webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Adolescente
Classificações insuficientes
65 Chs

Haley meets Yiah

Chapter 28: Haley meets Yiah 

Miles' Point of View  

Today is the day. Pasukan nanaman.

Ibig sabihin, more homeworks and projects to come. 

Kinuha ko na ang mga importante kong gamit gayun din 'yung bagay na palaging nakatago sa isa kong drawer. Ibinulsa ko iyon sa aking coat saka humarap sa mirror para ayusin ang Ribbon ko na ngayon ay kulay Pula na-- 4th year.

Tiningnan ko ang sarili at hinipan ang bangs na humaharang sa mukha ko. 

"Okay." 

Lumabas na ako ng kwarto ko't bumaba. Dumiretsyo ako sa sala dahil nagtitipon tipon talaga sila ro'n maliban kay Harvey na mukhang naliligo pa. 

Mamaya pa kasi ang pasok namin dahil nag-iba ang schedule namin. Imbes na 7:30 AM ay ginawang 9:00 AM 'till 5:00 PM  

Dito na rin pumunta si Mirriam para magsabay-sabay kami mamaya. Sinundo lang siya ni Reed dahil mukha ngang hindi pa yata sila in good terms ni Jasper. Wala naman silang sinasabing pareho at palagi lang nilang sinasagot na wala namang problema kahit ang totoo ay hindi rin naman sila makatingin sa isa't-isa at tila ilang pa rin. 

Inilipat ko ang tingin kay Kei nang batiin niya ako. Tumabi na muna ako sa kanya na ngayon ay na sa couch saka siya binati pabalik. Medyo napatitig siya sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. "W-What is it?" Taka kong sabi. Inilapit niya 'yung mukha niya sa akin samantalang napaurong naman ang ulo. "Kei." 

Lumapad ang ngiti sa labi niya bago ako amoyin. Luh! 

"Nagbalik 'yung scent mo." Wika niya at itinabingi nang kaunti ang ulo dahilan para bumagsak ang ilan sa mga hibla ng kanyang buhok. "You're blushing." Pang-aasar niya. 

Para akong nato-tomboy sa paraan ng pagtitig niya gayun ding malakas ang pagtibok ng puso ko. 

"Don't tease me like that." Malumanay kong sambit.

Biglang napasigaw si Jasper mula ro'n sa nilalaro niya kaya pare-pareho kaming mga napatingin sa kanya. 

"Cheater, amp*ta!" mura niya ro'n sa nilalaro niya 'tapos napahampas pa sa tuhuran. 

Tiningnan niya si Mirriam at matamis na nginitian ito. "Gusto mong makipaglaro sa 'kin?" Tanong niya na inirapan lamang ni Mirriam.  

"Anyway, how are you feeling pala lately?" Tanong sa akin ni Kei nang makalayo siya sa akin kaya muli kong inilipat ang tingin sa kanya't kibit-balikat siyang nginitian. 

"I'm fine. Why did you ask?" Tanong ko sa kanya na inilingan niya't nginitian lang din ako. 

"No, just asking." Tugon niya. But the truth is, you really want me to say my memories are back, aren't you? 

Inilingon ko lang ang sarili ko sa hindi kalayuan pero napatingin din kay Reed na kanina pa pala yata ako tinititigan. But why? 

Iniharap ko ang mukha ko sa kanya para malaman kung sino ang unang bibigay sa amin. Pero hindi pa nga yata nakakalahating minuto ay mabilis na niyang inilayo ang tingin kaya hindi ko naiwasang mapangisi. 

"Kei, hindi ba't alam mo kung sinu-sino 'yung mga magkakaklase ngayong school year?" Tanong ni Mirriam at tinuro ang sarili. "Saan pala akong section?" Dagdag niya. 

Ipinagdikit lang ni Kei ang mga paa niya't pilit na ngumiti. "Uhm, actually hindi ko alam. Hindi ako hinayaan na makita." 

