webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasia
Classificações insuficientes
53 Chs

46

CHAPTER 46

Pinaligiran ng mga echelons ni Zandrus ang kaisa-isang si Greyson.

Napalunok ako, hindi ko alam kung ano ang pinaka nararapat kong gawin.

"Corin!"

Mas lalong umangat ang lupang kinaroroonan ni Corinthians, hanggang sa mas mataas na ito sa akin.

Tumayo ako at itinutok kay Zandrus ang mga pana ko. And then I let go of my arrow. Kasabay ng paglipad ng arrow patungo kay Zandrus ay ang pagbato ko ng isang dagger sa ulo nito.

Tila nalito at nagulat ito sa paglitaw ko.

"ARGH FUCK!" Sigaw nito at bumagsak.

Tinamaan ko ang mga kamay nito, ngunit nailagan niya ang dagger ko at nadaplisan ang noo nito.

"Corinthians!" Sigaw ni Greyson.

Bumagal ang pagkilos ng lahat, tumakbo ako sa nakaangat na lupang kinaroroonan ni Corinthians dahil babagsak na ito.

I jumped with all my strength from the big stones.

"Corin jump, I'm going to catch you!" Sigaw ko. Bago pa bumagsak ang nakalutang na lupang kinalalagyan niya ay tumalon siya.

Pareho man kaming nahihirapan ay tumalon ako at inagaw si Corinthians sa ere. Bumagsak ang lupa kasabay ng pagbagsak ni Zandrus sa tubig.

Bumagsak si Corinthians sa lupa.

ARAY KO SAKIT!

Napapikit ako sa sakit. Napadaing ako dahil sa tindi ng pagkakabagsak ko. Nasa ibabaw ko si Corinthians, niyakap ko siya at bumagsak kaming pareho. Bumagsak siya sa ibabaw ko.

Tila nahinto ang aking paghinga, nawala ako sa aking sarili dahil sa sakit ng aking pag kakabagsak kasabay ng bigat at pagbagsak ni Corinthians sa aking ibabaw.

"Argh, damn!" Impit na sigaw ni Corinthians at gumulong paalis sa ibabaw ko. Gumaan ang aking pakiramdam ko, pilit na ibinabalik sa dati ang aking paghinga.

"Fuck you Zandrus!" Ani Greyson ay sinugod ang bumagsak na prinsipe.

Ininda ko ang sakit na aking nararamdaman at tinulungan si Corinthians na makatayo.

"Don't mind me, aim your arrow and shoot the echelons!" Utos ni Corinthians. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Binitawan ko si Corinthians at kinuha ang aking pana. Kakaunti na lamang ito, ngunit kung matatamaan ko lahat sa isahang tira ay magtatagumpay ako.

Tatlong echelons ang pasugod ngayon kay Greyson na kinakalaban si Prinsipe Zandrus.

Kumuha ako ng tatlong arrows upang pagsabay-sabayin.

"You were trained for this aren't you?" Corinthians doubted.

Umiling ako.

"Damn witch!" ani Corinthians at ipinagkatiwala sa akin ang tatlong echelons. Lubos akong pinagpawisan, ito ang pinakaunang beses na gagawin ko ito at hinihiling ko na sana ay magtagumpay ako.

"Shoot them!" Utos ni Corinthians.

Bago pa man makalapit ang tatlong echelons ni Zandrus kay Greyson ay tuluyan kong nang pinakawalan ang tatlong pana.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Damn witch, you are really unbelievable." saad ni Corinthians at bumagsak sa lupa.

Akala ko'y doon na magtatapos ang aming paghihirap, ngunit nagsisimula pa lang pala.

"Who are those?" Muling napabangon si Corinthians.

Marcus. Buhay si Marcus, hindi siya namatay sa lason ng dagger ko. Thank God!

The paupers! Limang dukha ang kasama ni Marcus.

"Bakit ang tagal ninyo? MOVE FAST!" sigaw ni Zandrus, pagkasabi niyon ay sinugod nila si Greyson.

"Grey! You're bleeding come back here!" Sigaw ni Corin. Agad na bumalik si Greyson sa pwesto namin.

"Greyson you're bleeding hard!" Yakap sa kanya ni Corinthians.

"Don't mind me, we got to get away from here!" Ani Greyson at binuhat si Corinthians.

"Come on Beryl! Come on!" Ani Greyson habang tumatakbo papalayo sa ilog.

