webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Celebridades
Classificações insuficientes
67 Chs

Chapter XLIII

"Kami na!" pag-amin ni Maymay.

"Oh Em Geeeeeee!" ang tili ni Juliana.

Lumapit sya sa pinsan at niyakap ito ng mahigpit.

"I'm so happy for you! Finally!"

"Teka, hindi ako makahinga!" ang natatawang sabi nya sa pinsan.

"Oopps! Sorry!" at binitawan naman nya ang pinsan pero hinawakan nya pa rin ang kamay ni Maymay.

"I'm glad you finally threw caution to the wind Dale!"

"Hindi ba masyadong mabilis yung nangyari?" pag-aalinlangan naman ni Maymay.

"Wala naman yan sa tagal ng pagkakakilala eh! May mga taong sadyang pagkakita mo pa lang eh ramdam mo ng may magiging malaking parte sa buhay mo! Hindi porke't sandali pa lang kayo nagkakakilala ni Edward eh hindi na totoo yung nararamdaman nyong pagmamahal para sa isa't-isa! Hindi rin naman porke't matagal mo ng kilala eh alam mo na ang lahat sa kanya at nagiging totoo na sya sa lahat ng pinapakita nya! Love is a gamble, Dale!"

"Paano kung masaktan lang ako?"

"Pain is a part of loving! Kaya ka lang naman masasaktan kasi mahal mo! Ang importante magtiwala kayo sa isa't-isa! Pag mayroong hindi pagkakaunawaan pag-usapan nyo ng maayos at mahinahon. Wag pangunahan ng pagdududa! Trust is very important in a relationship!"

Yumakap si Maymay sa pinsan.

"I'm really glad that you are here!"

"Awww, me too!"

Tinanggal nya ang pagkakayakap ni Maymay sa kanya.

"And one more thing, if you really love someone, you fight for them especially if you know that they love you too! Just look at your parents and mine! They fought for each other!"

Tumango si Maymay.

"You're right! Kami ni Dodong ang magkasama sa relasyong ito kaya dapat sa isa't-isa kami magtiwala!"

"Kasama na sa isang relasyon ang mga pagsubok, ang importante ay kung paano nyo ito haharapin ng magkasama. That's the key word, magkasama! Hindi ikaw, hindi sya lang ang magdedesisyon, kayong dalawa!"

Tumango-tango si Maymay.

"So...."

"Ano pa? May sasabihin ka pa ba?"

"When are you going to propose to him?" ang kunwari'y seryosong tanong nito pero ang mata'y kumikinang sa kalokohan.

"Ako talaga? Loka-loka ka talaga!"

Hindi na napigilan ni Juliana ang matawa.

"Eh sino ba kasi ang may kailangan ng asawa? Di ba ikaw?"

"Ang sama mo! Tama na nga yang tawa mo! Pinasok na ng alikabok yang bibig mo!"

Sakto namang napa-ubo si Juliana.

"Tulungan mo na lang akong maghanap ng mga cute na baby pictures ko!"

"Yung picture mo dun sa kubo, cute yon!" pang-aasar ni Juliana.

"Heh! Tumigil ka dyan!

Nakita nya na yun!"

"Pustahan tayo nakyutan sya sa'yo!"

Napangiti si Maymay.

"Oh my Gosh, love is blind talaga!"

"Grabe ka!" at nagtawanan na silang dalawa.

Patuloy sila sa pagtingin ng mga pictures.

"Wait lang! Look at this Dale!"

Lumapit si Maymay para makita ang itinuturo ni Juls.

"So, hindi pala si Dodong ang first kiss mo!"

Kinuha ni Maymay ang larawan na tinutukoy ng pinsan.

Tiningnan nya itong mabuti pero hindi nya maisip at maalala ang larawan na yon.

At mas lalong hindi nya maalala kung sino ang batang lalaki sa larawan na humalik sa kanya.

"Don't you remember who this is?" tanong ni Juls sa kanya.

Umiling sya.

"I honestly have no idea!"

"Kunsabagay, bata pa kayo masyado dito kaya hindi imposibleng malimutan mo na sya!"

Tiningnan nya muli ang larawan.

Nakita nyang may nakasulat sa likod nito.

"Maymay and D_______ at three"

Sa sobrang tagal na ng larawan ay nabura ang pangalan ng batang lalaki.

"Maybe this means three years old kayo that time na kinunan ang picture na 'to!"

Tumango si Maymay.

"Siguro nga."

She honestly doesn't remember a lot of things when she was younger.

Sila Marco, Donato at Rivero na ang naalala nyang kaibigan nya simula pagkabata.

Normal naman siguro to not remember things or people when you were a kid.

"I have an idea! Why don't we ask Nanay Remedios if she still remembers who this kid is?"

At excited pa na tumayo si Juliana.

"Mabuti pa nga siguro!" pagsang-ayon naman ni Maymay.

Habang naglalakad ay tiningnan nya ulit ang larawan.

"D....."

Napatingin si Juls sa kanya.

"Imposibleng si Donato ang D na yan dahil eight years old na tayo nung makilala natin sila!"

"And besides Juls, mukhang mas cute naman ito kay Donato!"

"May tama ka dyan!" pagsang-ayon ni Juliana sa kanya.

"Mukhang may dugong foreigner yang childhood sweetheart mo!"

Hindi alam ni Maymay pero nakaramdam sya ng kilig sa sinabi ng pinsan na "childhood sweetheart".

Napansin ni Juliana ang pagngiti nya.

"Uyyy! Kinikilig sya! Lagot ka kay Dodong maylabs mo!" pang-aasar nito sa kanya.

"Hala sya! Ang cute lang kasi! Pero syempre si Dodong pa rin ang mahal ko!"

Nakarating na sila ng kusina at doon ay nadatnan nilang nagluluto si Nanay Remedios.

"Nay!" pukaw ni Juliana sa atensyon nito.

"Ay jusmiyo corazon!" ang gulat nito.

Lumingon sya at hinarap sila Maymay.

Natawa naman ang dalawa sa pagkagulat nya.

"Kayo lang pala! Gutom na ba kayo? Malapit ng maluto ito kaya hintayin nyo na lang!"

"That's not why we are here!" sagot ni Juliana.

"Ganon ba? Eh anong kailangan nyo?"

"We wanted to ask if you remember this picture and who is this kid who took Maymay's first kiss!"

Inabot ni Juliana ang larawan sa matanda.

Pagkakita nito ay nagulat si Nanay Remedios.

"Saan nyo nakuha ito?" ang may pag-aalala na tanong nya sa dalawa.

Kinabahan naman si Maymay sa nakikitang reaksyon sa Nanay Remedios nya.

"Sa basement!" sagot ni Juliana na nakangiti pa.

Hindi nya napansin ang pagkabalisa ng matanda.

Lalo tuloy nacurious si Maymay na malaman kung sino ang batang lalaki.

Nilakasan na ni Maymay ang loob nyang magtanong.

"Sino po sya Nay?"