webnovel

Chapter Thirty-Four

Hindi niya naiintindihan kung bakit nag-iba ang tono ng pananalita ni, Zev noong tumawag ito sa kanya kagabi. May halong lungkot at takot ang tono ng pananalita ng dalaga. