webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Celebridades
Classificações insuficientes
67 Chs

Chapter XVII

Nakaramdam ng lamig si Maymay kaya inayos nya ang jacket ni Edward na pinahiram sa kanya.

Nakita ito ni Edward kaya hinubad ito ni Edward sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo?" ang takang tanong nya sa binata.

"Isuot mo kasi para hindi ka lamigin." at isinuot nga nito ang jacket sa dalaga.

Naiilang man ay hinayaan na lang ni Maymay na isuot ito sa kanya ng binata.

Ito pa ang nagzipper ng jacket.

"Ayan!"

"Ikaw hindi ka ba nilalamig?" ang tanong nya sa binata.

Nakaisip naman ng kalokohan ito.

"Nilalamig na nga rin ako eh! Pwede bang payakap ako?" at bigla nyang binackhug si Maymay.

Nagulat naman ang dalaga kaya hindi sya nakakilos.

Naramdaman naman ni Edward ang paninigas ng katawan ni Maymay kaya napangiti sya.

"Relax, Maymay, yakap lang ito." ang bulong nya dito.

Hindi alam ni Maymay kung bakit hinayaan nya na lang gawin ng binata iyon sa kanya.

Sigurado syang nawala na ang epekto ng alak sa kanya pero bakit parang sobrang lakas ng loob pa rin nya para gawin yun sa lalaking kakakilala pa lang nya.

Naaamoy ng binata ang bango ng buhok ng dalaga kaya mas nilapit pa nya ang ilong nya sa buhok nito.

Naramdaman naman iyon ni Maymay kaya nagtindigan ang mga balahibo nya.

"Hindi na pwede ito Maymay!" ang sigaw ng isip nya.

She tried to wriggle herself out of his arms.

Lalo lang hinigpitan ni Edward ang pagkakayakap sa bewang nya.

"Please stay." ang bulong nito.

"Aaano?" ang nauutal nya pang tanong sa binata.

Hindi nya magawang lingunin ito dahil kinakabahan sya sa pwedeng mabasa nya sa mga mata nito.

"Ang sabi ko wag kang malikot."

"Ah okay!" ang sagot na lang nya sa binata pero sigurado na sya sa narinig nya.

Sinabi nitong "Please stay!" kaya bumalik na naman tuloy ang paghihinala nya na may sikreto talaga itong itinatago.

Determinado na talaga syang alamin ito.

"Pwede bang magtanong Dodong?"

"Ano yun Maymay?"

"Hanggang kailan ka magpapanggap?"

Nagulat si Edward sa tanong ni Maymay kaya bigla syang tinigasan este nanigas.

Hindi nya alam kung paano nya sasagutin ang dalaga.

Napabuntung-hininga sya.

Dahan-dahan nyang iniharap ang dalaga sa kanya at tumingin sa mga mata nito.

"Ikaw, kailan mo rin aaminin ang totoo?" ang tanong nya rin sa dalaga.

Nakita nya ang pagkagulat sa mga mata nito pero agad nitong iniwas ang tingin.

"Ano bang sinasabi mo dyan Dodong?"

Pinilit nyang kumawala sa pagkakahawak ni Edward sa mga braso nya.

Mas lalong hinigpitan ni Edward ang pagkakahawak sa kanya at hinawakan ang baba nya para tumingin sya mga mata nito.

"Nararamdaman ko rin kasi na may itinatago ka sa pagkatao mo."

Pinilit ni Maymay na tingnan ng diretso si Edward.

Kinakabahan sya pero lakas loob pa rin nyang sinabi na

"Ano naman ang itatago ko?"

"Hindi ko alam! Pero aalamin ko kung ano yun! Hindi ako naniniwala na yaya ka lang ni Mary Dale! Masyado kayong malapit ni Marco para maniwala ako sa klase ng relasyon na meron kayo!"

Kinabahan si Maymay sa sinabi nito pero hindi sya papatalo.

"Bitawan mo ako!" at hinayaan naman sya ni Edward.

Naguguluhan sya sa sinabi ng binata.

Bakit parang iba yung dating ng pagkakasabi nya sa relasyon nila ni Marco?

Hindi alam ni Edward kung bakit nya nasabi yun sa dalaga.

Naalala nya lang kasi nung nagsasayaw si Marco at Maymay.

Parang masyado silang malapit sa isa't-isa.

Nainis naman si Maymay sa sinabi ng binata kaya hinubad nya ang jacket at iniabot ito kay Edward.

"Hindi ko na kailangan yan!" sabay talikod para puntahan si Marco at Juliana.

Edward clearly saw the hurt and anger in Maymay's face.

He didn't know what got into him.

"Aaargh!" he sounds so frustrated with what he did.

Nang makita ni Maymay si Marco at Juliana ay nagyaya na syang umuwi.

Nagulat pa ang mga ito pagkakita sa kanya.

"I want to go home Juliana."

Naramdaman naman ni Juliana ang lungkot ng pinsan nya.

"But why? Hindi ka ba nag-eenjoy? Mukhang okay naman kayo ni Dodong kanina ah!"

"I don't want to talk about him! I just really want to go home! Please, Marco." ang pakiusap pa nito sa kababata.

"Okay sige! Tawagin ko lang si Dodong para makaalis na tayo!" at nagmadali na si Marco para tawagin ang kaibigan.

"Ano kayang ginawa ng gago na yon kay Dale?" ang naiisip nya.

"Bro!"

Lumingon naman si Edward.

"Tara bro uwi na daw tayo!"

"Ah okay!"

Sumunod naman si Edward kay Marco.

Tahimik lang silang dalawa na naglalakad.

Samantala...

"Juls, is it okay if I sit with you at the back?"

Nagtaka man sa pakiusap ng pinsan ay umoo na lang si Juliana.

"Of course! I'm sure Marco will understand."

"Thanks! I'm just really tired and I want to sleep comfortably."

Tsaka lang napansin ni Juliana na walang suot na jacket si Maymay.

"Where's the jacket that Dodong lent you?"

"Sinoli ko na! Hindi na ako nilalamig!" kahit na halatang nangangatal ang boses nito.