webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urbano
Classificações insuficientes
154 Chs

Na Miss Ko 'To Ng SOBRA!

Naginit ang ulo ni Ethan, nagpumilit itong makapasok sa pinaka looban ng bahay, tinabig si Edmund pero hindi sya nito hinayaang makapasok.

"Ethan!"

Suway ni Eleanor sa anak pero hindi sya nito pinakikinggan.

Nakipaglaban si Ethan pero hindi nagpatalo si Edmund. Malakas pa rin ito kahit may edad na.

"Ethan please, stop it!"

"How can I stop Mom, ayaw nya akong hayaan na makaalis para mahanap ko si Elise!"

Sigaw ni Ethan

"Ang kulit mo naman kasi, sinabi ng walang Elise dito!"

Sagot ni Edmund

"Jaime, do something!"

Sabi ni Eleanor

Tiningnan ni Jaime ang dalawang security para tumulong na makontrol si Ethan.

Nakontrol nila ito pero wala pa rin itong tigil sa kasisigaw sa pangalan ni Kate.

"ELISE! ELISE! ELISE!"

"Ilabas nyo na yan dito at dalhin sa presinto!"

Utos ni Edmund sa security.

"Teka wait! Bakit kailangang umabot sa presinto, napigilan nyo na naman sya ah?"

"Para maturuan ng leksyon!"

Sagot ni Edmund.

Tiningnan ni Eleanor si Jaime.

"Jaime, ano ba, tatayo ka na lang ba dyan? Do something!"

"Anong gusto mong gawin ko Elise, kita mo namang ayaw magpaawat ng anak mo, ayaw tumigil sa pagwawala!"

Napikon si Eleanor sa sagot ni Jaime kaya tinadyakan nya ito sa binti.

"Kainis ka! Kahit kailan wala kang kwenta! Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nainlove sa'yo nuon!"

Sabi ni Eleanor na ikinabigla ng lahat.

"Tama na Eleanor please, tigilan mo ng asawa ko! May sakit sya!"

Awat ni Nadine.

For the first time nagawa nyang tingnan ng diretso si Eleanor.

"Sakit?"

Pinagmasdan ni Eleanor si Jaime at nakita nya ang tubo na naka plaster sa braso nito.

"Well congratulations! Mukhang nagtagumpay ka sa pagsira sa kidney mo at malamang kasunod na nyang ang atay mo at baga mo!"

Sarkastikong sabi nito na ikinainis ni Nadine.

Feeling nya kasi parang natutuwa pa itong si Eleanor ng malamang may sakit si Jaime.

"Teka naman Eleanor, dahan dahan naman ang salita mo nakakasakit ka na!"

Sita ni Nadine.

Nakaramdam sya ng awa sa asawa sa sinabi ni Eleanor.

"Uy, finally marunong ka nang sumagot Nadine! Nakakapikon na yang lagi kang nagfefeeling guilty e ako naman ang tinarantado ng asawa mo!

Good for you, girl!"

"Elise, ano bang kailangan mo? Pwede ba sabihin mo na ang dahilan ng pagpunta mo dito at nagugulo na kami!"

Sabi ni Jaime na nasa likod ng asawa nya.

"Wow grabe ang tanong mo! Kung magsalita ka Jaime feeling mo nagpunta ako dito para sa'yo? Para habulin ka? Neknek mo! Andito ako para sa anak kong si Ethan, gusto kong makilala nya ang tarantadong tatay nya at ikaw yun Jaime!"

"HUH???!!!!"

Parepareho ang reaction nila. Hindi makapaniwala.

"Mom what are you saying? He's not my Dad!"

"Of course my son he's not your Dad, he's just your biological father a sperm donor!"

"What?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan sa ina. Hindi nya ito matanggap.

Buong buhay nya isa lang ang kinilala nyang ama at patay na ito.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Elise? Ni katiting na pagkakahawig wala akong nakikita na namana nya sa akin!"

"Eh sira ka pala eh!"

Sabay sipa ulit ni Eleanor kay Jaime na ikinapilipit nya.

Kahit na nasa likuran ito ni Nadine ay naabot pa rin sya ng sipa ni Eleanor.

"Hindi mo ba napansin na kamukha nya si Papa?

Eh, bakit kayo ba ni Daddy General may hawig? Wala din naman ah!"

