray kung saan hindi niya nagawang ma-control 'yung pag drive niya sa pwersang pagbangga namin sa kanya.
Naka-steady na siya sa gitna ng kalsada. It's a good thing na walang sasakyan na dumadaan sa area na ito.
Binato ko na 'yung bote ng perfume sa bintana ni Haley. Pero dahil sa biglang pagliko ni Mirriam, hindi ko nagawa't nabitawan ko 'yung bote at naiwang pagulong-gulong sa kalsada.
Muli nanamang nagbanggaan ang sasakyan namin kay Ray kaya mas napakapit ako. Si Mirriam, halos mahirapan sa paghahawak ng manibela. Tinutulak niya 'yung sasakyan ni Ray pakanan gano'n din si Ray sa amin pakaliwa.
I hissed.
Habang magkadikit 'yung sasakyan namin, kinuha ko na 'yung pagkakataon para basagin ang bintana ni Haley sa pamamagitan ng pagsiko ko rito.
Hindi siya naging gano'n kadali at talagang nasaktan ako sa ginawa ko't pakiramdam ko ay hindi ko pa magagamit 'yung kanan kong kamay ng ilang araw. Mabilis na namanhid ang buong kanan kong kamay, halos mangiyak din ako pero hindi iyon ang naging dahilan para tumigil ako.
Kumuha ako nang sapat na hangin bago malakas na isinigaw ang pangalan ni Haley na wala pa ring malay. "HALEEEEY!!!" Malakas na pagtawag ko sa pangalan ng kapatid ko kasabay ang pagkuha ko ng bottled water sa gilid para ibuhos iyon kahit papaano sa katawan niya, ngunit laking tuwa ko dahil nagawa kong maibuhos sa mismo n'yang mukha.
Nakita ko ang pagdikit ng kilay niya senyales na nagigising na siya mula sa pagkakatulog kaya lumapad ang ngiti ko. "Hal--" Naglayo ang sasakyan namin at gumawa ng napakalaking distansiya.
"Mukhang na-flat-an tayo." Saad ni Mirriam pagkatapos niyang basain 'yung labi niya ng kanyang dila. Sa sobrang kabado niya, nanunuyo na ang kanyang bibig.
Napatingin ako sa bangin na malapit-lapit na rin naming madaanan.
Inilipat ko ang tingin sa sasakyan ni Ray nang maramdaman kong babanggain nanaman niya kami.
Napakagat-labi na ako. Kapag bumangga pa iyon sa 'min, pwede na talaga kaming matuluyan at mawalan ng control sa pag drive.
"Mirriam! Huminto ka!" Malakas kong udyok pero hindi na niya nagawa. Mababangga na talaga kami ng sasakyan pero bumuka ang bibig ko dahil nakita ko ang pananakal ni Haley mula sa pwesto niya kaya imbes na bumunggo sa amin 'yung sasakyan ay nag-iba ang direksiyon nito.
Inihinto na ni Mirriam 'yung pagpapaandar sa sasakyan saka kami lumabas gawa na rin ng usok at init sa loob.
Dahan-dahang huminto ang kotseng sinasakyan nila Haley, gusto kong pumunta kung nasa'n sila pero dahil sa nanghihina ako't nakalanghap ako nang kaunting usok mula sa sasakyan. Nahihirapan akong huminga.
"Kei!" Pagluhod ni Mirriam nang mapaupo ako sa mainit na kalsada. Hindi ko nagawang magsalita at hinihingal na lamang.
Hawak ko ang aking dibdib habang nakapikit ang isa kong mata. "D-Don't worry, I'm… fine." Nahihirapan kong sagot at napatingin kay Haley na biglang lumabas at patalon na umatras.
Lumabas din si Ray hawak ang kanyang patalim. Nag-iba na rin ang itsura ng mga mata niya, lukot na lukot din ang mukha niya't parang iba sa Ray na nakita ko kanina.
"Hindi ka marunong sumunod sa akin, t*ngina mong babae ka! Bakit ba kailangan n'yo pa akong pahirapan?!" Ray exclaimed and was about to stabbed my sister when she leaped up into the air as she raised her arms above her head and bring both elbows downward onto his head.