Inangat ni Jasper ang mga paa niya para ipatong iyon sa glass table pagkatapos niyang maialis ang mga suot na sapatos. Animo'y na sa sarili niyang bahay kung makaasta. 

"Huwag n'yo masyadong alalahanin 'yung mga bagay bagay. Kahit naman hindi tayo mag kakaklase, nagkikita pa rin naman tay--" Natigil siya sa pagsasalita niya noong maramdaman niya ang naninilim na presensiya ni Harvey na ngayon ay na sa kanyang likuran. 

Dahan-dahan naman niya itong nilingunan. 

Nakasuot ng nakamamatay na tingin si Harvey habang nakataas-noo. Tumikhim din si Harvey pagkatapos. "Baka gusto mong alisin 'yang paa mo? Wala ka sa pamamahay mo." Sambit ni Harvey na medyo basa pa rin ang buhok. 

Dahan-dahan kong inilipat ang tingin kay Kei na kulang na lang ay kuminang ang mga mata habang nakatitig sa wet look na si Harvey. Na sa balikat pa niya 'yung coat niya. 

Ngumuso si Jasper. "Hindi ba't sabi nga ni Tita Cory, feel at home? Bakit mo 'ko pinagbabawalan?" 

Pumikit si Harvey para magpigil. "Wala ka talagang kahiya-hiyang ugak ka, ano?" 

Imbes na umayos ng upo si Jasper ay ipinatong niya pa 'yung kanan niyang paa sa kaliwa niyang paa sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa likod ng ulo. Talagang ginawa niya nga 'yung sinabi niya kanina na 'feel at home'. "Saka 'di mo ba alam? Sa The Great Commandments. Ang sabi ro'n, You shall love your neighbor. Pero hindi mo sinusunod." Umiiling-iling na sabi ni Jasper na nagpalabas sa ugat ni Jasper mula sa kanyang sintido. 

Lumayo na nga lang si Mirriam malapit kay Jasper at lumipat ng upuan. 

"But you're just like a little bratty na napaka KJ sa mga bagay-bagay. Saka sino ka ba para sundin ko?" Nakasimangot na sabi ni Jasper na nginitian lang ni Kei. 

"Ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito kaya maganda na rin sigurong rason 'yun para sundin mo 'ko." Pinatunog pa ni Harvey ang kanyang mga daliri ngunit hindi lang nagpatinag si Jasper at nang-asar pa. 

Binelatan niya si Harvey at binalik ang tingin sa kanyang nilalaro. Mobile games lang iyon. "Uupo ako nang maayos kung iiyak ka muna" consequence ni Jasper. Kaya ang nangyari, siya ang naluha dahil sa malakas na pagbatok sa kanya ni Harvey.  

"Hindi ka naman mabiro!" Bulyaw ni Jasper na nangingilid ang luha. 

Napabuntong-hininga na nga lang si Mirriam samantalang napatingin lang ako sa hindi kalayuan at napahawak nanaman sa aking ulo nang biglang kumirot ito. 

Yesterday, I went to a doctor to checked on me. Siya 'yung Doctor ko noon na nagbantay sa akin nung panahon tulog ako after the incident last year between me and Redecio siblings-- Shane at Tiffany.  

Flash Back  

Nakatuon ang tingin ng Doctor sa kanyang record nang ibaling na niya ang tingin sa akin.

"Maliban sa headache, anything else?" Tanong niya sa akin na ikinatungo ko't iniiling. 

"Wala naman na, Doc." Sagot ko 'tapos biglang napatingala nang may maalala ako. "Pero kapag sumasakit 'yung ulo ko at nakakatulog ako. Madalas po akong managinip-- or maybe ayun po iyong alaala ko from the past. I'm not sure." 

Tumango ang Doctor na nasa harapan ko. "I see, then it's possible that your memories are recovering."  

Namilog kaunti ang mata ko. "Recovering?" Ulit ko sa kanyang binanggit. 

"Yes. Memory Recovering, it means na sa healing process na ang brain mo with its electrical impulse dahilan para sumakit ang ulo mo." Sagot niya at ipinatong ang record sa tapat ng lamesa niya. 

