webnovel

This Magnetic Attraction

Hindi pa man nakikilala ni Xander si Cassie, sira na ang karakter ng babae. Pinagdudahan ng kanyang ina na kerida ng stepfather ni Xander si Cassie. Kilalang femme fatale at golddigger si Cassie kaya kinasuklaman na ni Xander kahit hindi pa nakikita. At nang magkakilala sila, agad na dumiklap ang ningas ng atraksiyon sa pagitan nila. Pareho silang nasusunog sa apoy ng pagnanasa. Hanggang kailan kaya sila tutupukin...?

ecmendoza · Urbano
Classificações insuficientes
12 Chs

Chapter Three

KAHIT nakangiti at masiglang nakikipag-usap sa kung sinu-sinong tao, namamahay pa rin ang matinding kalungkutan sa kalooban ni Cassie.

Ngunit pinilit niyang isaisantabi muna ang mga emosyong nagpapahirap sa kanyang isipan at damdamin. Kailangang magampanan muna niya ang tungkulin bilang personal assistant ng general manager sa kumpanyang pinaglilingkuran.

Ang dahilan ng pagdalo niya sa naturang fashion show with party ay upang mapanatili at mai-promote pa ang magandang public relation at image ng Joselito's Exotic Travels Company, bilang proxy ng mismong company owner.

"Pasensiya ka na, Cassie. Alam kong hindi mo kasundo si Mac-Mac pero siya ang p.r.o. ng kumpanya. Dumistansiya ka na lang sa kanya habang nasa party para iwas-gulo." Pumunta lang si Jose sa opisina kaninang umaga upang magpaalam kay Cassie.

At upang iabot ang dalawang mamahaling ticket para sa isang class na fashion show.

"All you have to do tonight is just be your beautiful and charming self. Tiyak na marami nang mai-engganyong maging kliyente ng ating kumpanya."

Halatang pilit lang ang siglang ipinakikita ni Jose. Halatang ikinukubli lang ang matinding pag-aalala para sa kanya. Ngayon lang kasi sila magkakahiwalay magbuhat nang unang magkita at magkakilala, may anim na buwan na ang nakakaraan.

"Don't worry about me," ang maikling tugon naman ni Cassie. "Just enjoy your vacation. And good luck."

Hindi isinabay ni Cassie si Mac-Mac kahit na nangulit ang huli. Iniwan niya itong nakatayo sa lobby ng gusaling kinaroroonan ng head office, matapos ibigay ang ticket kaninang hapon. Nakasimangot ang mukha habang sinusundan ng tingin ang kotseng minamaneho mismo ni Cassie.

Beware of that sour-graping bastard, bulong niya sa sarili. Palaging nabibigo si Mac-Mac sa malimit na pagtatangkang mapalapit sa kanya.

At kabisado niya ang mga tipo ng lalaking hindi marunong tumanggap ng kabiguan. Tiyak na gaganti ito sa kanya, sa pamamagitan ng makati at mahaba nitong dila.

Palaging nakabuntot kay Cassie ang usyoserong kaopisina. Masyado na ring maraming nalalaman tungkol sa kanila ni Jose. Hindi na siya magtataka kung nagkakalat na si Mac-Mac ng mga tsismis tungkol sa kanila ng big boss...

Kung makakarating kay Elizabeth ang tungkol sa sikretong relasyon nila ni Jose sa pamamagitan ng mga office intrigues, tiyak na lalong lalabo na maintindihan sila nito.

Wala nang ibang puwedeng gawin si Cassie kundi ang lumayo--at bumalik na lang sa pinagmulang madilim na mundo ng lumbay.

Talaga nga kayang may mga taong nakatakdang maging malungkot habambuhay? tanong ni Cassie sa sarili habang nakaguhit sa mga labi ang isang pekeng ngiti.

Kalahati lang ng isip niya ang ginagamit sa pakikipag-usap dahil pulos shop talk at flirtatious chat lang naman ang naririnig mula sa mga taong nakakasalamuha.

Ang kasalukuyang kaharap niya ay ang isang matandang biyudo na may-ari ng isang kilalang fastfood restaurant chain sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

"Matagal ko nang gustong mamasyal sa Greece, Miss Torres. Kaya lang, ayokong umalis mag-isa."

"May group package kami, sir. Puwede kayong mamili sa group of four, six at eight. Mayroon ding para sa group of twenty," ang magalang na tugon ni Cassie.

