webnovel

The Holocaust

amibluechan · Fantasia
Classificações insuficientes
22 Chs

Kabanata 19

"Nasa maayos na rin naman na kalagayan ang katawan mo, pero kung may kumirot pa, huwag mo munang pilitin ang sarili mo, ha?" sabi ni Manong Heriberto pagkatapos niyang i-check ang status ng katawan ko, ngumiti naman ako tsaka tumango.

Nagpapasalamat ako dahil maayos na ang kalagayan ko, hindi na kailangan pang mag-alala ng mga kaibigan ko.

"Tama si Lolo Heriberto, Ally. Kapag hindi mo na kaya, huwag mo nang pilitin ang sarili mo dahil baka mas maging malala lang ang sitwasyon. Baka mas malala pa riyan ang matamo mo sa susunod," dagdag pa ni Grace habang hawak-hawak ang isang basket na puno ng mga halamang gamot.

Ibinigay niya 'yon kay Dashiell na ngayon ay nakasandal lamang sa pader habang seryosong nakatingin sa akin. Naiilang na nga ako mga sa tingin niya e, pakiramdam ko may ginawa akong mali sa kaniya at kailangan kong humingi sa kaniya ng tawad.

"No'ng araw po na 'yon, Mang Heriberto, nagamot po kami ni Dashiell ni Ally gamit ang sarili niyang kapangyarihan. Posible po ba 'yon? Ngayon lang po kasi ako nakakita ng gano'n e," tanong naman ni Harry, bumuntong-hininga naman muna si Mang Heriberto bago sinagot ang tanong niya.

"Marami pa tayong hindi alam tungkol sa mga Fortems na tulad ni Ally, hindi ko rin alam na posible palang manggamot gamit ang sarili mong kapangyarihan. Hindi rin ako makapaniwala, pero dahil sa nakita ng sarili niyong mga mata at kayo pa mismong dalawa ni Dashiell ang nakaranas n'on, wala na tayong magagawa kundi paniwalaan na lang ang lahat," malumanay na saad ni Mang Heriberto, tumango na lang sila bilang tugon.

Siguro nga, isang misteryo pa para sa kanila ang isang tulad ko. Nacu-curious tuloy ako kung meron pa bang ibang Fortem sa kabilang dako ng mundo o sadyang ako lang talaga ang nag-iisa.

Nagsimula na silang ligpitin ang kanilang mga gamit sa panggagamot para makaalis na. "Mauuna na kami, marami pa kaming gagawin ni Grace e. Dashiell, pakuluan mo 'yang mga halamang gamot mamaya at painumin mo kay Ally para magpatuloy ang pagpapalakas niya sa katawan niya."

"Masusunod po, Mang Heriberto. Maraming salamat po sa inyo," pagpapasalamat naman ni Dashiell, tumango na lang sina Mang Heriberto at Grace tsaka tuluyan na ngang lumabas sa kwarto ko.

"Masaya kami na maayos na rin ang pakiramdam mo, Ally, gusto pa sana naming makasama ka kaso baka hinahanap na kami ni Pinuno Ephraim sa kastilyo kaya kailangan na rin naming bumalik d'on. At sa tingin ko, mas mabuti na rin 'yon para makapagpahinga ka pa," wika naman ni Patrick.

"Ayos lang ako rito, huwag kayong mag-alala, maayos na ang pakiramdam ko. Pinag-iisipan ko na nga kung bibisita ako r'on sa kastilyo para makausap si Pinuno Ephraim, kaya naman bumalik na kayo r'on, baka mapagalitan kayong tatlo," nakangiti kong sabi.

Ayokong mas makaabala pa sa kanila, sapat na sapat na sa akin na bisitahin nila ako ngayon. Kahit nga mag-stay lang sila rito ng limang minuto ay ayos na sa akin e, basta't naisipin nila ang kalagayan ko, solve na ako r'on.

"Sige. Magpahinga ka nang maayos, ha?" ani Vera, binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti tsaka tumango.

"Oo nga, para manumbalik na kaagad ang lakas mo dahil mag-e-ensayo pa kayo ni Dashiell sa paggamit ng espada. Magaling ka na sa paggamit ng pana kaya pasado ka na sa akin!" bilib na sabi ni Harry tsaka tinapat ang kamao niya sa kaniyang dibdib habang nakapikit pa.

Wala e, feel na feel niya talaga.

