webnovel

The Spoiled Brat

The Spoiled Brat meets The Gangster. Si Xhena ay isang Spoiled Brat na laging gusto ay ang kanyang kagusutahan lamang ang nasusunod. Gagawin niya ang lahat paraan para masakaturapan ang kanyang kagustuhan. Ngunit dahil sobra na ang pagiging Spoiled Brat niya ay napag-isipan ng kanyang mga magulang na patirahin siya sa kanilang probinsya. Doon niya makikilala ang isang gangster babago ng kanyang buhay. Ano kaya ang magiging buhay ng isang Spoiled Brat sa probinsya? Anong magiging papel ng isang Gangster sa kanyang buhay? Alamin sa susunod sa mga susunod na kabanata ng kwentong ito.

EiArEs · Adolescente
Classificações insuficientes
8 Chs

IV Crizza Reigne Torres

Point of View: Sophia Xhenaryll Dwan

--------------------------------------------

Taas noo akong naglalakad sa hallway ng floor ng marketing department. May pupuntahan lang akong kaibigan.

Habang naglalakad ako ay lahat nang estupidyanteng nasa hallway ay napapatingin sa kagandahan ko. Automatic na din silang gumigilid para makadaan ako. Pati pala dito sikat ako. Kailangan ko na dapat makoronahan bilang isang reyna.

"Hoy babaeng mukhang payaso!" Lumingon-lingon naman ang payaso sa paligid. Anong nililingon nya? Siya ang tinawag ko, wala nang iba.

"Ikaw ang tinatawag ko. Wag ka nang maghanap pa nang iba." Inis kong sabi. "Lumapit ka nga dito." At lumapit naman siya.

"Sorry po, Princess Xhe." Sabi nya sabay yuko na ikinangiti ko. Yan ang gusto ko.

"Where's the freaking bitch?" Tinuro naman niya ang dulo room. Ang layo naman! Bakit ang layo ng room niya? Argh!

"Okay, thanks." Sabi ko sabay alis harapan ng payaso.

Pinuntahan ko naman ang tinuro ng payasong yun. Hindi naman naman nagsisinungaling yung payasong yun, dahil paniguradong eto na yung room niya dahil may dalawang lalaking nagbabantay sa pintuan. Psh! Akala mo ang lalaki ng katawan, puro patpatin naman.

"Princess Xhe." Sabay na sabi nilang dalawa sabay yuko. Tama yan!

"Ano pong ipaglilingkod namin sa inyo?" Sabi nang isa.

"Nasaan siya?" Inip kong sabi

"Sino pong siya?" Napataas naman ang kilay ko dahil sinagot niya ng tanong ang tanong ko.

"Tanga ka ba? Sino pa ba ang hahanapin ko dito, kundi ang Princess Bitch niyo lang. Alangan namang ikaw ang hanapin. But sorry, hindi ko kailanman hahanapin ang isang katulad mong basura." Inis kong sabi. "Nga pala, hindi mo dapat sinasagot ang isang tanong ng isa pang tanong." Sabi ko at hahawakan ko na sana ang doorknob nang biglang bumukas ang pintuan.

Bumungad sa akin ang babaeng pinuntahan ko talaga dito. Hindi ko ugaling puntahan ang ibang prinsesa. Ngayon ko lang ito ginawa dahil may kailangan ako dito sa babaeng to

"Anong ginagawa mo dito at anong kailangan mo?" Walang emosyon niyang sabi sa akin.

"Grabe ka naman sa akin, frieny. Kailangan agad, hindi ba pwedeng gusto kong bisitahin ang kaibigan ko." Paawang sabi ko. Psh! Syempre hindi ko yun gagawin. Nagdrama lang ako sa harapan nya.

"Pwede ba, Xhena, tigilan mo yan kadramahan mo? Sabi mo na agad ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Napairap ako sa kanya. Hindi man lang niya ako sinabayan sa kadramahan ko. Psh!

"We need to talk." Seryosong sabi ko.

