webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasia
Classificações insuficientes
28 Chs

Chapter 24- Dark Academy

Hera's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa bukas kong bintana. nag-unat ako at nag kusot mata. pumunta ako sa bintana at tinanaw ang magandanag tanawin ng aming palasyo. napakasariwa ng hangin at mabangong amoy na galing sa mga bulaklak.

Bumalik ako sa aking kama at hinanap ang aking aso. sandali.... ano nga pala ang nangyari kahapon? Giant rock.... Pulang mansanas.... at.. ang.. A-ang matandang babae na kinakausap ako at nawalan ako ng malay.

nawala ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Bumaling ako dito at isang kasambahay na pumasok na may dalang tray.

"Magandang umaga kamahalan. dala ko po ang iyong umagahan, Sabi po ng mga kaibigan niyo ay magpahinga po muna kayo at wala po muna kayong ensayo ngayong araw. pagkatapos niyo pong kumain ay maligo na po kayo dahil may darating na bisita." Sabi niya sa akin na nakayuko. Kumunot ang noo ko.

"Bago ka dito?" Seryosong sabi ko. tumango naman siya at tumingin sa akin. Nagulat pa ako nang biglang kumislap ang mata niya sa pagiging abo. tumango ako sa kanya at nagsimulang kumain. umalis naman siya kaagad.

Ang alam ko ay ang mga tauhan at kasambahay ko sa alehandra ay walang kulay abo na mata. Ang kulay ng mga mata ng mga tauhan ko ay kulay berde. Alam ko yun, kasi kung hindi kulay berde ang mata mo ay hindi ka isang tunay na taga alehandra.

Napaisip naman ako. Nandito ba siya para mag espeya sa aking palasyo? Kukuha ng impormasyon kung sakaling lalaban kami sa kanyang pinang-galingan? ano nanaman ba ang pakulo mo Silver? naging mabuting tao ako noon sa iyo pero bakit ginagawa mo to ngayon sa akin?

nagsimulang akong kumain. Sa kakaisip ko sa babaeng abo na mata ay nakalimutan kong amuyin ang mga pagkain na dala niya baka ma lason pa ako. Nagsisiguro lang naman.

Napakasarap ng mga pagkain na hinanda nila. Parang ilang araw akong hindi kumain. Eh.. kahapon lang naman ako nawalan ng malay. Tsk! Tataba naba ako neto?

Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako at pumunta na sa banyo para maligo. natatamad akong mag shower kaya ay ang ginawa ko ay naligo nalang sa jacuzzi na pinagawa ko noon lang. Naamoy ko kagaad ang mabangong lavender na bulaklak galing sa tubig.

Lumusong ako sa jacuzzi at pumikit para damdamin kung gaano kasarap sa pakiramdam ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa balat ko. at naka tolog nga ako.

Fatima's Pov

Nandito kaming dalawa ni clarissa sa kanilang bayan dahil gagamutin ko daw ang mama niya na may malubhang sakit. Ngayon ko lang nga ulit nakita si clarissa umiyak. dami pa siyang sinabi sa akin na kung sana daw ay noon niya pa nalaman na may sakit ang mama niya ay hindi nalang siya umalis sa tabi ng mama niya.

Hindi nakasama si hema dahil siya ang magbabantay muna sa kaibigan namin. Tatlong araw na ang nakalipas pero tolog padin si hera kaya baka pag gising nun eh makalimutan niyang ganyan siya kapag nawalan ng malay. Nag alala talaga si hema noong una baka daw may nangyaring masama kay hera. nakakalito din ang babaeng yan eh, parang kapatid niya si hera kung mag-alala. Si clarissa naman ay natakot din para kay hera. Kaya nga hindi niya pa na puntahan ang mama niya ay bumalik nalang siya muna sa palasyo. ako? Busy ako sa kay cleve. Oo, kay cleve! Nandoon siya dahil pupuntahan niya daw si hera dahil may pinadala ang kuya niyang feeler. Haha char lang. naaawa na nga ako kay clover eh bakit kasi ang manhid ni hera tsk! Secret lang natin ang parte kay cleve ha? hehe. Ssshhh..

balik tayo sa bayan ni clarissa. nang makarating kami sa bahay nila ay nadatnan naming nagdidilig ng halaman si tita. nagulat pa si tita nang makita kami. Okay naman pala si tita eh? Bakit sabi ni clarissa malubha ang sakit niya.?

