webnovel

Chapter Four

Pag-uwi ko ay wala si lola sa bahay, dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. May nakita akong papel na nakaipit sa pintuan ng ref kaya kinuha ko iyon at binasa.

'May pagkain na jan sa mesa, kumain ka na at magpahinga alam kong pagod ka. Pumunta lang ako ng bayan dahil nagpadala daw ang mama mo.'

Love: Lola.

Umupo agad ako at naghain na. Saktong may tinapay sa lamesa kaya pinalaman ko na lang ang pritong manok na niluto ni lola sa tinapay, dahil ayaw kong kumain nang marami para makatulog na agad.

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto para magshower at nahiga na agad.

Nagising ako ng (10:27p.m.) kaya bumangon ako at bumababa para uminom ng tubig.

Pagkababa ko ay nakitang kong bukas ang tv sa sala hindi ko makita kung sino yung nasa sofa kaya nilapitan ko, pagkalapit ko ay nakita kong tulog na si lola. Kaya pinatay ko na ang tv at kumuha ng kumot at kinumot iyon sa kaniya.

Dumeretso na ako sa kusina para kumuha ng tubig at umakyat na.

(10:35) na ng gabi at hindi na ako makatulog ulit kaya kinuha ko na lamang ang bag ko para gumawa ng report para bukas.

Nang matapos ko gawin lahat ng kailangan kong tapusin, hindi ko namalayang (1:55) na pala ng madaling araw kaya niligpit ko na ang mga gamit ko sabay nahiga na.

***

8:00a.m. nang mag-alarm ang phone ko kaya bumangon na agad ako at naligo. Pagkatapos ko magbihis ay agad na akong bumaba para magbreakfast.

Pagbaba ko ay pumunta na ako ng kusina at nakita kong nagluluto si lola.

"Goodmorning la!" Masayang bati ko kay lola sabay bukas ng ref para kunin yung cookies na bigay sa'kin ni Carl.

Palagi kasi akong binigyan ni Carl ng foods sa tuwing nagkikita kami, halos walang araw na hindi ako nakakatanggap ng foods or drinks. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa sweets kaya tinatabi ko nalang muna ang mga iyon.

"Oh, aalis kana?. Kumain ka muna maupo ka na malapit na maluto 'to."

"Hindi na po la, kailangan ko po kasing pumasok ngayon nang maaga marami pa po kasi akong gagawin."

"O siya sige mag-iingat ka."

***

Pagkarating ko sa room ay nilapag ko lang ang mga gamit ko at hinanap si Jason para ma-itour ko na siya sa school, ayon kasi yung usapan namin na maaga papasok para hindi kami magagahol sa oras.

Bigla nalang akong napa-isip kasi hindi ko nakita si Carl papasok, ni hindi man lang siya sumabay. Pero bigla kong naalala yung nangyari kahapon siguro nagtampo yun kasi sino ba namang hindi di'ba? Mag-aantay ka tas hindi naman pala magpapakita.

Habang nag-aantay ako kay Jason, pumunta muna ako saglit sa CR at nag-ayos muna ako doon.

Pagbalik ko sa room ay sakto andoon na rin si Jason.

"Mr. Garcia."

Tawag ko sa kanya na ikinalingon niya.

"Shall we start?"

"Oh...uhm...sure."

Habang naglalakad kami ni Jason sa hallway papuntang Library nakita ko si Carl, nagkasalubong ang mga tingin namin at napansin kong umiwas agad siya sabay alis.

Napakunot nalang ako ng noo sabay iling ng ulo. At nakarating na rin kami sa Library.

"The library is here, you can come here whenever you want. you just need to scan the QR code behind your ID on the scanner to enter."

Bigla akong may naalala kaya dumukot ako sa bulsa ko at iniabot iyon sa kanya.

"By the way this is your ID, you must always carry that because that will serve as your key to all the rooms you go to."

*FAST FORWARD*

"And lastly here is your locker key, and there is your locker" sabay turo sa direksyon kung nasaan yung locker niya.

"Oh...Thank you."

Pagkatapos ng pag-iikot namin ay sabay na kaming pumunta pabalik sa room.

Pag-upo ko sa pwesto ko ay dumating na rin ang prof namin.

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*DISCUSS*

Nasa kalagitnaan ng klase nang biglang pumasok si sir Jace.

"Excuse me Ma'am, may meeting po ang mga Class Presidents sa gym. Excuse lang po kay Ms. Sanchez, as well as those who registered to participate in the basketball tournament."

"Sumunod nalang kayo doon sa gym, Thankyou ma'am."

"Oh sino raw dito ang mga sumali sa basketball tournament."

"Pumunta na daw sa gym, ikaw din daw Ms. President."

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko sa desk, napatingin ako kay ma'am nung magsalita siya.

"Okay class we will have a graded recitation."

After ko marinig yun parang ayaw ko na tuloy umattend ng meeting, sayang kasi yung points eh.

Bago ako umalis napatingin ako kanila Cassy at Ella, nagulat ako kasi nakatingin rin sila sa'kin.

"We will draw who will answer first."

"Ms. Dela Vegas, please stand up."

Natawa ako nung tawagin si Cassy, pagkatingin ko sa kanya nakakunot noo na siya sabay turo sa'kin.

"Ma'am oh! Si Sanchez tinatawanan ako!"

Bago pa man makalingon sa'kin si ma'am ay naisara ko na agad ang pinto. Pero bago ko isara yon nag smirk ako kay Cassy, halatang napikon siya sa ginawa ko HAHAHA.

Kaya sa labas ko na lang pinagpatuloy ang tawa ko, para nga akong baliw eh natawa mag-isa habang naglalakad sa hallway nauna na kasi yung mga kasama ko.