"Raphael! Andiyan ka ba?" sigaw ni Kuya Maki na kanina pa naghahanap.
Sa gilid ng halamanan ay mabilis na nagtago si Raphael at si Faye. Maya-maya pa ay tinanggal na ni Raphael ang kanyang cap at face mask habang nakatalikod ang babae. Bakit pa ba lumingon si Faye kung ganito lang din ang makikita niya, KALUNGKUTAN.
"Hmm?" ito lang ang nasambit ni Raphael habang pumapatak ang luha sa mga mata ni Faye. Kamukhang-kamukha ni Miguel si Raphael walang duda, pero kung si Miguel ito, malabong hindi niya ko makilala sa isip-isip nito. Kamukha lang siguro, ganun naman sa mundo natin, marami tayong kamukha o doppelganger.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Raphael habang pinupunasan ni Faye ang luha na bumabagsak sa kanyang mga mata. Nanlaki lang ang mga mata niya. Bakit naman nga ba kasi umiiyak ang babae na ito sa harapan niya.
"May naalala lang ako kasi. Pero hindi, hindi naman ikaw yon, wag mo kong alalahanin." pilit nito habang patuloy pa rin na sinisinok at sinisipon.
"Yosi gusto mo?" alok ni Raphael na kanina pa gustong-gusto na magsunog ng baga.
Sa una ay nag-alinlangan pa si Faye pero bandang huli ay bumigay rin siya. Di niya alam kung dahil nakikita niya si Miguel sakanya o dahil magaan lang ang loob niya sa lalaking ito na kung tutuusin ay hindi kanais-nais ang astahan, badboy kung tawagin, naninigarilyo, umiinom ng alak, at babaero ayaw niya sa mga taong ganito.
"Hindi ka naman nagyoyosi eh." sambit ni Raphael.
"Try ko lang..." ani ng dalaga, sinindihan ni Raphael ang sigarilyo galing sakanyang bibig at iniabot ito sakanya.
"Eto, ah wait wala naman akong sakit okay lang? Pogi rin naman ako so..." tanong nito.
"So?"
Hindi manlang sumang-ayon ang dalaga sa tanong dahil agad-agad nitong hinithit ang sigarilyo dahilan para masamid ito nang sobra-sobra. "Medyo may kayabangan ang gunggong na ito sa isip-isip" ni Faye.
"Sabi ko naman sayo yung mga chics na tulad mo hindi pwede sa ganitong bagay. Nako! Nako! Tama na yan." sabi ni Raphael habang kinakamot ang kanyang ulo."Hindi mo ba tatanungin pangalan ko? O kaya hihingin number ko? Hindi ako nagbibigay basta-basta. Lahat ng babae puro yan ang hinihingi sakin. AYOKO." pilit pa nito.
Nagulat lang si Faye, aba nga naman pagka-bastos din talaga ng bibig ng batang to.
"Hindi ko naman tinanong di ba? Ako? Hihingin yang number mo? Hello!?"
"Maalala ko lang... Kaya pala noong andon tayo sa bahay ng estudyante mo tinanong mo--" hindi siya pinatapos ni Faye dahil totoo naman na tinatanong niya ang pangalan nito.
"Ibang klase rin talaga bibig mo walang preno? Hoy! pwede bang magdahan-dahan ka sa pagsasalita. Respeto naman sa nakatatanda, isa pa teacher ako, teacher! Hindi porket doctor ka...." sambit naman ni Faye na nakapamewang na. Bakit ba kasi sinundan pa niya ang mokong na ito, ang pangit pala ng ugali.
"Teacher? As if may pake ako." nakangiting sabi ni Raphael na wala naman talagang pakialam. " Isa pa, hindi ako doctor okay" pahabol na sabi nito.
Magulo na ang isip ni Faye at mas lalo pa nitong pinagugulo.
"Ha? Ibig mong sabihin nag-oopera ka ng walang lisensya? walastik naman talaga." tanong ni Faye na lalo pang nagpa-init ng ulo niya.
"Raphael!" sigaw pa rin ni Maki.
"Ang ingay naman talaga ng mokong na iyon."
"T-teka lang, ano nga palang ginagawa niyo dito sa may bahay-ampunan?"
"Sinusuportahan namin ang limang bata sa ampunan. Tulad namin na inabanduna ng magulang di naman kami papayag na matulad sila sa amin." paliwanag niya.
