Chapter 27: Right here
Miles' Point of View
A thousand steps led me to this place. The memories I tried to chase
Inside the rascal crystalline vase. The water formed into a face.
It's too dark and empty that I could hear my own voice-- an echo.
It's just simple yet puzzling dream. Memories keeps on popping before my very own eyes that I have no idea where it came from.
Who am I?
"Haley!" there's a voice clearly calling out my name as the water droped on the floor.
I walked a bit to chase its sound. I could still hear 'this' voice echoing through the empty space. I turned around, only to see the carbon copy of myself. Not a shadow but a water. It turned to a human version of me.
"Hanggang kailang ka mananatili sa tinataguan mo, Haley?" Tanong nito na nagpaawang sa 'kin.
"Eh?" Tanging naging reaksiyon ko, naramdaman ko ang presensiya sa likod lalo na noong umismid ito dahilan para lumingon ako sa kanya. I saw my old and past self.
She's sitting on the stool, at the center of emptiness.
Nakayuko lang din siya't walang ganang nakatingin sa ibaba nang tumingala siya't bigyan ako ng nakamamatay na tingin. "Who are you?"
Nawala ang buhay sa aking mata. How am I supposed to know that? Or so I tell myself.
***
11 o'clock in the morning when we arrived at the Philippines. Grabe, ano?
Ilang araw lang kami ro'n pero...
Bitin pa rin naman. Pero sulit! Okay, gets n'yo ang point ko? Bitin pero sulit?
"Hahh! Amoy Pinas!" Sigaw ni Jasper kaya tinakpan ni Reed ang bibig niya.
"Ang ingay mo." Suway ni Reed.
Nagtawag na nga lang kami ng taxi dahil naghihintay naman na talaga sila ng pasahero.
Hindi na kami kumain dahil nakakain na rin naman kami sa loob ng eroplano. Even though hindi pa naman talaga oras ng tanghalian.
Huminto ang isang taxi kaya pinauna na namin ang dalawang mag kapatid dahil ibang direksiyon ang dadaanan ng mga ito.
Bago pa man makapasok sa loob si Jin ay nilingon na muna niya ako. Inilalagay pa naman ng driber 'yung mga gamit nila sa loob. "Can I see you again tomorrow?" Hinging permiso niya sa akin na nagpabilog sa aking mata.
"Uhm... But why?" Ngiti kong tanong. Depungal! Tinatanong mo pa 'yung obvious.
Umiwas ako ng tingin at napahawak sa bibig. Wait, did I just say a violent word?
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "No reason. Just wanna see you." Sagot niya na nagpabuka nang kaunti sa aking labi.
"Tsk! Pumasok ka na nga!" Asar na sambit ni Reed at padabog na binuksan ang pinto sa passenger seat bago pumasok. Doon kami sasakay mamaya.
Bumaling na nga lang ang tingin ni Jin kay Harvey. "Sige, mauna na kami. Salamat, p're."
Tumango naman si Harvey bago pumasok si Jin. Doon siya sa tabi ni Mirriam sa likod.
Nagpaalam na nga kami sa pamamagitan ng pagkaway bago pa man sila umandar.
Ibinaba ko na nga lang 'yung kamay ko na kumakaway sa kanila kanina't nakaramdam nang kaunting pag-init sa pisngi ko.
Tumabi sa akin si Kei. "Nagugustuhan mo na si Jin?" Iyon nanaman ang tanong niya.
Napalingon ako sa kanya. "Sis, hindi!"
Humagikhik lang siya't tinapik ang likod ko. "Huwag ka lang ma-pressure sa ngayon. Mahaba pa naman 'yung oras." Ngiti niyang sabi saka siya pumunta sa taxi para pumasok.
Tumungo ako nang kaunti bago sumunod sa kanya.
***
ILANG MINUTO rin nang marating na namin 'yung street namin.
"Kuya, saan kayo dadaan?" Tanong ni Jasper na nasa dulo. Siksikan kaming apat dito sa likuran.
Katabi ko si Kei samantalang si Harvey naman ang katabi niya.
"Doon po" turo ni Manong driver sa diretsyong daan.
"Pakidala mo na lang ako sa bahay na 'yan." Turo naman ni Jasper sa mansion nila Harvey sa hindi kalayuan. Makikita na kasi 'yun mula rito dahil sila lang din naman ang mayro'ng malaking bahay.
"Makikikain pa kasi ako diyan." Dugtong ni Jasper.
"T*ngina mo. Doon ka na sa bahay n'yo, baka hanapin ka pa ng ate mo."
Napatingin ako kay Harvey. Ate?
Hinampas ni Kei ang bibig ni Harvey kaya napahawak siya sa kanyang labi. Malakas na humalakhak si Jasper.
"Iyan, gag*! Buti nga sa 'yo!" This time, binatukan naman ni Kei si Jasper. "Masakit."
Minsan talaga, nakakatakot din itong si Kei, eh. Nandoon pa rin kasi 'yung ngiti sa labi niya kaya hindi mo malaman kung naiinis siya o ano.
Bumaba na si Jasper noong marating at tumapat kami sa mansiyon nila.
Kinuha na niya ang gamit na nandoon sa compartment. Hindi na siya nagbayad dahil sagot naman 'yun ni Harvey.
Nakabaling lang ang tingin ko nang katukin bigla ni Jasper ang bintana ko. Nang buksan ko ang window shield ay kumaway siya sa 'min.