"Pero Haley, maliban sa panaginip mo. Mayroon ka naman ng naaalala?" Tanong pa niya sa akin. 

I answered him honestly. "Yes, pero hindi lahat. Iilan lang."  

Patango siyang ngumiti. "I don't know if it's a good idea for you that your memories will regain anytime soon. But whatever the traumatic experienced you remember that is recorded as a memory.  Don't ever give up your life." He's saying those lines with his gentle gaze of his. "If you think your past is a burden to you. Don't hesitate to approach me." 

End of Flash Back  

Traumatic Experiences? 

Tumungo ako't pasimpleng nagbuga ng hininga. If ever my memories are back in an unexpected time. Magiging handa kaya ako? 

Ano pa ba 'yung mga events sa buhay ko na kailangan ko pang alalahanin? 

Hindi ba pwedeng manatili na lang ako sa ganito at hindi na bumalik sa nakaraan? 

***

LUMABAS NA kami ng Smith Mansion. Maaga na kaming aalis kahit mamaya maya pa naman magsisimula 'yung first day of class. Pero iisipin ko pa lang 'yung pwedeng mangyari mamaya, ramdam ko na kaagad ang pagod. 

Sikat kasi sila Reed at 'yung mga tilian at sigawan ng mga kababaihan ang dahilan kung bakit parang nahihigop ang energy sa katawan ko. 

Parang ako 'yung napapagod at napapaos kapag nakikita ko sila. 

"Haley. Sa akin ka na sumabay." Pagpatong ni Jasper ng kanyang kamay sa aking balikat nang makatabi sa akin. 

Napalingon ako sa kanya. "Bakit ayaw mo na lang sumabay kay Harvey para mabilis? Tutal, sasakyan naman ang gamit natin." Tanong ko at napatingin kay Harvey na ipinatong din ang kamay sa kabila kong balikat. 

"Huwag mo ng isama sa 'yo si Haley. Baka kung saan-saan mo pa dalhin, madamay pa kapag na-late ka." Walang ganang sabi ni Harvey pero bigla na lang din akong hinila ni Jasper palapit sa kanya para yakapin. 

"Hindi! Sa akin muna siya sasama! May pag-uusapan kami." Malakas niyang sabi habang unti-unting namumula ang mukha ko.

Sa 'di malamang dahilan ay kusang gumalaw ang katawan ko't binigyan siya ng butterfly kick. 

Napasinghap ang mga kaibigan ko samantalang napanganga naman si Harvey sa nakita. 

Tumalsik si Jasper papunta sa basurahan at nakagawa ng kaunting ingay na pati 'yung stray cat ay tumalon palabas ng Trash Bin. 

Nang makatutong ako sa simento ay saka ko na lang na-realized 'yung ginawa ko. "Eh?" 

*** 

NAKAYUKO AKO ngayon na naghihintay kay Jasper na matapos maligo.

Nagkaroon kasi ng mantsa ang kanyang damit at talagang nangamoy siya pagkalapit niya sa akin. 

Pinauna ko na lang din sila Kei at sinabi ko na nga lang na susunod na lamang ako. 

Marka sa mukha nila na may gusto silang sabihin subalit hindi na lamang nila ipinagpatuloy ay hinayaan na lang ako. 

Nagbuga ako ng hininga at iginala ang tingin sa paligid. 

Nakaupo lang ako sa pahabang sofa rito sa sala nila Jasper, mainit-init na kasi sa labas kaya rito na lang ako nagpasyang hintayin si Jasper. 

Pero wala ba rito si Sam? Nasa'n iyong alaga niya? 

Nakarinig naman ako ng ilang yapak mula sa hindi kalayuan kaya sinundan ko ang tunog na iyon. Nagpakita ang isang magandang babae na mukhang hindi naman lalayo sa edad ko. 

Mayro'n siyang katangkaran na hinihiling ng mga kababaihan. Short curly hair at may maputing balat. 

