webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · Adolescente
Classificações insuficientes
40 Chs

Thirty Two

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Three days after ng Dance Festival ay dumating na ang araw na kinakatakutan ng lahat, ang 1st Periodic Exam. Isang araw lang ang exam na yun pero kailangang hasain nang husto ang utak dahil puro mahihirap ang tanong, lalo na sa subjects ng Math, Elective Math, Economics, Science, Foreign Language, Literature, Composition, Grammar, Practical Arts, Music, P.E at Filipino.

Nasa classroom ang buong IV-Dalton at abala sa pagrereview. May mga nagbabasa ng kani-kanilang reviewers, meron ding nagpapaturo ng mga equation formulas sa Math at Elective Math at may iba naman na nakikiusap na pakopyahin sa exam. Ako naman ay abalang tinutulungan si Callix sa subjects na kung saan siya nahihirapan at thankful ako dahil ang daling matuto ng boyfriend ko. 

Dahil Math ang first subject na aming i-e-exam ay halos magkandakuba na kaming lahat sa kakabasa at kakamemoryado ng mga nakakalokang formula ng linear equations, matrices at linear programming. 

Hanggang sa dumating na si Miss Aviles. Hindi na niya kami binati at diretso na siyang nagbigay ng mga test papers sa amin. Kami naman ay agad nang kinuha ang mga test papers at nagsimula nang mag-exam.

Habang nag-eexam kami ay tahimik kaming lahat dahil menopausal ngayon ang nagbabantay. Napansin naming busy sa pagkokopyahan sina Dennison, Kuya Ruki, Marcus, Lexie at Monique habang sisiw na sisiw lang kina Misha at Leeward ang test. Sina Chiqui at Yesha naman ay kumokopya din ng sagot kay Fruitcake, pano kasi, si Fruitcake lang ang matalino sa kanilang tatlo. Ako naman ay medyo nadalian sa test gayundin si Callix dahil pinag-aralan namin ang mga questions na nasa test. At ang buong IV-Dalton, halatang nganga na dahil sa hirap na sila sa exam.

Noong matapos na ang lahat sa exam ay kaagad ding kinuha ni Miss Aviles ang mga test papers namin. Agad din siyang umalis sa aming classroom.

Noong wala na sa room si Miss Aviles ay pinag-usapan na naman siya ng mga tsismosa kong mga kaklase.

"Ba't kaya ganun ang mood ng feeling perky na gurang na yun?" ang takang tanong ni Yesha sa dalawang kaututang-dila niya.

"Siguro meron sa kanya kaya ganun siya." sabi naman ni Fruitcake.

"Mali kayong dalawa. Kaya naghihimutok ang gaga ngayon dahil binasted siya ni Sir Nico!" ang sabi ni Chiqui.

"Huh talaga?!" ang pagulat na sabi nina Fruitcake at Yesha.

"Oo naman noh! Para sabihin ko sa inyo, kami ang bagay ni Sir Nico dahil guwapo siya at maganda ako! Di ba match?!" ang mayabang na sabi ni Chiqui na nakapagpakunot lang sa noo namin ni Callix.

Hmp! Sa tingin ng babaing 'to, papatulan siya ni Sir Nico, baka nga upakan lang siya ni Sir eh! At siya, maganda?! Baka kuko lang niya ang maganda!

And speaking of manners, seriously, elites ba talaga ang tatlong 'to? Bakit kung makaasta sila, dinaig pa nila ang mga nakatira sa squatters area!

Dahil di ko na matiis pang pakinggan ang pag-iilusyon ni gaga ay niyaya ko na lang si Callix na kumain sandali sa karinderya ni Aling Bessy, at least may kwenta pa yun.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Locker Room)

(Leeward's POV)

Papasok na ako sa locker room nang may makita akong babae na may nilalagay sa locker ko. Sisitahin ko na sana ang babaing yun pero nasindak ako nang makita ko si Monique na habang isinasara ang locker ko. Noong palabas na siya ay nagtago ako sa isa sa mga lockers.

Nang mapansin kong wala na siya ay agad kong binuksan ang locker ko at tumambad na naman sa akin ang isang box ng crinkles na kalalagay lang sa locker ko. Bigla kong naalala si Monique na binubuksan ang locker ko kanina.

Ibig bang sabihin nito'y...

Si Monique ang palihim na nagbibigay sa akin ng crinkles everyday?

Napangiti ako sa nalaman ko. Sabi ko na nga ba't si Monique ang nagbibigay sa akin ng crinkles.

Mga three weeks na mula nang may magbigay sa akin ng box of fresh baked crinkles. Halos araw-araw na lang akong nakakakita ng box ng crinkles sa locker ko. At laging sulit ang araw ko dahil napakasarap ng crinkles na nilalagay niya sa locker ko. May nakapagsabi nga sa akin na si Monique ang naglalagay ng crinkles sa locker ko. Noong una nga ay di ako naniniwala pero hiniling ko na sana'y siya ang nagbibigay ng crinkles sa akin.

