webnovel

The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame)

Serenader 18: BILLY WILLIAMS

AriadneWP · Adolescente
Classificações insuficientes
112 Chs

Chapter 4

[THIRD PERSON'S POV]

"Kumusta na ang anak ko?" tanong ni Mr. De Guzman sa kanyang private investigator.

"Base po sa imbestigasyon ko Mr. De Guzman, marami pong nam-bu-bully sa kanya dito sa DGUP. At nalaman ko ring nag-apply siya bilang isang maid sa tatlong sikat na estudyante rito." sagot ng private investigator sabay abot ng isang papel kay Mr. De Guzman.

"Nandyan po ang address kung saan ngayon nakatira ang anak niyo." sabi ng private investigator.

"Okay, you may leave." sabi ni Mr. De Guzman sa private investigator. Umalis na ang private investigator.

Pagkaalis ng private investigator ay may kinuha siyang litrato sa drawer at tinignan niya ito.

"Patawarin mo sana ako anak dahil sa iniwan ko kayo ng ina mo." sabi ni Mr. De Guzman habang tinitignan ang isang litrato ng isang babaeng may kargang bata.

"Hindi ko kayo naipagtanggol sa mga magulang ko. Pero mahal na mahal ko kayo."

Hinalikan ni Mr. De Guzman ang litrato ng kanyang mag-ina.

"Balang araw, magkikita rin tayo anak. Pero hindi pa ito ang tamang oras para magkita tayo." sabi ni Mr. De Guzman.

Natatakot pa rin siya hanggang ngayon kung ano ang magiging reaksyon ng anak niya kapag makita siya nito. At malaman na siya ang ama nito na umiwan sa kaniyang ina.

[BILLY'S POV]

Damn it! Naiinis ako sa maid na yun. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis sa kanya. Basta, nakaka-irita siya. Pakiramdam ko ay gugulo ang buhay namin dahil sa kanya.

"Brad, ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni James.

"Anong masasabi mo sa bago nating maid?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo naman natanong?" tugon na tanong niya.

"Wala, basta sagutin mo na lang." sabi ko kay James.

"She's gorgeous, hot and sexy. Kahit ganyan ang kanyang itsura. She will be good on bed." nakangising sagot sa 'kin ni James.

Binigyan ko naman siya ng masamang tingin. Napakababaero talaga nito. Kahit sinong babae ay pinapatulan niya.

"Woah! Pre, chill ka lang. Joke lang yun." bawi ni James sa sinagot niya. "Siguro type mo siya no." pang-aasar niya sa 'kin.

"Of course not. Kung siya rin lang naman ang natitirang babae sa mundo. I'll rather be single." sagot ko kay James. Seriously, ayoko talaga sa babaeng yun.

"Sabi mo yan eh. Pero darating din ang araw na ma-fa-fall ka sa kanya." sabi ni James at umalis na siya.

Over my dead body. I won't fall for that maid.

[LOUISE'S POV]

- NEXT DAY (LUNCH BREAK) -

Nandito ako ngayon sa ilalim ng malaking puno dito sa school. Mag-lu-lunch ako ngayon. Hindi ko kasi feel kumain sa cafeteria. Kahapon nga sa cafeteria ako kumain at ang resulta ay binully ako ng mga 'The Hunks ' admirers daw. Aba! Malay ko ba kung sino ba yang 'The Hunks' na yan.

"Hi miss. Can I join with you in lunch."

May biglang nagsalita sa gilid ko. Sasagot na sana ako kaya lang umupo na agad siya sa tabi ko. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Well, mukhang mabait naman 'tong tumabi sa'kin.

"Hi! I'm Kateleen. Kate na lang ang itawag mo sa'kin. And you are." pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Louise." tipid kong pagpapakilala sa sarili ko. Mukhang mabait nga siya.

"Nice to meet you Louise. Ang ganda mo naman." masayang sabi sa 'kin ni Kate. Ay bolera pala 'to.

"Anong maganda ka diyan? Tignan mo nga 'tong itsura ko. May kaitiman, may suot na malaking salamin, may suot na oversized uniform." pagtatama ko sa sinabi niya.

"Mag-ayos ka kasi. Di bale, kapag may oras tayo ay mag-sho-shopping tayo sa mall. Pupunta tayo sa salon para magpaganda." nakangiting sabi sa 'kin ni Kate.

"Naku! Wag na. Nakakahiya naman." pagtanggi ko kay Kate. Oo nga, nakakahiya sa kanya. At isa pa ay wala naman akong hilig sa pagpapaganda. Tapos kakakilala pa lang namin ay yun agad ang nasa isip niya.

"Hay naku! Bawal kang tumanggi dahil bestfriend na kita ngayon." sabi sa 'kin ni Kate. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Grabe, ang bait naman niya. Siya lang ang naglakas-loob na kaibiganin ako.

"So friends?" sabi ni Kate sabay lahad ng isang kamay niya sa 'kin.

"Friends." sabi ko naman sa kanya at hinawakan ko ang nakalahad niyang kamay tapos nag-shakehands kami. Wow! Nakakatuwa naman dahil may new friend na ako.

"Yehey! I'm so happy na magkaibigan na tayo." sabi niya sa 'kin.

"Teka, wala ka bang kaibigan dito?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa since I'm new student here." sagot niya sa 'kin.

Napatango naman ako.

"By the way, why are you eating here? May cafeteria naman dito sa school." tanong sa 'kin ni Kate.

"Ah w-wala lang. Mas feel ko kasing kumain dito dahil napaka-peaceful ng lugar na 'to." sagot ko sa kanya. Well, I kinda answered her both truth and lie.

"I agree to you. Ang ganda ng view dito." pagsang-ayon naman niya.

Naging mahaba ang pag-uusap namin habang kumakain. May dala din siyang baong pagkain. Ang sarap naman niyang kausap. Pakiramdam ko tuloy ay matagal ko na siyang kakilala.

Bigla namang nag-bell. It means tapos na ang lunch break.

"Well I have to go now. May pupuntahan pa kasi ako." sabi sa 'kin ni Kate.

"Sige bye." tugon ko sa kanya.

"Bye din bes." - Kate

At umalis na siya. Kailangan ko na ring maghanda para sa next subject ko.