webnovel

PASSED BY

Zaira's PoV

"staring is rude" lahat kami napatigil at napatingin sa nagsalita maliban sa kanya na seryosong kumakain, sinong kausap neto?

Tumingin ako sa kaharap niya, yung kupal na mukhang utot. Panigurado....siya yung sinabihan nitong staring is rude daw, eh siya lang naman 'tong kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin kay Kaith.

"Uhmmm, sorry my bad" sabi nito at alinlangan na ngumiti. okitams, ngangu!

Napairap na lang ako sa hangin, haaaay buhay..... buhay ka pa. Makakain na nga lang.

Jace's PoV

"HUWAW HA! AKO TUMAE?!" napahinto at napatingin kaming lahat dito sa narinig namin. What did she say? Tumae? Siya? Hahahahaha... she's funny

May naisip ako, uhmmmm.....hindi naman siguro masama kung...

"Uhmmm, excuse me Ms. Tae. I mean Miss, pwede bang maki-share ng table?" humarap sa'kin si Ms. Tae at grabe kung makatingin. Akala mo nakakita ng taeng palutang-lutang.

"Oh, Jace. You're here, come join us" Ma'am Jicelle? Anong ginagawa niya dito? nginitian ko siya at tiningnan ng may halong pagtataka. Nakita kong may tao na nasa likuran niya, ngumiti ako sa kanya but she just ignore and looking at me blankly.

Dumeretso ito sa pwesto at tumabi sa kaibigan niyang nerd. Nagulat ako ng hinablot nito yung burger na kinakain ng katabi niyang nerd at kinagatan iyun, tiningnan ko kung anong magiging reaction nung nerd pero mukang balewala ito sa kanya. Samantalang kumuha rin ito ng french fries na pagmamay-ari nung kaharap ng nerd na lumalangoy na sa ketchup which is katabi ko rin. Woaaahhh

They are the coolest people that I've ever seen!

Pero may naiiba sa kanila. Yung isa na nagmumuni-muni pa yata. Makaupo na nga at ng makakain na, kanina pa ako nagugutom. Susubo na sana ako ng tumalsik yung isusubo kong kanin sa gulat. Paano ba naman biglang sumigaw 'tong katabi ko, "Hoy! Zaira Jadine!!!"

F*ck!

Yung ketchup! tumalsik sa yelo ng sofdrinks ko and worse may kasamang durog na fries. Seriously? "Anyareh sayo? Bangag ka ba o dinadasalan mo 'yang pagkain mo?" tanong nito.

"May problema ba iha? Bakit hindi mo pa kinakain 'yang pagkain mo? Gusto mong palitan natin, kung ayaw mo niyan" nagaalalang sabi ni Ma'am Jicelle. And speaking of her. Bakit nga pala sila magkakasama? Do they really know each other? Like, related by blood or it's just coincidence na ngayon lang sila nagkita. but impossible

Ma'am Jicelle is one of our school staff member. She was tasked to manage all student forms of our school and she's also the director of the Registrar Office.

I don't understand. Kilala ko siya bilang pinapahalagahan ang trabaho niya. Why is that—I have this feeling na may konektado siya sa isa sa apat na ito. Maybe it was her.

I look at her, "staring is rude"

Holly shi*t! Did she know that....how?....I was..... is she?

"Hey Kuya Ian! Nandito ka lang pala, we've been looking for you"

Third Person PoV

Ang mga tao ay may sari-sariling pinagkakaabalahan kaya lingid sa kanilang kaalaman na may nagmamatyag sa hindi kalayuan.

*phone calling.....

Caller1: "Hello Sir"

Caller2: "Nagawa mo na ba ang pinapahanap ko? nahanap mo na ba....siya"

Caller1: "Yes Sir"

Caller2: "Good"

"...toot...toot..."

Habang nasa loob ito ng sasakyan nakatingin ito sa isang lugar kung saan ang taong matagal na niyang sinusubaybayan, hawak-hawak nito ang isang larawan.

Larawan ng isang batang babae na may hawak na laruan. Isang manika at ang kapatid nito na ang mukha'y natatakpan.

End of the Third Person Pov

Jicelle's Pov

"Hey Kuya Ian! Nandito ka lang pala, we've been looking for you" Rein? Nandito rin sila?

Naku! Hindi pwedeng mangyari 'to, malalagot ako nito kay Ate Lizineth ei. Kailangan na naming makaalis dito. Kapag nagkataon na malaman nilang si Kaith ay pamangkin namin, malaking gulo ito.

Half day ako ngayon, kaya balak kong makipagkita kay Kaith. Magaalas kwatro na, kaya nandito na sila Jace. Marahil uwian na nila.

Kinakabahan ako ngunit hindi ko ipinapahalata. Kaya napatayo ako at ganun rin si Kaith "we're going to leave" ang sabi nito.

Ipinasok niya sa kanyang body bag ang libro na nakapatong sa mesa. I gave that book to her 2 years ago, it's Harry Potter and the Half-Blood Prince. Her favorite fantasy novel. Napangiti ako, muka pa itong bago tingnan talagang iningatan niya ito.

Nagsitayuan na rin ang tatlo at sumunod. "Magsi-ingat kayo" tangi kong nasabi habang na kay Kaith nakatuon ang aking pansin. "Opo, salamat po" sabay sabi ng tatlo samantalang tumango si Kaith bilang sagot at tuluyan na silang umalis.

"Who are they?"

Celestine's PoV

Hindi ko maintindihan kung bakit kami nagmamadaling umalis. Samantalang si Zai "OY! BAT TAYO UMALIS KAGAD DUN. SAYANG YUNG BURGER! YUNG FRIES KO! WALA PA AKONG NASUSUBO NI ISA DUN EH!" pagrereklamo niya.

Sinisi pa kami, e kanina pa siya nakatulala sa pagkain niya. Sinapok ko nga "ARAY NAMAN!" daing niya habang sapo-sapo ang kanyang ulo.

"BA'T KA NANAPOK?!" tiningnan niya ako ng masama. Hindi ko na siya pinansin pa, hindi ako pumapatol sa baliw.

Nauuna sa'min si Kaith ng hindi namamalayan na may nakabangga ito, "Oops! I'm so sorry Miss" rinig namin na paghinging paumanhin nito, nakayukong tumango lang si Kaith at nagsitigil naman kami.

"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Kuya habang hinawakan si Kaith sa magkabilaang balikat.

Kami ito, nakanga-nga. "POTAH! TSANSING" wala sa loob na mura ni Zai. Paano ba naman kasi, ang *ehem* gwapo ni Kuya. Namula ako ng mahuli kong nakatingin sa'kin ang kasama nito. Ang wafu rin niya! Kyaaahhhh!!!

Umangat ng tingin si Kaith at hinawakan niya ang mga kamay ni Kuya na nakapatong sa kanyang balikat, at dahan-dahan itong inalis. Magsasalita pa sana si Kuya kaso hindi ito pinansin ni Kaith at umalis na.

Nagmamadali naman kaming sumunod sa kanya. Napayuko ako ng mapadaan kami sa kasama ni Kuya. Gosh! need Air.

"OY BAT KA NAMUMULA?" mabilis kong tinakpan yung bunganga ni Zai. Bwisit! Ako na naman napansin.

"Nauna na si Kaith, magkekwentohan pa ba kayo?" pagsisingit ni Finn.

"ALAM MO FINN HINDI KA LANG MASUNGIT ANOH, MUKHA KA RING SINGIT" sabi ni Zai.

"Ewan ko sayo, bahala na kayo" nauna na siyang maglakad para habulin si Kaith.