"Follow me." Ikinasingit naman ng mga mata ko ang sabihin nya yun lalo na't nauna siyang maglakad. Hindi pwede yun.

Kaya naman naglakad na ako. Hinabol ko siya para magsabay kaming maglakad.

"You will followed me." Sabi ko at nilagpasan ko siya na may mga ngiting sa aking labi. Pero, nagulat ako nang bigla niya lang akong nilagpasan. Hindi yun maaari. Ako dapat ang nauuna sa kanya at sumusunod lang dapat siya.

Kaya naman, binilisan ko ang paglalakad para lampasan sya. Pero, bago ko man sya malagpasan ay hinawakan niya ako sa wrist ko para magsabay kaming maglakad.

"Don't be so childish, Xhe. We're on the same rank. Hindi mo kailangan makipag-kompetensya." Sabi niya sa akin at napairap naman ako sa kanya. Ang KJ talaga nitong babaeng to. Kainis!

••••

"So, ano ang ating pag-uusapan?" Nandito sa lugar kung saan ay nag-me-meeting kaming apat.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sayo?" Mataray kong sabi. Aba! Nakailang tawag na ako sa kanya, at ni'isa dun wala syang sinagot.

"Bakit ko naman sasagutin ang tawag mo?" Seryosong sabi niya na ikinainis ko.

"Malamang, kailangan mong sagutin tawag ng isang tao sa phone. Kabastusan kasi yung hindi pagsagot nang tawag sa phone." Inis na sabi ko na ikinailing niya ng bahagya.

"Sayo talaga nanggaling yan, ah! Diba, bastos ka din namang tao?" Sabi niya sabay ngisi. Ngising sobrang nakakairita.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang sumulpot. Bakit may nerd dito? Pero teka, siya yung nerd nung last three weeks na kasama ni Crizza nung nag-meeting kami. Nandito nanaman siya?

"Pwede naman kayong mag-usap nang mahinahon." Ikinasingit nang mga mata ko nang magsalita siya. Bakit ba siya nangingialam?

"Ano bang pakialam mo?" Inis kong sabi sa kanya sabay tulak sa kanyang balikat. Nakita ko naman na ngumiwi siya. Masakit siguro ang balikat niya. Sorry sya, mapanakit ako. At, hindi rin ako humihingi nang tawad.

Nakita ko din ang naging reaksyon ni Crizza. Napangisi ako sa nakikita ko. Mukhang may something silang dalawa. Naaamoy ko ang kalansahan nilang dalawa.

"Ethan, umalis ka na dito." Ang pag-alala na nasa mukha ni Crizza kanina ay bumalik sa paggiging seryoso nito.

"Pero--"

"Umalis ka na dito, Ethan." Muling sabi niya at napayuko naman si nerdy boy saka ito tuluyang umalis. Tumingin naman ako kay Crizza na may mga ngiti sa aking labi.

"Who's that nerdy boy?" Nakangising tanong ko.

"It's none of your business." Seryosong sabi niya.

"Ang haba naman pala ng pangalan nya." Sarcastic kong sabi. Psh!

"Pwede ba, Xhe! Don't ever bothered me. Sa naman, last na tong panggugulo mo sa akin. At, kung wala ka nang sasabihin pa. Mabuti pa sanang umalis na ako." Sabi niya sabay talikod. Hindi pa siya pwedeng umalis. Hindi ko pa nasasabi ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Tama ka. Last na talaga to." Sabi ko at muli naman siyang humarap sa akin. Napangiti naman ako ng unti.

"Last na to, dahil bukas na bukas din ay aalis na ako. Sa probinsya na ako titira at doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko." Sabi ko at natahimik naman siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Pero sana, sana....

"Anong pakialam ko?" Napabuntong hininga naman ako. Akala ko babalik kami sa dati kapag nalaman niyang aalis na ako. Yung kahit ngayong araw lang.

