webnovel

The So-Called "Ex"

Jeyson Break never expects that he will wake up one day torn and broken. With so much pain about the sudden break up, he can't find the reasons to move on and the seemingly nightmare haunts him always. Known to be a heart breaker, Evo Thunders asks a favor to Jeyson. As a true bestfriend, Jeyson accepted the deal. But Jeyson's conscience was later hammered with guilt, realizing that it wasn't him who should be the one to break an innocent girl's pure heart on behalf of his senseless friend. Too late enough to step back, Jeyson has no choice but to face the consequences. However, the roller-coaster ride revelation has something more to unveil! The So-Called "Ex" All Rights Reserved

2ndHandBoyFriend · Realista
Classificações insuficientes
20 Chs

TSCE: Is It Too Late?

***

I turned speechless habang pinagmamasdan kong kayakap ni Evo si Merlyn.

Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Ano naman kaya ang nais palabasin ngayon ni Evo?

Hindi ko maintindihan pero ay para bang. . .

Para bang hindi ko gusto ang nakikita ko that time. . .

Para bang gusto kong lumapit at paghiwalayin silang dalawa mula sa isa't-isa. . .

Pero teka, wala pala ako sa tamang posisyon para gawin ko iyon!

Sa kabilang banda ay tila ba nakaramdam ako ng gaan ng loob nang makita kong si Merlyn na mismo ang dahan-dahang kumalas mula sa yakap ni Evo, at saka ikinagulat ko nang tumabi siya sa akin. 'Di ko tuloy naiwasang mailang doon sa kanyang ginawa.

"Evo. . . It's good to see you." Merlyn was trying to catch what she wanted to say. Hindi ko lang alam kung na-coconscious lamang siya sa nais niyang sabihin dahil nandoon ako or what. Maya-maya kasi ay bigla siyang napapasulyap sa akin.

"It's nice to see me... like this? Thanks anyway." May bahid ng lungkot at pagka-disappoint ang tono ng pagsasalita ni Evo.

"S-Sorry, I don't mean like that." ang depensa ni Merlyn.

"I think, kailangan na nating pumunta sa clinic ngayon Evo. Mamaya na lang siguro kayong mag-usap na dalawa." Ang pakli ko.

***

"Mabuti na lamang daw at minor injuries lang ang natamo ninyo ayon sa nurse na nag-check sa kalagayan niyo. But then, kailangan mo pa ring mag-undergo ng isang follow-up check up next week. " ang wika ko kay Evo.

Hindi tumugon si Evo sa aking sinabi.

"Kinakailangan niyo raw munang magpahinga." ang pagpapatuloy ko.

Nanatiling tahimik pa rin si Evo sa kanyang kama.

"Oh siya, maiwan na muna kita dito."

"Jeyson!" bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla niya na lamang akong tawagin, kung kaya ay napatigil ako sa aking balak gawin.

"Y-Yes?" aniko.

Bumaling siya sa akin. Malungkot ang kanyang mukha at may nanggigilid na mga luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry dude." At doon ay tuluyan na siyang napaluha.

Nagulat ako ng husto. Sa itinagal-tagal na naming naging magkakaibigan ay ngayon ko pa lamang siyang nakita ng ganoon.

"S-Sorry? Sorry para saan?" ang nagtataka kong sambit sa kanya.

Kaagad din niya namang pinahid ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad.

"Sorry dahil nagkaroon ka ng "best friend" na kagaya ko. 'Yong loko-loko. . . gago. . . walang silbi. . . play boy. . . lahat na!" he confessed.

"'Wag kang magsalita ng ganyan!" ang bara ko sa kanya.

"Nababagay lang talaga sa akin ang nangyari ngayon. Ito na marahil ang sukli sa lahat ng kagagohang nagawa ko!"

"Lahat naman kasi tayo ay nagkakamali. Tao lang naman tayo, 'di ba? As soon as matanggap natin sa ating sarili ang ating mga nagawang pagkakamali ay pwede pa naman nating maitama ang lahat. Lahat naman kasi ay pwede pa ring magbago." Ang paliwanag ko.

Ngumiti siya.

"Salamat. At patawarin mo rin sana ako kung ginawa kitang sinungaling noon. . ."

Natigilan akong bigla mula doon sa kanyang sinabi. Ang tinutukoy niya ay 'yong araw na hiningan niya ako ng pabor na breakan ang noo'y girlfriend niya na si Merlyn.

"Pinagsisisihan ko na ang lahat ng nagawa ko. Mula sa paggamit ko sa'yo noon na sabihin sa walang kamalay-malay na si Merlyn na break na kami. At hanggang sa naging broken relationship naming dalawa ni Merlyn. 'Yon talaga ang pinagsisisihan ko sa lahat, at pinanghihinayangan ko na ngayon." ang pagpapatuloy niya.

Mariing nakikinig lamang ako sa kanyang mga sinasabi.

"Jeyson..." ang tawag pa ni Evo sa akin.

"Ano 'yon?" ang tugon ko naman.

"Sabihin mo sa akin ang totoo... Kayo na ba talaga ni Merlyn?" ang tanong niya.