"Sabi na nga ba e, matatalo ka kaagad ni Ally. Weak ka e," pang-aasar ni Vera kay Harry, sumimangot naman 'yung lalaki tsaka pinandilatan siya ng mata.

"Anong sabi mo? Weak? Natalo ka rin kaya ni Ally! Aba! One on one, ano?" hamon ni Harry sa kaniya habang kinakaluskos ang sleeves niya pataas. Fudge, mukhang handang makipagrambulan ang isang 'to.

Wala talaga siyang aatrasan kahit na babae si Vera. Well, confident naman ako na may laban si Vera kay Harry kahit na B-rank siya at A-rank si Harry. Sigurado akong may sapat na rason si Pinuno Ephraim kung bakit halos si Vera ang pinapapunta niya kapag may mga labanan. Ang problema nga lang, long-range type ang klase ng pakikipaglaban ni Harry, hindi tulad ng paraan ng pakikipaglaban ni Vera.

"Tama na nga 'yan, mag-aaway na naman kayo e. Kailangan na tayo r'on sa kastilyo kaya tara na," pagsasaway ni Patrick sa dalawa bago bumaling sa akin. "Ally, kailangan na naming umalis. Get well!"

Tumango na lang ako bilang tugon, nagpaalam pa sila kay Dashiell bago tuluyang umalis sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan na mapahinga nang malalim nang napantanto kong kaming dalawa na lang ni Dashiell ang nasa loob ng kwarto.

Ang awkward, wala man lang nagsasalita sa aming dalawa. Dang, ako na lang kaya ang magbasag ng katahimikan?

"Ally."

"Dashiell."

Parang timang lang e!

Nagkatinginan kaming dalawa tsaka sabay na tumawa, ikinamot niya ang kaniyang batok at tuluyan na ngang lumapit sa akin.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang magluto ako?" tanong niya, umayos naman ako ng upo tsaka umiling.

"Huwag na, busog pa ako e. Pinakain na ako nina Vera kanina." Tumango na lang siya bilang tugon tsaka umupo rin sa tabi ko, isinandal niya ang kaniyang mga siko sa tuhod niya. "E ikaw? Nagugutom ka ba? Nabalitaan ko ang ginawa mo no'ng wala akong malay. Dapat hindi mo na lang ginawa 'yon, baka mas lalo lang magkagulo ang lahat at baka magalit pa sila sa 'yo. Ayokong masira ang relasyon mo sa mga mamamayan ng Alhesia dahil lang sa akin."

"Stop that, okay?" Napansin ko ang kaunting inis sa kaniyang tono. Bakit naman siya maiinis? Totoo naman ang sinabi ko, ayokong may masabi ang iba sa kaniya.

Gusto ko pa sanang ungkatin ang mga nangyari nang nawalan ako ng malay pero mukhang hindi ito makatutulong sa kalagayan ngayon ni Dashiell. Mukhang hindi na kakayanin ng katawan niya ang tatlong araw na walang pahinga.

"Dashiell, you need to take some rest. Baka ikaw naman ang kailangang gamutin ni Mang Heriberto dahil diyan sa kalagayan mo," saad ko at tumayo, hinunat-hunat ko ang katawan ko pero bigla ko itong itinigil nang mahuli kong nakatingin sa akin si Dashiell.

Fudge, nakakahiya. Baka iba ang isipin niya, baka sumagi sa isipan niya na nise-seduce ko siya. Is that even a possibility or am I just thinking too much? But then again, hindi naman gano'ng tao si Dashiell, alam kong may respeto siya sa akin.

"Hindi ako pwedeng magpahinga, diba sabi mo may plano kang puntahan si Pinuno Ephraim? Kailangan kitang samahan para masigurado kong ligtas ka," mahina niyang sabi habang ikinukusot ang mga mata niya. Napahinga na lang ako nang malalim.

Mapilit din talaga ang isang 'to.

"Dashiell, sa ngayon, ako na muna ang sundin mo. Nagkaroon na ako ng sapat na pahinga sa tatlong araw na 'yon kaya huwag mo na akong alalahanin. Ikaw naman muna ang kailangang magpahinga, please?"

Gusto kong isipin niya na muna ang sarili niyang kalusugan ngayon, pero mukhang hindi pa siya papayag sa gusto ko dahil sa kaniyang mukha. Nakasimangot lang siya habang nakatingin pa rin sa akin e.

