webnovel

The Mythic God

In a world full of chaos A world with war and power is a world where the weak are useless because only the strong will win. Even the gods have misunderstandings because of too much power. But a creature came from another world and it will be the one to predict their downfall because of its strange power. And he has a mission, to build a new world, peaceful and without chaos and for him to achieve this he must first achieve the title of Mythic God.

Deredskert · Fantasia
Classificações insuficientes
66 Chs

Chapter XL

Chapter XL: End of the Beginnings

-----

Napaluhod si Zerek sa kaniyang nasaksihan

Halos wala siyang nagawa para kay saylsia

Hindi niya man lang natulungan ang babaeng pinaglingkuran niya ang kaniyang master.

Si Clemson naman ay nakabangon na mula sa pagkakatilapon niya sa pader

Nang hinanap niya ang kaniyang master ay nanlaki ang kaniyang mata at halos manlumo sa nakikita niyang paglamon ng puting apoy kay Saylsia.

Aaaaaaaggggghhhhhhh!!!!

Maririnig ang malalakas na sigaw ni Saylsia habang nilalamon siya ng apoy.

Apoy na unti unting tumutupok sa kaniyang makinis na balat.

Ang mga alipin naman ni saylsia ay makikitaan ng kaligayahan dahil sa wakas ay nararamdaman nito ang matinding sakit.

Bago makamtan ang kaniyang kamatayan.

Naaalala nila ang sinapit ng huling aliping kaniyang pinarusahan.

Ang sakit na nadarama ngayon ni saylsia ay kulang pa para maibsan ang sakit na nadama ng aliping iyon.

Ang binatang si zuki ay lumapag para tingnan ang pagtupok ng puting apoy sa katawan ni saylsia.

Makikitaan parin siya ng pagkadismaya.

Hindi niya man kagustuhan ang nangyari kay Saylsia ay wala na siyang magagawa.

Nagpadala ito sa bugso ng damdamin at hindi nagkaroon ng pansin sa paligid nito.

Pagkilos na hindi niya hahayaang mangyari.

Tumingin siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang napakaraming nilalang.

Mga beastman, tao at mga elven

Ang karamihan sa mga ito ay may mga pasa sa kanilang katawan senyales ng ilang taong pag hihirap.

Si zerek at clemson ay parehong nag lakad palapit kay Saylsia

Nadarama nila ang init ng naglalagablab na apoy

Pero magkaganun man ay pareho silang naglalakad palapit kay saylsia.

Wala silang pakealam kung magkaroon man sila ng pinsala.

Ang iniisip lang nila ay maibsan ang sakit na nadarama ni saylsia.

S-saylsia! Sabi ni clemson habang nilalakad niya apoy na tumutupok kay saylsia.

Nagkakaroon ng matinding lapnos si clemson ngunit naghihilom ito kaagad dahil ginagamit niya ang abilidad niyang maghilom ang mga sugat.

Nakatingin ito kay saylsia at bakas ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Saylsia!! Sambit pa sa pangalan ni saylsia hanggang sa mas lumakas pa ang puting apoy na nagpatalsik sa kaniya

Nagkaroon siya nang malalang paso sa kaniyang katawan.

Ganun din si Zerek na nasunog ang ibat ibang parte ng katawan.

Sa kanilang dalawa si Zerek ang hirap sa pagpapagaling ng kaniyang mga pinsala.

Dahil hindi siya purong bampira.

Siya ay isang kalahating Tao at kalahating Bampira

At si Clemson ay isang purong bampira ngunit nasa mababang uri ito ng kanilang lahi.

Saylsia!!! Sigaw nila pareho nang makita nila na unti unti nang naglalaho ang enerhiya ni Saylsia.

Hindi makatayo si Zerek habang si Clemson ay pilit na bumabangon para lapitan si Saylsia.

Ilang segundo pa ang lumipas ay humupa na ang puting apoy at tumambad ang katawan ni saylsia na puno ng paso at ang ibang parte nito ay kita na ang nangitim na buto.

Wala na rin ang buhok nito dahil sa pagkasunog.

Sadyang kalunos lunos ang itsura ni saylsia.

Makikita sa sunog nitong mga mata ang kawalan ng pag-asa.

Hindi niya akalain na mas malala ang magiging kamatayan niya kesa sa mga aliping pinahirapan niya hanggang sa mamatay.

Samantala nakaramdam ng awa si Zuki sa tanawing kanyang nasasaksihan.

Ang adventurer itsura ni Saylsia ay malayo na sa orihinal nitong postura.

Ang soulforce coil nito ay mahina na hindi na magtatagal ay malalagutan na ito ng hininga.

Sila estevan naman ay agad lumapit kay Zuki.

Agad silang Lumuhod para mag bigay galang.

