webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasia
Classificações insuficientes
53 Chs

10

CHAPTER TEN

ILLUSION AND THE SNAKE

Asintado ako. Iyon ang sinasabi sa akin ni Marcus sa tuwing naglalaro kami sa damuhan kasama si Laura. Ako kasi lagi ang nananalo kapag naglalaro kami ng panaan gamit ang mga pana naming gawa sa kawayan.

May tinatamaan kaming malaking bilog, and I always hit the bullseye.

But that is when we were still young.

Time passed, hindi na naulit pa ang mga sandaling iyon. Nagkaroon kami ng kaniya-kaniyang obligasyon sa aming pamilya, at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay asintado parin ako.

BUMAGSAK ang leon sa aking harapan.

I did it!

I fucking hit the bullseye!

Didn't I?

Pinagmasdan ko ang leon, bagsak ito at duguan ang dibdib. Gusto kong huminga ng maluwag ngunit hindi ko magawa, dahil alam kong hindi pa dito natatapos ang aking paghihirap.

Humihinga pa rin ang leon, ngunit hindi ako gano'n kasama upang kumitil ng isang buhay.

Tumayo ako at iika-ikang umalis at iniwan ang leon. Hindi ko napatay ang leon, ngunit alam kong hindi na ako nito muling magugulo pa.

Ramdam ko ring bumalik na sa dating kulay ang mga mata ko, dahil hindi ko na gamit ang abilidad ko. Hindi ko pa kayang makontrol ng maayos ang abilidad ko, kaya naman nahihirapan pa akong gamitin ito.

Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng labasan pero wala akong nakita. Kailangan ko pang makahanap ng bato upang makalabas.

Pinilit kong damhin na muli ang mga taong naramdaman ko kanina, ngunit hindi ko na ito magawa. Hindi ko na magamit ang abilidad ko, hindi ko alam kung may hangganan ito o hindi ko lang talaga magamit ng maayos sa oras na ito.

I just need to find a stone!

This is their battle area. Alam kong dito nagsasanay ang grupong maghahanap ng mga bato, at masasabi kong napaka delikado ng lugar na ito ano pa kaya sa lugar na hahanapan ng mga bato?

Masakit ang mga tuhod ko kaya naman sandali akong naupo sa isang malaking bato at nagpahinga.

"Hindi ka na makakalabas ng buhay diyan! Madaling pagsubok pa lang ang naranasan mo, hindi ka na makakaligtas sa mga susunod!"

Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. Galing ito sa kalangitan, alam kong nakikita nila ang ginagawa ko. Alam kong sa oras na ito ay para silang nanunuod ng pelikula. Alam kong naghihintay sila ng susunod kong paghihirap, at alam kong kasama ang buwisit na guwardiyang iyon.

"Ikaw ang hindi na mabubuhay paglabas ko dito!" sigaw ko atsaka masamang tiningnan ang kalangitan.

Alam kong hindi ito ang totoong langit, nasa loob ako ng isang lugar na sa tingin ko'y ilusyon. Buong buhay ko'y hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin, at lalong hindi ko naisip na may ganitong lugar sa Eufrata.

Hindi na muling nagsalita ang tinig, tila naghintay na lamang ito ng sunod kong gagawin.

"Hintayin mo akong makalabas tingnan ko lang kung buhayin pa kita!" matapang kong saad, pagkatapos ay tumayo at naglakad.

I need to find a stone.

A stone.

Hindi ko ginamit ang abilidad ko sa paghahanap, mano mano kong tinitignan ang bawat batong aking nadadaanan.

Kumikinang. May ibang kulay. Mapapansin mo kaagad dahil sa kaibahan nito kumpara sa ibang bato.

I can't be wrong! I found one!

Pula ang kulay nito, at higit itong maganda kumpara sa ibang bato. It's not just a stone, it's a precious stone.

Doble ang paglakad kong tinungo ang kinalalagyan ng bato. Nakatago ito sa ilalim ng makapal at may tusok tusok na halaman.

I heard a long hiss.

Napaatras ako ng salubungin ako ng isang malaking ahas na kulay pula ang mata bago ko narating ang kinalulugaran ng bato.

Napapikit ako ng mariin ng mapagtantong wala akong makakapitan o kahit na anong bagay na pang depensa.

Long hiss happened again.

Dahan dahang lumapit sa akin ang ahas, kakaiba ang mga mata nito, tila nanghihipnotismo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, tila nalulunod ako sa kagandahan nito..

"Veluriya.."

"Verulia!!"

Ang mga taong nasa lansangan, nagkaroon na nang kanya-kanyang bahay. Masisigla na ang mga mukha nito kasama ang sariling mga pamilya.

"Veluriya!" tawag sa akin ng isang bata.

Nangunot ang noo ko, anong ginagawa ko sa panahong ito? Nangyari na ito matagal na panahon na, bakit ako naririto?

"Marcus? Anong ginagawa mo dito?"

Bumakat sa kanyang mukha ang pagtataka sa ikinikilos ko.

"Maglalaro tayo ng pana pana ni Laura! Tara na! Dali, tatalunin ka namin!" saad nito atsaka hinila ako ng batang Marcus, papunta sa naghihintay na batang Laura.

What the fuck is happening?

"Tatalunin ka namin!" tuwang-tuwa saad ng batang Laura, inikot ko ang aking ulo.

Saka ko napagtanto na ang panahon na kinatatayuan ko ay noong panahong nasa ikalawang distrito pa kami, may sarili pang bahay ang mga taga lansangan bago kami napalayas.

Malaya pa kaming nakakapaglaro nina Laura at Marcus, malaya pa naming nakakasama ang isa't isa. Wala pang namumuong damdamin na kakaiba, tanging pagkakaibigan lamang.

"Dito na lang tayo." ani ng batang Marcus habang nakatitig sa akin, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Dito naman talaga tayo!" singit ng batang Laura.

"Wag ka nang sasama sa kanila Veluriya! Dito ka nalang!"

I stopped whatever I'm doing, Marcus is crying. He's begging me not to leave them, ngunit saan ako tutungo? Hindi naman ako aalis.

"Dito ka nalang, magsasama sama tayo lagi.."

No, what is he saying?

Ang kanilang masisiglang mukha ay nagsimulang umiyak, na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Ang sakit ng ulo ko, hindi ko na kaya to. Naguguluhan ako!

It's my first time encountering this kind of nonfeasance!

"No! You're not real! You are not real!" sigaw ko, ang nag iiyakan nilang mga mukha ay napalitan ng pagkagulat.

Shit, ang sakit sa ulo! Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit talaga nito.

"Veluriya anong sinasabi mo?"

"You're not real! Stop calling me Veluriya, hindi iyan ang pangalan ko!"

Nagsimulang maglaho ang lahat ng nasa paligid. Para itong usok na nawawala.

"Verulia!"

"NO! IT'S NOT MY NAME! GO AWAY! IT'S NOT MY NAME! YOU'RE NOT REAL! GO AWAY! STAY AWAY FROM ME!"

Tuluyang nagsibagsakan ang mga luhang kanina lamang ay pinigilan ko. Nagsisimula ko nang tanggapin na ang lahat ay ilusyon lamang, at sa mga oras na iyon ay natatalo na ako.

"You are not real. Iniwan niyo ako, isa na akong bilanggo ng Palasyo! Hindi kayo totoo, hindi ito totoo..." I cried.

I'm losing. Natatalo na ako. Naramdaman ko ang sarili kong umaangat. Wala na ako sa lupa. I was hypnotized and I am in peril.