"No, kailangan mo pa ngang inumin 'yung mga pinapainom sa 'yo ni Mang Heriberto." Tatayo na sana siya at kukunin 'yung basket na puno ng mga halamang gamot kaya pinigilan ko na siya agad.

"Kaya ko na 'to, Dashiell. Magpahinga ka muna." Hinawakan ko ang basket para kunin sana mula sa kaniya pero hindi niya pa rin 'to binibitawan. Ang kulit talaga e, hindi niya ba naiintindihan na kailangan niyang magpahinga dahil ayokong magkasakit siya?

Shems, kiligin ka please.

"Ally. Let go," mariin niyang sabi, tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata at matalim siyang tiningnan.

Sana lang madala na siya sa tingin ko dahil hindi talaga ako magaling sumuyo.

"No. Ikaw ang bumitaw, wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ko?" Ginawa ko ang lahat para lang maniwala siyang seryoso talaga ako sa mga sinasabi ko kahit na hindi naman talaga.

Alam ko naman kasing naniniwala siya sa kakayahan ko, ilang beses niya na 'yong sinabi at pinatunayan sa akin. Lagi niyang pinapaalala sa akin na kaya ko sa tuwing nawawalan ako ng lakas ng loob.

Huminga siya nang malalim tsaka binitawan na 'yung basket, nginitian ko naman siya. Yes, ngiting tagumpay!

"Fine. Pero ipangako mo sa akin na tatawagin mo ako kung sakaling kailangan mo ako o kaya kung sakaling may mangyari sa 'yong masama. Naiintindihan mo ba?" Nginitian ko siya nang napakalawak at dali-daling tumango.

"Sir, yes, sir!"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, hinayaan ko na lang siya. "Magpahinga ka nang mabuti, ha?"

"Oo. Sige na, d'on na ako matutulog sa kwarto ko," paalam niya sa akin at umalis na sa kwarto ko, sinilip ko muna siya at hinintay na tuluyan siyang makapasok sa kwarto niya bago ako tumalon dahil sa kilig.

Potek kasi! Bakit ba kasi gano'n niya na lang ako alagaan? At ano ba 'yung sinabi niya sa akin kanina? He values me?! Fudge, fudge, fudge!

Ang bilis ng tibok ng puso ko at nagsimula na rin akong pagpawisan dahil kanina pa ako galaw nang galaw. Self, kalma, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka mabuking ako ni Dashiell na crush ko siya, sana lang hindi pa ako obvious.

Breathe in, breathe out. Kaya ko 'to.

Nang kumalma na ang pagtibok ng puso ko, lumabas na ako sa kwarto at napagdesisyunan na pakuluan na 'yung mga halamang gamot na binigay sa akin ni Mang Heriberto.

Pumunta ako sa kusina at hinanap ang posporo o kaya naman lighter para makapagsimula na akong magpakulo ng halamang gamot pero wala akong nakita.

Dang, paano ko ba 'to magagawan ng paraan?

"Ally, think. Kung si Dashiell ba ang nasa sitwasyon ko ngayon, ano kaya ang gagawin niya?" Siguro, kung makikita ako ngayon ng ibang tao, mapagkakamalan na nila akong baliw.

Kung kaya ko lang ang mga ginagawa ni Dashiell, kanina pa ako nakabuo ng apoy gamit ang apoy mula sa Telum ko... paano kaya kung subukan ko? Possible naman 'yon kasi pareho namang espada ang Telum namin, hindi lang ako sigurado na makakagawa ako ng apoy gamit ang sarili kong sandata.

"Peste, bahala na nga." Muli kong naramdaman ang init sa katawan ko, itinaas ko ang kanang kamay ko tsaka itinatak ko sa isipan ko ang hitsura ng Telum ko na espada. Hindi naman ako nabigo dahil lumabas nga ito.

Ngiting tagumpay once again.

Ngayon, isang bagay na naman ang kailangan kong pagtuusan ng pansin, at 'yan ay ang pag-produce ko ng apoy. Baka kasi hindi lang 'yung lutuan ang magkaroon ng apoy, baka 'yung buong bahay din.

Ipinikit ko ang mga mata ko tsaka inipon ang lahat ng lakas ko para magkaroon ng apoy ang sarili kong Telum, nang naramdaman ko na ang kaunting init sa espada ko, minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ngang may apoy na ring pumapalibot sa Telum ko!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad nang sinimulang pakuluan 'yung mga halamang gamot, kailangan ko talagang ipagmayabang 'to kapag gising na si Dashiell. Syempre, hindi lang dapat siya ang maging mayabang sa aming dalawa, dapat ako rin para pantay.

