webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Classificações insuficientes
76 Chs

Kabanata 14

[LAUREN'S POV]

- MALL -

Medyo nahihirapan akong maghanap ng regalo para kay Dad at Mitchell. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila.

Nagbununtan kami nina Dad at Yaya tapos si Dad ang nabunot ko.

Nagkaroon din kami ng bunutan ng mga kaibigan ko at si Mitchell naman ang nabunot ko. Puro boys ang reregaluhan ko at 'yon ang problema ko.

Haaaay! Anong gagawin ko?

*boooogggssshhh!*

Habang lutang ang isip ko ay hindi ko namalayang may nakabangga pala ako.

"Sorry Miss. Hindi kita nakita."

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

I know this voice.

Napatingin ako sa nakabangga ko.

It's him.

It's really him.

My beloved Tim.

Hindi ako mapakali.

"Ikaw pala." aniya.

"S-sige. Aalis na ako." sabi ko at maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Teka, sandali lang." pagpipigil niya sa 'kin.

"B-bakit?" nauutal kong sabi kay Tim.

"Naghahanap ka rin ba ng ireregalo mo?" tanong niya sa 'kin.

"Paano mo nalamang 'yon ang sadya ko rito?" tanong ko sa kanya.

"Hula ko lang." sagot niya lang. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya.

"Sige, aalis na ako."

Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita siya. "Sabay na tayo."

Medyo hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"Ha? Anong ibig..."

Hindi natapos ang pagsasalita ko nang hinila niya ako papalakad.

Hawak-hawak niya ang kamay ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Do'n ko lang na-realize kung ano ang sinabi niya.

I just smiled.

Parang bumalik lang kami sa dati. Noong araw na okay pa kaming dalawa.

Noong araw na mag-fiancé pa kami.

Susulitin ko ang araw na 'to kasama siya.

"Sino-sino ang reregaluhan mo?" tanong sa 'kin ni Tim.

"Si Dad at ang kaibigan kong si Mitchell." sagot ko sa kanya.

He just nodded at sabay kaming naglakad dito sa mall.

Una muna naming pinasukan ay ang isang sikat na clothing line ni Dyosa.

"Sabi sa akin ni Tito Laurence noon ay gusto niya ang mga necktie na may polka dots." sabi sa 'kin ni Tim.

"Talaga?" hindi makapaniwalang ani ko.

Ngayon ko lang 'yon nalaman ha.

"Yeah, 'yan na lang ang iregalo mo sa kanya." aniya.

"Sige." tugon ko.

Hinanap namin ni Tim ang mga necktie na may polka dots. Hindi naman kami nahirapang maghanap dahil may nakalagay namang mga pangalan kung saan 'yon mahahanap.

Sunod naman ay ang ireregalo ko para kay Mitchell.

Sa Souvenir Shop kami pumunta ni Tim. Fan ng EXO at BTS si Mitchell at baka may mahanap akong merchandise do'n ng k-pop idol niya.

"Ikaw na lang maghanap ng regalo niya. Hindi ko alam kung sino 'yang EXO at BTS na 'yan." ani Tim.

"Hindi mo sila kilala?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo dahil hindi ko pa naman sila nakikilala sa personal." sagot niya.

-______-

Oo nga, hindi nga niya kilala ang EXO at BTS.

"Hindi ka ba mahilig sa k-pop?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." sagot niya.

Napaka-straight forward niyang sumagot ha.

"Okay, ipapakilala ko sa 'yo ang EXO at BTS." ani ko.

Saktong may nakita akong poster nila.

"Ito ang EXO. Ang popogi nila noh." sabay pakita ko sa kanya ang poster ng EXO.

"Tsk! Mas pogi pa ako diyan." tugon niya.

"Ang sungit mo naman. At ito naman ang BTS." sabay pakita kay Tim ang poster ng BTS.

"Mga baduy." bulong ni Tim.

"'Wag mong sasabihin 'yan lalo na kapag maraming tao. Baka kuyugin ka ng mga fans nila." sabi ko kay Tim.

"I don't care kung kuyugin nila ako." tugon niya.

Okay, mukhang wala talaga siyang pake sa sinabi ko. Change topic.

"Ikaw Tim, si Tito Bill ba ang reregaluhan mo?" tanong ko sa kanya.

"Yes, and I'm also here to buy for my baby's stuff." sagot niya.

Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya.

"Ha? Baby's stuff?" nagtatakang tanong ko.

"W-wala. Mamaya ko na lang 'yon bibilhin. Kumain muna tayo dahil nagugutom na ako." aniya.

*pruuuutt!*

Biglang tumunog ang tiyan ko at alam kong narinig 'to ni Tim.

"Gutom na rin ako. Hehehe!" nahihiyang sabi ko sa kanya.

Natulala naman akong nang makita kong ngumiti si Tim. Saglit lang 'yon pero hindi ako namamalik-mata. Ngumiti talaga siya.

"Hindi ka ba sasabay sa 'kin?" tanong niya.

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tim. Okay, medyo napahiya ako do'n.

Pumasok kami ni Tim sa Shakeys. Na-crave tuloy ako sa pizza. Mukhang mabubusog ako nito.

Pagkapasok namin ay may nakasalubong kami na hindi ko inaasahan. Nandito rin pala siya. Pero mukhang palabas na siya ng Shakeys.