"Naks binata na!" ani ni Faye na kinurot ang bewang ni Raphael. "binata na?" sa isip-isip ni Faye na naalala na naman si Miguel sa lalaking ito. Pero hindi kasi siya maaaring magkamali, bakit ba siya umaasa at nagbabakasakali.
"Hoy! nagugutom nako kumakain ka ba non?" itinuro niya ang ihawan sa kabilang kanto. Natulala lang si Faye sa sinabi niya kaya tinanong niya ulit ito habang winawagayway ang kamay sa dakong mata ni Faye.
"A-ako ba? Oo naman. Hindi ko rin trip yung mga handa." sagot nito na dali-daling hinawakan ang kamay ng binata papunta sa kanilang destinasyon.
Pagdating nila sa ihawan ay narealize ni Faye na hawak-hawak pala niya ang kamay ng binata.
"Ops. So...ri.." sambit nito na namumula kaya naman binaling na lang niya ang atensyon niya sa pamimili ng kakainin. "Easy Faye... Easy lang"
"Pasmado ka pala ang lagkit ng kamay mo..." ani ni Raphael na hinawakan ulit ang kamay ng dalaga para i-check ulit habang nakahawak sa stick na may paa ng manok. "Pinagpapawisan ka pa oh, subukan mo yung luya, oil at alocohol everyday mo siya gawin--"
"Sandali lang, pwede ba yon? mamimili muna ako--" nakatirik na ang mata nito.
"Ang hirap naman kasama ng mga babae, ang suplada, magulo ang utak, ewan ko sakanila" sa isip-isip ni Raphael na ngayon lang nakasalamuha ng isang babae. Ayaw niya kasi sa mga ito bukod sa pagiging topakin at maaarte.
Pinili ni Faye ang lahat ng paa ng manok, mga bente piraso pa iyon.
"Kuya eto po yung sa akin, tsaka yung mga kinakain po nila siya na lang po magbabayad." itinuro niya si Raphael.
"Ako?" sumesenyas si Raphael kung ano iyon.
"Ikaw magbabayad nito ah." sambit ni Faye habang sinisimulang lantakan ang mga paa ng manok.
"Maam ang generous naman po ng boyfriend niyo maaga-aga ako magsasara kasi inubos niyo na po." ani ng tindero.
"Ha? Boyfriend ko yan? Siya? Nako ha." tanong ni Faye.
"Bakit naman hindi, napaka-gwapo po maam para siyang artista na anghel ang mukha." pambobola ni Kuya.
"Nako kuya nambola ka pa, anong anghel? demonyo ugali niyan eh." narinig ito ni Raphael kaya naman kinuha niya ang kinakain ni Faye at kinain ito.
"Sinong demonyo?" tanong ni Faye.
"Ikaw!"
"Ah ganon." mabilis na tinago ni Raphael ang mga inihaw na paa ni Faye na pilit nitong kinukuha at hindi maabot. Maya-maya pa ay tumalon si Faye at bigla siyang nadapa papunta kay Raphael. Muntikan na silang maghalikan buti na lang at mabilis na naiharang ni Raphael ang paa ng manok sa pagitan ng kanilang mga labi.
"Oo na sige na, anghel na okay? balik mo na yan." ani ni Faye na pulang-pula na, konti na lang ay iiyak na. Matagal na siyang nagc-crave sa paa ng manok kaya kahit ano gagawin niya makakain lang, kaya magpapakabait siya ngayon sa isip-isip ni Faye.
Binalik ni Raphael ang mga inihaw at ibinalot ito sa plastic na hiningi niya kay Kuya.
"Mauuna na ako. Akin na yan!" mabilis na umalis si Faye.
"Problema niya?" sa isip-isip ni Raphael.
"Kuya, ganyan na ba katopak ang mga babae ngayon?" tanong ni Raphael sa tindero.
"Nako sir oo ganyan sila. Kaya dapat araw-araw nilalambing, dapat niroromansa hihi" nakangiting sabi nito.
"Ah. Hindi ko po siya jowa." paglilinaw niya.
"Feeling ko may tama yung babae na yon sayo, hindi naman yon magtatampo ng ganon lang kung-"
"Wahh, kuya tama na, bahala sila." sambit nito na sumunod na rin para bumalik sa may bahay-ampunan.