webnovel

The Mystery of a Diamond Necklace (Completed)

Mhayetz · Fantasia
Classificações insuficientes
13 Chs

I feel Different

  Zahana's POV

         Nasilaw ako sa liwanag ng araw.Tumingin ako sa kisame at naalala ko na parang nanaginip ako kagabi.

      Binuhat daw ako ni Xyrus papunta sa kwarto at mayamaya may narinig ako.   

    "Kahit natutulog ka,para ka paring anghel.Magpahinga ka na.Goodnight."narinig ko na boses ata ni Xyrus.

   Mayamaya naramdaman kong may humalik sa noo ko.

      Ano ba to sa dinamidami ba naman ng panaginip iyon pa.Parang hindi ako komportable.

     Naligo na ako at pumunta sa sala.Pagdating ko ay naghahanda ng breakfast si Criza.

   "Good morning Hana!Kumain ka na dito.Sumabay ka nalang sakin papunta sa studio." sabi niya

    "Naku! I forgot.Anong oras na ba?" I worriedly asked.

   "It's 7:50am."

    "Hehe.Late na ako,kasi before 8:00am dapat nandoon na ako." sabi ko habang kumakain ng tinapay at ininom ang gatas.

     "Mauna nalang ako Bestie.I will teleport para mas mabilis." paalam ko.

    "O sige,take care Hana." tugon niya.

    Umalis ako at nandito na ako ngayon sa studio,ngunit lumitaw lamang ako sa CR ng mga babae para walang makakita.

    Lumabas na ako sa CR at pumunta sa recording room kung saan natatanaw ko na si Xyrus.Naku,naalala ko na naman ang panaginip na iyon.Pero teka,paano nga ba ako nakarating sa kwarto?

   "Good morning po." I said.

Xyrus Andrew's POV

   "Good morning po." bati ni Zahana at parang nagliwanag na ang pakiramdam ko.

    "Today,the two of you will rehears a song entitled "Kahit maputi na ang buhok ko"by Rey Valera.We will record it later." Direct John said.

    Nag-eensayo na kami ngayon.Ako ang kumanta ng first part,sabay kami sa chorus at siya naman sa second part.I enjoy singing with her.

    It's 10:00 am in the morning then we started the recording.Ang galing niyang kumanta kaya unang record namin ay perfect na.

Misty's POV

      Well,nakapagplano na ako and later Zahana will supper.Hahaha!Hahaha!

Zahana's POV

     Salamat at natapos din ang trabaho ko ngayon.Ba't parang napapangiti ako sa tuwing maalala ko si Xyrus tsaka ang ganda ng boses niya.Napapatindig ang balahibo ko bawat salita na kanyang kinakanta.

      Nasa labas ako ng studio ngayon kasi I insisted that I can go home.Kaya nauna na si Xyrus,sana pumayag nalang akong ihatid niya.Ang tanga mo rin mo rin minsan Hana.

       Ang tagal naman ng mga taxi.Nagulat ako ng saglit na lumiwanag ang kuwintas kaya ibig sabihin may hindi magandang mangyayari ngayon.

      Naglakad lakad ako ng biglang may tumakip ng bunganga, may naamoy ako na nakakahilo at everything went blank.

Misty's POV

      Hahaha!hindi pa gising ang nerd na yun.Kawawa naman siya,ngayon papatayin ko siya at si Xyrus ay magiging akin na.

Xyrus Andrew's POV

   Nag-aalala ako kay Zahana kasi kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi makuntak.Sana walang nangyaring masama sa kanya.

    Tinawagan ko si Criza at hindi pa raw siya umuuwi.

Third Person's Point of view

    Nag-aalala na rin si Criza kasi masama ang kutob niya na may hindi magandang nangyayari.

     Pumunta siya sa mga pulis at kasalukuyang hinahanap si Zahana.

Zahana's POV

   Minulat ko ang mga mata ko at ang sakit pa ng ulo ko.May nakita akong babae at tumatawa pa siya.Parang pamilyar tong babae nato.Bakit kaya niya ako kinidnap.

    "Hahaha!Well well well,gising na pala ang babaeng humahadlang sa akin." sabi niya at alam ko na kung sino siya.

     "Anong kailangan mo sa akin Misty?Wala naman akong ginawang mali." sabi ko.Naisip ko na kayang kaya kong makaalis at matakasan sila ngunit hindi ko ito maaaring gamitin dahil walang dapat makaalam ng tunay kong pagkatao.

       "Papahirapan lang naman kita dahil inagaw mo sa akin ang lalaking mahal ko." sagot niya na parang demonyo.

     "Sino ba ang inagaw ko?" tanong ko.

      "Nilalandi mo lang naman si Xyrus na mahal ko." Sabi niya habang kinuha ang baril sa kamay ng kanyang mga tauhan.

       "Iniidolo ka ng ibang tao ,pero hindi nila alam na demonyo pala ang iniidolo nila.One more thing Xyrus is only my workmate and nothing else." may tapang kong tugon.

     "Hahaha!imposible naman siguro na may babaeng wala gusto sa kanya.Kaya magdasal dasal ka na para sa huli mong hininga kawawang nerd."sabi ni Misty at itinuon na niya ang baril sa akin.

   Nang pinutok niya ay napapikit ako pero bakit wala akong nararamdaman na sakit o baka niligtas ako ng kuwintas dinala na naman sa ibang mundo.

     " Hindi!"biglang sigaw ni Misty kaya nang minulat ko ang mga mata ko ay nakita kong duguan ang isang lalake at nang tinignan ko ito.Nanghina ang mga tuhod ko at parang natatakot ako sa nangyayari.

    "Xy-rus!Ba-bakit?bakit mo sinalo?Para yun sa akin." Naluluha kong sabi at biglang kong tinanggal ang tali sa aking katawan gamit ang angkin kong lakas at pinuntahan si Xyrus.

    Narinig kong may mga pulis na dumatinh at hinuli nila si Misty.

   "Hindi ko sinasadya Xyrus.Mahal kita kaya hi-hindi ko sinasadya." hikbi ni Misty at parang nawalan siya ng lakas.Lumuluha siya habang tulala na nagsasabi na hindi niya raw sinasadya.

     "Hana!bestie,salamat at walang masamang nangyari sayo." sigaw ni Criza habang papalapit sa akin.

   "Sana ako nalang,ba't pa kasi ako niligtas ni Xyrus."hikbi ko at niyakap ako ni Criza.

    " Gagaling din si Xyrus.Be strong Hana."pagtatahan niya sa akin.

    Dinala na si Xyrus sa hospital at hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko sa kanya.Nasa bahay kami ngayon at parang ayaw kong kumain dahil nawalan ako ng gana.Mabuti pa pupuntahan ko si Xyrus sa hospital.

     "Bestie!" tawag ko.

      "Salamat naman at lumabas ka na diyan sa kwarto mo." Sabi ni Criza.

      "Samahan mo ako sa hospital.Gusto kong puntahan si Xyrus." pakiusap ko.

       "Sige,let's go."tugon niya.

...