"Ang gusto ko sana ay ikaw ang makasama, Cassie." Walang ligoy ang matandang lalaki. Buo pa rin ang kumpiyansang manligaw kahit mahigit sisenta anyos na dahil isang multi-milyunaryo. Sanay na sanay marahil sa ibang mga babaeng madaling masilaw sa kinang ng salapi.

Kung mabibigyan mo lang sana ako ng anak...! Nabigla si Cassie sa ibinulong ng isang munting tinig sa likod ng utak. Ganito na ba siya kadesperada?

Napabigla rin tuloy ang pag-iling ni Cassie. "I'm sorry, sir. Hindi po pinapayagan ng kumpanya namin ang mga ganyang arrangements with our clients."

"Mag-resign ka sa kumpanya n'yo," suhestiyon agad ng masugid na manliligaw. "'Pag sumama ka sa akin, hindi mo na kailangang magtrabaho. Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo."

'Lahat ng gusto ko--maliban sa anak!' bulong na naman ng agresibong tinig mula sa pinakasulok ng isipan.

Napabuntonghininga si Cassie. Pilit na sinupil ang nagpupumiglas na pangungulila.

Alam niyang walang ligayang naidudulot ang anumang luho sa katawan. Kumpleto na siya ngayon sa mga materyal na bagay na pinangarap lang nung bata pa ngunit hindi pa rin siya naging masaya.

"Excuse me, sir. I have to go to the comfort room." Minabuti na lamang niyang umiwas na sa makulit na matanda. Tutal, medyo malalim na ang gabi. Marami-rami na rin siyang nakausap na mga prospective clients para sa travel company. Matutuwa na si Jose sa kanya.

"Babalik ka agad, ha?" pahabol ng matanda nang tumayo ang dalaga mula sa kinauupuang lounge chair.

Hindi tumugon si Cassie. Ngumiti lang siya nang matipid upang ipahiwatig ang kawalan ng interes sa hungkag na proposal.

Kabisado na niya ang karamihan sa mga taong gumagalaw sa alta sosyedad. Mahilig magkunwari. Madaling magsawa.

Ngunit ang sarili yata niya ay hindi pa kabisado. Labis na nababahala si Cassie sa mga katagang paulit-ulit na umaalingawngaw sa lahat ng sulok ng isipan. Gusto kong magkaanak, gusto kong magkaanak, gusto kong magkaanak...!

Itinuring na suwerte ni Cassie ang madatnang bakante ang malaki at modernong comfort room nang mga sandaling iyon. Kailangan niyang mapag-isa muna upang mapaglinaw ang utak na nadidiliman!

Dahil alam niya... Nararamdaman niya... Mawawalan na naman siya ng isang mahal sa buhay. Mawawala na ang nag-iisang taong nagmamahal sa kanya...

Dahil kapag hindi natanggap ni Elizabeth Montes ang tungkol sa kanya, tiyak na papipiliin si Jose ng asawa.

Dahil nakikiamot lang si Cassie, dapat lang na lumayo siya kung makakagulo rin lang.

Saan ka naman pupunta? tanong niya sa sarili. Wala na si Inay. Wala na siyang ibang ka-pamilya.

Lalong inatake ng pagsisisi si Cassie. Dapat ay mayroon siyang anak. Dapat pala ay pumayag siyang magkaanak noon kahit--

Napapikit si Cassie. Tumututol ang buong pagkatao na alalahanin pa ang nakaraan na. Tama na! Tapos na ang kahapon. Sa kinabukasan ka na lang tumanaw.

"It's never too late, Cassie," wika niya sa repleksiyon na nasa salamin habang nakatapat sa bukas na gripo ang mga kamay.

"Hindi kailangang irespeto at ibigin ka ng isang lalaki para magkaanak. Pumili ka lang ng isang lalaking may magagandang katangian at nagnanasa sa 'yo--at, presto, buntis ka na!" Pauyam na pinitik niya ang mga daliri at bahagyang tumawa nang pagak.

Napapailing-iling si Cassie habang nagpapatuyo ng mga kamay sa tapat ng maingay na drying machine.

Ganoon lang ba kadaling magdesisyon? Sasama siya sa unang lalaking matipuhan ngayong gabi para makalikha ng anak--na kikitil sa kanyang kalungkutan?

'You're getting mad with so much loneliness, Cassie!' ang pagalit na bulalas niya sa sarili habang nagdudumaling maglagay ng bagong make-up.

