Nakatulala ang ngayon dito sa Training Room dahil hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyari kagabi.
Hayst! Nakakainis talaga yung kunehong yun! Wala na siyang ibang ginawa kundi guluhin tong utak ko!
"Huy!" I came back to my senses when Layne surprised me. "What!" I glared at him because of what he did.
"Easy Josephine, I didn't mean to scare you." he raised his both hands as if he was surrendering. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah." he asked and sat beside me.
"Why are you here?" I asked, pumunta ako dito para mapag-isa tapos malalaman ko na lang na nandito rin pala itong lalaking to.
"I was just wandering and I came here, how about you? Why are you here?"
"Nothing, I just want to be alone." tumayo na ko at aalis na sana nang pigilan niya ko.
"Wait, may ipapakita ako sayo." he said at pumunta siya sa may gilid ng room at binuksan ang isa sa mga cabinet doon.
"Wow." I muttered. This is not the first time that I see weapons it's just that I didn't expect to see this different kinds of weapons here inside the cabinet.
"Each cabinets have different kinds of weapons." he explained while opening the other cabinet. "That cabinet infront of you contains short-range weapons, and this one is for long-range weapons. "
"How did you know about this?" I asked, hindi naman kasi sinabi samin ng professor namin sa PE ang tungkol dito.
"Dakilang explorer yata to, what do you think an explorer does." he answered. "Well the truth is naboring ako noong inannounce na wala tayong klase tapos wala pa kayong dalawa ni Toby kaya naglibot libot muna ako, and guess what, dito ako pinunta ng mga paa ko. Balak ko sanang matulog ang kaso nacurious ako sa laman netong mga cabinet kaya binuksan ko then nakita ko na mga weapons pala yung laman nito."
"What do you call this weapon?" pag iiba ko sa topic at tinuro ang isa sa mga weapon roon. Nakakita na ako ng mga weapon noon sa study room ni Daddy noong bata pa ako pero hindi ko alam yung tawag sa mga yun.
"Uhm this is called a morning star, kayang kayang basagin ng mga spikes neto sa dulo ang bungo ng isang tao kapag hinampas mo ito sa ulo." he answered. " Those knives with curved blades are called kukri. Those two pairs of metal rings are called wind-and-fire wheels, as you can see iba iba ang disenyo nila." pagpapaliwanag niya sakin. "See those small swords right there?" he asked while pointing at the small swords at the middle shelf."
"Yes." I answered. "Those are called butterfly swords, ang ganda diba? Those are my favorites." he said, kitang kita mo ang saya sa mukha niya habang tinitignan yung mga butterfly swords. "Ok balik tayo sa mga weapons, dito naman tayo sa may upper shelf, puro malalaking short range weapons ang nandito, like swords, merong mga iba't-ibang klase ng swords diyan pero maski ako di ko alam ang mga pangalan ng mga yan, basta ang alam ko mga swords sila" he laughed, baliw talaga itong lalaking to. "Yung nakasabit naman doon ay ang double-sided axe, yung katabi naman niya ay ang guandao, tapos yung isa naman ay sai, ang tawag naman sa weapon na nasa baba niya ay kama and the other one is the shield."
"Ano namang laman ng box na yun?" tanong ko at tinuro ang box sa may pinakababang shelf ng cabinet.
"Ah eto ba, hidden and training weapons ang laman niyan." he said and opened the box. Ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang mga laman ng box, may mga training knives, tactical comb knives, cat rings, caltrops, brass knuckles, tiger claws, concealed umbrella sword, handheld fighting fans,tonfa and nunchucks." pageexplain niya at pumunta sa katabing cabinet kaya sumunod naman ako. "Next are the long-range weapons!" he said excitedly. "These are the long-range weapons, magumpisa muna tayo sa pinakataas ng shelf. See that ring metal there? That is a chakram use for throwing. The two weapons there that consists of metal rods which are joined by rings are called razor chain whip and ordinary chain whip. Yung mga katabi naman niya ay whip, kusarigama at shoge knives."unang tingin ko pa lang sa mga shoge knives ay parang may naramdaman na kong kakaiba, I think they are meant for me. "The second and third shelves are for throwing weapons, dito muna tayo sa second shelf, see those pole weapon there with a pointed head? Those are spears. Yung katabi naman niya ay ang mga throwing axe, mas maliit ang mga yan compared sa ordinaryong axe at yung isa naman ay ang blow gun. Third shelf naman tayo, those are called throwing knives the small knives over there with horizontal grip are called push dagger. Those two-edged daggers are called haladie. Those knives at the corner are called kunai, pareho silang pwedeng gamitin pang long range at pangclose contact. Dito naman tayo sa may throwing stars, maraming klase yan base sa size at kung ilang blades ang meron yan, pero etong shuriken lang ang alam ko. Those weapons over there are called throwing spikes and those cards over there are not just ordinary cards, they are made of sharp metals and they are called throwing cards. And finally dito naman tayo sa pinakababang shelf, wooh! So these are different kinds of bows and arrows." he said. "Now, ano ang nagustuhan mo sa mga weapons diyan?" he asked.
