webnovel

Kevin

LUNES ng umaga nang dumating ang mag-aayos ng router nila sa bahay. Si Eury ang nagbalita sa kanya noong magkita sila sa canteen kaninang break time. She felt drained physically and emotionally from the consecutive quizzes and seatwork. Kaya nang makauwi at malakas ang signal ay sinawa niya ang sarili sa pakikipag-chat. She even stalked Kevin and Violet's profile even if her heart is throbbing insanely.

Her lips were pressed into a thin line when Violet kissed Kevin violently on the video. The guy is obviously turned on when he squeezed her slot bitch-friends boobs. They were in the bar and having a stupid game. All the people surrounding them are new to her. They were cheering the two and even gave a key to a room.

Hinilot niya ang sentido bago sinulyapan ang magkakapatong na notebook. I said I will study. Yeah, I'll do it. Hinagis niya sa kama ang kanyang cellphone bago dumampot ng isa at nagsimulang gumawa. Ganoon siya sa nagdaang dalawang araw. Online siya pero hanggang silip lang sa Instagram. Kung Facebook naman ay para lamang tingnan kung online ang kanyang tiyahin. Nag-aalala siya. Hindi nito sinasagot lahat ng mensahe niya.

Webes ng hapon ng padarag niyang pinatong sa kama ang kanyang bag. Iniisip niya noon na kapag may internet na siya ay magiging busy siya. She would watched movies, listen to the latest music and even stalked her favorite Kpop band. But why she felt extremely bored. Even the time is ticking very slowly.

Habang kunot ang kanyang mga noo mula sa pagsagot sa math ay bumukas ang pinto.

"Sky? Oh!"

Nilingon niya ang ina. Ito ang ikaapat na araw nitong nahuhuli siyang tutok sa pag-aaral. Hindi siya nagpapasikat dahil nag-stay ng isang linggo ang kanyang magulang sa mansyon. Sadyang sinara niya lang ang isip na kailangang gayahin ang kanyang kapatid. She need to be nice, smart, and prim too.

"Nalaman ko kay Criselda na sumusubok ka sa Grand Prix," wika nito bago sinulyapan ang kanyang notebook.

"Opo." Muli siyang nagpatuloy sa ginagawa. Nanamlay dahil gusto niya sanang ilihim iyon sa magulang lalo sa ama. Pero kasalanan din niya dahil hindi niya nasabihan ang kanyang tiyahin.

"Wala ka bang practice?"

Tiningnan niya ang pumasok sa pinto. Ang pinakabatang kasambahay nila ay may dalang miryenda. Pinatong nito iyon sa side table bago nagbigay galang sa kanila at umalis.

"Tomorrow... po." Huminga siya nang malalim.

Hindi niya talaga alam kung paano ito pakitunguhan. Malayo kasi ang loob niya rito kahit sa ama. Hindi siya sanay gumamit ng po o opo sa Australia kahit nagtatagalog. She used on talking shit or jokes with her Auntie Axis. She didn't mean to disrespect her Auntie but that's normal with them. Unlike, here in the Philippines. She needed to be careful. When she spoke English, she would be added Po or Opo. Her last conversation with her classmate taught her something. She commonly response— No. What. Why. Then afterward her classmate didn't speak to her anymore. Iniisip niya na-offend ito. They would think she is rude or not interested.

Tumango ang kanyang ina. "Hindi ko sinabi sa daddy mo. Gusto kong ikaw ang magsabi sa kanya kapag ikaw na ang representative. Galingan mo." Ngumiti ito sa kanya at hindi na nagtagal.

Matapos ng hapunan ay naghanda ang mga ito sa pag-alis. Eury and her Auntie is waving at them while she stayed watching her father. Hindi siya nililingon o kinikibo nito sa nagdaang limang araw. Sanay na siya. Pero hindi nawawala ang kirot sa kanyang puso.

"Take care!" sigaw ng Auntie niya.

