webnovel

Chapter 2

Sa wakas nakarating na ako sa room namin na nasa 2nd floor pa! Hingang malalim Jenevie inhale, exhale ang baho! Joke lang toothbrush kaya ako! Bubuksan ko na 'yong pintuan, sakto! Nakatalikod pa si Miss Dimabangbang.

Malapit na sana ako sa upuan ko nang biglang...

"Ehem MISS CHUA hindi ka man lang ba mag gogood morning at hihingi ng pasensiya dahil late ka?!" humarap ako kay Miss Dimabangbang at nakita ko kung ano kagalit yung mukha nya patay na naman ako neto!!

"Good morning mam, I'm sorry I'm late..." tugon ko sa kaniya habang nakayuko

"Miss Chua ok lang naman sana sa akin na malate ka kung unang beses o ikalawa mo pa lang pero MISS CHUA ARAW ARAW NALANG BA LATE KA?!" Patay na!!! Sermon na naman eto huhuhuhu ang sama talaga ng araw ko ngayon!!

"Sorry po mam kasi po natra--" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si mam

"Don't give me some stupid reasons why you are late, I will just punish you then..." patay ano na naman ba itong ipapagawa ni mam habang ako'y kinakabahan nakita ko si Adrian a.k.a si drey sa peripheral vision ko na pinipigilan ang sarili na tumawa.

Aba ang bwesit na to! May gana pang ngumiti ngiti parang walang kasalanan ah, siya kaya ang dahilan kung ba't ako na late! Sana makita ka ni mam!!! Argggghhhhh!

" Miss Chua I want you to answer on the board all the mathematical equations!" Sinigawan na ako ni Ms. Dimabangbang, dun ka nagkakamali ng binigay na parusa mam! Sisiw lang sa akin yan!

"Mr. Adriano Grey Montreal ba't ka natatawa riyan?! Aba gusto mo ring maparusahan?! OH EDI SIGE IKAW ANG MAG EXPLAIN SA LAHAT NA ANSWER NI MISS CHUA!" Ohh edi ano ka ngayon drey?! Nabadtrip ka rin diba?! Hindi dahil ikaw ang mag iexplain ng ginawa ko kundi nabadtrip siya dahil sinabi ang bantot niyang pangalan, tama kayo diyan! ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang ADRIANO kaya nga drey ang ang tawag ko sa kaniya!! HAHAHAHAHAHA

AFTER 10 MINUTES natapos din namin ang pinagawa sa amin ni Ms. Dimabangbang at Infairness namangha siya samin dalawa ni drey malamang sisiw lng samin to dahil kami palagi ang pinapadala sa mga contest para sa school namin at dahil dun naging maganda ang mood ni mam.

" at dahil nasagot ng tama ni Ms. Chua at naexplain ng maganda ni Mr. Adriano ang pinagawa ko sa kanila, mag early break na tayo!" Masayang sabi ni mam sa amin, topakin talagang guro eh ewan ko ba at napuno ng tawanan, kantyawan at kasiyahan ang room namin

"Class quiet muna, mamaya na kayo magwild, thank you and see you around class you may now eat your snacks" music to my ears talaga 'pag yan ang sinsabi ni mam mygosh kainan na!! umalis na kaagad si Ms. Dimabangbang

At napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na ngumingiti kahit pagtataksil ito sa bestie ko ang gwapo talaga ni Adrian. Ayyy ano ba itong sinasabi ko galit ako dapat sa kaniya

"Tara na by punta na tayong food court, nagugutom na kasi ako atsaka sayang ang libre mo nohh! Halika na!! Bilis! Para masabi ko na sayo ang plano natin!"at nagpahila na lang ako sa kaniya dahil gusto ko na rin malaman kung ano ang plano niya.