webnovel

THE HEART OF AMNESIA

Isa akong hamak na lalaki, na ang hanap ko ay isang babaeng mamahalin ako ng buo at tatanggapin ako. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, may isa pala akong katauhan sa nakaraan na nalimot ng isang trahedya/aksidente. BAKLA AKO!!! JOKE HAHA!

CHROME · Realista
Classificações insuficientes
41 Chs

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 27 )

Muli akong nilingon ni mommy, seryoso ang mukha nya ng tinignan ako. Nakatitig lang din ako sa kanya.

Doon na rin ako kinabahan ng sobra, inihanda ko na rin ang aking sarili sa anumang sasabihin nya. Bumalik ulit si mommy ng tingin kay Steve. Ganon lang ang ginawa nya, kundi kay Steve ang tingin ay sa akin naman salitan lang parang baliw. Joke lang! Ok seryoso! Para akong nataunt sa sitwasyon habang nakatingin ako sa kinaroroonan ng dalawa.

Tahimik.

Maya maya, isang malakas na sigaw ang aking narinig na nagpabalik sa aking ulirat.

" Oh my!! Aaaaahh!". Sigaw ni mommy.

Mula sa pagkakayuko ni Steve ay bigla na lang syang napatungo kay mommy. Simbilis din ng alas kwatrong niyakap sya ni mommy. Seryoso pa rin ang mukha ni Steve sa sitwasyon.

" Omg! I-ikaw na ba talaga yan Steviee? Sheyt ang gwapo gwapo mo naman!!". Pabirong sabi ni mommy, halata rin ang pilit na ngiting kanyang pinakawalan.

Ako naman ay hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni mommy. Expected ko na matutulala sya at biglang hahagulgol sa iyak at deretsahan akong lalapitan at sasabihing. " A-anak? K-kailan pa bumalik ang alaala mo?". Pagkakataon ko na sanang maopen ang topic tungkol doon, kaso kabaliktaran. Pero sana naman mali ang iniisip kong ginawa lang iyon ni mommy para umiwas sa anumang tanong.

" Anaak! K-kilala mo pala sya? S-saan mo sya nakilala?". Pagkukunwaring tanong ni mommy sa akin.

Nagkatitigan lang kami ni Steve sa ipinapakita ngayon ni mommy sa amin. Iyon sanang napakaraming tanong ko sa kanya ay tuluyang naglaho sa aking isip. Nakita ko rin ang bahagyang pagkapanatag ni Steve, binati nya na rin si mommy at muling niyakap ito. Napakasaya nila.

Napatangang sagot na rin ako. " S-sa b-boarding house po..". Utal kong sagot.

" O-okey? So... g-gusto nyong magmeryenda? Ipaghahanda ko kayo..". Mabilisang alok ni mommy.

Di pa kami nakasagot ni Steve ay agad na nagtatakbo si mommy sa kusina.

( I think this is a thrilling moment? There's a fact na alam ng mommy ni Chander na maraming itatanong sila sa kanya kaya todo nalang ang pagkukunwaring maging positibo kahit na sobrang kaba ang nananaig sa kanya. - Author )

----

" Here na!". Pagbasag ni mommy sa aming katahimikan nang dumating sya dala ang meryenda na kanyang ginawa. Kasalukuyan na kaming magkatabi ni Steve sa sofa.

" Ma? Ang dami naman nyan.. dalawa lang kami!". Sambit ko.

" No! I'm sure na gutom na gutom na gutom na gutom na kayo kaya iyan! Eat all you can! Kulang pa ba? Wait lang my dearest..". Si mommy na aligaga ang kilos.

" Ma!!". Napasigaw ako. Huminto naman sya at nagngingiti nalang, di naanlitanang nataasan ko sya ng boses.

" O-ok?". Si mommy at umupo rin sa tapat namin at nanamihik. Nakatingin din kami ni Steve sa kanya.

Tahamik lang kaming kumakain ni Steve, si mommy naman ay nakatingin lang sa amin. Kapag titingin kami sa kanya ay ngingiti lang ito, minsan sesenyas kapag may nakitang dumikit na pagkain sa aking mukha at ganoon din kay Steve. Kalkulado lang ang bawat kilos nya.

" Huy Steve hijo? Kamusta na pala kayo?". Paunang tanong mommy.

Nagtaka kami ni Steve at nagkatinginan.

" Si-sino po tita? K-kami po ni Chander o...". Di pa natapos ni Steve ang pagsasalita at sumabat agad si mommy.

" A-ano ka ba? Syempre kayo.. k-kayo ng family mo?". Saad ni mommy.

" A-ah o-ok lang naman po..". Malumanay na sagot ni Steve.

" Eh si Zachary?". Mabilisang tanong ulit ni mommy.

Biglang natahimik si Steve at ibinaba ang hawak na baso na may lamang lemonade. Napatingin din sya sa akin, nahalata ko sa kanya ang ibayong kaba at pag aalinlangan na sumagot.

" A-ah eh?". Ang tanging nasagot ni Steve.

" A-ah ok! Nevermind nalang hehe..". Ang sagot nalang din ni mommy.

Sa wakas! Himalang naubos namin ang inihanda ni mommy. Nagpahinga muna kami nang ilang sandali, actually kanina pa kami nakapahinga eh kaya uulitin lang namin. Si mommy naman ay hindi pa rin natinag na obserbahan kaming dalawa ni Steve at napako na rin sa pagkakaupo sa sofa.

-----

Tahimik.

" A-ah.. p-pwede po bang maki cr tita?". Si Steve na biglang napatayo, baka natatae na yata haha!.

" Su-sure! Doon ka dumaan, sa likod non ay nandoon ang cr..". Pagsang ayon ni mommy at itinuro pa ang daan patungong banyo. " A-ah a-ako rin pala ay may gagawin hehe babush!". Dugtong ni mommy sa kanyang pagpapaalam sabay tumayo.

Ako naman ay naiwan lang mag isa, tumayo ako at lumabas ng bahay at tinungo ang mga puno na madalas kong puntahan noon. Doon ay naisipan kong magduyan.

Steve's POV :

Hindi ko kinaya ang pagkukunwaring patanag sa harap ni tita Charisse. Pakiramdam ko ay anumang oras ay may mamumuong pagtatanong sa pagitan nilang mag ina.

Habang marahan akong naglalakad patungong cr may biglang tumawag sa aking pangalan. Napahinto ako, parang nabingi ako sa boses na aking narinig.

" Steve!". Ang tinig na narinig ko.

Si tita Charisse.

Itutuloy...