"May pakialam ka dahil magkaibigan tay--"

"Take note, Xhena; noon yun. Mali pala, kahit noon hindi na tayo magkaibigan. Wala akong kaibigang mas masahol pa sa halimaw. Mga halimaw kayo, kayo ng pamilya nyo." Madiing sabi niya.

"Ginawa lang namin yun dahil kailangan namin kayong iligtas." Pagpapaliwanag ko.

"Iligtas? Hindi ako naniniwala sa kasinungalingan mo. Hinding hindi na ako maniniwala sayo. Ang mga katulad niyo ay walang sinasanto, lahat ng taong sagabal sa inyo ay tinatanggalan niyo ng karapatang mabuhay. At kapag hindi kami lumayo sa inyo, kami na ang isusunod niyo." Umiling ako. Mali ang nasa isip niya. Hindi kami ganoong tao. Ginawa lang namin yun dahil kailangan namin silang iligtas.

"Crizza, mali ang nasa isip mo. Sana naman, makinig ka naman sa akin ngayon. Kahit ngayon lang. Please?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan niyang malaman ang katotohanan kung bakit namin yun ginawa, dahil nasa panganib silang pamilya sa mga panahon na iyon.

"No! Hindi ako makikinig sayo. Kahit kailan hinding hindi ako makikinig sayo. Kung aalis ka, umalis ka na. Mas mabuti nang lumayo sa pamilya namin dahil nakakaramdam ako ng panganib kapag nasa paligid ka." Sabi niya agad na umalis papalayo sa akin.

Napabuntong hininga ako at napailing. Kaya wala akong tinuturing na kaibigan dahil alam kong ganito ang mangyayari. Lalayuan nila ako kapag nalaman nila ang tunay na katauhan ko. I became a spoiled brat princess, hindi lang dahil isa ang pamilya sa pinakamalaman sa university-ng ito, kundi dahil din para itago ang tunay na katauhan ko at nang buong pamilya ko.

Napatingin ako sa kamuluskos na malapit malapit sa kinatatayuan ko. Mukhang umalis na siya. Kanina ko pa siya napapansin dun. Hindi ko lang siya pinapansin dahil kausap ko si Crizza.

Agad ko namang pinuntahan yun at may nakita akong litrato. Litrato namin ni Crizza na nag-uusap. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba itong o hindi. Journalist ba ang may gawa nito o mga masasamang loob? Pero, alin man sa kanilang dalawa. Doble ingat ang kailangan.

Sinuri ko ng maagi ang litrato at nakita ko ang na may tatak ang likod nito. Tatak na inilalagay sa kamay ng bata kapag nakasagot ito nang tama. May excellent, Very good at good. Sa nakikita ko ngayon, Very Good ang nakatatak. Anong ibigsabihin nito? Kailangan kong malaman.

Ibinulsa ko ang ang litrato. Sa ngayon, hindi ko matatawag ang mga kuya ko at si Fourth. Pero, may isa pa akong kilala na pwedeng makatulong sa akin para malaman kung anong ibig-sabihin ng tatak na 'very good' sa likod ng litrato.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko siya. Hindi rin naman nagtagal at sinagot maman niya ang tawag.

"Era, kailangan natin mag-usap."

------------------------------------------

•To be continued•

------------------------------------------

Characters in the scene:

1. Sophia Xhenaryll Dwan - Main Character / Spoiled Brat Princess (Point of view)

2. Crizza Reigne Torres - Supporting Actress / Bitch Princess

3. Era - Unknown Identity

4. Unknown Character

5. Babaeng Mukhang Payaso

6. Dalawang Lalaki

-------------------------------------------

Good day! Here's the next chapter! Hope you like! May bago nanamang character darating. Sino naman siya? Anong papel niya sa buhay ni Xhena? Btw, kaya naglagay ako ng list of character every chapter para maging kayo at maging ako sa mga tauhan sa bawat chapter at sa kabuuhan ng kwento.

Thank you and God bless!

EiArEscreators' thoughts