Nagulat naman ang mga aliping nakakita sa kilos ng limang beastman.

Lumuhod ang mga ito at nagbigay galang.

Ipinag diriwang namin ang iyong tagumpay Master.

Nagawa niyo nang mapabagsak ang ikalawang general tiyak na malapit nang magbukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag.

Magalang na pagsambit ni Olivia sa mga salitang iyun.

Maraming salamat sa inyo? Hindi lang naman ako ang gumawa ng tungkulin pati rin kayo kaya't pinagdiriwang ko ang ating tagumpay.

Magalang din na sambit ni zuki at yumukong nagbigay galang.

Nang masaksihan ito ng iba ay nakaramdam sila ng pag hanga.

Panghanga dahil sa magalang na pagsasalita at pagkilos.

Napatingin ulit si Zuki sa mga nasa paligid.

Naramdaman niya ang mga tingin ng mga ito.

Bigla siyang nailang dahil doon.

Hindi pa siya sanay na iginagalang siya ng sinuman.

Kilang Estevan pa nga lang ay naiilang na siya paano kung pati ang mga taong nandito ay bigla yang igalang.

Mukhang labis naman na iyon para sa kaniya.

Ibinaling niya ang atensyon niya kila Clemson at Zerek na ngayon ay katabi na ni Saylsia.

Si Saylsia ay nakadantay sa Binti ni Clemson habang zerek ay Hinubad ang kaniyang suot na damit para takpan ang bahagi ng katawan ni Saylsia.

Sa ngayon ay wala ng buhay si Saylsia.

Wala na ang Babaeng nagpahirap sa mga aliping naroon.

Nakakaawa naman siya! Sabi ni Alena habang nakatingin sa bangkay ni Saylsia.

Hindi mo dapat siya kaawaan isa siyang Kalaban kaya't tama lang na namatay siya.

Saad ni Ophir kaya naman natahimik ito.

Tama si Ophir hindi nga dapat kaawaan ang babaeng iyan.

Kuwesyon naman ni Recon at itinuro ang mga alipin.

Nakita ko ang mga galos at pasa ng mga yan at natitiyak ko na iginawad iyan ng babaeng yan kaya't mabuti nang namatay ang makasalanang tulad niya.

Sabi ni Recon at bumaling sa binatang kanilang tagapagligtas.

Alam namin na ikaw lang ang makakatulong saamin para maalis sa lugar na ito Master.

Sabi ni Recon sa kaniyang isipan at yumuko nalang siya para mag bigay ng galang.

Nang mapansin ito ni Zuki ay mas nailang siya.

Maaari na kayong tumayo! Medyo naiilang na ako!

Nang sabibin ni zuki ang mga salitang iyon ay agad nag si tayo sila Estevan.

Pero tumayo ang mga ito at sinabi ang salitang nagpanganga sa lahat nang naroroon.

ANG AMING MASTER ANG MAGPAPALAYA SAATING LAHAT SA EMPYERNONG LUGAR NA ITO.

SA TAGLAY NIYANG LAKAS LAHAT UNTI UNTI TAYONG MAKAKALAYA MULA SA LUGAR NA ITO.

Ang mga salitang iyon ay binitawan ni Estevan.

Siya ang naglakas loob para bigyan ng pag asa ang mga naroroon.

Dahil totoo naman na ito ang Layunin ng binata

Ang talunin ang lahat ng heneral at maging pinakamalakas na nilalang.

Yun lang ang kaniyang alam pero kumpyansa siya na mas mataas ang gustong maabot ng kanyang tagapagligtas.

Si Zuki takigawa naman ay napangiti nalang dahil sa sinabi ni Estevan.

Alam niyang binigyan nito nang pag-asa ang mga inaliping nandirito.

Tumingin siya kila Clemson at Zerek at sa mga alipin.

Ngumiti siya nang buong puso at Nagsalita.

Alam kong wala pa akong napapatunayan sa inyong lahat

Pero ipinapangako ko na Ilalabas ko kayo mula sa kulungang ito at isasama ko kayo sa aking paglalakbay

Sa pamumuno ni Estevan lahat kayo ay gagabayan nito para mag sanay.

Gagawin ko na maging adventurer ulit kayo

Hindi ko kayo gagawing mga alipin

Gagawin ko kayong mga Mandirigmang may Dangal.

Sa ngayon kailangan ko ang inyong mga sagot.

Hindi ko kayo pipilitin maaari kayong sumama saakin

At mamaari ding mag hintay nalang kayo na mag bukas ang nag-iisang Lagusan sa unang palapag.

Ako si Zuki Takigawa At ang Misyon ko Ay Talunin ang Heneral sa Ika Isang daang palapag at Palayain kayong lahat mula sa impyernong lugar ng Doom Valley Ang Tower Of Doom.

-----

End of volume 1