Sino 'tong foreigner na 'to?! 

Pumukaw ang atensiyon niya sa akin. "Who might you be?" Nakapamilog ang mata na tanong sa akin.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko habang halata sa akin na natataranta ako. "U-uhm! Sorry! 

K-kaibigan po ako ni Jasper." Nauutal kong sagot dahil medyo intimidating 'yung paraan ng pagtingin niya. Bumubuka sara ang aking bibig dahil baka hindi rin pala niya naiintindihan 'yung sinabi ko. "I mean, a friend!" 

Humarap siya sa akin. "You?" Tukoy niya sa akin dahilan para mapalunok ako sa sarili kong laway. 

Hindi ko alam na may inuuwing babae itong si Jasper! Kung alam ko lang na may girlfriend siya, hindi na ako nagbalak pumasok dito!  

Naglakad siya palapit sa akin ng hindi inaalis sa mukha ang pokerface. Medyo nag semi-squat siya para mapantayan ako. Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng lugar. 

Na-insulto yata ako, ah? Minamaliit yata ako ng babaeng na sa harapan ko. 

Hinawakan ng babaeng iyon ang chin niya at sinuri ako. "You're a friend, you say?" Tanong niya kaya bumaling ako sa kanya. 

Pilit akong ngumiti bilang sagot. Pero laking gulat ko nang biglang nag lift up ang mood niya kumpara kanina. Tila parang nagliwanag ang paligid niya na halos masilaw ako sa ganda nung ngiti niya. "Don't tell me you're that girl?" Tukoy niya sa hindi ko malaman kung sino.  

"What?" 

 

Niyakap niya ako bigla. "Ikaw na pala ang magiging biyenan ko!" Sabi niya na may kaunting arte sa tono ng kanyang boses. Nagta-Tagalog naman pala siya, eh! 

Saka anong 'biyenan'?! Baka naman si Mirriam ang tinutukoy niya. 

"I'm sorry, but I'm not." sambit ko. Lumayo siya sa akin ng hindi inaalis ang pagkakahawak sa magkabilaan kong braso. 

"You're not?" Ulit niya sa naging sagot ko. Lumabas naman si Jasper na nagpupunas pa ng basang buhok gamit ang puting tuwalya. 

"Ano mayro'n?" Tanong ni Jasper at napahinto nang makita kami ng babaeng ito. Nagmula siya yata siya sa hagdan. "What's going on, ate?" Tanong niya kaya ako naman itong napatingin sa babaeng na sa harapan ko. Ate?! 

 

Binitawan ako nung tinukoy na 'ate' ni Jasper at binati ako. "Hi, I'm Yiah. Jasper's beautiful sister."  

*** 

PINAANDAR NA ni Jasper ang makina ng motorsiklo niya kasabay ang pagbuntong-hininga ko. 

Bago kasi kami makalabas sa mansion nila ay kung anu-ano pa 'yung tinatanong ng kapatid niya sa akin at naki-chismis pa. Kabog at makwela si ate Yiah pero madali lang kasing mawala ang energy ko kaya hindi ko rin siya nasasabayan sa mga tawanan niya. 

Tiningnan ko ang wrist watch na suot ko. Hindi pa naman kami male-late, may ilang minuto pa kami. 

"Bakit kasi hindi mo kaagad pinakilala sa akin 'yung ate mo? 'Kala ko pa naman babae mo." 

"Grabe! Hindi naman ako pinalaking gano'n!" Bulyaw niya sa akin na ikinapikit ng isa kong mata. Ang lakas ng boses, eh. "Saka kailan pa bumalik 'yung ganyang paraan ng pananalita mo?" Tanong niya sa akin na ngayon ko nga lang din napansin. Napatakip pa ako sa bibig ko. 

Oo nga 'no?  

"Seriously, kanina. Nasipa mo 'ko ng wala sa oras. Ngayon, nandoon iyong kaunting violent way of talking mo. Nagpaparamdam na yata 'yung dating Haley sa 'yo, eh." aniya at umangkas sa motorsiklo niya. Tumungo naman ako dahil doon. 