Tila nakaramdam ng kirot sa puso ni Nadine ng madinig nitong tawagin ni Eleanor na Daddy ang biyenan nyang si Gene.

"Pero kahit na hindi kayo magkamukha nyang si Ethan, sa'yo naman nya nakuha ang katigasan ng ulo nya!"

Gigil na sabi ni Eleanor.

"Kung totoo yan, eh bakit hindi mo sinabi sa akin na nabuntis pala kita nuon?"

"Para ano? Para balikan mo ako?

Sira ulo ka ba?

Kilala mo ako Jaime, hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili. Kaya nga ako na mismo ang nakipag break sa engagement natin eh!"

Nagulat si Nadine. Hindi nya 'to alam. Buong akala nya si Jaime ang nakipag break ng engagement, hindi nya akalain na si Eleanor pala.

'Naman! nagiguilty pa man din ako dahil naawa ako sa kanya sa pakikipagbreak ni Jaime.

Napansin ni Eleanor ang mga mata ni Nadine na halatang hindi makapaniwala.

"Yes Nadine, ako nga ang nakipag break sa kanya and not the other way around, so stop this guilt trip mo dahil wala akong planong ipagsiksikan ang sarili ko sa asawa mo sayong sayo na nya, for I don't care!"

At ikaw naman Jaime, since alam mo na na ikaw ang tatay nyang si Ethan, iiwan ko sya sa'yo to decide what to!

Tutal nagka ganyan naman yan dahil sa anak mong si Kate!"

"Tara na Adrian!"

Sabay hawak nito sa kamay ni Adrian at tuluyan ng umalis.

Napatulala naman ang iniwan nya.

"At least ngayon alam na natin kung saan nagmana itong si Ethan."

Sabi na lang ni Edmund

"Ikaw ba Honey, wala ka bang babaeng pinangakuan ng kasal bukod sa akin?"

Pabulong na tanong Nicole sa asawa.

"At bakit naman ako nasama dyan?

Pwede ba, huwag mo nga akong kinukumpara dyan sa gunggong mong bayaw. Masyadong feeling macho kaya ganyan yan!

Saka maswerte ka sa akin nagayuma mo ako kaya all eyes ako sa'yo! Kaya nagiisa ka lang sa buhay ko, Honey my love, so sweet!"

Sabay binigyan nya ito ng halik

Napataas naman ang kilay ni Nicole pero kinikilig sa sobrang sweetness ng asawa. Kahit na somehow may katotohanan naman ang sinabi ni Edmund.

Hindi kasi sya kinakausap ni Edmund nuon puro ate nya lang kaya naisipan nyang humingi ng tulong nuon sa isang fortune teller.

*****

"Eleanor wait!"

Pinatigil ni Adrian si Eleanor sa paglalakad para makausap ito.

Nasa gate na sila ng Little Manor dahil duon nila iniwan ang sasakyan ni Adrian.

Hindi kasi pumayag ang guard na ipasok ito sa loob ng Little Manor, dahil baka may bomba ito mahirap na.

Inihatid sila ng guard gamit ang service vehicle nila.

"Bakit pagod ka na ba? Malapit na tayo sa kotse mo."

"Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang sinabi mo na anak mo si Ethan kay Jaime."

"Pati ba naman ikaw hindi naniniwala!"

"Hindi naman sa ganun, kaya lang bakit mo iniwan na lang ng ganun ang anak mo? Hindi ka ba nag aalala?"

"Nagaalala! Kung pwede lang sana na itago ang bagay na ito habangbuhay pero .... sa pagkakataong ito kailangan sya ni Ethan. Kailangan sya ng anak ko!"

At hindi na napigilan ni Eleanor ang mapaiyak kaya nilapitan sya ni Adrian at inakap.

"Sige umiyak ka lang ... iiyak mo lang. Andito lang ako!"

*****

Samantala.

Habang nagkakagulo sila, wala naman pakialam ang sila Mel at Kate sa nangyari sa baba.

Masaya silang pinagsasaluhan ang dessert nila ng paulit ulit.

"Juskoooooo! Na miss ko 'to ng SOBRA!"

Usal ni Mel.

"HAHAHAHA!"

Dumadagundong na tawa ni Kate.

"Ano isang round pa?"

Tanong ni Kate na puno ng kapilyuhan.