webnovel

The Ideal Man

Laking probinsya pero puno ng pangarap para sa pamilya si Jeanlie Cruz. Average student lang kung maituturing siya pero puno ng determinasyon at pagsisikap na siyang baong inspirasyon niya sa buhay. Dahil malapit siya sa ama, laging laman ng isip na ang ito ang kanyang idolo dala na rin sa taglay nitong sipag na para itaguyod ang pamilya nila. Isang simpleng babae na nangarap ng magandang buhay para sa pamilya. Sa likod ng kanyang taglay na kabaitan isang mapagmahal rin na anak at magandang dalaga. Mga katangiang taglay ng isang Jeanlie Cruz na nagagamit niya sa tuwing sumasali siya ng dance contest at beauty pageant. Nabago ang buhay at pananaw niya ng dumating ang isang Jethro Montenegro, isang kilalang mayamang tagapagmana ng MONTENEGRO CORP-  a multinational company that run a digital marketing ads and shipping line. Sa isang beauty contest na sinalihan ni Jeanlie Cruz nagtagpo ang landas nilang dalawa. Isang probinsyanang dalaga at billionaire bachelor na playboy. Paano babaguhin ang pananaw ni Jeanlie Cruz na ang isang Ideal Man ay hindi ang tulad ng tatay niya. Parang aso’t pusa ang dalawa pero huling tanda ni Jeanlie inalok siya nitong maging mistress at bibigyan ito ng isang anak na maging tagapagmana nito, kapalit ng marangyang buhay na pinangarap niya. Bibigay ba si Jeanlie? O mababago ba niya ang pananaw ni Jethro na magkaroon ng isang masayang pamilya, knowing the fact, that Jethro’s perspective of marriage is boring and tiring obligation. Newbie here. If you want to support me, here's my paypal account. paypal.me/chalian. Thank you.

Chalian_Quizo · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

Chapter 24: All about Him

Habang nakasakay sa kanyang sasakyan si Jethro ay bumabalik sa kanya ang ala-ala kung saan sila nagsimula ni Mariz. Naging madali ang buhay ni Jethro nung nag-aaral pa siya abroad, lahat ng gusto niya at luho ay binibigay ng kanyang mga magulang.Mag-isa lang siya sa kanyang tinitirhan sa abroad, minsan lang siya binibisita ng mga magulang kung may mga meeting ito sa abroad.Mabait at masunurin sa mga magulang si Jethro, hanggang sa natuto na siya ng mga bisyo, dala na din sa kanyang kalungkutan na parati lang nag-iisa sa apartment niya na tinutuluyan sa abroad. Iba kasi ang mga babae don, yun na ang pumpunta sa kanyang apartment, kaya don na siya natuto na mambabae, walang naging seryosong karelasyon si Jethro, dahil sa iba't ibang babae lang ang nagkakagusto sa kanya at nagpapagamit. Na-enjoy naman ni Jethro ang kanyang buhay doon kung saan malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Pero kahit ganyan na ang kanyng ginagawa ay hindi naman niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral.Nasa pangatlo sa limang magkakapatid si Jethro,siya lang ang lalaki sa kanilang magkakapatid,kung kaya ay kailangan niyang magkaanak para may magdadala sa kanilang apelyedo,dahil hindi madadala ang kanilang apelyedo sa kanyang mga kapatid pag ang mga ito ay mag-aasawa na. Kung kaya si Jethro lang ang bukod tanging magdadala ng kanilang apelyedo at ang magiging mga anak nito.

Kaya lang sa lahat ng mga babae na nauugnay kay Jethro ay ayaw nilang mag-kaanak dahil daw sa masisira ang figure ng katawan nila,at may mga kanya kanyang pangarap pa ito sa buhay including Mariz.Nang nakatapos na ng pag-aaral si Jethro ay agad siyang pinauwi ng mga magulang sa Pilipinas para tulungan niya ang mga ito sa pagpatakbo ng kanilang kompanya.Ang dalawa niyang panganay na babae ay nagtatrabaho na din sa kanilang kompanya,samantalang ang dalawa naman na sumunod sa kanya at ang bunso ay kasalukuyan pang nag-aaral sa abroad din.Nasa balikat ni Jethro ang malaking responsibilidad at ang

pressure sa pagtatrabaho,dahil siya ang isa sa taga pagmana sa kompanya,dahil siya lang ang lalaki,siya lang ang nag-iisa na magdadala ng kanilang apelyedo.at ipagpatuloy ang sinimulan ng kanilang pamilya.Kinausap si Jethro ng kanyang mga magulang kung kailan ba daw siya mag-aasawa para magkaroon na siya ng anak

