Chapter 21: Sojourn
Mirriam's Point of View
Tumambay kaming lima maliban kay Jasper sa Trinity House-- Iyong tambayan nga namin na malapit-lapit lang sa Enchanted University. Nagpasya lang kaming pumunta rito dahil matagal-tagal din nung huli kaming tumambay rito.
Si Reed lang talaga ang may pasimuno nung pangalan, dahil sa ilang taon na tinawag silang Trinity4 ay hindi nila naisipang pangalanan ang tambayan. Ngayon lang ulit nang tinawag kaming Trinity6 ng ilan sa estudyante sa campus na nag e-enroll sa finance.
Pumasok kami kanina dahil inutusan ni Tita Jen si Kei na kunin ang ilang folders sa President's office.
Iniisip ko nga lang din na kung may isa pang papasok sa circle namin. Edi, hindi na kami matatawag na Trinity6?
"Meow."
"Ang cutie mo talaga, Chummy." ani Haley na nilalambing ang alaga niyang pusa.
Sinama niya 'yung anak niya sa E.U kaya pinagkaguluhan din siya ng mga kaklase naming cat lovers. Humingi naman ng permission si Haley kaya pinayagan na ipaloob ang alagang si Chummy.
Wala kasing magbabantay sa Smith Mansion dahil mga naka leave raw ang kasambahay ng 1 week at guard gano'n din 'yung mga tao sa mansion nila Jasper.
Nakatuon lang ang tingin ko sa TV dahil nanonood din ako ng balita. Pumasok bigla sa utak ko 'yung sinabi ni Jasper nung nakaraan nang itanong ko bilang Mira kung ano ang tingin niya sa akin.
Nainis ako sa sagot niya.
It's true na kaibigan lang niya ako but how 'bout me?
Napakalumbaba ako ng wala sa oras at napahilamos. Hindi naman dapat ako nagkakaganito ng dahil lang sa walang kwentang lalaki tulad niya. Ilang taon pa lang naman ako, hindi dapat ako maging affected. Siguro ngayon nasasaktan ako pero lilipas din 'to.
Kailangan ko lang talaga ipakita na okay lang ako't wala akong nalaman para hindi magtaka si Jasper sa mga kilos ko.
Pero ibig bang sabihin no'n, mahal ko 'yung tao despite of my age? I mean, why not? May puso rin naman ako. Nasasaktan din kapag nagmahal.
"Mirriam, text mo nga si Jasper na pumunta rito." At ako pa talaga ang inutusan ni Reed? Napaka galing.
Ngumiti ako pero salubong ang aking kilay. "Hindi ba't may load ka? Bakit hindi ikaw ang mag text para naman hindi masayang 'yung pina-load mo?" Malumanay kong tanong.
Napasimangot na inilipat ni Reed ang tingin sa akin na kanina'y na sa laptop nakatuon 'yung pansin. "Ite-text mo lang naman, ayaw mo pang gawi--" Bago pa man niya matapos 'yung sinasabi niya ay kaagad-agad na umupo sa tabi niya si Haley para isubo ang marshmallow sa kanyang bunganga.
"Ang sarap 'no, Reed?" Tanong ni Haley kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian lang niya ako na animo'y parang alam niya 'yung nararamdaman ko ngayon.
Samantalang ibinaling din ni Reed ang tingin kay Haley at nagsalubong ang kilay. "Epyal kya, anyu prublema myo?" Nagsasalita si Reed habang may laman ang bibig kaya nilayasan siya ni Haley at kinuha ang papaalis niyang alagang si Chummy.
Nag crossed legs ako't nag check ng notification sa phone ko dahil sa sunod-sunod nitong pagtunog. Nagulat na nga lang din ako nung makita ko ang pag react ni Jasper sa Facebook Myday ko. Selfie iyon kaya binuksan ko ito at tiningnan ang reacts niya. Puro 'haha' kaya napairap ako sa kawalan at itinago na lamang ang phone ko.
Nakakainsulto. May nakakatawa ba sa myday ko?
Teka, nasa'n nga ba kasi iyon at hindi pa sumaba kina Harvey kanina?
Mabilis akong umiling kasabay ang pagsampal sa sarili kong pisngi.
Ba't ko pa hinahanap? Pagkatapos niya akong i-back stabbed, hahanapin ko pa siya? Humph. Mirriam, ang tanga mo.
Ngunit kamuntik-muntikan naman akong mahulog sa inuupuan kong stool nang malakas na magbukas ang pinto. "Yahooooo!! Nandito na ang pogi! Miss niyo ako!?" Bungad ni Jasper na may malakas na boses.