"Ma! Bakit kayo ang nagdidilig?! Bakit hindi si Clara?" Tanong niya kay mama niya. Hinawakan ko naman ang balikat ni clarissa galit kaagad eh. Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga.

"A-anak. Bakit ka n-nandito?" Sabi ni tita. halata sa kanya ang kinakabahan. Tumingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. "May kasama kadin pala. Kaibigan mo?" Takang tanong ni tita. Kumunot naman ang noo ko sa inasta ni tita.

"Ma. Nakalimutan niyo po ba na siya si fatima ang kaibigan namin ni hera." sabi ni clarissa sa kanyang mama.

"Alam mo naman anak na makalimutin na ako dahil sa sakit ko." Malungkot na sabi ni tita. "Pasensya kana iha ha. Kung hindi kita nakilala." Paumanhin niya sa akin. Ngumiti naman agad ako.

"Okay lang po tita." Sabi ko.

"Halika kayo pasok kayo. baka malamig na ang pinahanda ko na pagkain kay clara." Sabi niya at naunang umalis sa amin. Tinignan ako ni clarissa.

"Do it the body scan. I can't take it anymore. nahahalata ko na din pero gusto kong makasiguro." Sabi ni clarissa sa akin. tumango ako at pumasok na kaming dalawa.

Healer ako at kaya ko din makita kung may sakit ang tao o wala. Mag a-eye contact lang kami ni tita ay magagawa ko ang body scan na utos ni clarissa. nahalata ko din kanina sa kay tita na wala siyang sakit. kung malubha ang sakit niya ay dapat nagpapahinga lang siya o nakahiga. it's the safest way para sa kaligtasan ng katawan.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay talagang namangha ako sa laki ng loob. Kung nasa labas ka maliit lang ang bahay nila na okay na sa pang tatlohan na tao pero ito pagpasok mo palang ay malaking sala na agad ang makita mo. Sa tabi naman ay Dining area at Kitchen. Nakikita ko din na lumilipad ang mga pagkain galing sa kusina. Ang galing talaga ng mga sorcerer nato ano. Galing mag-isip . Tumingin ako sa itaas. Malaki din ang kanilang grand staircase. May limang pintuan na nakahilera.

Meron din cardboard na may pangalan siguro kung ano ang nasa loob. napatingin ako sa living room nang umupo si clarissa doon kaya dali-dali naman akong tumabi sa kanya.

"Mamaya ko nalang gagawin kung kakain na tayo hehe." Sabi ko at umikot naman ang mata niya. Suplada talaga ni clarissa nu? Masarap pektusan. Char!

"Anong tinitingin mo?" Natauhan ako nang magsalita si clarissa. umirap ako sa kanya at tumingin sa kung saan ang lumilipad na mga pagkain na galing sa kusina.

"Si clara ba yan ang gumagawa clarissa?" Tanong ko sa kaibigan na nakapikit.

"Yes..." nakapikit na sabi niya. Napabuntong hininga ako at pumikit na din.

Isang oras kaming nandoon at nalaman ko kaagad na wala talagang sakit si tita. Nagalit si clarissa pero hindi niya sinabihan o ano ang kanyang mama. ang ginawa niya ay kumain kami kasama sila at umalis din kaagad pagkalabas namin sa bahay nila ay hindi niya na nilingon ang kanyang mama. Humingi na din ako ng pasensya dahil sa pinakita ni clarissa. Tahimik si clarissa kaya hindi nalang ako nag abala na magsalita tungkol doon sa kanyang pamilya. Personal na buhay niya iyon.