Sinigurado ko munang nalabas na ng mga halamang gamot ang katas nila bago tuluyang patayin 'yung apoy. Isinalin ko ito sa tasa na gawa sa kahoy at naglakad-lakad muna palibot sa bahay, nagbabaka-sakaling may parte pa ng bahay na 'to ang hindi ko pa nalilibot.

Umiinom lang ako ng pinakuluan kong halamang gamot habang tumitingin sa buong paligid, ngayon ko lang napansin na masyadong dull ang loob ng bahay na 'to. Parang wala man lang kabuhay-buhay, hindi tulad ng bahay namin na puno ng makukulay na bagay tsaka puno rin ng mga pictures, medals, at certificates naming magkakapatid ang mga pader.

Nang maubos ko na ang pinapainom sa akin ni Mang Heriberto, pumunta ako sa bakuran para pumitas ng iilang bulaklak. Inilagay ko ito sa ilang sulok ng bahay para naman magkaroon ng kaunting kilay dito sa loob. Para naman fresh at bago sa paningin.

Halos tatlong oras pa lamang ang nakalipas simula nang matulog si Dashiell sa loob ng kwarto niya, mabuti naman at nakakapagpahinga siya nang maayos ngayon, sa tingin ko nga ay kulang pa ang tatlong oras na 'yan para sa tatlong araw niyang pagpupuyat. He deserves more rest.

Pagkalipas ng ilang minuto, napagdesisyunan kong maligo na dahil sobrang lagkit na rin ng katawan ko, tsaka nakakahiya naman kung pupunta ako sa kastilyo na hindi man lang ako nakapag-ayos. Nakakahiya kina Pinuno Ephraim at Ma'am Marie dahil sobrang elegante nilang tingnan.

Sinigurado ko munang nakasarado ang lahat ng bintana at pintuan sa bahay para naman hindi basta-bastang mapasok si Dashiell. Pero kung sakaling mangyari 'yon, sa tingin ko, kayang-kaya niya namang matalo ang masamang loob na 'yon at sa tingin ko rin, wala namang magtatangkang pumasok diyan sa bahay na walang paalam dahil alam naman siguro ng mga tao rito sa Alhesia ang mga bagay na kayang gawin ni Dashiell. He can be funny sometimes, but he can also be super scary.

"Oh, Ally! Bakit hindi mo kasama ngayon si Dashiell? Tinakasan mo ba siya?" bungad sa akin ni Patrick nang makarating ako sa kastilyo, nginitian ko naman siya tsaka umiling.

"Hindi ah, natutulog siya ngayon. Sinabihan kong huwag niya muna akong samahan ngayon dito sa kastilyo dahil kailangan niya ring magpahinga. Masyadong sinagad niya ang sarili niya para lang mabantayan ako no'ng wala akong malay," sagot ko naman. Napaisip tuloy ako kung gising na ba si Dashiell o hindi pa.

Baka sumunod na lang siya rito bigla. Pepektusan ko talaga siya.

"Mabuti naman. Hinahanap mo siguro si Pinuno Ephraim 'no? Nandiyan siya sa loob, kausap niya 'ata si Ma'am Marie, gusto mo bang samahan na kita?" pag-aalok niya sa akin pero umiling na lang ako.

Alam ko na rin kasi ang daan papunta sa kanila at may parte pa siya ng kastilyo na kailangan niyang bantayan kaya hindi na rin naman kailangan. Baka maabala ko na naman siya. "Ayos lang, Patrick. Oh sige, kukumustahin ko na sila para makabalik na kaagad ako sa bahay. "

Tumango na lamang siya tsaka ngumiti habang ako naman ay diretso nang pumasok sa loob ng kastilyo. Naalala ko naman ang mga pasikot-sikot dito kaya naman hindi na ako masyadong mahihirapan sa paghanap ng kwarto ni Pinuno Ephraim, liliko na sana ako para makarating na ako sa kwartong hinahanap ko pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang sigaw ni Vera sa kabilang pasilyo.

