webnovel

KABANATA 2

Pauline's POV

Nakatapos kami sa pag kuha ng exam sa Earth Science namin and himala dahil si Hannah nakaunang pumasa ng papers. Nakakagulat I don't know kong talagang pinag aralan niya talaga kagabi yong lessons namin or minamagic niya siguro yong answers niya. Pero nakakapagtaka talaga yong itsura niya. Ngayon ko lang napansin na mugto pala ang kaniyang mga mata and sobrang tahimik niya.

"Hannah is there a problem? You look sad and bakit yong mata mo namumugto? Umiyak kaba kagabi? Bat ka umiyak? Ano may nag away ba sayo?" - Lisa

"Oo nga Hannah napapansin ko nga. Sabihin mo samin ang totoo" ako

"Pumunta tayo sa Rooftop don ko sasabihin." *cold tone* said Hannah

Ayon kinuha namin yong bag namin saka sabay kaming pumunta sa rooftop. Nakakapagtaka talaga. Wait siguro si Kim Yeong Ju na naman ang nag paiyak dito. But ayoko munang pumunta agad sa conclusion baka hindi naman si Kim ang reason kong umiyak siya.

"Oh anong problema Hannah?? Sabihin mo na samin. Nagaalala na kaming dalawa ni Pauline." Lisa

"Sabihin mo na. Makikinig kaming dalawa ni Lisa. " Pauline

" Kim Yeong cheated on me. I thought nanliligaw siya sakin. I hate him so much." Hannah

"Sabi ko na ngaba eh. Hayaan mo na. Dont worry kakausapin ko yon ako bahala. Subukan niya na saktan ka ako ang makakalaban niya." Ako

"Hay nako. Yan kasi ayoko munang magka love life. Tssss." Lisa

"Uyy di naman sa ganon yon Lisa. Pag tinamaan ka, tinamaan ka talaga ewan ko lang basta mararamdaman mo lang yan." ako

Ayon habang kinucomfort ni Lisa si Hannah eh ako naman ay nag papahangin ng biglang may sumabog na malakas. Hindi ko alam kong saan nanggaling ang pagsabog nayon. Napasinghap sa gulat sina Hannah at Lisa. Dali dali kaming bumaba sa rooftop. Nang marating namin ang ground floor ay nagulat kami dahil nagsitakbuhan ang mga estudyante at napansin namin sa Science Lab Yong kaklase naming babae ay biglang kinagat niya ang isang babaeng nerd na dumaan sa kaniyang harapan, kinagat niya ito sa leeg at nakita naming tatlo ang dugo na dumadaloy sa katawan ng babaeng nerd halos masusuka na ako sa nakita ko gulat na gulat kami sa mga nangyayari at dali dali kaming tumakbo.

Napadpad kami sa isang classroom na hindi ginagamit. Pero malinis parin bigla naming sinirado ang pinto at hingal na hingal kaming tatlo dahil tumakbo na kami ng napaka bilis. At nagulat ako dahil nakita ko sina Renzo, Kim at Jay Vee na tumatakbo. Bigla akong lumabas at sinigawan sila na dito sila pupunta. Ayon dali dali rin silang pumasok dito at hingal na hingal sila sa kakatakbo.

"Bwisit bakittttt bakitt kinagat ng kaklase natin yong nerd nayon at parang iba na talaga yong mukha niya nakakatakot na." mangiyak ngiyak na sabi ni Hannah.

Lalapitan na sana ni Kim Yeong si Hannah para yakapin ng lumayo si Hannah sa kaniya. Dali dali rin tinakpan ni Jay Vee at Lisa ang mga bintana ng kurtina para hindi kami makita ng kong anong halimaw na tao.

"Pwede niyo bang i explain kong anong nangyari don. Sobrang naguluhan talaga ako. Halos mamatay ako sa kaba ng nararamdaman ko." Lisa

"Si Jay V na mag Eexplain sa inyo." Renzo

Napatingin ang lahat kay Jay V sa sinabi ni Renzo.