Nang makabalik kami sa palasyo ay nadatnan naming abala ang lahat ng tauhan ni hera na may niluluto at meron ding nagdi-disenyo ang ibang kasambahay. nagkatinginan kami ni clarissa. nagkibit-balikat ako at sabay nalang kaming pumunta sa kwarto ni hera.

Mahaba ang pasilyo na papunta sa kwarto ni hera. Meron kapang makikita na Music room, Library, Training room, At limang guests room. Kung pwede nalang sana na gamitin ang telepathy ay kanina ko pa sinabihan si clarissa pero natatakot ako na magsalita sa kanya kasi masama ang ihip ng hangin ngayon haha..

Limang minuto nakarating din kami kaagad sa tapat ng kwarto ni hera. papasok na sana kami nang bumukas ito at lumuwa ang mukha ng isang kasambahay na natatakot na parang may nasamang nangyari.

"Oh ate. Anong nangyari?" Tanong ko. kumamot siya ng ulo at yumuko.

"Kasi po nawawala ang Reyna kanina pa siya namin hinahanap pero hindi naman nakita ng mga kawal na lumabas ng kwarto ang reyna pero wala siya sa loob ng kwarto niya. Nagalala na din ang kanang-kamay dahil may darating na bisita ngayong hapon." Paliwanag niya. nagtataka naman akong napaisip nang pumasok si clarissa. Sumunod ako sa kanya at hinanap din si hera sa loob. Kahit sa loob ng kwarto ni hera ay napakalaki ng espayo.

Nang makuntento kami sa paghanap ay pumasok nanaman kami kaagad ni clarissa sa loob ng C.R ni hera pareho din ang kalaki sa kanyang kwarto. naamoy ko kaagad ang bango ng lavender na nakababad sa jacuzzi.

Dahan-dahan akong pumunta doon at nagulat talaga ako sa nakita ko nang walang buhay ang katawan ni hera sa loob ng jacuzzi.

"Hera!" Sigaw ko at dali-dali namang tumakbo si clarissa para kunin ang katawan ni hera sa loob ng jacuzzi. Jusq po! Anong ginagawa mo sa buhay hera?!

nagpa-panic na si clarissa kung ano ang gagawin nang makarecover ako sa gulat ay tinignan ko kung buhay paba si hera. naka hinga ako ng maluwag ng buhay nga siya. Hayyy

"Hera.. uyy gising!" Sabi ko habang tinatapik ang kanyang pisngi. Dahan dahan naman siyang namulat at parang kakagising niya lang.

"Nandito na kayo? Sorry nakatolog ako." Sabi niya at humikab pa. Umikot ang mata ko .

"Oo tolog ka nga. Pero ano bang pumasok sa isip mo at napagisipan mo matolog sa ilalim ng tubig isda kaba?!" Singhal ko sa kanya. taka naman siyang tumingin sa akin.

"A-anong pinagsasabi mo eh natolog lang naman ako sa..." tinuro niya ang jacuzzi at gulat na napatingin sa akin. "Hala oo nga pala nakatolog ako sa jacuzzi!! Anong oras na?" Gulat na tanong niya. Napasapo naman ako ng aking noo.

"Alas dyes na ng umaga at isang oras kang nawala. Natotolog kalang pala dito." sagot ni clarissa dahil hindi ako nagsalita. pinatayo ko si hera at binigyan ng bathrobe. Sinuot niya naman kaagad ito. Napailing nalang ako sa kaabnuyan ni hera. Hay nako.. nakaka stress mga kaibigan ko. Char!

pagkalabas nmin sa C.R ay ganun din ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni hera at pumasok si hema na may mga dalang malaking box. Bumuntong hininga siya nang makita kami at dinala ang box sa higaan ni hera. sunod namang pumasok ang alagang aso ni hera na nakaharap sa amin at parang nagtataka itong nakatingin. May dog tag na din siyang suot.

"Oh nandito kalang pala. Saan ka nanggaling?" Malumanay na tanong ni hera sa aso at humiga naman ang aso sa kanyang paanan at nag pa cute. Awww~

Tinignan ni hera ang nakasuot sa kanyang keeg at binasa ito.