Until I prove the truth. 

Si Monique nga ang anonymous person na naglalagay ng crinkles sa locker ko.

Readers, I have my confession, I love Monique ever since at hiniling ko na sana ay dumating ang araw na mamahalin niya rin ako. Although she's so snob, napakamaalalahanin niya sa kanyang mga kaibigan, isang katangiang hinahanap ko sa isang babae na tanging nakita ko lang sa kanya.

At ngayong napatunayan ko na ang hinala ko, I will make sure na mapapasaakin siya pagkatapos ng araw na ito.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(IV-Dalton Classroom)

(Leeward's POV)

After ng examination namin sa Economics ay aalis na sana ang mga classmates ko para mag-lunch sa cafeteria nang pigilan sila ni Misha.

"Classmates, please be seated for a while because Leeward have an announcement." ang sabi ni Misha na agad namang sinunod ng mga classmates namin.

"Leeward, anong sasabihin mo? Pakidalian lang ha, kasi may date pa kami ni Callix ko eh." ang sabi ni Miyaki sa akin.

"Don't worry Miya, sandali lang ito." ang sabi naman ni Misha.

Nanahimik na ang lahat. Ako naman ay inipon ko na ang aking backup lakas ng loob at kapal ng mukha para lang sa announcement na 'to.

"Ahm guys, there's someone who gaves me crinkles everyday."

Medyo gulat ang lahat sa sinabi ko habang biglang natulala si Monique.

"Sinong nagbibigay ng crinkles sayo?" ang curious na tanong ni Lexie sa akin.

"No one other than the woman I love... Monique." sabay turo ko kay Monique na gulat na gulat sa sinabi ko.

Shock din ang F8 maliban kina Miyaki at Callix na nangangasar na ang tingin kay Monique. While Monique was still shocked.

"Monique, nung una, di ko alam kung sino ang nagbibigay sa akin ng crinkles. Basta't araw-araw na lang, may nakikita akong box ng crinkles sa locker ko. I expected that you gave me that crinkles. Until I saw you this time....I saw you putting the crinkles inside my locker. Natutuwa nga ako and the same time, naa-anticipate ako. Ni di ko nga alam kung pano ako makakabawi sayo sa lahat ng effort na ginagawa mo para sa akin." at lumapit ako kay Monique na naiiyak na sa sobrang saya. "Pwede bang puso ko na lang ang ipambayad ko sayo?"

Tilian ng buong klase habang halos magtatatalon na sa sobrang tuwa sina Lexie at Misha. Sina Marcus, Ruki at Dennison naman ay masaya para kay Monique. While Callix and Miyaki smirked at us.

"L-Leeward.....I don't know what to say.....nakakabigla ang lahat...but thank God, natupad na rin ang pangarap ko...." ang luhaang sabi ni Monique habang nakatitig siya sa akin.

"Pangarap? Anong pangarap?"

 

"Pangarap kong balang araw ay mahalin mo rin ako. Leeward.... I love you." ang sabi ni Monique na lalong nagpaluwang ng ngiti sa mga labi ko.

"BINGO! Sabi ko na nga ba eh. Mahal mo rin ako. Pano yan, eh di tayo na." and I smirked at her. 

Lalong napaiyak si Monique sa sinabi ko habang kinikilig na ang buong IV-Dalton.

"Yes Leeward. Tayo na. As in talagang tayong tayo na!" ang sabi ni Monique na nagpalundag na sa akin sa tuwa sabay yakap ko sa babaing mahal na mahal ko. Masaya ang lahat para sa aming dalawa.

"Ayiiee! May love life na si Monique!" ang kinikilig na sabi ni Misha. "Ako kaya, kailan ako magkakalove-life?"

"Ahm Misha....." ang sabi ni Marcus sabay lapit niya kay Misha. 

"Yes, bakit?"

"Misha, are you free on Saturday?"

 

"Yes, bakit?"

 

"Yayayain sana kitang lumabas eh."

"Sure, isama natin ang buong F8!" ang sabi ni Misha pero umiling-iling si Marcus.

"Nope....I mean....yung tayong dalawa lang." ang halos mautal nang sabi ni Marcus.

"Ahm...okay. Sige." ang tila biglang nahiyang sabi ni Misha.

Habang ako ay pinagsasawa ang sarili ko sa mainit na yakap ni Monique ay may kumakantyaw na sa amin ng 'kiss.'

"Uy, kiss daw sabi nila. Pagbigyan nyo na!" ang kantyaw nila Miyaki at Callix sa amin.

"Oo nga naman!" sabad naman nina Ruki at Dennison.

"KISS! KISS!" ang kantyaw na ng buong klase sa amin.

"Kiss daw Leeward." ang sabi ni Monique sa akin.

"No problem." and I lean on her and I kissed her lips. Tilian at palakpakan ng lahat habang kami naman ni Monique ay sinusulit ang una naming karanasan bilang magkasintahan.

Sa wakas, akin na rin si Monique.....

Akin na rin ang babaing mahal ko.....