Pero walang sagot si Jethro sa mga magulang,dahil lahat ng mga babaeng nauugnay sa kanya ay wala pa siyang napupusuan.Hanggang sa dumating si Mariz sa kompanya.Na katulad din ni Jeanlie ay nakuha din nila sa isang pageant si Mariz, na sinasalihan nito at sila din ang naging major sponsor ng event na yun.Na love at first sight si Jethro sa dalaga dahil sa taglay na kagandahan at pilipina na beauty at kutis nito.Kung kaya ay niligawan niya agad ang dalaga at sinagot naman siya nito. Pero dahil sa minor de edad pa si Mariz nun ay pinagpasyahan nila na itago muna ang kanilang relasyon sa publiko at sa mga magulang nito. Naging masaya ang pagmamahalan ng dalawa.Natigil na din ang pagiging pagkababaero ni Jethro mula nung naging sila ni Mariz. Hanggang sa sinabi ni Jethro kay Mariz na gusto niyang magkaanak dito, pero agad na tumaggi si Mariz dahil sa marami pa siyang pangarap para sa kanyamg mga magulang at kapatid. Laking hirap sila Mariz at mula nung nakapagtrabaho na siya sa kompanya nila Jethro,ay sa kanyang na umaasa ang kanyng magulang at ang walo nitong kapatid.Inooferan niya si Mariz na siya na ang bahala nito at sa pamilya nito kung payag lang siya sa gusto niya, at papakasalan naman niya ito pag nasa saktong edad na si Mariz, pero mariin na tumanggi ang dalaga sa kanya. Hanggang sa mayroong naganap na run way modeling sa isang malaking mall, at kabilang na dito si Mariz na pinipresenta ang Montenegro company,at halos lahat na sikat na mga kompanya ay nandoon din. Kaya doon na diskubri si Mariz sa may-ari ng Gucci at agad siya nitong pinapirate, at inooferan na kung ano-ano, pumayag naman agad si Mariz dahil sa likas na ambisyosa ang babae, at nasilaw sa inaalok na buhay ng may ari ng Gucci. Kung kaya ay agad na umalis si Mariz sa pilipinas at sumama na sa bagong niyang kompanya na pinagtatrabahuan na hindi lingid sa kaalaman ng Montenegro company at kay Jethro.Kung kaya ay nagulat nalang si Jethro na wala na siyang Mariz na nakikita sa kompanya.Minamadali niya itong tinawagan pero hindi na makontak ang mga numero nito, pinahanap niya ang kanyang nobya, at napagkaalaman nalang niya na pumunta na pala ito sa abroad para magtrabaho sa ibang kompanya.Nasaktan si Jethro dahil sa iniwan nalang siya bigla ng nobya na walang paalam. At may mga plano na pala ito pero hindi man lang siya pinapaalam. Kung kaya dahil sa nangyari ay bumalik ang pagiging playboy ni Jethro,habang lumilipas ang araw at buwan ay iba't ibang babae na ang nauugnay sa kanya. Hanggang sa makita niya ang nobya na nasa magazine na ito at minomodelo ang ibang kompanya. Nais sanang sampahan ng kaso ng mga magulang ni Jethro si Mariz dahil sa binibreak nito ang nakasaad sa pinirmahan na kontrata nito, pero hinarangan yun ni Jethro dahil sa hanggang ngayon ay mahal na mahal parin niya ang nobya.

****

Nabulagta nalang sa pagkakatulog si Jethro ng may tumawag sa kanya through messenger sa facebook, dahil sa gulat ay nasagot niya ito agad, at nawala ang kanyang antok ng makita sa kabilang linya ang tumatawag sa kanya, walang iba kundi si Mariz. Napuno ng kasiyahan ang puso ni Jethro, kung kaya ay hinayaan niyang magpaliwanag ang dalaga at agad namang niya itong pinatawad ,Lalong gumaganda ang kanyang nobya,at pumuti na ito. At mula nun ay nanumbalik na ang sigla ni Jethro pero hindi na niya maiiwasan ang mambabae parin dahil sa malayo naman si Mariz, at okey lang naman sa dalaga na mauugnay sa iba si Jethro ,dahil alam naman niya na siya parin ang mahal nito. Sa tuwing uuwi si Mariz sa pilipinas, ay agad nalang itong pumupunta sa kanyang condo na walang pasabi ,at di nagtatagal ay aalis din ito. Dahil sa madami daw itong trabaho, kung kaya ay naintindihan din ni Jethro ang trabaho ni Mariz, ang importante ay pinupuntahan siya ng dalaga pag uuwi ito sa pinas.

Naputol nalang ang pag- iisip ni Jethro ng kanina pa pala siyang tinawag nito at sinasabi na nandoon na pala sila sa condo niya. Palusot lang niya yung sinabi niya kay Jeanlie kanina na may meeting siya para makaiwas siya sa tanung sa kanya ng dalaga. Pero ang totoo ay uuwi siya ng condo para magbaba sakali na baka pupunta si Mariz don.