webnovel

The Holocaust

amibluechan · Fantasia
Classificações insuficientes
22 Chs

Kabanata 13

"Shemay..."

Ramdam na ramdam ko ang pagtindig ng mga balahibo ko dahil sa nakikita ko ngayon, sobrang dami ng tao sa training field, 'yung tipong parang nanonood lang sila ng concert ng sarili nilang banda.

"Are you ready, Ally?" narinig kong tanong sa akin ni Dashiell, nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot. "You should be."

"I know," sabi ko tsaka inilapag na ang mga gamit ko d'on sa napakalaking bato. Nakita ko na rin si Vera d'on sa kabilang side ng training field, tiningnan niya ako tsaka iginawad sa akin ang isang napakalaking ngiti, sinuklian ko naman 'yon at kinawayan siya.

Nagsimula na kaming mag-warm up para naman nasa kondisyon talaga ang mga katawan namin. Wala kaming Telum na gagamitin, hindi rin kami pwedeng gumamit ng Imperium, tanging ang mga katawan lang namin at ang pagiging matalas namin sa lahat ng mga bagay ang pwede naming gamitin.

Malalim na ang gabi nang makarating kami ni Dashiell sa bahay, hindi nga ako sigurado kung gabi pa ba 'yon o madaling araw na. Sobrang tagal naming nag-ensayo pero nawawala ang pagod ko kapag natatandaan ko ang imahe ng mga bulaklak na may mga needles sa gitna.

Nagawa ko... natamaan ko ang lahat ng mga bulaklak.

"Magsisimula na ang labanan!" sigaw ni Dashiell sa gitna ng training field, paulit-ulit akong humihinga nang malalim, unti-unti ko na ring nararamdaman ang pag-init ng buo kong katawan.

Maraming nagbago sa pangangatawan ko dahil sa dalawang linggong pag-e-ensayo ko kasama si Vera. Hindi na ako madaling mapagod at mas magaan na rin ang pakiramdam ko, parang pwede na akong lumutang sa ere. May kontrol na ako sa buong katawan ko and that's a good thing. Kailangan ko lang maging confident sa mga galaw ko.

"Sa pagbilang ko ng tatlo! Isa... dalawa... tatlo!"

Mabilis kaming tumakbo ni Vera papunta sa gitna ng training field, sobrang tingkad ng kulay ng mga mata niya at alam kong gano'n din ang akin. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa 'kin, hindi ko na rin tuloy mapigilan na suklian din ang ngisi siya.

"I like you aura today, Ally. I really like that confidence of yours," sabi niya tsaka sinubukang suntukin ang ulo ko, ngunit mabilis kong iniwasan 'yon, susuntukin ko rin sana ang tiyan niya ngunit pumunta siya sa likod ko, naramdaman kong hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis kong itinaas ang mga paa ko para sipain sana siya ngunit nakalayo na siya kaagad sa akin.

Ngumiti ako tsaka tiningnan siya. "It's all because of you and Dashiell!"

Sumugod ako sa kaniya, sinubukan kong suntukin siya sa lahat ng parte ng katawan niya ngunit naiwasan niya pa rin ang lahat ng 'yon. Ginagawa ko ngayon ang lahat ng sinabi niya sa akin, lagi lang dapat akong nakatingin sa mga mata niya.

Kailangan kong mabasa ang nasa isip niya, alam kong may plano siya para matalo ako, at meron din ako. Hindi lang 'to palakasan physically, palakasan din 'to, mentally. 'Yon ang natutunan ko kahapon, hindi lang dapat lakas ng katawan ang laging pinapairal, dapat maging matalino ka rin sa paggamit ng lakas na taglay mo, dahil kung hindi, baka sarili mo pang lakas ang magpapatalo sa iyo.

Naramdaman kong gumalaw ang mga paa niya kaya agad akong lumayo, mabilis siyang pumunta sa harapan ko para suntukin sana ako sa tiyan ngunit tumalon ako nang mataas para maiwasan 'yon, akala ko sapat na ang taas ng talon ko para hindi niya ako maabot ngunit nagkamali ako.

Naabot niya ang paa ko at malakas na hinatak 'yon pababa na naging dahilan kung bakit bumagsak ako sa lupa. Rinig na rinig ko ngayon ang sigawan ng mga tao sa paligid namin, at kasabay no'n ang mahihina kong daing dahil sa sakit na naramdaman ko sa likod ko.

Susuntukin na sana ako ni Vera sa mukha ngunit iniwas ko ang ulo ko, kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon para sipain ang tiyan niya. Tumilapon siya sa lupa na naging dahilan kung bakit naging mas lumakas ang sigawan ng mga tao.