Napatakip ako sa mukha ko. "P*ta." Nasabi ko na lang sa sarili.
"Dala ko si Sam--" tumahol ang alagang aso ni Jasper na si Sam at dali-daling lumapit sa akin. Tumalon ito papunta sa kandungan ko't pinagdididila ang mukha ko.
Hindi ko pa naman nahahawakan o nabubuhat si Sam pero parang kilalang kilala na niya ako para maging ganito kasabik ang alaga ni Jasper. Kumbaga para akong nami-miss.
"H-hey! Stop it."
Tae, pinaliguan pa ako ng maraming laway. Napakagaling talaga!
Humagikhik si Jasper. "Ba't ba gustong-gusto ka ni Sam?" Tanong niya 'tapos ngumuso noong ibinaling kay Haley. "Sa 'yo naman, tahol nang tahol?"
Ngumiti si Haley. "It's fine. Hindi rin naman ako mahilig sa aso."
Binuhat ko na nga lang si Sam palayo sa akin. "Stop it." Udyok ko pero dahil doon ay bumaba ang kanyang tainga na parang nalungkot siya sa sinabi ko. Eh?
Lumapit sa akin si Jasper 'tapos hinimas-himas ang balahibo sa katawan ni Sam. "Nagtampo tuloy. Kinukwento kaya kita kay Sam."
Nakatingin lang ako kay Jasper nang ibaba ko ang tingin sa alaga niya na as in ang lungkot kung tingnan ako. "Bakit mo 'ko kinukwento?" Mahinang tanong ko na hindi narinig ni Jasper.
"Anong sabi mo? 'Di ko narinig." Pagpapaulit ni Jasper kaya ako naman itong ibinigay si Sam kay Jasper at naglakad papunta sa banyo.
"Magbabanyo ako." Paalam ko dahil ayokong makita niya na napapangiti niya ako.
I'm pissed because of what he said to me-- to Mira but at the same time, it's like he's just wearing a mask kapag na sa harapan na niya ako.
Ano ba talaga 'yung gusto mong sabihin o ipahayag? Bakit hindi ka na lang maging honest kung ayaw mo sa akin?
Para namang nagmumukha akong tanga rito na umaasa sa napakalabong mangyari.
But in the first place, ba't nga ako umaasa?
Delikado pala siguro talagang ma-inlove. Kahit sabihin mong 'di ka umaasa, deep inside ay nandoon pa rin 'yung little hope. You're just denying it because of ego and pride.
And what's worse, ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan kaya ka nasasaktan.
Miles' Point of View
Right now, we're talking about vacation kung saan pa kami pwedeng pumunta. Malapit-lapit na rin kasi ang pasukan kaya ngayon ay sinusulit na namin ang araw habang bakasyon pa. "Wait? Are you guys serious? Hindi naman na safe sa panahon ngayon. Pa'no kung maulit pa 'yung nangyari nung nakaraan." ani Mirriam na tinanguan ko.
"Hindi natin alam kung kailan babalik 'yung dumukot sa 'tin." dugtong ko naman.
Tumango si Harvey. "That's the point. Tayo-tayo lang din 'yung na sa bahay at wala tayong kasama. Kung sakali mang bumalik si Ray at magsama ng fraternal shadow clone niya. Much better dahil hindi niya tayo maaabutan."
Natawa si Reed sa naging saad ni Harvey. "S-sorry. Natawa lang ako sa fraternal shadow clone. Ano ba'ng ibig sabihin no'n?"
Umismid si Mirriam bilang reaksiyon niya sa comment ni Reed. "Tumatawa ka hindi mo naman pala alam."
"Eh, ano ba 'yon?" Takang sabi ni Reed. Taas-noo namang nagpameywang si Mirriam mula sa kanyang inuupuan na stool. "A-ano, 'd-di mo talaga alam? Dapat alamin mo." Hinawakan ni Mirriam ang braso niya habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa paligid. She's lying.
"Fraternal Shadow Clone. If I'm not mistaken, ang ibig sabihin ni Harvey ay 'yung mga kasamahan niya na pare-pareho ang mindset katulad ni Ray na susunod na lang sa anino nung nagrecruit sa kanila. Kung ano ang iuutos ng amo, susundin ng mga tauhan niya. Kumbaga si Naruto, 'di ba? Kapag nagka-kage bunshin, kaunting senyas lang niya alam na ng mga shadow clone niya ang gagawin?"
Tumangu-tango si Harvey sa paliwanag ko. "Yep, parang gano'n na nga."
"Ang corny." kumento ni Mirriam kaya napatingin si Reed sa kanya.
"Akala ko ba alam mo?! Ba't ngayon ka lang nag comment?!" Bulyaw ni Reed.
