webnovel

Chapter Three

Natawa na lang ako, kahit kailan talaga to si Ella basta gwapo gusto niya na agad. Kaya lagi yon natatalisod eh, kakabreak pa nga lang nila ng boyfriend niya. Nahuli niya kasi na may kasamang lalake at niloloko lang pala siya.

"Baka naman gay?" Natatawang sabi ko.

"Grabe ka naman Steph, porket single bading agad? Hindi ba pwedeng, hindi pa ako nakikita?" Ang OA lang ng pagkakasabi ni Ella, hindi pa ba siya na dadala?.

"May point si Stephanie, baka nga ang lakas ng dating sayo eh. Malakas pa man din ang hatak mo sa mga bading!" Sabay hagalpak ng tawa si Cassy, habang palapit samin.

"Ang mean niyo! Bakit ba ganyan kayo sa'kin!"

Nagpout pa siya saka pumunta sa upuan niya.

"A basta! Ipapakita ko sa inyong mapapansin niya ako!"

Nagkatinginan na lang kami ni Cassy habang tumatawa sa naging reaksyon ni Ella. At bumalik na rin siya sa upuan niya dahil pumasok na ang Professor namin.

"Goodmorning class, you have a new classmate and he'll introduce himself. Go ahead."

"Uhm, Hi! I'm Jason Thomas Garcia. 19 years old, I like to draw and paint. I want to be friends with you all and I hope you will treat me well. That's all."

"That's all class, I hope you treat him well. So Mr. Garcia, you can sit next to Ms. Sanchez."

"By the way, Mr. Garcia I want you to meet Ms. Sanchez, she is the president of this classroom."

"Hello nice to meet you, I'm Jason Thomas Garcia. But you can call me Jason." Bati niya sa'kin habang ina-abot ang kamay niya sa'kin.

"Hi nice to meet you too, I'm Stephanie Rachelle Sanchez. You can call me Sanchez, sana maging magkaibigan tayo." Nakangiting sabi ko sa kanya at inabot ang kamay niya.

At nagstart na ang klase pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jason.

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*DISCUSS*

-LUNCH BREAK-

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naririnig akong may tumatawag sakin at pag kalingon ko ay tinatawag ako ng Professor namin.

"Ms. Sanchez, could you please give Jason a tour dito sa school kahit saglit lang? Madami pa kasi akong kailangan tapusin since malapit na ang Basketball Tournament."

"Will do po Sir." Agad kong sagot kay sir.

"Thank you Ms. Sanchez. And also, could you please ask din kay Jason if gusto nya sumali ng tournament para mai-register ko din sya asap."

"Yes po sir." Tango lang ako nang tango kay sir kahit gusto ko na siyang talikuran dahil sa dami niyang utos. Akala nya siguro wala akong ginagawa, hyst.

After nang pag-uusap namin ni sir Jace ay dumeretso na ako sa room dahil wala nang oras para maglunch pa ako. Ugh nakaka-irita!!!.

***

"Uwian na sa wakas!" Sabi ko sa sarili ko sabay inat.

Habang naglalakad ako palabas sa gate ng school, hindi ko namalayang nasa tabi ko pala si Carl. Tsaka ko lang siya napansin nang magsalita siya.

"Hi..." Halos pabulong yon pero narinig ko pa rin.

"Ah...anjan ka pala."

"Bakit 'di ka sumabay sa'kin kanina maglunch? Di ka rin nagsabi kung free ka..." Nakayukong sabi niya.

"Inantay kaya kita..." Habol niya pa sabay kamot sa ulo.

Sasagot na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin.

"Stephanie!!!" Sigaw ni Ella kaya napalingon ako sa direksyon niya.

"San ka galing girl? Ba't 'di kita nakita kaninang lunch time? Tas 'di ka rin sumabay samin ni Cassy, inantay ka kaya namin." Sabay kumapit siya sa braso ko.

"Uh...erh..."

"Oh! Hi Carl, anjan ka pala." Bati ni Ella kay Carl. Pero ngiti lang ang sagot sa kaniya ni Carl.

"Uh...sorry guys 'di ako nagpakita sa inyo kanina, pinatawag kasi ako ni sir Jace kanina tas...may inutos din siya. Sorry talaga." Mahinang sagot ko sa kanila.

"Uhm...sorry din Carl kung 'di kita nasabihan kanina, medjo busy lang talaga ako. Sorry."

"Ayos lang haha...ano ka ba, mas okay na unahin mo muna yan tsaka mas mahalaga pa yan noh. May next time pa naman eh hahaha..." Halos pilit ang tawa niya.

"Ah, una na ako ah? Ingat ka sa pag-uwi." Paalam niya sa'kin, sabay talikod.

"Okay ka lang?" Alalang tanong ni Ella sa'kin.

"Okay lang...pagod lang siguro."

"Sure ka ha? Kung may problema ka sabihin mo lang, baka matulungan pa kita." Habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hmm, sige una na ako." Sagot ko, at akmang tatanggalin ko na sana ang pagkakakapit ng kamay ni Ella sa braso ko nang magsalita siya.

"Gala tayo? My treat!!" Aya niya.

"May gagawin ka ba? Tara sama natin sila John at Cassy." Habol pa niya.

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at hinila na niya ako palabas ng gate at dumeretso kami sa Starbucks.

"Wait lang text ko yung dalawa."

Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa at umorder na kami. Habang inaantay ang orders namin biglang nagtanong si John.

"Steph, ayos ka lang?..."

"Hmm..." Tumango lang ako.

"Sure ka? Kanina pa kasi kita napapansin na iba yung galaw mo simula nang kausapin ka ni Sir Jace eh. May nangyari ba?"

Pagkatanong niya sa'kin non napansin kong nakatingin na rin sa'kin sila Ella at Cassy, naghihintay rin sila ng sagot ko.

Bumuntong hininga muna ako at pumikit ng mariin bago nagsalita.

"Hyst...Nababadtrip lang ako kasi andaming utos ni Sir Jace sa'kin, kala siguro niya wala akong ibang ginagawa."

"Ayos lang yan, tulungan ka na lang namin. Sa'yo ba inutos ni Sir Jace na itour si Garcia?" Tanong ni John.

"Ano pa nga ba, ako president eh malamang sa'kin lahat." Sabay roll eyes.

"Ito oh palamig ka muna, John kunin mo yung fries na inorder ko dun." Sabi ni Cassy.

Nang matapos kami kumain ay nag-aya na akong umuwi dahil may mga gagawin pa ako.