" Nakayakap ka lang akala mo close na kita? May kondisyon yan tanga!". Pagalit kong sabi sa kanya.
" Anything for you babe!". Sagot nya at abot tenga pa ang mga ngiti.
" Sa tambayan ko mamaya!!".
" Saan? Likod ng T.H.E building ba o sa gu...". Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin. Nakita nya kasing nanlaki ang mga mata ko, tinitigan ko pa sya ng masama. " Ah ok?". Dugtong pa nya.
-----
Class dismissal, dinala ko sya sa nasabing tambayan ko. Actually tambayan namin dati ng mga kabarkada ko. Nagtaka naman sya noong sa gubat ko sya dinala.
" Akala ko ba sa T.H.E building?". Pauna nyang tanong.
" Maraming tumatambay doon tuwing uwian, kaya dito kita dinala. Alam mo bang napakamemorable nitong lugar na ito sa akin?". Pukaw ko sa paligid. " Yang puno na iyan?". Turo ko sa malaking puno ng mangga. " Marami kaming alaala ng mga barkada ko dyan". Napahinto ako.
" Anong bang gusto mong sabihin sa akin?". Tanong nya.
" May gusto sana akong malaman sayo..".
" Ano?".
" Yung tungkol sa kaibigan mo?".
Nanlaki ang mga mata ni Steve sa aking sinabi. " Uhhmm?". Ang tanging nasagot nya, halata ang pag aalinlangan.
" Diba sabi mo sa akin may kaibigan kang kapareho ko. Gusto ko sanang ikwento mo sa akin iyon para maliwanagan ako. Kung talaga bang may mga katangian syang katulad ko, kaya hinahabol habol mo ako?". Paliwanag ko sa kanya.
" Actually lahat!". Tugo nya sabay yuko.
Nagulat naman ako sa tinuran nya. " Ha? L-lahat? Paanong lahat tol?". Takang tanong ko.
" Matagal na iyon! Kasintahan ko sya..". Sagot nya, nakayuko pa rin sya.
" Kasintahan? Lalaki?". Tanong ko na may halong pagtataka.
" O-oo! Lalaki sya.. Wala naman pinipili ang kasarian sa pag ibig hindi ba? D-diba ikaw na rin ang nagsabi na kapag alam ko sa sarili kong lalaki ako ay dapat sa babae ako nagkakagusto, mali ang pananaw mo. Oo lalaki ako pero iba ang hiwaga ng pag ibig, walang pinipili. Hindi mo pwedeng pigilan. Hindi ka pwedeng tumakas sa isang desisyon na puso mo mismo ang nagdikta.". Ang paliwanag nya.
" Mali ka tol! Sa mata ng Diyos, ang dapat lang na magmahalan ay lalaki at babae lang. Isang malaking kasalanan ang pakikipagrelasyon sa lalaki sa lalaki. Demonyong maituturing iyon.". Opinyon ko naman.
" Hindi lahat ng tama ay tama. Lahat ng tao ay tao lang. Tao tayo at nagkakamali. Ang desisyon na nangagaling sa puso ng isang tao ay tama". Sagot naman nya.
Napakalogic ng mga binato nyang linya pati ako na author hindi alam ang sagot!.
" Ang lalim naman tol? Asan ba doon ang sinasabi mong kasintahan mong lalaki?" Tanong ko.
" E 'di nasa harapan ko!". Sagot naman nya.
Bigla naman akong natawa sa kanyang naisagot, yung hagalpak na tawa. " Hahaha? Ano tol? Joker ka pala kingna!".
Ngumiti sya, yung matipid na ngiti. " Di mo ako naiintindihan, sabagay? Malalaman at malalaman mo rin ang sagot sa iyong sarili". Mahina nyang tugon.
" Ah oo na, oo na tol! Hahaha!. Ano ba yung kwento mo doon sa kasintahan mo? At nasaan na pala sya?". Sarkastikong tanong ko.
" Alam mo bang nakakangalay tumayo?". Reklamo nya.
" Oo nga noh?". Sagot ko, napatingin naman ako sa nagsusulat ng kwento na 'to.
( Oo nga naman putanginang tagasulat to patapos na ang episode, yung pag upo namin sa gubat wala sa scene bwisit! )
" Oh tara doon!". Turo ko sa lumang upuang kahoy na gawa sa kawayan na binuo namin ng mga barkada ko noon.
Mabilis naman syang sumunod.
Nang makaupo kami:
" Oh ano na tol?". Sigaw ko.
" Inilayo sya sa akin ng mga magulang nya, hindi dahil nalaman nilang magkasintahan kami. Actually support nga ang mga magulang mo sa akin eh!, este yung magulang pala ng kaibigan ko. Inilayo nila ang anak nila dahil noong naaksidente ito, nahirapan silang maghanap ng doktor na gagamot sa kanya. Magtatatlong taon na ang nakalipas, natamaan ng ligaw na bala sa ulo si Cha--- Charles, buhay sya ngunit lantang gulay nalang ito. Halos oxygen nalang ang tanging bumubuhay sa kanya noon. Nang nakahanap na sila ng pinakamagaling na doktor ay tinungo nila agad ito. Nilisan nila ang dati nilang tinitirhan. At iyon narin ang huling pagkikita namin. Doon narin ako nawalan ng komunikasyon sa kanila. Halos lahat ng contact traces nila unidentified, maging mga social media accounts nila ay deactivated. Maging address din ay hindi ko na rin alam, hindi ko alam kung saan sila lumipat ng tirahan. Pero hindi parin ako nawalan ng pag asa! After na may nabalitaan ako tungkol sa kanila? Doon ko sila hinanap, at ngayon?..". Ang pagkukwento ni Steve.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa boring ng kwento ni Steve. Syempre joke lang!