Labas sa ilong na lamang akong ngumiti pero nawala lang iyon nang mapansin si Jasper na malayo ang tingin. Nakatingin lang din naman siya sa mga alaga namin na nasa tabi at naghaharutan.
"Hoy, Haley! Nakikinig ka ba, ha?!" Asar na tanong ni Reed kaya dikit-kilay ko siyang tiningnan.
"Miles ang pangalan ko." Pagtatama ko.
"Summer naman, bakit hindi na lang din tayo pumunta sa Baguio?" Suhestiyon ni Jasper. "Ang init, eh? Saka hindi naman siguro tayo susundan doon ni Ray kung sakali man." Dagdag pa nito.
"Pwede ring Tagaytay." Masiglang sambit naman ni Kei. Napasandal na lamang ako sa lean seat.
Talaga bang hindi sila natatakot sa pwedeng mangyari sa 'min? Mas gusto ko pang makulong sa kwarto at magbasa sa totoo lang. Masaya na ako ro'n tutal may aircon naman.
Magtitimpla lang ako ng kape then chill. Best summer ever.
"Sa Japan na lang tayo." Biglang saad ni Harvey kaya isa-isa kaming napalingon sa kanya na may kanya-kanyang reaksiyon.
"Uhm...?" ako
"Japan?" Banggit ni Kei.
"Sigurado ka?" Paninigurado ni Mirriam.
"Wehh?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper.
"Wala akong pera." ani Reed.
Naglabas ng anim na ticket si Harvey mula sa bulsa. "Bago pa man kayo mag-usap usap sa susunod nating pupuntahan. Nakahanda na ako. Maliban sa temporary safety natin, para rin ma-relax tayo dahil ilang araw rin tayong na-stress sa nangyari sa 'tin lately." Mahabang litanya ni Harvey at ngumisi. "Sakto, bukas tayo aalis."
"What?!" Pare-pareho naming reaksiyon.
"P-pero baka hindi pumayag si Mama! Sayang 'yung ticket." Wika ni Mirriam kaya binalingan siya ng tingin ni Harvey.
"Nakausap ko na 'yung mama mo. Wala ka ng ibang po-problemahin."
"Nice, dude!" Natatawang sabi ni Jasper at sumuntok pa sa ere. "Whoo! Japan na this!"
Mga naghiyawan silang lahat samantalang napatakip na lang sa bibig. Iba talaga kapag anak mayaman. Pupunta lang ng Japan, bukas kaagad.
***
KINABUKASAN.
Pare-pareho kaming mga sabog na naghihintay sa pag departure namin. Nakaupo lang kami sa bakanteng upuan at mga tulala. Anong oras na rin kasi naming inayos ang mga gamit at siguro dahil sa excited, hindi kami makatulog.
Kung may kumpleto ang tulog dito. Si Kei lang.
Tumingala ako nang may mag-abot ng coke in a can sa akin. "Here, uminum ka na muna. I know you're tired" ani Jin. Oo, kasama siya pero hindi libre ni Harvey ang ticket.
Sinama siya dahil ayun din ang gusto ni Tito Max. Wala namang problema sa mga kasama ko dahil mas okay pa nga raw kung marami kami.
Kahit medyo alanganin ay kinuha ko ang bigay ni Jin. Nginitian ko siya at tinanguan. "Thank you."
"Wow lang kuya, ah? Siya binigyan mo pero ako hindi?" Nakasimangot na sabi ni Mirriam na nasa tabi ko. Ginulo ni Jin ang buhok niya which surprised me. I don't know, pero parang ang ganda kasi sa pakiramdam kapag ginagawa 'yon ng tao. For some reason, nakakagaan ng loob.
"Bilis mong magreklamo, mayro'n ka naman dito, oh?" Sabay kuha ni Jin ng coke-in-a-can sa supot at idinikit pa sa pisngi ng kapatid. "Ito rin, inumin niyo" Inabot ni Jin ang mga dala-dala niyang inumin sa mga kaibigan ko na tinanggap din naman nila Jasper.
Hindi ko magawang maialis ang tingin ko kay Jin. Totoo, hindi ako kumportable sa kanya nung una dahil hindi ko rin naman siya madalas makasama pero kung pagtutuunan mo siya ng pansin?
Nandoon iyon gentleness, eh. Makikita mo rin kung gaano siya kabait at kaalaga.
"Salamat, p're." si Jasper.
Huminto si Jin sa harapan ni Reed na grabe kung makabusangot. May kakaiba rin sa paraan nila ng pagtitig sa isa't isa pero ngumiti na lang din si Jin at inabot kay Reed ang coke-in-a-can.
