webnovel

The Hidden Story Of Mysterious University

"Kasalanan ang bumuhay sayo, at kasalanan rin ang bubuhay sayo."

Yinexiyin_19 · Terror
Classificações insuficientes
9 Chs

Chapter 1

"Oh My Gosh"

"Di ko na kaya mag-aral dito besh nakakatakot na"

"Besh lumipat na lang tayo nang school"

Isa lang yan sa mga naririnig ko sa nagkukumpulang mga babae lumapit na lang din ako rito at nakita ko ang isang babae na nakahandusay dito sa gitna nang stage

"What the-". Gulat na saad ni jane at nagtakip pa nang bibig dahil sa kanyang nasaksihan.

"Yak!" Saad naman ni zoey na nasusuka.

"Lumipat na lang tayo nang school natatakot na ako dito." Naluluhang saad ni jean.

Magsasalita palang sana ako nang biglang tumunog

"ATTENTION TO EVERYONE!

OUR UNIVERSITY IS NOW CLOSED!!

ONCE YOU ESCAPE YOU WILL DIE."

Nanlaki ang mata naming lahat sa sinabi nang announcer

Nababaliw na ba sya?

Tapos kung makapagsalita sa speaker mala demonyo.

"Besh." Saad ni zoey at tuluyan na ngang nagsipatakan ang mga luha nya

Takot na takot talaga sya dahil sa nakita nya?,Eh mas malala pa nangyari sa kapatid ko dyan eh.

Mas nakakaawa pa ang sinapit nang kapatid ko.

"Besh umiiiyak karin?." Tanong sa akin ni jean 

"Hindi ah." Pagsisinungaling ko rito

"Gusto ko na talaga umalis dito."saad ni jane

"Jane naiintindihan mo naman siguro ang ibig sabihin nang Once you escape you will die di ba?." Tanong ko rito

Ayoko talaga umalis dito may gusto pa ako malaman tungkol dito sa Sky University

"WAHHHHHHHH!!!!"

Isang malakasang sigaw nanaman ang narinig naming lima Nagsitakbuhan ang mga babaeng nagkukumpulan kanina nang papunta na dito ang DarkH

Ano ba kasing meron sa mga yan?

Lumapit sila sa babaeng nakahandusay 

Sinuri pa nang limang lalaki ang katawan nang babae kung ano nga ba talaga ang nangyari dito.

Tinignan ko naman si Khane na seryosong nanonood sa ginagawa nang kaibigan nya at di di sya makalapit.

Aytss oo nga pala.

May phobia sya sa mga babae

"Suicide or Murder?." Seryosong tanong nung lalaking nakasalamin si Dwife 

"I think it's a suicide." Sagot naman nung lalaking mahilig tumawa.

"Pano mo naman nasabi?." Tanong nung lalaking wala namang ginawa kundi manood lang.

"Brow marami na ngang nagpapakamatay dito sa harap pa mismo nang maraming tao tapos tatanungin mo pa kung suicide oh murder malamang suicide SUICIDE!." pilosopong sagot nung lalaking sa pagkakaalam ko si Clark.

Nabaling naman ang tingin ng isang miyembro ng DarkH sa akin.

"Oh kayo ano tinitingin tingin nyo dyan?." Cold na tanong samin nung lalaking naka cross arm.

Nabaling naman din ang tingin nang anim sa amin nila jane.

"Ah eh wala pinapanood lang namin kayo." Saad ko at sinenyasan ko sila jane na umalis na kami sa lugar na iyon.

"Tskk..." Saad naman ulit nang lalaking naka cross arm 

Umalis nalang kami don nang mabilisan at pumasok na sa una naming subject

Pagkapasok namin dali-dali kaming pumunta sa sarili naming upuan kanina ko pa napapansin na hindi kumikibo tong mga kasama ko.

Hinayaan ko na lang dahil alam kung depress sila sa nakita nila.

"Okay class may pagbabagong mangyayari ngayon." Saad ni ma'am at tinignan ang papeles na hawak nya.