"Kasi kanina habang naglalakad kami nina Renzo at Kim sa building namin nakita namin yong kaklase niyong babae lumalakad papunta sa Science Lab galing siya sa main gate na parang nanginginig na ewan namumutla hanggang sa biglang sumabog ng kung saan may nakita kaming usok sa labas ng Campus natin at biglang may mga halimaw na tao ang pumasok sa ating Campus na hindi ko maintindihan. Halos dugo ang nasa katawan nila. Na parang mangangain ng tao. Di ko ma explain basta ganon. At tumakbo kaming tatlo saka nakita kami ni Pauline at ayon napadpad kami dito." -Jay Vee

"nakakatakot na talaga ang mga pangyayari ngayon. Siguro Zombie Apocalypse ito." Renzo

Sabay sabay kaming napasinghap sa sinabi ni Renzo habang nakatanaw siya sa may bintana.

"What did you say? Wait honey siguro hindi naman Zombie yan." ako.

" I agree with him Pauline. Dahil san ka nakakakita ng tao na kakain ang kapwa tao diba? Tingnan mo sila sa labas." Lisa

"Are you kidding me?" ako

Dali dali akong pumunta sa bintana ang laking gulat ko kong gano ka daming dugo ang nasa labas ng classroom at maraming patay na estudyante ang nakahandusay. Ang mga tao na lumalakad ng mabagal at puro duguan ang mga katawan. Wait parang sa Walking Dead lang yong pinapanood ko. I cant believe na mangyayari ito in real life.

I thought it was just a dream. Akala ko isa lang itong bangungot. Akala ko sa pelikula lang ito mangyayari but no nangyari talaga in real life. I'm so shock.

"What should we do now?" -Kim Yeong

"Kailangan natin pumunta sa Comtial and then kailangan natin alamin kong paanong mapapatay yang pesteng Zombie nayan." Sabi ko

At ayon sang ayon silang lahat sa sinabi nakin. Nag dagdag narin sila kong ano pa ang kailangan gawin namin after makuha namin ang aming kailangan. Comtial studio which combined martial arts and combat. Kailangan naming makakuha ng mga guns, pistols and swords to defense ourselves against sa mga Zombie nayon and we should protect each other. Anim nalang kami ang magsama sama. Di ko hahayaan na pati sila ay mawawala sa buhay ko especially Renzo.

Ilang oras na kami naghihintay sa Cue ni Jay Vee kong kelan kami lalabas. Kasi ang Comtial Studio ay malapit lang sa building nina Renzo at sa parking lot also. Kasi yong plan is kapag makakuha kami ng mga guns and sword doon eh pupunta kami agad sa parking lot kong saan nakaparada yong sasakyan namin ni Renzo. Mabuti nalang din dahil dala ko rin yong sasakyan ko. Then aalis kami papuntang Mall dahil don narin kami mag stay. Nasigplanuhan namin na wag ng pumunta sa aming mga bahay. Kanina nagcocontact ang aking mga kaibigan sa kanilang tahanan ngunit wala ng sumasagot sa kabilang linya. Ngayon ang mas importante nalang ay ang magkakasama kaming anim. Si Renzo ang magdadrive at ako. Dalawang sasakyan ang gagamitin namin.

Hannah's POV

Hay thank you miss author dahil binigyan mo ako ng chance to introduce myself. Loveyou Ms. Author.

Okay okay. Bilisan mo na. Mag introduce kana okay. Loveyoutoo

-Ms. Author

Hi I'm Hannah Glythe Balgos ako yong sobrang adik sa kpop at kdrama.

So ayon nag cue na bigla si Jay Vee. Nagsilabasan kaming lahat at nauna ng tumakbo sina Pauline at Renzo. Bat ba kasi mabagal akong tumakbo eh ng biglang binuhat ako ni Kim Yeong ng parang bagong kasal. Deep inside kinilig ako. Wahhhh pero hindi ko iyon pinapakita sa kaniya. Nahihiya na ako. Oo galit ako sa kanya pero bahala na pinabayaan ko nalang siya na buhatin niya ako. Sa sobrang bilis namin na pagtakbo ay nakaabot kami sa Comtial at pumasok kami doon at ni lock ang pinto. Binaba na ako ni Kim Yeong sobrang pagod na pagod siya sa pagtakbo at sa pag buhat niya sakin. Mabuti nalang may tubig ako sa aking dalang bag. Kinuha ko iyon ang pinainom sa kaniya. Kumuha rin ako ng bimpo at pinunasan ko ang kanyang pawis na umaaligid sa kaniyang mukha. Tanging ngiti lang ang ibinigay niya sakin.