Nagsuot muna si Jasper ng helmet bago ako lingunin. "Uy, Haley. Tara na, para makita pa akong pogi ng mga estudyante." 

Tinuro ko naman ang helmet na suot niya. "Wala akong isusuot ng helmet?" Tanong ko. 

Bumungisngis siya. "Huwag kang mag-alala. Wala namang huli kaya huwag ka ng mag helmet." 

Halos matumba ako sa sarili kong kinatatayuan. "Alam mo pasaway ka. Pa'no kung ma-aksidente tayo?" tanong ko na may kaunting pag nguso. 

Tumawa lang siya. "Hinding hindi ka mauuwi sa aksidente, basta kasama mo lang ang poging bestfriend mo." 

Medyo nanlaki ang mata ko nang banggitin nanaman niya ang salitang 'bestfriend' 

Ngunit palihim ding napangiti pagkatapos. 

*** 

ANGKAS ANGKAS ako ni Jasper sa motorsiklo niya nang mapahinto kami malapit sa E.U.

Nakita namin ang sasakyan ni Harvey na naka-park lang sa tabi bago pa man kami makaraan sa entrance gate.

Tumigil kami sa likuran ng sasakyan ni Harvey.

"Ba't hindi pa sila nag park sa loob?" Taka kong sabi at napatingin sa isang bread store-- Casa Del Pan. 

"Dito muna tayo. Sigurado ako hindi pa pumapasok 'yun sila Harvey." Sambit ni Jasper at kinindatan ang isang estudyante na binati siya. Tumili naman ito at para kamong hihimatayin kung umarte. 

Bumaba na nga lang ako't luminga-linga. 

Halos atakihin din ako sa puso nang tumunog ang cellular phone ko. Hindi ko pa pala ito nasa-silent. Nako, pag nagkataon na nasa kalagitnaan kami ng discussion mamaya baka mag "See you on Vacation" 'tong phone ko. 

Kinuha ko na sa bulsa 'yon at tinignan ang message.

From: Impakto 

I never changed the name kasi palagi kong nakakalimutan. I also didn't mind naman na ayan ang contact name ni Harvey. 

Tiningala ko ang tingin kay Jasper pagkabasa ko nung text.

"Nasa Casa del Pan daw sila, daan daw tayo ro'n-- uy!" Bigla kasi niya akong inakbayan.

"Nandito 'yung mga fans ko." Aniya saka ko sinilip 'yung mga babae na matulin kung tumakbo papunta rito.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at patakbong naglakad. "S-see you." Paalam ko.

"Haley! Huwag mo akong iwan di--" Hindi niya naipagpatuloy 'yung sasabihin niya dahil nagtipon tipon na ang mga freshmen ng E.U.  

"Kyahhh! Jasper!" Tili ng mga babae na halos maging puso ang mga mata. 

Napakamot na lang sa ulo si Jasper. "Oh, girls! Ang ganda niyo ngayon, ah? Naghanda pa kayo para sa akin" 

Tumawa lang ako nang pilit at dumiretsyo na nga lang sa nabanggit ni Harvey. Sunod na lang din si Jasper. 

Nakarating na ako sa Bread store na iyon pero nakita ko naman na closed ito. "Dito ba talaga?" Tanong sa sarili saka napaatras nang sumilip si Kei mula sa tinted door. Idinikit lang niya ang mukha niya roon kaya nakikita ko siya. Lalo na't nakatapat pa 'yung araw sa pinto. 

Binuksan ni Kei ang pinto saka ako pumasok. 

"Oh, hindi mo yata kasama 'yung gunggong?" Tukoy ni Mirriam kay Jasper. Umupo ako sa bakanteng upuan. 

Ngumiti ako ng pilit. "Na sa labas." Tipid na sagot ko. 

Nagbuga ng hininga si Kei. "I bet, pinagkakaguluhan nanaman siya." 

