webnovel

ONE

ONE

Tamad akong bumangon sa kama at pahikab na lumabas ng kwarto.

"Ayon nga pala kay Mr. Balisnomo, kapag hindi ka pa pumasok, fail ka na sa subject niya." Bungad ni Meia sa umaga ko.

Binuksan ko naman ang ref at nag salin ng gatas sa baso. Umupo ako sa may harap ni Meia at ininom iyon.

"Sigurado akong masesermonan ka na naman." Sita niya sa'kin at inangat ang salamin niya.

Nag buntong hininga naman ako at tumunganga lang.

"Uso kasi mag move on. Alam ko namang hindi madali 'yon at sobrang sakit ng nangyari sa'yo pero mas mabuti kung hindi mo sisirain ang good image mo sa school at mag papakabuti ka kahit para nalang sa sarili mo." Aniya.

Napatingin naman ako sakanya at ngumiti.

"At bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya sa'kin.

"Wala naman. May notes ka ba ng mga lesson ng subjects natin? Mapapatay ako ni Daddy kapag nalaman niyang bumagsak ako."

"Ay? Ngayon mo na-realized? Sa pagkakaalam ko, reported na rin sa daddy mo na hindi ka pumapasok."

"Ano?!"

"Kaya kung ako sa'yo, mag sisimula na akong mag compile." Tinaas naman ni Meia ang kamay niya at ikiniyom ito. "fighting!"

Tumayo naman ako at de-deretso na sana ng banyo pero bigla niya akong tinawag.

"Nga pala," lumingon naman ako sakanya. "Sinabi rin sa'min na makakasama mo sa community service si Kien dahil pareho kayong hindi pumapasok."

Agad naman nawala ang ngiti ko sa mukha at napairap. Kaasar!

"Hi!" Bati ko kay Eisha ng makarating akong sa gymnasium.

"O.M.G! What a surprise!" Aniya.

"Oa lang?" Tanong ko at naupo sa tabi niya.

"Cze? Ikaw ba 'yan?"

Tumango naman ako kay Ally. "Ako nga,walang iba."

"Finally!" Sabat naman ni Zen.

"Teka, ano ba meron? Bakit parang gulat na gulat kayo na nandito ako?" Tanong ko sakanila.

"Dzai, almost three weeks kang hindi pumasok. Pasalamat ka nalang malakas kapit ng pamilya mo. Kung hindi baka may letter of suspension ka na." Ally.

"Oo nga." Sang-ayon naman ni Zen.

"Ay chika! Narinig ko na kaya hindi pumapasok si Kien kasi mag ta-transfer na siya." Ally.

"Sus! Naniniwala ka naman." Eisha.

"Ay true!" Sabat naman ni Zen.

"Have you heard about the new guy na nasa business department din?" Tanong ni Ady. "Alam ko nando'n siya no'ng birthday ni Ravn e. I think siya 'yong nabangga ni Cze."

"Chika! Andami niyong tsismis." Puna ko sakanila.

"Hindi ka lang maka-relate kasi three weeks kang nag luksa."

"Baliw!" Pananaray ko kay Zen. "Nga pala, ano bang ginagawa natin dito? Gymnasium na ba classroom natin ngayon?"

"Alam mo hindi ko alam kung pinanganak ka ba talaga para maging tanga, e." Sita sa'kin ni Ally.

"Aray ha," sabi ko.

"Truth hurts." Aniya kaya naman napangiwi lang ako.

"Cze, may training ngayon ang varsity. Nandito tayo para sumrporta. At kung may mapapagalitan man sa'tin na hindi tayo pumasok, ikaw lang 'yon at hindi kami." Ani Zen.

"Grabe! Ang saya niyo naman maging mga kaibigan. Hoo!"

"Welcome!" Sabay-sabay pa nilang saad.

"Buwesit!" Bulong ko.

"Nga pala, si Meia?" Tanong ni Eisha.

"Alam niyo namang hindi siya katulad niyo." Sagot ko.

"Natin. Wag mo ise-separate sarili mo dahil kasama ka namin." Sabat naman ni Ally.

"Edi wow." Sabi ko lang.

Nagulat naman ako ng kiblitin ako ni Zen.

"Ehem! Ravn an'dyan na." She whispered.

"Pake ko?"

Bakit ba kasi nakalimutan ko na varsity rin siya. Kaasar!

"Awsus! Eczeia, wag ako." Asar niya.

"What's up twinnie?" Malakas na bati ni Xen ang identical twin nitong si Zen. "Oii! Cze? Buhay ka pa pala?"

Isa din 'tong alaskador, mag kambal nga sila. Binato ko naman si Xen ng mineral water na walang laman pero naiwasan niya. "Gag*! Ano akala mo sa'kin nag pakamatay?"

Umupo naman siya sa tabi ko at umakbay sa'kin. " Bakit hindi nalang kasi ako?"

Agad ko naman sakanya pinakita ang kamao ko. "Ito gusto mo?" Nakangiting tanong ko.

"Hehe...joke lang." Aniya at lumayo.

Eksakto namang pag tingin ko sa unahan, nag tama ang tingin namin ni Ravn. Agad akong umiwas at gano'n din ang ginawa niya.

"Bili lang akong tubig." Paalam ko sa mga kasama ko.

