webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urbano
Classificações insuficientes
154 Chs

At Ang Hirap

"Hello Nicole, where's Edmund?"

"Anong ginagawa mo dito Sherwin, diba busy ka sa ospital?"

Nagtatakang tanong ni Nicole.

"Pinapunta ko po sya dito Mom to help us with Dad. I found something kasi during my imbestigation."

Si Eunice ang sumagot

"And what is that?"

May katarayan na tanong ni Nicole.

"Nagpa general check po si Dad kay Tito Sherwin recently lang."

Napakunot ang noo ni Nicole, napaisip

"Nagpa general check up si Edmund recently? but why? katatapos lang naming magpa general check up!"

Tanong ni Nicole sa sarili pero dinig ng lahat.

"That also puzzled me that's why I came after ko mareceived ang phone call ni Eunice to bring this."

Sagot ni Sherwin sa tanong ni Nicole sabay ipinakita ang isang envelop

"And what is that?"

"His test results."

"....and?"

Curious na tanong ni Nicole sa dala ni Sherwin.

"I need to talk to him."

Sagot ni Sherwin na lalong ikinataas ng kilay ni Nicole dahil nabitin sya.

'Lintek na 'to binibitin ako ah!'

Pikon na talaga si Nicole

"Bakit, diko ba pwedeng I received yan, ako ang asawa nya remember?!"

May diin na sabi ni Nicole.

"Because I want to hear it from him the reason kung bakit nagpa general check up sya ulit pero hindi nya kinuha ang result and .... I want to see his reaction pag nakita na nya ang mga test results na pinagawa nya!"

Kinabahan si Nicole sa sinabi ni Sherwin. Hindi nya tuloy mawari kung negative ba o positive ang results.

"Teka, kelan nga pala sya nag pa check up?"

"20 days ago."

"20 ...days ...ago...?"

Tumango si Sherwin.

'Yun ang araw na nagtampo ako sa kanya dahil hindi man lang nya ako pinansin ...'

Naalala nya bigla ang mga pagiwas sa kanya ni Edmund ng mga panahong iyon.

'Jusko ... hindi kaya may malubhang sakit si Edmund ko kaya nya ako iniiwasan ng ganun?!'

'Yan kaya ang dahilan kaya sya muling nagpacheck up?'

Tumitindi na ang kabog ng dibdib nya.

"Sherwin, gusto kong makita ang results ng test!"

"No Nicole, kabilin bilinan nya sa akin na sya lang ang pwedeng mag open!"

"Pero ako ang asawa nya!"

"Lalong lalo ka na raw, hindi mo pwedeng buksan!"

"What about the results, Uncle Sherwin? Kung ayaw mong iopen namin yan pwede po bang sabihin nyo na lang?"

May halong kaba ang tinig ni Eunice.

"I'm sorry pero ito ang bilin ng Daddy mo. That's why I came here personally to deliver this."

"Earl, anong tinatanga tanga mo dyan, kunin mo na ang susi ng study room! Bilis!"

Pasigaw na utos ni Nicole.

Natataranta tuloy na tumalima si Earl para kunin ang susi, habang sila Nicole, Eunice at Doc. Sherwin ay nagtungo sa taas sa study room.

At ng nasa tapat na sila ng pinto ng study room, naalala ni Nicole ang huling araw na narito sya.

Umiiyak sya nuon dahil hindi man lang sya pinagbuksan ng asawa.

Naintindihan na nya ngayon.

Sinadya iyon ni Edmund para kusa syang umalis.

'Edmund, ano ba talagang problema mo at kailangan mong gawin sa akin ito?'

'Asawa mo ako kaya bakit kailangan sarilinin mo?'

Himutok ng kalooban ni Nicole.

"Mom, here!"

Nagmamadaling tumatakbo si Earl dala ang susi.

"Buksan mo na!"

Dali daling binuksan ni Earl ang pintuan ng study room at pagpasok nila ay bumalandra ang natutulog na si Edmund sa sofa.

*****

Samantala.

"Manong guard anong ibig nyong sabihin?"

Naguguluhan tanong ni Nadine sa guard ng ospital na pinagdalhan nya sa asawa.

Ilang araw na silang pabalik balik sa ospital kung saan naka schedule sa dialysis si Jaime.

"Madam, pasensya na po pero dipo kayo pwedeng makapasok. Kailangan nyo po ng clearance sa virus bago po kayo makapasok. Yan po ang protocol."

"Nakailang balik na kami dito, bakit ngayong nyo lang sinabi na yan pala ang kailangan para makapasok kami?!

At saka bakit may ganito, para saan ito, e dati wala namang ganito?!"

Inis na tanong ni Nadine.

"Yan po kasi ang protocol, para daw po masigurado na walang virus ang pumapasok sa ospital na ito. Pasensya na po Madam, sumusunod lang po kami."

Walang nagawa si Nadine.

Tama ang guard sumusunod lang sila sa utos sa taas.

Kaya wala syang nagawa kungdi ang sumunod.

Napasulyap sya sa asawa nyang parang naghihingalo na ang itsura. Hinang hina ito dahil may isang linggo ng hindi nadidialysis.

"Bakit kasi andaming dapat gawin bago makapasok ng ospital na ito! Hmp!'

Dinala ni Nadine si Jaime sa itinurong virus testing facility.

Ngunit .....

"Ano 'to, bakit andaming tao?"

"Manong, pwede po bang malaman kung bakit andaming tao sa labas?"

"Ay pila po yan sa magpapakuha ng test sa virus. Hanggang duon pa po ang dulo ng pila."

Nanlumo si Nadine ng makita na papaliko na sa kabilang kanto ang pila.

'Anong gagawin ko?'

Gusto na nyang sumuko pero ng makita ang nanghihina nyang asawa, muli itong nabuhayan at naghanap ng makakatulong sa kanila.

Tinawagan nya ang lahat ng kakilala nya.

Subalit ....

"Pasensya na Madam Nadine, pero nagiisa lang yan facility na yan at kulang sila sa tao kaya ganyan kahaba ang pila.

At kung matest man kayo aabutin din ng isang linggo o higit pa bago makuha ang results kaya ....."

"ANO? ISANG LINGGO?!"

"May sakit ang asawa ko at kailangan na nyang madialysis agad agad tapos sasabihin mo aabutin pa ng isang linggo?!"

Iritang sabi ni Nadine.

"Yes Madam. dinadala pa po yan sa ibang bansa at duon isinasagawa ang test."

Nagpuputos na sa galit si Nadine ng madining ito dahil wala syang magawa.

Pakiramdam nya sasabog ang dibdib nya sa galit. Gusto nyang sumigaw pero di nya magawa dahil ayaw nyang makadagdag pa ito sa nararamdaman ni Jaime.

Pero ganunpaman batid ito ni Jaime.

"LLing.... "

Pilit na inaabot ni Jaime ang kamay ni Nadine.

"Tara na... uwi ... na ... tayo..."

Napaisip si Nadine at saka tumango.

Handa na si Nadine na gawin ang lahat makakuha lang ng test na yan pero ng madinig nya ang sinabi ng asawa, hindi na ito nakipagtalo.

'Tama sya! Useless na makipagtalo mabuti pang umuwi na lang kami at saka ako hihingi ng tulong kay Edmund!'