"Ang Sky university ay tatawagin ng Dark University na kung saan lahat nang section oh bawat classroom ay may misyon na hanapin ang Storya na itanatago nang nag mamay-ari nang ating school." Saglit nyang hininto ang pagbabasa nya at inayos nang konti ang salamin nya

"Bawat section,Bawat grade,Ay magtutulungan sa pinapatupad nang ating owner. bawat section ay magtutulungan."Saad ulit ni maam

"Merong dalawa na blackpendant ang nakatago sa bawat room kung sino man ang makakahanap nang isa non sa inyo ay maaring maging ligtas ang sarili mababasa mo ang story ngunit di ka mamatay dahil ang black pendant ang magsisilbing shield nyo sa ano mang hiwaga ang mapapadpad sa inyo." Mahabang linyahan ni ma'am

"Hindi ko maintindihan." Saad ko na pabulong at dumukdok sa lamesa

Bakit ganto?,Andaming bagay na nangyayari sa buhay ko?

Na parang nangyari na.

May mga pangyayari na bigla ko na lang sasabihin sa sarili ko na parang nangyari na to?

"Makakaalis na ako galingan nyo Class 2 alam kong makakaya nyo yan may tiwala ako sa inyo".Umalis na si ma'am pero nakudukdok parin ang ulo ko sa lamesa.

Nakapunta na kami nang mga kaibigan ko sa sari-sarili naming kwarto.

Haysss nahiga na ako at umidlip

"Stay." Isang malambing na boses ang narinig ko sa isang kwarto na pamilyar.

Alam kong kwarto ito nang Section High kung saan na ka section ang kapatid ko

"No I can't." Saad naman nang lalaki at tinanggal ang kamay ng babae na nakapulupot sa bewang nya

"Why?." Tanong nung babae at tumingin ng diretso sa mata ng lalaki

Nagtago ako para hindi nila ako mapansin.

"May mahal na ako kaya please tumigil kana." Sumbat ng lalaki at nakipagtitigan din.

Hindi ko maaninag ang mukha nila.

"Pano.mo nagawa sa akin to?." Pagkasabi nang babae ay sunod-sunod nang nagsipatakan ang luha nya

"Kasi hindi na kita mahal." Saad ulit nang lalaki at iniwan ang babae.

Naawa ako sa babae.

ngayon lang ulit bumalik ang awa ko sa mga tao.

Papaalis na sana ako nang may narinig akong kaluskos sa labas

Kaya nanatili muna ako sa aking pwesto.

May naramdaman akong pumasok.

"Hello My dear." Saad nang Kararating na babaeng boses malandi.

"S-sino ka?." Naiiyak na tanong parin nung babae

"Ako?Ako lang naman ang nag-iisang mahal ng lalaking mahal mo HAHAHAHAHA." mala demonyong tawa nung babaeng kabit nang lalaki.

"Ikaw!!!HAYOPP KA TALAGA!!!." Akmang lalapitan nya na sana nya ang malanding babae nang biglang naglabas nang kutsilyo ito.

Napatakip ako nang bibig ko sa natutuklasan ko.

"Alam mo Masyado ka nang maraming alam sa pagkatao ko kaya dapat lang na mawala ka na sa mundong toh." Saad nung malanding babae at nanlilisik nyang tinignan ang babae

"M-maawa ka." Saad nung babae at pa atras nang paatras.

"HAHAHAHA walang maaawa sayo."

Hanggang sa na corner nya na ang babae.

Napapikit ako nang mata ko dahil sa takot.

"Ahhhhh!!" Mas lalo kung diniin ang pagpikit nang mata ko nung marinig ko ang sigaw nung babae.

Mga ilang segundo wala na akong naririnig na maingay kaya minulat ko na ang mata ko.

Pero pagkamulat ng mata ko.

Kitang kita ko ang itsura nya na panay saksak karamihan sa bibig.

Gantong Ganto din ang nangyari sa kapatid ko.

"WAHHHHHH!!!!." Sigaw ko na halos hindi makahinga

"Ha-" saad ko dahil naninikip ang dibdib ko.

"Beshieee" naririnig kong kumakatok ang mga kaibigan ko.

Bakit?Bakit kailangang mapanaginipan ko yun?Bakit sakin?Bakit sakin nyo pinapakita?Bakit sakin kayo nagpaparamdam?

Ilang araw na akong binabangungot,Kapatid ko ano ba ang nais mong ipahiwatig sa akin?.

Gabayan mo sana ako mahal kong kapatid sa aking lalakbayin.Tulungan mo ko.

Tumingin ako sa kisame para hindi pumatak yung luhang gustong lumabas sakin,Pero hindi rin ako nagtagumpay dahil kusa na itong tumulo.

