FOUR
Friday ngayon at nangako ako kay Lolo na uuwi ako ng Sunday pero dahil ngayon kami nakalabas ng school, ngayon ko nalang siya naisip dalawin. Pagkarating ko ng bahay, dumeretso kaagad ako sa study room at kumatok. Narinig ko naman siya na nagsabing pumasok.
"Lolo!" Tawag ko sakanya pagkabukas ko ng pinto.
"Apo ko!"
Mabilis itong napatayo kaya napangiti ako. Lumapit ako sakanya at yinakap siya
"Namiss kita!" Sabi ko.
"Awsus! Ikaw din naman." Aniya at ginulo ang buhok ko.
"Nga po pala, may dala akong paborito niyong matamis na mansanas. Bagong pitas po 'yan. Fresh from Zhou Farm." Proud kong sabi.
"Zhou Farm? Hindi ba't malayo 'yon? Umalis ka ba ng hindi nag papaalam sa'kin?"
"Ano ka ba, lo! Si Nicholas ang kumuha niyan para sa'kin. Sabi niya, dinagdagan ng Lola niya para sa'yo."
"Nakauwi na ang batang 'yon? Kailan pa?"
"Ng tuesday lang po kami nagkita. Pero mag kakalahating taon na siyang nandito. Kahit naman ho ako hindi niya sinabihan, e. Pasalamat siya hindi ako matampuhin."
"Nako! May balak ka pa talagang mag tampo sakanya, e 'di ba nga ikaw mismo ang nag sabi sakanya na pumunta ng ibang bansa?"
"Nagbibiro lang naman ako, e."
"Oh siya, kumain ka na ba?"
"Oo na po. Kumain ako bago umalis."
"Mamaya magpapaluto ako kay Veda ng hapunan."
"Opo. Lo, maiwan ko muna kayo. Mag bibihis lang ho, ako." Paalam ko.
"O siya, sige."
Well, humilata lang talaga ako sa kama pagkatapos ko mag bihis. Kinuha ko ang laptop ko at nanood ng cheering squad sa YouTube. Tapos naisipan ko manood ng k-drama. Ano ba magandang panoorin ngayon?
Binuksan ko ang Instagram ko at nag dm sa group chat namin.
________________________________________
Puff
You
Eisha, Meia, ano magandang
k-drama panoorin?
Eisha Mendoza
Alchemy of Souls. Season 1&2.
Worth it, promise!
Meia Villegasa
Truth! Alchemy. Satisfying, dzai!
You
Okie! Tenchu!😘
_______________________________________
So, nag search nga ako sa Netflix. Hindi nga sila nag kamali. Sobrang ganda nga ng alchemy kahit ep.1 pa lang naman ako. Ganda ni Somi at Yoonjung! Ang ga-gwapo din ng mga leading man.
Habang ini-enjoy ko ang panonood ko. May kumatok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Astra?" Tawag ni Manang Veda sa labas.
Pinause ko muna ito at tumayo para tumungo sa pinto.
"Po?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto.
"Ano bang ginagawa mong bata ka at kilig na kilig ka d'yan? Rinig na rinig ko tili mo sa labas ng kwarto mo." Sita niya sa'kin.
"Nanonood lang ho."
"Awsus! Pinapasabi ng Lolo mo na mag bihis ka. May mga bisita raw kayong darating ngayong gabi." Aniya.
"Sino raw ho?" Curious kong tanong pero nag kibit balikat lang ito. "Sige ho."
Isinarado ko ang pinto pagkaalis ni Manang Veda at bumalik ako sa panonood. Naisip ko naman kung sino ang tinutukoy niyang bisita ni Lolo. Sino nga kaya? Business partner? Baka. Hay nako! Ewan nga!
Gusto ko pa sana manood pero kinukulit na ako ni Manang Veda. Kaasar naman! Pwede naman kasing hindi ako lumabas, e! Bakit ba kasi kailangan pa nila akong isali? Kung tungkol sa business, wala naman akong alam. Kaya nga HUMSS ang kinuha ko.