Tumayo na ako at sumugod sa kaniya ngunit nakatayo rin siya kaagad at sinangga ang lahat ng suntok ko. Hindi niya na magawang iwasan ang mga atake ko dahil alam kong masakit pa rin ang tiyan niya kaya gagawin kong advantage 'yon. Mas lalakasan ko na ang mga suntok ko para kahit na mapigilan niya pa ang mga suntok ko, masasaktan pa rin siya.

Susuntukin ko na sana uli siya sa gilid ng mukha niya ngunit namilog ang mga mata ko nang naramdaman ko uli ang kamay niya sa paa ko, hinatak niya uli ang mga paa ko at tinapon ako sa ere. Malakas ang pagkabagsak ko sa lupa kaya nabiyak ang ilang parte nito. Hindi ko na mapigilan na mapasigaw dahil sa sobrang sakit.

F*ck, sobrang sakit ng katawan ko, kung hindi lang ako nakakagalaw nang maayos ngayon, iisipin kong nabali na ang lahat ng buto ko sa katawan. Nagpapasalamat na lang ako dahil isa akong Fortem, dahil kung normal lang ako na tao? Kanina pa ako walang buhay.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na dahan-dahan nang lumalakad si Vera papunta sa direksyon ko, shemay, parang ganito rin ang nangyari kahapon sa training namin, at ayokong mangyari uli 'yon.

Pinilit ko ang sarili ko na makatayo, at nang makatayo na nga ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maubo. Napangiti na lamang ako nang makita kong may dugong lumabas sa bibig ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nakita ko ang mga nag-aalalang mata ng iilang Bellator at Virago, may mga labi din akong nakitang nakangisi na para bang sinasabi nito sa akin na dapat lang na nangyari sa akin 'to. Maybe they're right.

Uupo na sana ako para hintayin na lang na tapusin ni Vera ang laban ngunit nadapo ang paningin ko kay Dashiell, kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang nakakuyom niyang mga kamay na para bang matindi na ang pagpipigil niya sa sarili niya na makisali sa laban naming dalawa ni Vera.

What the hell am I doing? Sinamahan niya ako nang matagal kagabi para makapag-ensayo nang maayos para matalo ko si Vera sa araw na 'to, hinayaan niya akong saktan siya kahit na hindi niya naman 'yon kailangan pang gawin. Naniwala siya sa akin kahit na muntik na akong hindi maniwala sa sarili ko, tapos itatapon ko lang ang lahat ng 'yon?

Fudge, this may sound weird, but I don't want to disappoint him.

Inalis ko na ang tingin ko kay Dashiell tsaka huminga nang malalim.

I need to deal with this.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Vera na ngayon ay seryoso ring nakatingin sa akin, malapit na siya sa kinatatayuan ko at mukhang handa na rin siyang pabagsakin ako pero wala man lang akong maramdaman na kaba.

I am a Fortem and I should act like one.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muling huminga nang malalim, hinayaan kong mawala ang atensyon ko sa lahat ng mga Bellator at ng mga Virago sa paligid ko, hindi ko hinayaan na makapasok sa utak ko ang mga sigawan at ang mga bagay na sinasabi nila. Hindi ko na rin pinansin ang sakit na nararamdaman ng katawan ko, kapag inisip ko pa 'yon, baka mas lalo lang hihina ang katawan ko.

Nanatili lang akong nakapikit, alam kong nagtataka na sila ngayon sa ginagawa ko pero wala akong planong tumigil.

I need to use every part of my body and I need to pay attention to my surroundings. Every part and everything.

Nang maramdaman kong may susuntok na sana sa mukha ko, agad kong tinagilid ang ulo ko para maiwasan 'yon, marami pang pinaulan na suntok si Vera sa iba't-ibang parte ng katawan ko ngunit lahat 'yon ay naiwasan ko. Ramdam ko na rin na medyo pagod na siya kaya kinuha ko na ang pagkataon na 'yon para suntukin ang ilang parte ng katawan niya, nakapikit pa rin ako pero hindi ko pansin 'yon, pakiramdam ko, nakabukas lang ang mga mata ko at ang tanging bagay lang na nakikita ko ay ang mga openings sa katawan ni Vera, lahat 'yon ay tinatamaan ko at hindi niya na nagawang umiwas pa na naging dahilan kung bakit bumagsak siya sa lupa.

Narinig kong hinahabol niya na ang hininga niya, lumapit ako sa kaniya tsaka tinutok ang kamao ko sa mukha niya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumambad nga sa akin ang nakangising mukha ni Vera.

"Congratulations, Ally. Panalo ka na."