Tinuro ako ni Jasper habang nakatuon ang tingin kay Reed. "Ligawan mo na, p're ah?" Pang-aasar niya kaya pareho naming tinapunan ng naaasar na tingin si Jasper.
"As if!" Sabay na sabi namin ni Reed kaya napatingin din kami sa isa't isa.
Narinig ko ang pagtawa ni Jasper saka siya nagpaalam. Inilipat ko na nga lang ang tingin sa kung saan para 'di makita ni Reed 'yung ginagawa kong ekspresiyon.
Iniatras lang ni Manong driver ang taxi bago kami makahinto sa Smith Mansion.
Lumabas na ako't mabilis na kinuha ang maleta ko sa compartment. "Mauuna na muna ako sa loob" paalam ko sa kina Kei saka ako nagpa-salamat kay Harvey.
Hila-hila ko ang maleta ko noong muli nanamang umikot ang paningin ko. Napahawak ako ro'n pero naglalakad pa rin ako papasok.
Mabuti na lang pala't nandiyan na ang kasambahay. Siguro dumating na sila Tita Cory.
Nandiyan kaya sila sa loob?
"Thank you, Manang." Sabi ko nang kunin ang aking maleta. Napailing ako't dali-daling pumanik para dumiretsyo sa aking kwarto.
Jasper's Point of View
Nang makapasok ako ng gate ay sinalubong kaagad ako ng magaling kong kapatid na halos taasan ako ng balahibo sa naging itsura. Mayro'n siyang tuwalya sa ulo 'tapos ang puti-puti pa ng mukha!
Niyakap niya ako't hinalikan sa pisngi, kadiri!
"Ano ba! Nakakadiri ka naman! Mahahawa ako sa kapangitan mo niyan." Nandidiri kong wika habang pinupunasan ang pisngi ko ng damit ko. Pero tinawanan lang niya ako at hinila sa loob.
"I missed you so much!" Tuwang tuwang sambit niya at niyakap ako nang mahigpit. Nabitawan ko na 'yung bag na hawak ko.
Hindi na talaga nagbago 'tong ate ko! Tinatrato pa rin niya akong parang bata.
"Ate Yiah. Let go! 'Yung boobs mo tumatama sa akin! Nakakadiri!" Mabilis naman niya akong sinapok, tapos pumunta siya sa mga dala kong pasalubong galing Japan.
At ang galing dahil pinaghahahagis niya 'yung mga damit ko! Luh!
"Hindi ikaw ang maglilinis niyan, ah-- Oh, hi! Sam!" Biglang pagtalon ng alaga ko sa akin at hinalik-halikan ako.
"Hey? Where's my souvenir na maganda just like me? Why is it puro games at chocolates lang 'to?"
Maarte na sambit habang tinitingnan sa kaliwa't kanan ang hawak niyang games at chocolates.
Nakataas din ang mga kilay niya.
Asar ko naman siyang nilingunan. "Try mong hanapin sa butt ko, baka sakaling makita mo pa ro'n?" lumapit ito sa akin at pumunta sa likuran ko bago ako nginisihan. Eh?
Bigla na lang niya akong hinubaran kaya todo ang pagbalik ko sa pantalon na suot ko. Tumatahol naman si Sam na pumunta sa single sofa. "Manyak! Manyak!"
Pumatong siya sa akin. "Where's my pasalubong?"
"The hell! You don't have to--"
Biglang lumabas ang kasambahay namin na isa. "Sir Jasper, nandiyan na po pala ka-- Ay, sorry. Nakakaisturbo po yata ako." At umatras siya para bumalik sa kusina.
Animo'y naging yelo ako dahil sa paninigas. Binasag ko lang iyon matapos ang ilang minuto. "Magkapatid kami, Manang! Huwag mong kakalimutan 'ya--" Higpit na hinawakan ni ate Yiah ang pisngi ko't itinapat ang mukha ko sa kanya. Bumabaon 'yung kuko niya sa gwapo kong pisngi.
"I'll tell Mom and Dad if you didn't bring me what I deserve." Ngiti niyang sabi pero nandoon iyong nagliliyab niyang aura.
"Okay, I get it! Nandoon sa maleta ko mismo! Damn it!"
Mabilis naman siyang umalis sa pagkakapatong sa akin para buksan ang maleta ko't halungkatin ang mga. Binabato nanaman niya 'yung mga damit ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napahawak sa noo.
Haley's Point of View
Inayos ko ang gamit ko sa kwarto matapos maidala ni Manang ang maleta at isang bag na dala ko. Inalis na ni Manang 'yung mga labahan kaya wala na akong ise-seperate. Inilagay ko na lang 'yung mga binili kong souvenir sa tabi.
Tumayo ako at nagbihis ng pajama para naman ma-relax relax 'tong katawan ko. Kailangan ko na din kasing matulog dahil ramdam ko ang sobrang sakit ng mga mata ko dahil sa pagod.
"Meow..." nilingon ko ang alaga kong si Chummy. Dahil sa medyo matagal-tagal ko ring hindi nakita ang baby ko na 'to ay binuhat ko siya't hinalikan sa ulo. "How have you been?" Tanong ko sa kanya na may kaunting ngiti.
Tinitigan na muna niya ako sa mata bago niya ma-recognize kung sino ako ngayon. Humalik siya sa ilong ko.
Naglabas ako ng hangin sa ilong at tumingin sa labas ng bintana. "I'm right here now."