Binuksan ko ang closet ko at pumili ng isang simpleng white dress. Bakit dress? Mas madaling hubarin at suotin. Hinugay ko lang din naman ang wavy kong buhok na lampas balikat at nag lagay ng kaunting kolorote sa mukha.
Pagkababa ko, wala pa namang tao sa dining pati na rin sa sala. Si Lolo, nag bibihis pa, siguro.
"Ate Loren, patawag nalang po ako sa garden."
"Sige, ija."
Aalis na sana ako pero nagsalita pa si Ate Loren. Nahinto din siya sa pag-aayos sa mesa.
"May bisita na nga pala ang Lolo mo na dumating. Nasa sala lang siya kanina, e. Baka lumabas saglit."
"Sino po? Kilala niyo?" Tanong ko.
"Hindi ko pa siya nakikita. Pero kanina yinakap siya ng Lolo mo at mukhang kakilala niya ito ng lubos." Aniya. "Siguro may katandaan lang iyon sa'yo, pero binata."
Napaisip naman ako. Sino kaya? Si Nicholas? Ano namang gagawin niya dito?
"Sige po, Ate Loren. Salamat."
Tuluyan akong umalis at tumungo ng garden. Naupo ako sa bench nando'n at tiningnan at inamoy ko ang mga rosas. Napangiti ako dahil sa dala nitong halimuyak.
"Siguro kung nandito si Lola, matutuwa siya na malusog at magaganda ang mga bulaklak na tinanim niya. Sana gumaling na siya. Miss na miss ko na rin siya, e."
Tumayo ako at nag libot. May iba't ibang uri ng bulaklak dito pero by pair sila. Sana all, may pair. Charot!
"Oh?"
Napaupo ako ng may makitang isang alitaptap sa isa mga bulaklak. Napailing dahil umiiral na naman ang pagiging isip bata ko. Gusto ko na naman itong dakpin. No'ng bata kasi ako, mahilig akong dumakip ng mga alitaptap at ilinalagay sila sa bote. Pero no'ng kinaumagahan, umiyak ako kasi namatay. Kaya dinadakip ko pa rin pero pinapakawalan ko rin naman agad. Tama! Papakawalan ko nalang.
Inangat ko ang kamay at nag focus para dakpin 'yong alitaptap. Pati pag hinga ko pinipigil ko dahil baka bigla itong lumipad pataas. Bumebwelo na ako pero biglang may nag salita sa may likod ko at mabilis nga itong lumipad pataas. Hinabol ko pero hindi ko na abot. Ibinaba ko ang kamay ko at tiningnan ng masama ang nilalang na gumulo sa'min ng alitaptap. Pero nabago rin ang ekspresyon ko ng makilala kung sino siya.
"Ikaw?!" Gulantang wika ko.
"Well, I hate seeing you too. But I guess we can't help it." Aniya kaya naman napairap ako.
"I hate seeing you more. Paano ka nakapunta dito? Anong ginagawa mo sa bahay ng Lolo ko?" Tanong ko sakanya.
"Well, I want to build my own home but your grandpa said na ayaw niya raw mawala ang bahay na 'to at sayo niya ipapamana so I have no choice but to follow his wish."
I frowned when he said that.
"Huh?" Clueless kong tanong. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Astra, pinapatawag ka na ng Lolo mo!" Tawag sa'kin ni Ate Loren. "Kayo rin ho, Sir Travis."
Naguguluhan ako. Gusto ko pa sana siyang tanongin pero nauna na siyang mag lakad sa'kin. Pinagpag ko ang damit ko habang papasok sa bahay. Natigil ako ng maangat ko ang paningin ko at makita kung sino ang mga taong sinasabing bisita ng Lolo ko.
"Oh my gosh! Is she Eczeia?" Gulantang tanong na magandang babae. Kamukha niya si Travis at sa tingin ko siya ang nanay ng wierdo. "The last time I saw her she was this short." At dinemo niya pa kung gaano ako kababa ng makita niya ako.