"Those shoge knives over there." sagot ko at tinuro ang mga shoge knives sa pinakamataas na shelf. "Good choice, but I think pwede rin sayo ang mga throwing weapons at bows and arrows, just a hunch." he said.
"I'll think about it." I said.
"Tara na, baka may makakita pa satin dito baka mapagalitan pa tayo." he said while closing the two cabinets.
"You're right, baka kung ano pa isipin nila. You know, people and their playful minds." I said then walk towards the door.
While we were walking in the hallway, I received a call from Mandy.
"Hello besty, where are you?"
"I'm in the hallway, why?"
"Nakita mo ba si Layne?"
"Yes, kasama ko siya ngayon."
"Sabi ko na nga ba nagsisinungaling siya eh."
I looked at Layne beside me and asked him that what is happening in a sign language matter but he just shrugged.
"Bakit? Anong meron?"
"Natalo kasi siya sa pustahan namin kaya ililibre niya kami ni Mardy ang kaso nagpaalam siya samin na pupunta daw siyang CR eh yun pala tinakasan na niya kami."
"Nasaan ba kayo? Didiretso na lang kami diyan."
"Nandito kami sa cafeteria."
"Ok where on our way."
Pinatay ko na ang tawag at kinaladkad si Layne.
Tanong siya ng tanong sakin kung anong nangyayari pero binigyan ko lang siya ng masamang tingin kaya nanahimik na lang siya.
Agad pinaghahampas ng dalawang magkambal si Layne ng makarating kami sa cafeteria at dun lang nasagot ang mga tanong niya sakin kanina.
"Hoy sinungaling ka talaga! Akala mo matatakasan mo kami ha!" sigaw sakanya ni Mandy at pinaghahampas pa ito sa braso.
"Ouch! Tama na Mandy masakit na." pagrereklamo niya
"Anong tama na, sige lang kambal hampasin mo pa para tumino." pang aasar sakanya ni Mardy. "Eh kung nilibre mo na lang sana kami, edi hindi ka sana nakatikim ng masasakit na hampas kay Mandy."
"Yung deal natin! Halikana, marami ka pang ibibili samin." hinila na ng dalawang kambal si Layne papunta sa counter kaya dalawa na lang kami ni Tober ang natira. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala siya, sobra kasing tahimik kaya parang nagiging invisible.
Umupo muna ako pero medyo malayo sakanya kasi naawkward ako dahil sa nangyari kagabi.
"Hello Josephine." nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko ngayon, meron siyang brown hair na kasing kulay rin ng mata niya at kasing tangkad niya si Mardy. "Ahm my name is Richard, pwede ba kitang maisayaw bukas ng gabi?" he asked like a shy guy.
"A-ah?" hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi biglaan eh. Alam kong sayaw lang naman pero kasi.
"Pwede ba kitang isayaw?" pag uulit niya sa tanong niya habang nakayuko. "Matagal na kasi kitang gusto, kaya kung papayag ka sana na maisayaw kita ako na ang pinakaswerte na lalaki dito sa Winterhold." he said.
"Pinakamaswerte, tsk!" I heard Tober muttered, I glared at him but it seems like nothing to him.
"Pwede naman_" I was cut off by the guy in front of me.
"Really?!" he asked. "Are you sure? Hindi ba ko nananaginip?."
"I think so?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa lalaking to kasi nawiweirduhan na ko sakanya.
Ahm ganito ba talaga magreact ang isang lalaki?
"Yes! Did you all hear what the beautiful lady here said? She said yes! This is a dream come true!" he jumped out of joy. "See you at the Midnight ball Josephine." he said and winked at me.
"You really agreed to dance with him huh." Tober said without even looking at me.
"Well it's just a dance, wala naman sigurong masama doon." I shrugged.
Simula nang pumayag ako hiling ni Richard ay marami na ring lalaki ang humiling sakin na maisayaw ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya kung anu anong palusot na lang ang mga sinabi ko sakanila.
Nagawa ko pang humingi na pabor kay Mandy na magtago muna sa kwarto niya dahil sa mga lalaking gusto akong maisayaw, mabuti na lang at pumayag siya ang kaso pinagtawanan naman niya ako kesyo "masyado daw akong maganda kaya habulin ng lalaki". Hindi ko naman hiniling na maging ganito ako.
Buong araw akong nagtago sa kwarto niya hanggang sa hindi ko na namalayan na gabi na pala, nagpaalam na ko sakanya at dumiretso na sa kwarto ko.
Midnight Ball na pala bukas, tapos partner ko pa si Tober. Ano pang mas malala ang mangyayari ha?