" Auhm thank you Kim Yeong." Ako

"Walang anuman yon Hannah. Nga pala sorry. Sana hayaan mo akong mag explain para malaman mo ang totoo." -Kim Yeong

"soon but not today. Dapat alerto tayo sa plan nina Jay Vee okay?" ako

"okay" Kim Yeong

Nakita ko sila na nag sikuha ng kanilang kinakailangan. Nakita ko si Pauline na ang kaniya kinuha ay yong Sakura Sword na ang haba ay isang 1 meter may 2 pistol siya at bala na nilagay niya sa kaniyang bag. Yong iba hindi ko alam kong ano ang kanilang kinuha basta lahat sila may gamit na pang defense. Ako naman ay nakita ko yong pana at arrows aabutin ko sana pero si Kim Yeong na ang kumuha kasi matangkad siya. Pana rin ang kaniyang kinuha saka isang gun rin.

Renzo's POV

Im Renzo Maximus Xhi. Boyfriend ako ni Pauline. Nang nakuha namin ang lahat ng kailangan namin dito sa Comtial ay gagawin narin namin ang susunod na hakbang ng amin plano ay yong pumunta sa parking lot. Dito narin namin siguro masusubukan ang lahat ng aming gamit na kinuha dito sa mga pesteng Zombie na iyon kong ano ang kanilang mga kahinaan.

" Siguro kailangan nating bilisan mukhang malakas ang pandinig ng mga Zombie." sabi ni Jay Vee habang naka silip sa main door ng Comtial.

"Don nalang tayo dadaan sa likod mas malapit don patungo sa Parking Lot." Ako

Dali dali na kaming nag si labasan sa Comtial at sa back door kaming dumaan ng may humarang ng Zombie sa harapan namin ni Pauline ng biglang pinugot ni Pauline ang ulo ng zombie na iyon. Napatulala ako sa ginawa ni Pauline nakakapanibago. Parang hindi siya takot sa kaniyang ekspresiyon.

"Tara na" yan lang ang tanging lumabas sa kaniyang bibig.

Nagsi takbuhan kaming lahat papunta sa Parking Lot. Nauna na kaming dalawa ni Pauline dahil kami ang mag dadrive ng mga sasakyan at alam kong si Pauline ay mabilis mag patakbo ng sasakyan. Siyempre Girlfriend ko siya. So alam ko na magaling siya pagdating sa sasakyan. Nauna ng konti si Pauline at siya na ang kumalaban sa mga Zombie na nakaharang sa aming daanan. Lahat pinugot niya ang ulo paano ba naman kasi ang haba ng katana na kinuha niya sa Comtial. Mas lalo akong na iinlove sa babaeng ito at sa sobrang tagal ng aming relasyon hindi ko alam na marunong pala siyang gumamit ng katana. Tinanaw ko ang mga kasama ko sa likuran at nakita ko na maraming zombie ang nakasunod samin yon ngalang hindi sila tumatakbo sapagkat lumalakad lamang sila pero may konting kabilisan. Ayon nakapasok na si Pauline sa kaniyang sasakyan at sumenyas ako na paandarin niya ang kaniyang engine, pumasok rin ako sa aking sasakyan at pinaandar rin ito. Dali daling pumasok sina Hannah at Kim Yeong kay Pauline at sakin rin sumakay si Jay Vee at Lisa. Nang nasa loob na ang lahat ay dali dali kong inabante ang sasakyan at pinaharurot na ito ako na ang nauna kay pauline alam ko naman na nakasunod rin naman sila samin. Nang makalabas na kami sa amin Campus ay laking gulat namin na marami pang tao na nakahandusay sa daan. Sobrang takot ang aking naramdaman. Alam ko natatakot rin yon si Pauline pero hindi niya pinapahalata.

Bigla nag ring yong Phone ni Lisa dahil sa may tumawag na kong sino. Sinagot naman ni Lisa yong phone at biglang niyang niloudspeak ito.

"Hello Pauline?" Lisa

"Hello si Kim Yeong ito don tayo pupunta sa mall na pinagmamay ari ng aking magulang." Kim Yeong

"Sige sige mauna na kayo sabihin mo si Pauline." Lisa

"okay" Kim Yeong

At biglang pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag. Humaharurot si Pauline sa pag patakbo ng sasakyan nag over take siya samin. Dahil sila na ang mauuna. Sinunod ko nalang ang sasakyan ni Pauline at pupunta na kami sa kong saan makakasurvive kami.