Umiwas ng tingin si Mirriam. "That idiot."   

Hindi na ako umimik at iginala lang din ang tingin sa paligid. Ano nga ang ginagawa namin dito? Nasa'n iyong owner? 

Nagbukas ang pinto kung saan makikita ang gusot gusot na uniporme ni Jasper. Samantalang 'yung buhok niya ay parang dinaanan ng ilang bagyo sa sobrang gulo. 

Natawa si Reed. "Pfft! P're, anong nangyare sayo?" 

Nagpamulsa si Harvey. "Gwapo mo naman para babae na ngayon ang gumahasa sa 'yo." Pang-aasar ni Harvey.

Akala ko nga papalakpak pa ang tainga ni Jasper pero inis lang niyang inayos ang uniform niya. "Puro mga grade 7 iyon! Pero tingnan ninyo ginawa nila sa akin-- Ahuhu!" Pag-iiyak iyakan niya at pumunta sa isang sulok. Hehh...? 

Lumabas ang owner ng store kaya pare-pareho kaming napatingin sa kanya. 

May katandaan na ito. Puti ang kanyang buhok gayun din ang kanyang bigote, pero nakikita ko sa kanya na gwapo ito noong kabataan niya. 

"Kailangan niyo ng pumasok, ilang minuto na lang magsisimula na 'yung klase niyo" tumayo naman si Harvey kaya tumayo na nga rin kami.

"Thank you po dahil pinayagan niyo kaming manatili rito" magalang na wika ni Reed.

Eh, bakit nga ba kasi sila tumambay rito?  

"Medyo aggresive kasi ngayon ang students, kaya ayaw pa naming pumasok." Sagot ni Kei sa tinatanong ko kanina pa kaya napapatango tango na lang din ako. Kaya pala... 

"Sige, salamat kuya, ah?" at nagsimula na nga kaming maglakad, napahinto lang kami noong magsalita siya.

"Ano..."

Humarap ang mga kasama ko habang nanatili lang din akong nakatalikod. 

"I-ikaw..." Banggit nung owner pero naramdaman ko ang pagtukoy niya sa akin kaya humarap ako sa kanya lalo na noong maramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

Tumigil ito sa harapan ko at tinitigan ang mukha ko, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya. "Ikaw 'yung batang babaeng 'yon" Banggit niya sa isang bagay. Ano iyong tinutukoy niya?

"Po?" Reaksiyon ko.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at tiningnan ako sa mata. "Hindi ko nagawang mag pa-salamat sa 'yo noon dahil bigla ka na lang nawala" hindi ko maintindihan, ano ba ang sinasabi niya? 

"A-ano po--" may naalala ako bigla. Iilang ulit lang ang pagpunta ko sa store na ito kaya biglang lumitaw sa utak ko 'yung paghuli ko sa masamang loob na balak yatang gumawa ng masama sa taong bibili lang din sana ng tinapay. Pero kaanu-ano niya iyon para maging gano'n magpa-salamat sa akin? 

Pasimple akong napahawak sa sintido ko. I see, ayun siguro ang pinagpapa-salamat-an ng owner. 

Tumabi sa akin si Mirriam. "I'm sorry sir, pero mayro'n pong amnesia itong kaibigan namin kaya mukhang naguguluhan po siya ngayon" Napatingin si kuya kay Mirriam.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan ko. "Talaga?" Inilipat niya ulit ang tingin sa akin. "I'm sorry." 

"N-no, it's okay." Sambit ko na may pagkaway ng dalawang kamay sa tapat ng aking dibdib.  

Matamis siyang ngumiti. "Pero kung hindi dahil sa 'yo, baka wala na kaming ipangkakain ng asawa ko. Dala kasi niya 'yung pera na ipinadala ng anak ko, eh. Kung wala iyon, baka mahirapan kami." 

Nakaawang-bibig lang akong nakatingin sa owner. Tipid ko siyang nginitian. 

Despite of the way I acted before. I guess, Haley Miles Rouge is also reliable and the person you can count in.