Bumilis ang tibok ng puso ko tsaka umayos na ng tayo, narinig ko na ang malalakas na sigaw at mga palakpak ng mga Bellator at Virago sa paligid namin, sunod ko namang tiningnan si Vera na ngayon ay nakahandusay pa rin sa lupa.

Inilahad ko sa kaniya ang kanan kong kamay, ngumiti naman siya tsaka tinanggap 'yon.

Dahan-dahan kaming lumakad papunta d'on sa malaking bato habang inaalalayan ang isa't-isa, marami pa ring nagsisigawan at nagpapalakpakan, tanging ngiti at kaway na lang ang iginawad namin ni Vera sa kanila.

"Alam mo, hindi ko inaasahan na sobrang lakas mo pala talaga," saad ni Vera, tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang aking noo.

"Ano ang ibig mong sabihin? Naging malakas ako dahil malakas din ang taong nagturo sa akin—ikaw 'yon." Umiling-iling siya tsaka pinatong ang kanan niyang kamay sa balikat ko. Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata habang nakakunot pa rin ang noo ko.

"Alam mo ba kung gaano katagal ko inaral ang technique na tinuro ko sa 'yo kahapon?" Hindi na ako nagsalita at hinintay na lang siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya. "Tatlong buwan, Ally. Tatlong buwan kong inaral 'yon para maging mas malakas ako, pero ikaw... inaral mo lang 'yon sa loob ng isang araw."

Natulala ako dahil sa sinabi niya. Fudge, totoo ba 'to?

"Seriously?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Ngumiti na lang siya tsaka tumango.

"Sabi na sa'yo e, malakas ka." Sabay kaming napatingin ni Vera sa gilid namin nang narinig namin ang boses ni Dashiell. Nginitian ko na lang siya at umupo na nga kami sa malaking bato, may mga Bellator at Virago na gusto pang lumapit sa amin ngunit hindi na sila hinayaan ni Dashiell, mabuti na rin naman 'yon dahil hindi ko na rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.

Nang naging maayos-ayos na rin ang kalagayan namin ni Vera, pumunta na kami sa shop nila, kailangan daw kasi naming magpagamot.

"Oh, ayan na pala 'yung dalawang manok e," natatawang salubong sa amin ni Manang Estelle nang makarating kami sa shop nila, sinarado pa talaga nila 'yung shop para lang magamot kaming dalawa.

"Mama naman e," nakasimangot na sabi ni Vera tsaka umupo d'on sa upuan, umupo na rin naman ako at natawa na lang. Ang cute kasi nilang tingnan, parang gan'yan din kami ni Mama sa tuwing nag-aasaran kami.

"Parang ginawa niyong sabungan 'yung training field e!"

"Mama naman kasi, magpapagamot na lang po kami." Tumango-tango si Manang Estelle habang natatawa pa rin, kinuha niya na ang mga gamit niya. Nakita kong may inilabas siyang dalawang kulay silver na singsing, binigay niya 'yung isa kay Dashiell.

"Ano po ang mga 'yan?" tanong ko kay Manang Estelle habang tinitingnan ko 'yung mga singsing nila. Na-curious kasi ako dahil bakit kailangan pa nila ng singsing para manggamot?

"Singsing 'yan na gawa sa kaliskis ng mga isda rito sa Alhesia, Ally. Ginagamit namin ito rito para manggamot."

"Ang galing naman po!" Ngumiti nang napakalawak si Manang Estelle at sinimulan nang gamutin ang mga sugat at pasa ni Vera, gano'n din ang ginawa ni Dashiell sa akin.

"Sabihin mo sa akin kung aling parte ng katawan mo ang masakit para naman magamot natin kaagad," mahina niyang sabi pero sapat na ito para marinig ko.

Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa malumanay niyang boses, naalala ko rin 'yung eskpresyon na pinakita ng mga mata niya no'ng naglalaban kami ni Vera kanina.

Fudge, ayokong magkagusto sa kan'ya, alam kong sasaktan ko lang ang sarili ko sa huli.

"Masakit pa ba?" Napatingin ako kay Dashiell na ngayon ay nakatingin din nang diretso sa aking mga mata. Nagulat ako dahil hindi ko napansin na masyadong malapit na pala kami sa isa't-isa.

Parang natulala ako, parang nawala ang lahat ng iniisip ko at ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang malapit na mukha ni Dashiell. What the hell is happening to me?

Hindi pwede 'to. Hinding-hindi.

"Ally, masakit pa ba?" Napakurap ako tsaka umiling.

"O-Okay na ako... o-okay na okay."

What the heck are you saying, Ally?!

— — —

Psalm 37:23–24

"The LORD makes firm the steps of the one who delights in Him; though he may stumble, he will not fall, for the LORD upholds him with His hand."