Nakagawa iyon ng kakaibang tunog at nag echo pa iyon. Bumagsak sa mainit na simento si Ray at malakas na napasigaw sa sakit. Mukhang hindi na siya makakagalaw masyado dahil sa natanggap niyang damaged mula sa ginawa ni Haley.
"T*ngina mo…" Nanghihina na mura ni Ray. I feel sorry for him.
Nakatayo lang doon si Haley at wala ng ibang ginawa, ngunit lumipas ang ilang minuto nang humarap siya sa amin na may ngiti sa labi niya. Tila parang sinasabi niya na tapos na.
Napangiti rin kami ni Mirriam kasabay ang pagtayo ko. Maglalakad sana ako palapit sa kapatid ko subalit nanigas ako sa biglaang pagtayo ni Ray. Ang haggard niya, pawis na pawis ang kanyang mukha't parang asong handang handa ng mangagat.
Matulin na tumakbo si Mirriam kung nasa'n si Haley. Pinaplano niyang saluhin 'yung kutsilyong matatanggap ng kapatid ko. Animo'y bumagal ang paligid.
Humakbang ako para subukang abutin silang pareho. I want to protect the both of them! Please! Sana umabot!
Tumulo na ang luha ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa segundong ito. Ang lakas din ng pagkabog ng puso ko. Ayoko nito.
"MIRRIAM!!"
Pagkasigaw ko sa pangalan ni Mirriam, may lumipad na motor mula sa ere na mukhang nanggagaling sa itaas pang kalsada at bumagsak sa simento. Pa-drift na inihinto ni Jasper 'yung motorsiklo papunta kay Ray pero nagawa niyang maatrasan ito.
Kaagad-agad na umalis si Jasper sa motorsiklo at sumugod kay Ray para bigyan ito nang napakalakas na suntok. Ngunit si Jasper ang napatumba dahil sa pagkuha ni Ray sa pulso niya, binuhat niya si Jasper. Pinadaan sa likod niya't binalibag ito sa simento.
"Ackk!" Sigaw ni Jasper sa sakit dahil sa pagkakatama nung likuran niya sa simento subalit napangisi rin pagkatapos at nagawa pang umismid. Hawak-hawak pa rin ni Ray ang pulso niya at nakakunot-noo sa naging reaksiyon ni Jasper.
Umangat ang tingin ni Ray, hindi na niya napansin 'yung sunod na nangyari kaya bumagsak siya sa simento gawa ng pareho't sabay na pagsapak ni Haley at Reed sa pisngi niya.
Naghintay pa ako sandali, pero sa pagkakataon na ito. Mukhang nahilo na talaga si Ray kaya bumagsak na 'yung ulo niya na kanina'y parang pilit na inaangat para makita kami.
Sa sobrang pagod, pati ako ay bumagsak na rin. "Kei!" Tawag ni Haley na may pag-aalala sa kanyang boses. Naramdaman ko 'yung mainit na paghawak niya sa kamay ko ngayon pa man ding nawawalan na ako ng malay. Naninilim na 'yung paningin ko. "Hey! Wake up! Wake up!" Mahinang pagtapik ni Haley sa pisngi ko para mapanatili akong gising.
Pero hindi ko na kaya, pagod na talaga ako. Parang hinigop ng pag-aalala't takot ko 'yung buong lakas ko kaya hindi ko na magawang makapagsalita pa. Lalo pa't may nararamdaman akong masakit sa kanan kong kamay?
Hahh… Huwag naman sanang magtagal 'yung sakit nito. "Why the hell are you bleeding?!" Rinig kong tanong ni Haley at mas inilapit pa ang kanyang mukha sa akin. "Kei! You idiot! I said, wake up!" Utos niya pero pumikit na nga ako nang tuluyan.
I'm just glad that she's safe. My sister is safe.
All the risk that makes us wonder and ask ourselves if we are aware of what happens in the end is total worth it. We're here because we tried.
It's worth sacrificing our lives to help her-- Haley, my sister.
Tapos na… Mabuti na lang, tapos na…