Pauline's POV

Habang nag dadrive ako di ko maiwasan mag-isip sa mga pangyayaring ito. Akalain mo yon sa pelikula lang dapat ito eh. Pati ba naman sa totoong buhay. Ayoko ni isa mawala sa aking mga kasamahan. Sila na ang tanging pangalawang pamilya ko. Oo sobrang takot na takot ako sa mga pangyayaring ito at ayoko ko lang ipakita sa mga kasamahan ko. Nilakasan ko ang aking loob para maka survive sa sitwasyong ito. Iba na ang mundong ginagalawan namin. Hindi na ito normal kagaya ng dati. Sa isang iglap mababago ang lahat.

Nang matanaw na namin ang mall na pinag arian ni Kim Yeong ay humarorot ako papunta sa likuran ng mall kong saan don namin i park yong sasakyan namin.

"Alam mo ba sa susunod na linggo dapat opening ng mall namin kaso hindi na mangyayari yon sapagkat sa pangyayaring ito." biglang salita ni Kim Yeong

Nang ma park namin ang aming sasakyan ay dali dali kaming pumasok sa loob ng mall. Sinundan namin si Kim dahil siya lang ang nakakaalam kong saan ang daanan. Kasi close pa yong mall eh diba? Kaya di pa pwede pasukin. So si Kim na ang nag manage nito. Nang makapasok na kami sa loob ay kumawala ako ng malakas na pag hinga saka napa upo sa sahig.

"oh baby anong nangyari sayo?" Renzo

"sobrang napagod ako kanina." tanging sagot ko sa kaniya.

"magpahinga ka nalang dito. Diyan ka umupo sa bakanteng upuan." sabay halik sa aking noo at umalis kasama ang mga boys.

Renzo's POV

Nag usap kaming tatlo dito sa ground floor. Yong mga babae naming kasama ay pinagpahinga namin. Si Pauline ay subrang pagod samantala naman si Hannah ay takot ang nararamdaman pati narin si Lisa.

"Kim alam mo ba kong saan dito ang Handyman? Kumuha tayo ng black paint saka pinturahan natin yong tinted glass na doors dito sa mall niyo para hindi tayo makita ng mga kumakalat na zombie" sabi ko kay kim.

"nandon sa second floor sundan niyo nalang ako ni Jay Vee."

Nag si ayusan samin at pumunta na kami sa second floor.

"Grabi Kim ang ganda ng pagkadesenyo ng mall niyo." Sabi ni Jay Vee

"Salamat pare pinadisenyo kasi ito ni papa sa isang architecture don sa states." sabi naman ni Kim

Pumasok kaming tatlo sa Handyman ang kumuha kami ng tig isang Cart saka kumuha ng mga pintura, paint brushes at ipa pang pwede maitakip sa mga glass doors na mamaring makita kami ng halimaw na tao. Nang makuha namin ang lahat ng gamit ay dumaan kami sa gilid ng eskelator kong saan may padalus-usan doon. Nang nakarating na kami sa ground ay nagtaka kami kong nasaan ang mga girls. Kasi wala na sila sa kanilang mga pwesto kaya nilagay namin sa isang sulok yong mga cart namin at hinanap namin sila.

Lisa's POV

Nagpunta kami sa Supermarket dito sa mall ni Kim Yeong. Napagplanuhan kasi naming mag luto ng pagkain. Kag mag si kuha ng Cart sami at ayon kumuha kami ng mga ingredients.

"Ang lawak talaga ng Grocery Store ni Kim Yeong noh? Iba rin siya." sabi ko kina Pauline at Hannah, nag si approve silang dalawa.

Nang medyo nakuha nami ang mga sangkap sa pagluluto ng biglang nakita ko ang mga boys na tumatakbo sa aming kinaruruonan.

"Nako ba naman alalang alala kami sa inyo girls kong nasan kayo. Bigla bigla nalang kasi kayo mawawala. Nilibot namin ang buong mall tapos nandito lang pala kayong tatlo anong trip niyo?" Jay Vee

"Kasi balak namin mag luto dahil nakaramdam na kami ng GUUUTTTOOMMMM!!!!!" *with matching insult tone* -Lisa

"Ahhhh ganon sige dito nalang kayo kasi mag pipintura kami ng mga glass doors dito sa mall para di tayo makita ng zombie." Kim Yeong

"Sige magluluto lang kaming tatlo" sabi naman ni Pauline.

To be Continued.....