Clarisse/Jenevie's POV
Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko sa harap ng salamin dahil friday ngayon syempre may pasok kami! Hayyy buhay eto na naman magpapanggap na naman kaming magkasintahan ni drey.
*Beep * *Beep* *Beep*
Ohh! Nandito na si drey kailangan ko ng bumaba. Hinihintay na ako ng fake boyfie ko HAHAHAHA! Agad akong nagpaalam at humalik kina mommy and daddy.
" Nakkksss! Nag ayos ka talaga by?! Pero by mas nagmukha ka na ngayong tao! Ang galing talaga ng nagagawa ng make up! HAHAHAHAHA" yan ang agad na bungad sakin ni Adriano! Ang ganda ganda pa naman ng araw ko tapos sinira niya na ka agad
"Drey tigil tigilan mo nga ako sa mga pambwebwesit mo! Ke aga aga na ninira kang araw!" Tinarayan ko na lang siya para tumahimik eh ang kaso hindi pa rin siya tumahimik habang papunta kami sa school
"By dalhin mo to!" May binigay siya sa aking mint green na infinity necklace ?! Saang lupalop ng Pilipinas niya eto kinuha?!
"Ano to?" Tanong ko sa kaniya. Syempre sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya eh kanina sinisira niya ang araw ko pero ngayon naging sweet siya and take note guys!
MINT GREEN NA KULAY NG BULAKLAK! Seriously?! This is my favourite color!
"Seryoso by?! Indi mo alam kung ano yan? Malamang kwintas!" Aba itong mokong na to pilosopo at tatawa tawa pa!
"Wag ka ngang pilosopo drey! Alam ko na necklace eto! Ehh aanhin ko naman ito?!" Ok na sana eh bawing bawi na siya sa paninira niya ng arawko eh ang kaso pabalang pa siyang sumagaot hayysstt
"Malamang susuotin mo yan para maalala ni Ae ko gaano ako kasweet! Oh diba ang talino kong magpaselos!"
"Sige na nga dadalhin ko na to. Pero salamat drey, you really know what's my favourite color!"
"Syempre sa tagal ba naman nating magkaibigan at ako kaya ang parating kasa kasama ni gabriel para lang bilhan ka ng mga gamit na kulay mint green!"
Natigilan ako sa pagkilatis ng necklace ng marinig ko ang pangalan ni gab gab, oo nga naaalala ko noon kapag nag away kami binibigyan niya ako ng gamit na kulay mint green, kapag masama pakiramdam ko at dadalaw siya sa bahay para magdala ng gamot may kasamang bulaklak na mint green, sana maulit uli yun.
Napangiti na lang ako ng palihim
"Oo nga drey parati niya akong binibilhan nito noon. Kaso iba na ngayon, iba na yung kinababaliwan niyang babae"
"By oyy wag kang negative diyan! Wag kang mawalan ng pag asa! Babalikan din tayo ng dalawang yun! Siguradong uusok ang ilong nila kakaselos sa atin"
Oo nga tama si drey, araw araw kaming magkasama ni drey at araw araw na papansin namin na parati akong tinatarayan at pinapaikutan ng mata ni bestie, hindi ko alam kung may problema ba siya sa mata niya o nag seselos siya samin ni drey.
While gab gab on the other side is parang wala lang, patingin tingin lang siya sakin ni drey at kapag nagkakatagpo ang mata naming dalawa, agad niya naman siyang umiiwas bakit ang labo niyang magselos sa amin ni drey?!
"By nandito na tayo!" Agad na lumabas ng sasakyan si drey at pinagbuksan ako ng pinto kahit papaano ay nagiging gentleman na rin siya
"Salamat!" Okay it's acting mode time! Agad naming pinagtiklop ang kamay namin ni drey, noong una araw pa lang namin ng pagkukunwari eh normal pa lang ako pero ngayon parang medyo naiilang na ako, hindi ko alam kung bakit.
"Good morning mam, sorry we're late.." panghihingi ng paumanhin ni drey dahil late pala kami?! Parang hindi ko kanina namalayan yun, baka siguro kung ano ano iniisip ko.
"It's okay Mr Montreal *ngumiti si mam* you may take your seat now. Oppss Ms Chua, saan ka pupunta?" Argggghhhhh ang daya naman ni MAM DIMABANGBANG ako na naman ba ang sesermonan?! Eh pareho naman kami ni drey na nalate tapos ako lang ang mapapagalitan!
"Uupo na sana mam, pwede po ba?" Magalang na tanong ko para hindi mapagalitan ni mam hehehehe be a good girl Jenevie!
"Uupo?? Hindi pa pwede Ms Jenevie! Because you're always late! I know you're already intelligent in my class! But I don't tolerate that attitude of yours! Hindi porket anak ka ng mayaman eh ganyan ka na agad umasta! Hindi ka pwedeng pumasok kung anong oras mo gusto! Na iintindihan mo ba ako Ms Chua?!" Nagagalaiting sabi ni Mam Dimabangbang
Hayysss nadamay naman sa galit ni mam ang pamilya ko kahit kailan kaya hindi ko ginawang dahilan ang pagiging mayaman ko para lang labagin ang mga rules sa school
"Yes mam, I'm really really sorry. "
"You already know what to do Miss Chua, just answer and discuss to your classmates all the equations written in the board and explain how you come up to you answer" Hayyyssss sige na nga sisimulan ko na sana yung pag aanswer sa board ng biglang magsalita si drey
"Ms Dimabangbang, I will just take your punishment for Miss Chua because it's my fault why the both of us are late. May I?" What?! Si drey ba talaga yan?! May sakit siguro yung lalaking ito at biglang bumait!
"Are you sure Mr Montreal?" Paninigurado ni mam
"Yes mam, I will take all the consequences of my actions"
"Ok then answer all the equations written in board and you Ms Chua, you may take your seat"
"Thank you mam"
Matapos ang 30 minutes na sagot at na explain niya lahat sa amin and Infairness magaling talagang magturo si drey dahil na intindihan namin ang explanation niya.
Pero minsan napapa isip ako, si Miss Dimabangbang hindi na siya nagtuturo dahil sa parati akong late ako parating nag eexplain ng mga dapat niya ituro sa amin! Nakakainis talaga!
"Class bago ako umalis gusto ko lang ipaalam sa inyo na magkakaroon tayo ng camping para makapagrelax kayo muna habang papalapit na yung exam niyo and 3 days tayo dun"
'Yes pre camping yun'
'Camping is life yohhooo here we come!'
'Yehey nakakamiss talaga mag camping'
Agad na bulong bulungan ng mga kaklase at barkada namin. Kahit papaano pala mabait din naman si Miss Dimabangbang.
Camping pala ah? Here we go!