webnovel

A DOG MEETS THE CAT

Gab's POV

"H-hance..." rinig kong bulong ni Gelo sa hangin. Nilapitan ko ito. Sinundan ko ng tingin kung saan nakatuon ang pansin nito.

He's looking at the entrance kung saan may dalawang waiter, yung isa may tulak-tulak na cart habang yung isa naman ang umalalay sa pintuan para buksan.

But that's not what caught my attention. Behind of them, there. I saw Hance hugging someone...wait... that lady

F@#$ and that entrance door is about to close.

"HANCE!" tawag ko sa pangalan nito bago sumara ang pinto. Tumakbo ako papunta sa pintuan at tinulak ito. Wala na yung babae. Samantalang nanatili pa ring nakatalikod ang kapatid ko sa kanyang kinatatayuan.

Lumapit ako rito at marahan siyang iniharap sa'kin. "Hey" lumuhod ako upang magpantay kami. Natulala ako nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Iniangat niya ang kanyang maliit na kamay na may hawak na lollipop.

Naguguluhan ako sa ipinapakita niya. "A-ate..." natigilan ako ngunit bigla rin akong natauhan nang unti-unting lumukot ang mukha nito tanda na paiyak na. Nagisa-isahang pumatak ang kanyang mga luha at pumalahaw na nga ito ng iyak.

Yinakap ko siya ng mahigpit. "Shhh...stop crying" pagpapatahan ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

Tahimik na bata si Hance, because he can't talk. Simula nung isinilang siya ni Mom, napansin namin na habang lumalaki ito hindi pa rin ito nakakapagsalita. At his age we thought that he's mute. Bukod dun hindi rin siya nagpapakita ng kahit anong emosyon. So that's why, I really understand Mom. She's worried about Hance.

Kaya ganun na lang din ang reaksyon ko ng magsalita at umiyak siya ng ganito. This is the first time na nangyari ang lahat ng ito.

Maybe, I know the reason why. Isa lang naman ang taong dahilan kung bakit nagkakaganito ang kapatid ko.

His only friend

Jace's POV

"WHAT THE HELL!" hinimas-himas niya kanyang ulo. Ayan, buti nga sa'yo. Simula kasi kanina, ang tahimik na nito. Kung saan-saan na naman siguro nakakarating ang kaluluwa nito.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman pala nakikinig!" akala ko nakikinig ang gago, hindi pala.

"Pero hindi mo naman ako kailangan pukpokin ng sapatos mo Kuya!" papatayin na ako sa tingin nito. Hinubad ko kasi yung sapatos ko, ito lang ang naisip kong paraan para mapukaw ang diwa niya.

"Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko.

"Wala kana dun" sabi niya at iniwanan ako. sungit!

"Abat! Hoy, bumalik ka dito! Hoy Gelo!" binato ko sa kanya yung hawak kong sapatos pero ang gago umilag. Kaya ayun ang landing ng sapatos ko sapol sa pagmumukha nung tao na kakalabas lang ng pinto.

Sh*t

Zaira's POV

Sirang-sira na talaga ang araw ko ngayon. Akalain mo yun, sa dinami-dami ng tao at sa laki ng mundo. Yung mukhang utot pa na 'yun ang naging boss ng Ate ko! Dahell

Hmmm...maiba tayo. Kamusta kaya si Finn? Kita ko yung fes ng babaeng 'yun kanina, natakot nung makita yung ama niya. Sana oks lang siya.

Eh si Kaith? Hay naku, isa pang babaeng 'yun. Dinaig pa ang makahiya. Sobrang ilap sa mundo.

Si Anz kaya? Saan na kaya ang lolang 'yun? Nakauwi na ba 'yun? Makapag-GM nga

To: Indang, Nene, Ineng

"HOY MGA MONGGI! WER US?"

Sending... Sent

Luh siya! Magaalas-onse na pala. Ang tagal naman ni Ate Ara, may pasok pa ako bukas eh. Pinapamahayan na ako dito ng anay sa kakaintay sa kanya oh. Ba't di na lang kasi si Ate Ari yung utos-utusan niya dito, tutal mukha naman yung utusan.

Tuloy ko nga muna yung binabasa ko. Sa'n na nga ba ako? Malapit ko na yun matapos eh.

"A-A-ARAY! ARAY! ARAAAAAY!" daing ko. Ang sakit!

Haist si Ate! Sa kilay pa talagang napili akong sabunutan. Wala na nga akong kilay eh tsaka nanahimik ako dito. Inaano ko ba siya?

"Huwag mo kong mairap-irapan diyan! Mapapahamak ako sa'yong gaga ka"

luh! "NU BA KASI YUN?" irita kong tanong.

"Ganun-ganunin mo ba naman yung boss ko kaninang gaga ka" umilag ako ng nagbabadya itong hampasin ako. Nu siya siniswerte? "Umuwi kana nga, naiirita ako sa'yo" ay huwaw nemen.

"HUWAW! THANK YOU HA. NALIGAW PALA AKO AT NAPADPAD LANG DITO" sarkisto kong sabi. Hiyang-hiya rin ako sa sarili ko eh noh? Naglakad dito ng mag-isa tapos kusang tinulungan siya ng hindi sadya "MAKAALIS NA NGA, HMPH!" WADAPAK may pahabol pa talagang hila sa buhok ko! punyeta

Kakainis! Dadabog-dabog akong naglalakad papuntang pintuan. Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko ng may lumilipad na sapatos papalapit sa— "AH! P@#$%^&*!"

HUMANDA SA'KIN KUNG SINO MANG PONCIO PILATO ANG MAY-ARI NG PUNYETANG SAPATOS NA TUUU!!!

Rein's POV

This is so insane. Napapasabunot ako sa sarili ko sa tuwing maalala ko siya. It's been one week since that happened. I just want to get her out of my mind but why it can't?!

"Hala teh. Tingnan mo si Kuya, gwapo sana kaso mukang nagkatol"

Nakaabot sa pandinig ko ang sinabi ng isa sa tatlong babae na makakasalubong ko sa daan. Sinamaan ko sila ng tingin dahilan para mapahinto sila. Samantalang nabitin naman sa ere ang pagsubo nung isa sana sa hawak nitong maliit na supot na parang junkfood.

I dunno if what kind of junkfood is that but it looks familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko nga ba ito nakita.

"Luh, luh, luh Teh! gago ansama ng tingin sa'tin"

Ang pinagtataka ko, paatras sila ng lakad sabay karipas ng takbo papalayo. Pinanood ko lang sila. Mukha silang tanga na magkahawak habang tumatakbo. May nakaiwan ng isang pares ng tsinelas na natanggal yung strap. Babalikan sana ito nung isa na sa tingin ko ang nagmamay-ari nito kaso hinila siya ng kasama niya.

Nagkibit-balikat na lang ako sa inakto nila.

Agaw pansin sa'kin ang humaharurot na puting van sa hindi kalayuan. Malakas itong bumubusina. Huminto ito sa'king harapan. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso dahil nakakasilaw ang ilaw nito.

"Kung siniswerte nga naman tayo"