webnovel

The Love of My Life.

Kwento ng isang pangkaraniwang babae na nagmahal sa isang lalaki. Matupad kaya ang pangarap niya na makasama habang buhay ang lalaking ito.

rhedd · História
Classificações insuficientes
8 Chs

Chapter 7

Nang araw na yon nagpalipas tayo ng buong gabi na magkasama. Naisip ko tuloy gumawa na naman ako ng kasalanan. Pero sa pagkakataong yon hindi ako natatakot dahil nakakasigurado ako na hindi mo ako pababayaan. Kinaumagahan isinama mo ako sa bahay nyo. Napakalaki at napakaganda ng bahay nyo. Nag-usap tayo ng parents mo. Kabadong kabado ako noon. Halos tatlong oras nila akong iniinterview. Halata ko na hindi sila boto sakin. "Rhey wag na nating ipagpatuloy to." sabi ko sayo nung iniwan nila tayo. Umiyak ka at sinabi mo sakin. "Malungkot at magulo ang buhay ko noon, hahayaan ko pabang mawala ang tanging nagpapasaya sakin?" Napaluha tuloy ako sa sinabi mo. Hinawakan mo ang mga kamay ko at nangako ka sakin na hinding hindi mo ako iiwan. August 15, 1998 natuloy parin ang kasal natin kahit marami sa pamilya mo ang tutol. Pinagupit mo ang mahaba mong buhok at sa wakas inahit mo ang iyong balbas. Nagtrabaho kasa ahensya nyo. Nagbago ang pananaw mo sa buhay. Kitang kita ko sayo ang pagpupursige at determinasyon.