Gayunman, hindi pa rin napalis sa loob ng isipan ang hibang na ideya. Panaka-naka, nauulit-ulit pa rin ang pagsulpot ng mga katagang: gusto kong magkaanak, gusto kong magkaanak, gusto kong magkaanak...

Hanggang sa hindi na nakatiis si Cassie. Basag na ang konsentrasyon niya kaya ipinasiya na lang niyang tapusin na ang pagtatrabaho sa gabing iyon. Uuwi na siya bago pa man mangibabaw ang kabaliwan!

Nagdudumali ang mga hakbang ni Cassie patungo sa cloak's room, kungsaan niya inihabilin ang mahabang black velvet overcoat na isa sa mga mamahaling bagay na iniregalo ni Jose, bukod sa bahay at lupa, at ang latest model na kotse.

Ngunit biglang may humarang na anino sa kanyang daraanan. Dahil sa malalim na pag-iisip, bumagal ang reflex niya. Hindi agad nakapagpreno kaya bumunggo sa matipunong katawan.

Ang tanging nagawa ay maiangat ang mga braso sa huling sandali at ilapat ang mga palad sa isang malapad na dibdib.

Nang mag-angat ng paningin si Cassie, nagulat siya dahil lubhang napakalapit ng mukha ng estranghero. Halos nakadikit na nga ang bibig nito sa pisngi niya.

Lalupang nagulat si Cassie nang hindi pumitlag lumayo ang kanyang katawan, katulad ng palaging nangyayari kapag may lalaking napapalapit nang husto.

At ni hindi nga sumagi sa isip niya ang agad na lumayo upang makakawala sa maluwang na pagkakayapos ng matitigas na bisig.

Naghinang ang kanilang mga titig. Inarok ang mga kaluluwa ng isa't isa. Kung anuman ang mga mensaheng tumawid sa hangin, walang nawawaan si Cassie.

Ngunit parang nanghina siya. Parang may isang bahagi agad ng sarili ang sinakop at inangkin ng isang puwersang di-nakikita.

Iwinaksi ni Cassie ang kakatwa at kakaibang pakiramdam. Pinilit niyang ibalik sa kasalukuyan ang wisyo.

Ngunit naunahan siya ng lalaki. Walang anumang itinulak si Cassie palayo. Kalmado ang ekspresyon sa makisig na mukha.

"I'm--sorry." Nagtaka si Cassie nang mapagtantong hinihingal siya. Hindi naman siya tumakbo, hindi ba?

"I was not looking where I'm going," dugtong niya habang tarantang binabawi ang paningin.

Gusto na ring matunaw dahil napagtantong nakahabi na pala agad ng mga pantasya patungkol sa mga labing may sensuwal na hubog.

Masama bang mag-isip kung masarap humalik ang lalaking ito o hindi? pagtataray ng munting tinig.

"Exactly," sang-ayon ng simpatikong estranghero. "Or you don't know where you're going," mungkahi pa.

Napamaang si Cassie sa nabakas na bahid ng pang-uuyam sa prangkang obserbasyon. Naudlot tuloy ang namumuong instant attraction.

"I'm sorry," ulit niya habang maliksing umaatras palayo. "I hope I didn't do any damage?"

Balingkinitan ang katawan ni Cassie pero hindi biro ang lakas na taglay niya dahil mas matangkad at mas mabigat siya kaysa sa tipikal na Pilipina.

Muli, hindi na naman inaasahan ni Cassie ang itinugon ng lalaki.

"Actually, you did."

"Oh! Where--?" Napahinto si Cassie nang makita ang bahagi ng katawang sapo ng mahahabang daliri. Hindi niya napigil ang pamumula ng mga mga pisngi. "Uhm, I'm really sorry, sir..." Napaos ang boses niya.

"Have a drink with me so that I could recover some of my dignity."

Hindi nakatanggi si Cassie kahit malinaw na umpisa iyon ng isang flirting game.

"O-okey." Nagpatianod siya nang hawakan ng naturang mahahabang daliri ang isang siko niya habang patungo sa kinaroroonan ng bar.

"Actually, I'm interested with your travel package for a group of twenty, Miss Torres," ang sorpresang pahayag ng lalaki nang nakaupo na sila sa magkatabing stool.

Nalito si Cassie. Kung anu-ano tuloy ang nasabi niya. "I-it's Mrs. Torres, actually, sir."

Nang maningkit ang mga mata ng katabi, gusto niyang sipain ang sarili.

Nandito na sa harapan niya ang isang lalaking may magagandang katangian--at maaaring maging ama ng kanyang anak...

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

ecmendozacreators' thoughts