webnovel

The Island Between Us

"Pinagtagpo pero hindi itinadhana"Yan ang naisip ni Vanellope na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi sila nagkikita ni Cristoff.Ilang taon na rin ang nakaraan nung huli silang nag usap. Abangan ang kwento ni Vanellope at Cristoff kung pano sila pinagtagpo ulit kahit na magkalayo sila ng pinanggalingan. -Love conquers all,specially Fears. COVER IS NOT MINE.

JMP_beauty · Fantasia
Classificações insuficientes
19 Chs

Chapter 9

(( Cristoff ))

Binasa ko yung address na binigay sa 'kin ng kaibigan nya.Kahit hindi ko alam ang pasikot sikot sa lugar na 'to hindi ako nawalan ng pag asa.Nagtanong tanong ako kung paano makakarating sa condo nya.At buti naman hindi ito mahirap hanapin kasi ayun sa napagtanungan ko bagong tayo daw itong condo dito sa lugar nila.

Nasa harap na ako ng condo nya.Kumatok ako pero parang ang tagal nyang buksan ito, baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob kaya nilakasan ko pa ang pagkatok...

(( Vanellope ))

"Cristoff?!" Nagulat ako sa kanya,hindi ko naman inexpect na makakaharap ko sya ngayon.Mukha tuloy akong dugyot sa harap nya.Naka baggy tshirt ako at naka bun ang buhok.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.Ang awkward tuloy.Bwisit talaga 'to! Sino ba nagsabi na pumunta sya dito?

"Kahit pala dugyot ka maganda ka pa rin,hindi mo ba ako papapasukin sa loob?"

Inirapan ko ito at tinalikuran.Sumunod naman ito sa akin at isinara nito ang pinto.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nilibot nya ng tingin itong loob ng condo ko..

Umupo naman ako sa maliit na couch at isinandal ang ulo ko at ipinikit ko ang aking mga mata.

Ramdam kong umupo ito sa kaharap kong couch..at ramdam na ramdam ko rin na tinititigan nya ako.

"Nagpunta ka lang ba dito para titigan ako ng nakapikit?"tanong ko habang nakapikit pa rin.

"Gusto kitang kamustahin.Sabi ng kaibigan mo masama daw pakiramdam mo"

"Kulang lang siguro 'to ng pahinga"

"Sorry ha,kasi alam mo nung una kitang nakilala lagi ka nang tumatakbo sa isip ko kaya ka siguro napagod" Kinikilig ito.

"Hahaha hindi mo talaga ako titigilan dyan sa mga pambobola mo no?"

"Gusto lang kitang patawanin..Kumain ka na ba?"tanong nito.

Pagmulat ko kita ko agad ang gwapong mukha nito.Well,gwapo naman talaga sya,lalo na pagnakangiti ito habang nakatitig sa akin:)Yung feeling na kinakausap nya ako gamit ang mga mata nya.Ganun sya kung makatitig sa akin kaya ayoko ng ganun.Hindi ko kaya.Say no to titigan 🤭

"Hindi pa"simpleng sagot ko sa kanya.

"Anak ng....anong oras na Van!Alas kwatro na mamaya hindi ka pa kumakain?!San ang fridge mo? Magluluto ako.."Bigla naman itong umalis sa harap ko at hinanap ang kusina.Naiwan akong tulala sa mga sinabi nya.

Sinundan ko ito ng bumalik na ang katinuan ko.

Nakita ko sya na naghahanda ng pagkain na lulutuin nya.Wow ha! Pabida gurl?

"Marunong kang magluto?"tanong ko dito ng makalapit na ako sa kanya.

"Oo naman,magpahinga ka na muna.Sakto paggising mo tapos na ako dito"

"Ano ba lulutuin mo?"

"Sige na magpahinga kana sabi,baka masahog pa kita dito,sige ka"

At talagang tinakot pa ako sa sarili kong pamamahay.Ibang klasi!

I almost rolled my eyes bago ko sya tinalikuran.

Nakahiga ako habang nakatingin sa kisame.Hindi ko mapigilan ang ngumiti knowing na nandito si Cristoff.What's wrong with me?

Mayamaya lang ay kumatok ito sa kwarto ko at ramdam kong binuksan nya ito kaya nagpanggap akong tulog.

Nilapag nito ang dalang tray ng pagkain sa mesa na nasa tabi ko.Umupo din ito sa gilid ng kama ko.

Lumapit ito sa mukha ko.

"Ikaw yung babaeng dapat inaalagan"mahinang anito.Hinawakan nito ang pisngi ko.At ramdam ko ang init ng kanyang kamay.

Ako yung kinikilig sa mga pinagsasasabi ni Cristoff dito:) hahaha. Sana ganyan ka hanggang sa huli:)

-- JMP:')

JMP_beautycreators' thoughts