"Oh? Akala ko ba kasama mo sila Eisha?" Tanong sa'kin ni Meia ng umupo ako sa tabi niya. "Hulaan ko, nakita mo si Ravn kaya umalis ka noh?"

"Manahimik ka na nga lang." Saway ko sakanya.

"Okay."

Nag ring ang bell at hudyat na mag sisimula na ang klase namin. Kaagad naman akong napayuko ng pumasok si Mr. Balisnomo sa classroom. Anong araw ba ngayon at bakit siya ang subject tescher namin? Patay ako nito!

"Before we start our class, let me first check your attendance." Anunsyo nito. "Agravante!" Pag simula niyang mag tawag.

Binabalak ko kasing personal na mag report sakanya mamaya. Oo na, kasalanan ko na. Pero sino bang gusto na mapahiya? Tss!

"Lanier?"

"Present!"

"Levin?"

Nag dalawang isip pa ako kung itataas ko ba ang kamay ko. Nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Meia.

"Present po?" Sabi ko sabay taas ng kamay ko.

Itinaas niya ang salamin niya at blanko lang akong tiningnan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman siyang sinabi at pinag patuloy ang roll call.

"Hooo~" I sighed in relief.

Nagpatuloy ang klase ni Mr. Balisnomo at kinuha ko rin ang notes ko. Nakikinig rin naman talaga ako sa klase noh. Nag unat ako ng marinig ko ang bell. Sa wakas!

"Class dismissed." Anunsyo niya.

Madalan namang silabasan ang mga ka-klase namin dahil mag uunahan na naman sila cafeteria. Mahirap na kaya maubusan ng pagkain.

"Miss Levin." Rinig kong tawag ni Mr. Balisnomo.

"Po?"

"Una na ako." Paalam sa'kin ni Meia kaya naman napatango ako.

"I heard about the news of your absences. I know it's a personal issue. Pero ipapayo ko lang sa'yo na sana wag mo rin pabayaan ang pag-aaral mo. I won't scold you, because it's natural to be broken hearted and you need time to heal and move on. But I'm hoping na mahabol mo ang mga requirements. Is that okay?"

"O-opo. I'm sorry Mr. Balisnomo for my absences." Sabi ko naman. Tumango naman ito. "At saka, pwede po bang wag niyo ng iparating kay Daddy?"

"Nakiusap ako sa iba mo pang subject teachers. Sabi nila just make sure to compile all your missing activities."

"Maraming salamat po."

"You're welcome. I won't tolerate your actions. But I know how your dad will react on this kind of matter kaya naiintindihan kita."

Tumango naman ako at nag bow sakanya bago umalis. Lumabas na rin ako para pumunta ng cafeteria at hanapin ang mga bruha kong kaibigan.

"Cze," rinig kong tawag sa pangalan ko. Hindi pa man ko pa man siya nakikita, alam ko na kung sino siya.

Nag dalawang isip pa ako kung lilingonin ko ba siya o hindi ko nalang papansinin. Ano ba?

"Cze," pangalawang tawag niya.

Napabuga naman ako ng hangin at nag tipon ng lakas ng loob ng ilang segundo at saka ko siya hinarap.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gusto ko lang humingi ng tawad at mag explain---"

Bago niya pa man maipagpatuloy ang sasabihin niya, sinabat ko na siya.

"Let's forget about what happened and you don't have to explain anything."

"Pero..."

"Una na ako." Paalam ko sakanya pero nagulat ako ng bigla niya akong iharap at yakapin.

"I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. It's my fault, I know. But can you please give me another chance."

"Let go of me!" Pag tulak ko sakanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.

"Cze, I'm really, really sorry. I love you. Please..."

I can't also help it kaya naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko. Pinahid ko ito kaagad at tinulak ulit siya ng buong lakas ko.

"I'm sorry. But Ravn, we're over."

Mabilis akong naglakad paalis at dumeretso ako ng banyo. Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang mga daliri ko at binuksan ko ang faucet para mag hilamos. I let out a deep sighed.

Nawalan na din ako ng gana kaya bumalik nalang ulit ako sa classroom. I watch outside the window habang nakayungko ako sa mesa. Nasaktan ako dahil sakanya. Pero mas dumodoble 'yong sakit dahil malapit na kaibigan ko pa talaga ang nag traydor sa'kin. Kien was like a sister to me. Kaya hindi ko rin lubos maisip kung paano nila nagawa 'yon sa'kin.

Naangat ko ang ulo ko ng malamig na bagay ang dumampi sa pisngi ko. Ibinaba ni Meia ang orang juice na dala niya sa mesa, pati na rin ang sandwich.

"Nako! Nag sesenti ka na naman." Aniya. "Dinalahan kita ng snacks dahil baka mahimatay ka sa gutom."

"Oa? Lunch lang naman ang hindi ko nakain." Sabi ko.

"So ayaw mo?" Tanong nito.

"Ayaw."

Pero kinuha ko ang sandwich at linagyan ko ng straw ang orange juice.

After lunch break nakatanggap din ako ng message na galing kay Lolo. Pinaayos niya sa'kin 'yong mga gamit dahil lilipat na raw ako. Ewan ko ba sa matandang 'yon kung ano ang pumapasok sa isip. Biglaan at agaran na gusto ako palipatin.

Hey Guys! This is my first time publishing my story, and it is written in Tagalog and Tag-lish. I hope you will enjoy reading it. Thank you!

eizeesnowingcreators' thoughts