Lumiko na ang sasakyan pero nanatili siya sa labas. Naisip niya lang na hindi magagalit ang kanyang ama kung sana inayos niya ang pag-aaral. Hindi siya mananatili sa probinsiya na ito kung mataas ang mga marka. Matagal na siyang tamad na alam niyang alam ng mga magulang, pero ngayon lang nito pinag-ukulan ng pansin ang mga iyon. May bukod pa kayang dahilan?

"Anong sinabi sa'yo?"

She heard Simon's voice. Agad siyang umikot at nagulat na wala na palang tao sa likuran niya. Tumulak siya papasok. Namataan niya si Simon at Eury na magkasabay na paakyat ng hagdan. Nakaakbay ang lalaki sa kapatid niya. Hindi niya makita ang expression ng nakatatandang kapatid dahil natatakpan ito ng matangkad na lalaki.

Sumingkit ang kanyang mga mata. I didn't know that Simon is clingy. Or maybe he is just guarding my sister towards Brandon? She shrugged the two and proceeded on her room. Tinapos niya ang kanyang assignment bago binalikan ang istorbong notification. Hinihintay niya ang platform ng Instagram nang mapalitan iyon ng pangalang Axis.

Her body fueled with excitement. She swiped the name to answer the call. She saw the woman she been misses for every freaking days. Nothing change. Her Auntie Axis is nothing but beautiful. It lifted more because of her new dyed hair. Ang mestiza nitong kulay ay magpapatunay na dugong Suniga. Kahit walang make-up ay blooming at mukhang bata. Ito ang kakambal ng kanyang ama at ang bunso. Sinasabing napariwara sa Australia pero siya ang magpapatunay na hindi totoo iyon.

Axis could be liberated but she had a decent job. Her company is very good in any term. That's why she can anything. Her Auntie always filled her wallet full so financially she doesn't have any problem. She raised her with freedom and proper discipline. And she thanks her for that.

"Hey there, Munchkin."

She is still cool but I could see on her eyes that she is lonely and exhausted. Tinaasan niya ito ng kilay. "That color suits you. You look the twenties," she joked.

"Oh, you and your sugar coated mouth. You know my boyfriend and I stayed together so I'm not alone anymore. Anyway, I still want you to be here. You are my baby, you know."

Uminit ang gilid ng kanyang mata. Matagal niya nang gustong magkaroon ito ng makakasama bukod sa kanya. "I am glad that you had Cinco there. I'll be at peace thinking you go out daily so late. Please... take care."

"Yeah! He is so worried about me. He moved in here last week and I am almost lost because I had a problem with my job. To fix the issue they change my shift... at first, I can't work properly but later on... I realize at least I have time to call you. That's why I am wide awake."

Their topic run through the days they've never talk. Matapos nang iyakan ay nauwi sa tawanan. Hindi na namamalayan ni Thaysky ang paglalim ng gabi. Habang naglilinis nang katawan ay patuloy ang pag-uusap nila. Pinuna tuloy nito ang belly niya.

"Walang Gym dito," dahilan niya.

"Aba... gumising ka nang umaga. Alagaan mo ang katawan mo. Mag-jog kayo ni Eury. Maiba tayo. Bumisita si Kevin dito. Gusto niyang malaman ang address mo riyan."

Natigilan siya sa paglalagay ng lotion. "Binigay mo?" Napalunok siya nang malapot sa sariling tanong.

Saglit na kumunot ang noo ng kanyang kausap. Sa haba nang kanilang pag-uusap ay ngayon niya lang naalala na hindi nga pala niya nasabi rito ang tungkol sa kanila ng ex-boyfriend.

"Of course. Kevin is a loyal boyfriend. Hindi ka na babalik dito. Gusto ka niyang puntahan dahil tiyak miss ka na noon."

"Kailan niya kinuha?" tanong niya.

"When I visit your school to get your documents."