Pumunta ako r'on at sumilip sa kaunting espasyo sa gitna ng pintuan at ng pader. Nakita ko ang iilang tagabantay ng kastilyo, kasama na r'on sina Harry at Vera. Naninibago nga ako sa hitsura nilang dalawa ngayon, sobrang seryoso ng mga mukha nila. Mukhang nagpa-plano sila sa susunod nilang laban.

"Napapansin nating lahat na unti-unti nang lumalakas ang puwersa ng mga kalaban kaya kailangan nating mas maging malakas sa kanila. Hindi dapat nating hayaan na tuluyan nilang masira ang barrier dito sa Alhesia na ang mga ninuno pa natin ang gumawa," narinig kong sabi ng isang lalaking may itim na buhok.

May namuong kaba sa akin nang narinig ko ang sinabi niya, paano na lang kung masira nang tuluyan ng mga Prodigiums ang barrier dito sa Alhesia? Posible nang si Cassius ang unti-unting sumisira ng barrier dito sa Alhesia? Pero sabi niya sa akin, hindi niya rin alam kung papaano siya nakapasok dito.

"Fudge!" Hindi ko mapigilang sumigaw nang may kulay violet na mga daggers ang tumusok sa pintuan. Malapit na itong tumama sa may pisngi ko, mabuti na nga lang at medyo nakaiwas ako.

I really need to thank my reflexes.

Nakakatakot naman palang sumilip sa mga 'to! Literal na nakamamatay!

Binukas ng isa sa kanila ang pintuan tsaka matalim akong tiningnan. Kulay violet ang mga mata niya tulad ng mga mata ni Vera, kulot din ang kaniyang kulay brown na buhok. "Who the heck are you? What are you doing here? Are you spying on us?"

Parang magiging yelo na ako dahil sa lamig ng boses niya, may naramdaman akong humawak sa balikat ko at nakita ko nga si Vera. Tiningnan niya pa ang buong katawan ko para malaman niya kung nasugatan ba ako o ano, tinulungan niya akong makatayo tsaka masamang tiningnan 'yung babaeng may kulot na buhok.

"Ida, bakit mo ba ginawa 'yon?" mariin niyang tanong pero matamlay lang siyang tiningnan ng tinatawag niyang Ida.

"She was spying on us, what should I do? Let he—"

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang Fortem, ipinakilala na ng pinuno sa buong Alhesia na siya ang Fortem kaya bakit ganiyan pa rin ang turing mo sa kaniya? Hindi ko alam kung hindi mo talaga alam ang tungkol d'on o sadyang nagbibingihan at nagbubulag-bulagan ka lang," dagdag naman ni Harry.

Wala akong masabi sa kanila, ramdam ko ang mabigat na aura na bumabalot sa loob ng kwartong 'to dahil sa matatalim na tinginan ng tatlo.

"O-Okay lang ako, kasalanan ko naman e. Dapat hindi na ako nangialam sa usapan niyo," pagpapaumanhin ko tsaka nag-bow nang kaunti, mukhang nagulat pa sina Vera at Harry dahil sa ginawa ko.

Hindi ko alam na big deal pala para sa kanila ang mga bagay na 'to, kung sabagay, big deal nga talaga siguro sa kanila ang posisyon ng isang Bellator at Virago. Kapag mas mataas ang posisyon mo, mas rerespetuhin ka nila. Sa sitwasyon namin ngayon, maaaring talo ko si Ida sa posisyon, talo niya naman ako sa lakas ng loob. Mukha kasing hindi importante sa kaniya ang mga rangko.

"Hindi ko nirerespeto ang mahihina... tulad niya." Papatulan na sana siya ni Vera pero pinigilan ko siya, nakita ko rin ang pagtitimpi na ginagawa ngayon ni Harry.

Tinapik ko ang mga balikat nilang dalawa tsaka binigyan sila ng isang napakatamis na ngiti para malaman nila na ayos lang naman 'yon sa akin. Naiintindihan ko naman si Ida e, alam kong may malalim din na dahilan kung bakit siya ganiyan.

"Huwag na. Aalis na ako, kailangan ko kasing makausap si Pinuno Ephraim." Huminga nang malalim si Harry tsaka tumango, tiningnan ko naman muna 'yung lalaking may itim na buhok na nagsasalita sana kanina. "Pasensya na po sa istorbo."

Nginitian niya na lang ako tsaka tumango. "Ayos lang 'yon."

Mabuti at mukhang mabait naman siya, akala ko tatarayan niya rin ako katulad ng ginawa ni Ida.