"Pfft! Until now she's short." I heard the weirdo chuckled kaya naman tiningnan ko siya ng masama.
"She really grew up to a beautiful lady." Puna nito sa'kin.
"I agree." Sang-ayon ng lalaking mukhang tatay nitong si Travis. They're both handsome and beautiful. Walang duda na anak rin nila si Travis. Oo na, gwapo ang nilalang na 'to, sobra. Parang fictional character sa isang webtoon, pero weirdo nga lang.
"Come to Tita Venice let me give you a hug." Even though I was clueless, napalapit nalang ng senyasan ako ni Lolo. Awkward lang akong napangiti ng bumitaw siya ng yakap sa'kin.
"Hi po?" Awkward ko rin na bati sa ama ni Travis at ngumiti lang ito.
Shete ang gwapo! Kung hindi lang kasal. Charot! Pero ano bang ginagawa nila dito?
"Bago pa lumamig ang mga pagkain, sa tingin ko mas mabuting kumain na muna tayo." Pag-anyaya ni Lolo.
Pumunta nga kami ng dining at naupo sa kanya-kanyang upuan. Tahimik kaming kumain at wala man lang kumikibo na kahit ni isa. Ang awkward naman. Kinuha ko ang baso ko para uminom ng tubig dahil parang mabubulunan ako sa katahimikan. Pag kami kasi ni Lolo ang kumakain madaldal kami pareho kaya medyo awkward para sa'kin.
"About the Eczeia and Travis...".panimula ni Lolo. "I guess it's better kung mapapaaga ang engagement nilang dalawa."
Halos maibuga ko naman ang tubig na iniinom ko pero buti nalang hindi natuloy, nasa harap ko pa naman ang Mommy ni Travis. Nakakahiya. Pero naubo ako kaya napatakip ako ng bibig ko at tiningnan ang Lolo ko at mag tanong dahil baka mali lang ang rinig ko.
"A-ano po?" Tanong ko at napaubo ulit.
"I know this is a sudden news for you apo. But you heard me right." Napakunot naman ang noo ko.
"Ay Lolo naman!" Saway ko sakanya. Napatingin naman ako sa Mommy at Daddy ni Travis at awkward na ngumiti. "Pag pasensiyahan niyo na ho ang Lolo ko. Mahilig lang ho talaga siyang mag biro. Hehe!"
Napangiti naman sa'kin ang dalawa.
"It's not a joke. It's true. Ikaw lang ang walang alam." I heard Travis said kaya napatingin ako sakanya.
"Okay lang sa'yo?" Seryosong tanong ko. "We don't even know each other. Hindi mo rin ako magugustohan, at hindi rin kita magugustohan." I added.
"Are you sure about that?" He asked.
Tinarayan ko nalang siya dahil ko talaga siya makakausap ng matino. "Lo?" Baling ko kay Lolo.
"Apo, I'm doing this for you own good. I see Travis and his family as a good one for you. They can take care of you."
Peke naman akong napatawa. "Kung makapag salita kayo, parang pinapamigay niyo ako."
"Apo," aniya at hinawakan ang kamay ko "Maiintindihan mo rin na para ito sa'yo."
"Pero sana inintindi niyo rin ho muna ang mararamdaman at magiging reactions ko. Sana po tinanong niyo muna ako. I get it. This is for my sake. Pero may sariling desisyon rin ho ako lalo na sa taong mamahalin ko!" I can't help it kaya medyo napalakas na ang boses ko.
"Why you still want to get back to that jerk? You still love him?"
"Even if I don't. Hinding-hindi ako mag papakasal at magkakagusto sa nilalang na kagaya mo. I'm sorry Mr. & Mrs. Anderson, pati na rin ho sainyo Lo, but I will not accept our engagement."
Tumayo ako at umalis sa harap nilang lahat at dumeretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang unan ko at pinatong ko ro'n ang mukha ko para sumigaw.