Pakiramdam ko'y tila ba tinamaan ako ng isang kidlat dahil sa kanyang naging tanong sa akin. Sa dami ng mga nangyari nitong nagdaang mga buwan at araw between me and Merlyn ay wala pa rin akong konkretong konklusyon sa tunay kong nararamdaman para sa kanya.

I do not want to immediately fall into another trap once again, though I'm starting to feel the spark. But I think it's not yet what I exactly feel!

At batid ko na ganun din marahil si Merlyn. Kahit paulit-ulit niyang sinasambit na naka-move on na siya. She's still trap, nararamdaman ko 'yun. Bagamat nag-confess siya in front of me at hindi sapat na dahilan 'yon para maniwala ako dahil sa nakainom siya.

"Kung. . . Kung 'yong tinutukoy mo ay ang tungkol sa nangyari noon sa grand ball natin sa naganap na J.S. Prom. . . nagawa at nasabi niya lamang 'yun dahil labis mo siyang nasaktan. Pero hindi naging kami. Nasaktan mo lang siya ng husto. Mahal na mahal ka niya Evo!" ang pahayag ko.

He was stunned to all of what I've said. At napansin ko ang pag-aliwalas ng kanyang mukha na para bang nabuhayan siya ng kanyang loob.

"T-Talaga?" hindi pa siya halos makapaniwala at bumakas sa kanya ang pagiging excited.

Hindi ko na nagawa ang tumugon pa.

Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

"Dude. Hindi mo pa ba ako itinatakwil bilang matalik mong kaibigan?" masigla na siya ngayon hindi 'tulad ng kanina.

"A-Ano'ng klaseng tanong 'yan?"

Hindi ko alam pero ay bigla akong nakaramdam ulit ng matinding kaba.

"This is the last, I promise to you. And I also promise to do the same thing to you in the near future if you needed. Will you?"

"A-Ano 'yon?"

"There's no chance na kausapin pa niya ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya. I know na galit siya sa akin up to this moment. But for the second. . .and the last time, I would like to ask you a favor..."

Para bang ayoko nang marinig pa ang kanyang sasabihin. Malakas na sa pagkabog ang aking dibdib.

"What favor?"

"Please tell Merlyn na nakikipagbalikan na ako sa kanya. Na handa na akong panindigan ang relationship namin. Na mahal ko siya. Yes, girls have come and go in my life, pero ay naiiba siya. Now I realized that I can't leave without her. Gusto kong humanap ng ibang babae na makakahigit sa kanya. But she's exceptional!" Biglang lumuhod si Evo sa harapan ko nang lumuluha, nagsisisi at nagmamakaawa. "Dude, I'm sincere and telling you the truth. Hindi na ako naglalaro ngayon, seryoso na ako. Now, I realized the worth of our relationship. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin ngayon. Please help me!"

Ano ba 'to? Ba't ba niya Ito ginagawa?

Pakiramdam ko kasi ay para bang nababasag ulit sa pira-piraso ang puso ko!

May bigla akong naalala...

"Jeyson . . ." si Merlyn ang unang nagsalita.

Nung umpisa ay hindi ako makatitig sa kanyang mga mata.

"Thank you . . . ulit." Ang marahan niyang wika.

This time ay tiningnan ko na siya sa mga mata.

"Salamat para saan?"

"For helping me in so many ways. For opening my eyes into reality. For helping me grow and make steps to move on. And now, I finally moved on." Ang sabi niya.

I showed a little smile.

"Mabuti naman kung ganun." Ang maikli kong sabi.

"H-How about you? Naka-move on ka na rin ba?" ang dugtong pa niyang tanong.

Ilang sandali muna akong natigilan sa aking sarili.

And later on, I took a deep breath.

"H-Hi-Hindi. . . Hindi ko pa masabi sa ngayon."

__________

"Dude?"

Tila napukaw ang aking diwa mula sa pagtawag sa akin na iyon ni Evo.

"A-Ano na?" ang pagpapatuloy niyang sabi.

"S-s-su-su-susubukan ko lang aking makakaya."

"Ano ba naman 'yan, parang hindi ako kampante diyan sa sagot mo ah. Oh sige, at sabihin mo din sa kanya na bukas din ng gabi ay hihintayin ko siya sa may rooftop ng Academy, may surpresa ako sa kanya. Wag mo lang sabihing surpresa 'yun ha? Liligawan ko siya ulit.. Ano kaya ang maganda, chocolates, flowers, hmm... or lahat na lang kaya...?"

Marami pa siyang sinasabi na tila labas-pasok na lamang sa magkabilang tenga ko.

***

"NAKA-MOVE ON NA'KO!!!! NAKA-MOVE ON NAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" ang buong-lakas na sigaw ko sa loob ng confession cave ng San Diego.

Mag-isa kong tinungo ang lugar na ito upang isigaw ang tunay nang nararamdaman ng aking puso ngayon.

Is it too late for me now? Ngayon ko lang din kasi na-realized na ayoko na siyang mawala. Ayoko nang itago pa ang nararamdaman ko. Ayoko nang bitawan pa ang pagkakataong pareho na kaming nakapag-move on!

***