"Coke." tukoy ni Jin sa hawak niya pero hindi lamang siya pinansin ni Reed at nagpamulsang lumakad paalis sa harapan niya para pumunta sa kung saan.
"Pabebe." sabi ni Harvey at binuksan ang bigay ni Jin.
Tumabi na nga lang sa akin si Jin 'tapos nagbuga ng hininga. Ngunit ngumiti rin nang lingunin ako. "Pasensiya na kung sumama pa 'ko, ha? Mukhang hindi yata okay sa kasama niyo."
Ibinaba ko ang iniinum kong coke-in-a-can at iwinagayway ang isa kong kamay sa harapan ng dibdib. "Pagpasensiyahan mo na rin si Reed. Ganyan talaga madalas 'yan." Paliwanag ko naman.
He hummed. "Gusto mo ba siya?" Tanong niya sa akin kaya napaurong ang ulo ko pero ngumiti rin pagkatapos.
"P-paano mo nasabi? O-oo naman, pero bilang kaibigan lang." Nauutal kong sagot.
Lumapad ang ngiti sa labi niya. "Then, good." Sinabi niya 'yan na parang maganda ang aking sinagot.
"Kuya, stop it. Nakakairita kang tingnan." Walang ganang sabi ni Mirriam kaya bumungisngis si Jin.
"I didn't do anything." sabi ni Jin. "At isa pa," Nakatingin si Jin sa kapatid niya nang ibaling niya sa 'kin. "Mas gusto ko na lang na gumawa ng bagong memorya kung walang alaala sa nakaraan ang babaeng na sa harapan ko ngayon."
Napaawang-bibig ako sa sinabi niya. Natutuwa ako, ang galing.
He didn't force me to bring back my old self. I'm glad. Compare kay Reed, mas okay yata itong si Jin.
"Hay naku. Mauunahan na si Reed." Labas sa ilong na sabi ni Jasper na nasa dulo at katabi si Harvey.
Bumaling na lang ang tingin ko't hindi na lang pinansin ang aking narinig.
***
Pumasok na kaming pito sa loob ng eroplano. Sobrang lamig at marami rami na rin ang nakasakay na pasahero. Kaya kaagad na umupo ang iba kong kasama para hindi maagawan. Tigdadalawa lang ang upuan kaya nagtabi na si Kei at Harvey.
Nilingon ko naman si Reed na ngayon ay nakaupo na, gusto ko sanang tumabi sa kanya pero dahil naisip ko na baka kung anu-ano nanaman ang sasabihin niya ay dumiretsyo na lang ako ng lakad. Lalagpasan ko na nga rin sana ito pero laking gulat ko noong hawakan niya ang aking kamay at hinila ako paupo sa kanyang tabi.
Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya samantalang binigyan lang niya ako ng nakakairitang tingin.
"Wala akong katabi, dito ka." Bossy na pagkakasabi niya at tumingin sa labas ng bintana. Umupo na lamang ako ng maayos at huminga nang malalim. Mayamaya pa noong mapangiti ako.
Iyong puso ko rin, tumitibok ng mabilis.
Yes!
Kei's Point of View
Hindi namin maiwasan ni Harvey ang hindi mapangisi habang pinapanood ang eksena sa mala love Triangle ng kapatid ko. Nakakatuwa silang tingnan pero malulungkot ka rin para roon sa isang lalaki. Para ka lang nanonood ng KDrama na may second lead syndrome.
"Luh? Wala akong katabi?" rinig naman naming daing ni Jasper.
"Dito ka na lang, shounen"
[Shounen = Boy]
Napatingin kaming tatlo sa babaeng hapon. I think half japanese and filipino siya.
Ipinatong ni Harvey ang kanyang ulo sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya habang hindi ko na nakita 'yung nangyari kay Jasper. "Matutulog na 'ko. Huwag kang magalaw." Inaantok nitong sambit at pumikit. Napakagat na lang ako sa labi ko lalo na noong tingnan ko ang labi niya.
Naalala ko 'yung paraan ng paghalik ko sa kanya nung nakaraang araw.
Hindi na kasi nasundan kaya kung iisipin ko 'yon o maalala, napapangiti na lang ako't natatawa mag-isa.
Pero matutulog muna raw si Harvey kaya ikalma ko muna sarili ko. Inhale, exhale.
Kaso joke, hindi ko talaga mapigilang matawa. At mukha namang nainis si Harvey kaya inalis na niya ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko at tinalikuran ako.
"Wha-- Harvey. Joke. Matulog ka na ulit dito." hawak ko ang braso niya habang pinipilit siyang iharap sa akin. Pero hindi na niya ako pinapansin. Geez!