"Ang prinsipe? Paano nila tayo mahahanap?" Nag aalalang tanong ko.

"We got to save our lives first hindi ko na sila makakaya, masyado nang nanghihina ang katawan ko! Kailangan muna nating lumayo!" Sagot ni Greyson.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo papalayo sa ilog.

"What? Cowards? Tingin niyo makakalayo kayo sa akin? NEVER! IDIOTS!" Tinig ito ni Zandrus.

Paglingon ko ay nakita ko na silang nakasunod sa amin.

Including Marcus.

"Faster Beryl! Huwag kang lilingon, kahit na anong mangyari tumakbo ka lang!" Ani Greyson habang tumatakbo.

"Greyson kaya kong tumakbo, ibaba mo na ako!"

"Huwag matigas ang ulo ngayon Corin!" Seryosong saad ni Greyson. "Argh!" Lahat kami'y nagulat ng tamaan ng isang dagger sa likod si Greyson.

"Grey!" Tuluyang napaluha si Corinthians.

"Shh, I'm fine." Sagot ni Greyson atsaka ngumiti. Pati ako napaluha.

Hindi ka okay Greyson, alam kong hindi. Hindi kayo okay ni Corinthians, oras ko na ba?

Mula sa aking kanan ay nakakita ako ng isang maliit na butas sa ilalim ng lupa. Kasya na rito sina Corinthians at Greyson, doon ko sila pagtataguin.

"On our right, 12 meters away may isang maliit na butas doon kayo dumeretso at magtago." Bigla kong saad.

"What the hell are you talking Beryl?" Tanong ni Greyson.

"Hindi ka namin iiwan, shut your ass up!" Agad na dugtong ni Corinthians. Napapikit ako. I sighed in pain and frustration.

"Tara!" Saad ko at lumiko patungo roon. Unti unti ko nang nakikita ang maaring butas sa lupa na maaring pagtaguan, hindi na ako roon kakasya.

"Naalala niyo nung napag-usapan ninyong gagawin niyo akong pain?" Naluluha kong saad. Takte bakit ba ako naluluha?

"What the hell are you talking about? Hindi ito ang oras para diyan!" Ani Greyson.

"Pasensya na pero tingin ko'y kailangan ko nang gawin ang responsibilidad ko. At kayo ang responsibilidad ko." Saad ko. Pagkasabi niyon ay huminto ako at itinulak sina Greyson sa butas na nakita ko sa lupa.

"WHAT? ARGH!" Alam kong masakit ang pagkakatulak ko, ngunit wala akong ibang magagawa.

"Beryl what are you going to do?" Naguguluhang tanong ni Greyson.

"Isa akong pain, ibibigay ko ang buhay ko para sa kaligtasan ninyo. Magtago kayo rito, ililigaw ko sila." Saad ko at ngumiti.

"Beryl, No!" Naiiyak na saad ni Corinthians.

"Yes, I have to do this." Pagkasabi niyon ay umatras ako papalayo.

"Tell the prince," Dapat ko ba itong sabihin? Baka ito na ang huling pagkakataon, kailangan niyang malaman ang tungkol sa nararamdaman ko.

"Tell the prince, I love him." Nakangiti kong saad, pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

"No!"

Hindi ko na inintindi ang pagtawag sa akin ng dalawang echelons. Simula pa lamang ay ito na ang nakatakda sa akin.

Buhay na buhay ang abilidad ko. Napapikit ako at pinakiramdaman ang paligid, nasa likuran ko na sila.

Dumilat ako at lumingon sa grupo ni Zandrus.

"THERE! SUNDAN NIYO!" utos ni Zandrus. "Whatever it takes, get her!" Ma awtoridad na utos ni Zandrus.

I ran to the opposite direction. Siniguro kong malayo ako sa pinagtataguan ng dalawa. At sumunod nga sila.

Hindi ako nawalan ng pag-asa, alam kong hahanapin ako ni Zavan. Alam kong hahanapin niya ako.

"I'll always come and find you."

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakalalayo ay nanginig ako ng marinig ang sinabi ni Zandrus.

"Good choice, ikaw talaga ang pakay ko. Ngayon madali na lang sa akin ang makuha ka, seer."

Shit. I'm doomed, hindi pakay ni Zandrus na patayin ang mga echelons ni Zavan. Ako ang pakay niya, ang aking kakayahan.

---

Unedited.

Please let me know your thoughts about this chapter. Thank you so much sa mga silent readers ko diyan :)) sana magparamdam kayo hehe