" So ngayon nakita mo na ba sila?".
Umiling lang sya.
" Ah I see! So totoo ngang may pagkakatulad kami ng kasintahan mong iyon ano? Naaksidente din kasi ako dati eh! Nalaglag ako sa duyan noon, tapos nauna mukha ko!! Hahaha!!". Saad ko sabay pakawala ng malakas sa tawa. Ang boring kasi tangina!.
" Dapat matuto ka ng magpakamature sa sarili mo.. kasi pagdating nang araw.. kapag may naalala kang isang bagay? Magtatanong ka sarili mo kung bakit mo ito naalala..". Palaisipang tanong na naman ni Steve.
" Alam mo kanina pa natutuyot yung utak ko sa mga palaisipan mo eh! At saka ang maturity ay dumarating lang kapag may obligasyon ka nang dapat tutukan! Tama naman ako diba?". Sagot kong hindi maintindihan.
Natawa nalang si Steve na kanina ay seryoso. " Haha! Bilib talaga ako sa mga taong walang problema sa buhay eh! O kahit may problema sila, kaya nilang dalhin ito sa positibong paraan sa pamamagitan ng pagngiti o pagpapatawa".
" Tingin mo ba sa akin wala akong problema?".
" Hindi ko alam sayo? Ikaw lang ang nakakaalam nyan... Pero pwede mong sabihin, pwede ding hindi! Katulad ko.. may problema ako pero hindi ko pwedeng sabihin, sobrang napakapersonal kasi.." tugon nya.
Agad akong sumagot. " Mas masaya kasi kapag masaya kalang, walang mga issues, walang stress!! Ikaw yung problema mo tol! Ultimo yung pambili mo lang ng toothpaste wala? Syete lang yun tol! Syete lang!". Pabiro kong sagot. Haha! Di ako makamove on sa toothpaste. Pang isang buwan ko kasi iyon tapos gagamitin lang ng iba nang walang paalam.
" Kung tungkol lang sa toothpaste? Dalang problema dun, kung gusto mo bibilihan kita ng higit sa isang box, o kung gusto mo bibilhin ko pa ang buong kumpanya ng colgate?". Biro rin nya sabay ngisi at kindat
" Edi wow!!".
Limang minutong tumahimik.
Tumayo ako bigla.
" Aahheemmm! Pagbasag ko sa katahimikan.
Lumingon sa akin si Steve.
" Alam mo bang may kwento sa duyang ito". Sambit ko nang tinungo ko ang duyan.
" Hindi..". Sagot nya.
Sinimulan ko ang pagkukwento.
" Dito sa duyan na ito ang hindi ko malilimutang karanasan tol! Alam mo ba noong 2nd year?. Kami ng mga barkada ko lagi dito tumatambay. Isang beses noong nagcutting kami, syempre excited akong pumunta sa lugar na ito dahil lang dito sa duyan. Wala akong pakialam sa treehouse, kanila na iyon basta ang duyan ay sa akin lang! Sinakyan ko na ito, ang sarap sa unang pagsampa tuwang tuwa ako! Wala eh! duyan is life! Then pinagalaw ko na sya, palakas ng palakas. Hanggang yung feeling na lilipad na ako sa lakas at bilis ng pagswing. Tapos itinodo ko pa na halos 180 degrees na yung anggulo sa pagduyan ko. Biglang napigtal yung tali hahaha! Nakita rin ng mga barkada ko ang paglipad ko sa ere. Actually sobrang takot ko talaga that time, kasi yung talsik ko talaga is napakataas. Halos tanaw ko na rin ang halahati ng kalaliman ng krik sa himpapawid. Doon ako mas nataranta dahil ang alam ko sa krik ang tuloy ng pagbaksak ko, pero buti na lang at may puno doon ng bayabas na malapit lang tumubo sa krik na iyon!". Turo ko sa krik na halos tabunan na ng makapal na talahib. " Akala ko talaga ligtas na akong nakahawak sa sanga ng bayabas. May isa pa palang nag aabang na kalamasan. Biglang may gumalaw na mahabang bagay na nakapulupot sa sanga, sa una ay hindi ko pansin kasi nakacamouflage ito. Noong gumalaw at nakita ko na yung ulo, bigla akong bitaw sa sanga dahilan para mahulog ang katawan ko sa lupa. Ahas kasi iyon, isa sa mga phobia ko. Kahit masakit ang aking katawan sa pagkakahulog ay hindi ko inalintana basta makaalis lang ako doon, dali dali akong kumaripas ng takbo patungong treehouse. Pag akyat ko sa puno, inasar at pinagtawanan pa ako ng mga walang hiya kong barkada! Sobrang namutla ako noon pero sa kanila ay isang biro iyon. After non bihira nalang akong magduyan, natrauma kasi ako. Then sa katagalan ay tuluyan na naming nilisan ang lugar na ito at tuluyan na rin kaming nagwatak watak na magbabarkada.. The end!". Mahabang kwento ko.
Hindi ko na napansing umimik si Steve sa kanyang pwesto dahil nakatalikod ako habang nagkukwento. Kaya humarap ako sa kanya. Laking gulat kong nahiga sya doon at nakatulog na pala.
Itutuloy....