"Mauuna na ako," pagpapaalam ko kanila tsaka lumabas na sa kwarto na 'yon, ihahatid pa nga sana ako ni Harry kaso tinanggihan ko na siya. Masyado na akong nakaabala sa pagpaplano nila para sa susunod na laban.

Sinunod ko na 'yung daan papunta kung nasaan si Pinuno Ephraim, huminto ako sa tapat ng malaking pintuan at kakatok na sana nang makita kong nakabukas na naman nang kaunti ang pinto. Jusko, hindi ba sila marunong magsarado? Baka mapahamak na naman ako e.

Kakatok na sana ako para makuha ko ang mga atensyon nila pero hindi ko na ito naituloy nang narinig ko ang boses ni Mang Heriberto, narinig ko pa ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

Alam kong mali namang sumilip na lang nang basta-basta pero involved ako sa usapan nila, wala naman sigurong masama dahil pinag-uusapan na nila ako. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang sinasabi nila tungkol sa akin.

"Nakausap ko po kanina si Ally, Ma'am Marie," narinig kong sabi ni Mang Heriberto, inalis niya pa ang sombrero niyang gawa sa banig bilang pagpakita ng galang sa kaniya.

Nakatalikod naman sa akin ngayon si Ma'am Marie na naging dahilan kung bakit hindi ko nakita ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Sinabi mo ba sa kaniya ang nalalaman mo? Baka madulas ka, Heriberto," malamig niyang sabi, nabigla pa ako dahil ngayon ko pa lang narinig ang ganiyang tono ng pananalita mula sa kaniya.

May tinatago ba silang dalawa sa akin?

"Wala po akong sinabi, binigyan ko lamang siya ng halamang gamot para maging maayos na kaagad ang pakiramdam niya. Wala na po akong ginawa bukod d'on." Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Ma'am Marie, nang maramdaman kong magpapaalam na si Mang Heriberto, hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na umalis d'on sa tapat ng pintuan.

Dali-dali akong lumakad papalayo pero sinigurado ko namang wala akong malilikhang ingay. Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang marinig ko ang usapan nina Ma'am Marie at Mang Heriberto, ano pa ba ang alam nila na hindi ko alam?

Alam ba nila ang buong nangyari sa pamilya ko? Kung sino ang nagbigay kay Papa ng pinaghalong dugo ng Prodigium at ng Virago?

"Ally? Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa aking wisyo nang marinig ko ang boses ni Patrick, ikinalma ko naman muna ang sarili ko tsaka nginitian siya. Ayokong may kaibigan pa akong mag-alala sa akin, kung ano ang mga narinig ko sa usapan nina Ma'am Marie at Mang Heriberto, sa akin na lang muna 'yon.

"Ayos lang ako, medyo nadismaya lang ako dahil hindi ko nakita si Pinuno Ephraim sa loob. Sigurado ka ba talagang nandito siya sa loob ng kastilyo?"

"Iyan ang pagkakaalam ko, gusto mo bang samahan na lang kitang maghanap o kaya utusan ko ang isa sa amin na samahan ka?" Ngumiti na lang ako tsaka umiling. Nakakahiya naman kung pumayag pa ako sa suwestiyon niya. Fortem lang naman ako rito sa Alhesia, hindi prinsesa na kailangan nilang pagsilbihan.

"Huwag na, Patrick. Sa susunod na lang ako magpapakita kay Pinuno Ephraim, nag-aalala na rin kasi ako kay Dashiell. Naiwan lang siyang mag-isa r'on sa bahay at tulog pa siya," sabi ko, nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil ginamit ko pa si Dashiell para lang makaalis dito sa kastilyo.

Sa ngayon, hindi ako handang makita si Ma'am Marie at Mang Heriberto, kailangan ko muna silang manmanan bago sila tuluyang tanungin kung ano ang pinag-uusapan nila na kailangan kong malaman.

"Sige! Mag-iingat ka." Nginitian ko na lamang siya tsaka ako nagsimulang lumakad papabalik sa bahay namin ni Dashiell.

Nanghihina na ang mga tuhod ko pero pilit kong pinalakas ang mga ito, kasama ng pagpalakas ng loob ko.

Naguguluhan ako sa lahat, bumalik ang mga tanong sa isip ko na pilit kong tinatago noon.

Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang hindi ko alam?

— — —

1 Timothy 6:12

"Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called when you made your good confession in the presence of many witnesses."