Paano ko malalaman ang nais kong malaman kung sa umpisa pa lamang ay Mahina na ako?Paano?.

Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang pintuan,Lumingon ako dito at nakita ko sila Jane na hawak ang susi at Halatang nag-aalala para sa kalagayan ko

"Beshie?."May halong pag-aalalang tanong ni alisha

" okay ka lang ba?."tanong naman ni keysi

"S-si rose." Nahihirapang pagkasabi ko na sya namang kinuhanan ako ni jean ng tubig,Pagkainom ko ay hinihilot hilot pa nila ang likod ko.

"Ano ba kasing nangyare?." Panimula ni Keysi,Lahat ng atensyon nila ay nasa akin ngayon,Halatang nais nilang malaman ang nangyari

"Si rose namatay sya dahil sa kutsilyo di ba?."

"Oo." Tugon naman ni jane

Nagsipatakan ang luhang di ko naman ginustong lumabas.

"Yung nasa panaginip ko sinaksak nang malanding babae yung totoong jowa nung lalalaki." Mahinahong pagkasabi ko rito.

"Anong connect nun besh." Tanong ni zoey

"Nung nabasa ni rose yung story,kung pano pinatay nang malanding babae yun, ganun din ang ginawa nyang pagpatay sa sarili nya."Tugon ko sa tanong ni zoey at sa pagkakataong ito mas marami nang luha ang nagsipatakan sa mata ko.

"Wag kanang malungkot besh andito lang kami nila jean ni keysi ni zoey,jane kaya tahan na." Malambing na pagkasabi ni alisha

"Dito na muna kami matutulog ah?" Tanong sa akin ni jane

"Oo".

At The School

"Besh maiwan ko muna kayo dyan ah." Saad ko sa kanila at tumango tango na lang sila.

Pano sila makakakapagsalita eh punong puno nang pagkain mga bibig nila.

Haysss.

Pupunta muna ako sa rooftop.

Magpapahangin.

"WAHHHHH NAKAKAINIS TANG INANG BUHAY MERON AKO!!!!." Rinig ko dito sa hagdan mula sa rooftop,Kilala ko kung kaninong boses to ah.

Pagkaakyat ko nakita ko si Khane na hingal na hingal,Yan sigaw ka kasi nang sigaw.

Alam kong may phobia to sa babae pero Try ko ngang lapitan.

"A-ahmm hi." Nahihiyang saad ko rito.

"Wahhhh!." Sigaw nya at napatalon.

"Lumayo ka lumayo ka!." Sigaw nya sa akin at pinantataboy sa akin ang kamay nya.

Kayabang yabang nyo pagbinubully nyo yung mga ibang lalaki dito sa campus tapos babae lang takot na?

"Alam mo para kang nakakita nang sinasapian." Natatawang saad ko rito.

"Ako?hindi ako nakikipagbiruan sayo." Galit na saad nito

Galit agad?

"Ako rin." Nakangisi kong sabi dito

Tinignan ko ang layo namin sa palagay ko mga 1 meter nalang kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya 

Umandar nanaman kagaguhan ko.

"Anong ginagawa mo hah?wag kang lumapit." Natatakot na saad nito

Pag sa lalaki hindi sya takot halos pumatay na nga sya eh 

Tapos pag sa babae duwag WAHAHAHAHA

Mabuti na lang hindi nya kasama DarkH dito walang magtatanggol sayo ngayon.

"Alam mo." Saad ko rito at hinakbang ang isa kong paa umatras naman sya kaya 1 meter pa rin ang layo namin.

"Kapag sa babae". Hinakbang ko nanaman ang isa kong paa at tuluyan na nga syang na corner

" wag!."saad nya at parang baliw na tinakpan ang tenga nya

Ngayon nakahandusay na sya at nagwawala

Ganto ba talaga pag nagka phobia?

Tumingin sya sa akin at nakita kong umiiyak na sya

May konting kirot akong naramdaman nung nakita kong umiiyak sya kaya napaatras ako.

"S-sorry". Saad ko rito at napayuko ako dahil sa kahihiyan 

Sana pala di ko na lang sya nilapitan

Ngayon umayos sya nang pwesto nya

Nakaupo sya at ni lock nang dalawang kamay nya ang kanyang tuhod.

Pinapanood ko lang ang ginagawa nya

Dinukdok nya ang ulo nya at naririnig ko ang hikbi nya.