"Helios?" Tumahol naman ang aso at dinilaan siya. "Helios ang pangalan mo? Pero sino nagbigay tu?" Takang tanong ni hera.

Naalala ko. Yan ang mga dala ni cleve para sa aso daw. nakalimutan ibigay kay hera dahil umalis kaagad si clover noon dinala niya ang aso dito.

"Eh.. sino paba! Ang iyung fiancé ang bumili niyan." Sabi ko at umirap. Che! Manhid padin si hera. natigilan naman si hera.

"Dinala niya dito?" Tanong ni hera. Hmm.. i smell something fishy.

"Hindi! Si cleve ang nagdala niyan. Hindi pupunta si clover dito kung hindi pa maganda ang nararamdaman mo." Sabi ko sakanya at umupo sa malapad na sofa niya. Haayy. Nakakapagod ng araw nato.

"Siya nga pala.. mag-ayos ka muna hera. darating ang mga Deavore's at ang mga councils." sabi ni hema sa kay hera. Tumayo si hera at dinala ang aso niya na si helios at pinahiga sa kama.

Sinimulan na din siyang ayusan ni hema. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-ayos.

Hema's Pov

Sinimulan kong ayusan si hera sa mukha at agad na inayos ang kanyang buhok. Ang ginawa ko sa buhok ni hera ay water fall. Light lang ang make-up niya. pagkatapos ko siyang ayusan ay binigay ko sa kanya ang kulay Gray na Long gown na binili ko kanina sa bayan ng Domisticus. Doon din kami bumili noong kaarawan ni clover.

nang ma alala ko ang nangyari noong nagensayo si hera sa ilusyon ay napag-isipan kong sabihin sa kanila ito.

"Fatima, alam mo bang may nakapasok sa ilusyon na ginawa mo." Sabi ko kay fatima na nakahiga sa malapad na sofa. Bumangon naman siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Ano? Hindi ko alam niyan. Meron ba?" Gulat na sabi niya. Tumango naman ako. Tumingin ako kay clarissa at kay hera . Nakakunot na ang noo niya na naka tingin sa salamin.

"Habang nagmamasid ako kay hera. Nakarinig ako ng nagsasalita sa ilalim ng puno na tinataguan ko. akala ko ilusyon lang ni hera pero nang sabihin nilang kailangan na nilang sundan si hera baka mawala na nila. Mauuna na sana akong umalis pero naamoy ng isang lalaki ang akinh presensya. kaya nagtago ako. Nang hindi niya ako nakita ay umalis naman sila kaagad. At doon nawala si hera sa paningin ko..." sabi ko at magsasalita na sana si fatima nang magsalita ulit ako. "Nawala ko siya pero nakita ko naman siya kaagad na may kausap na matandang babae. Alam kong ilusyon yun pero iyun ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay hera. May sinabi ba sayo ang matanda?" Tanong ko kay hera na tahimik lamang. Umiling siya pero hindi nawala sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya. may sinabi nga ang matanda.

"Ano kaagad ang sunod?" Tanong ni fatima na atat sa gustong malaman.

"Aalis na sana ako nang makuha ko si hera ay iyun din ang paglabas ng tatlo sa malaking puno. Gusto nilang kunin si hera at pabagsakin ang alehandra." Sabi ko sa kanila. napatakip ng bibig si fatima at seryoso parin ang mukha ni clarissa. Si hera ay tahimik pa din. "Ang alam ko ay mga bata pa lang sila at halata sa kanila na napagutusan lang ng kanilang pinuno."

"May suot ba silang makakapagsabi na kung saan sila galing?" Tanong ni clarissa sa akin. Tumango ako. Ang itim na cloak at ang palatandaan na makakapagpigil hininga.

"Dark Academy pinamumunuan ni Silver Cross." sabi ko at pabagsak na umalis si hera sa kanyang upuan at lumabas ng kwarto, Nagising pa ang aso niya. Tsk tsk!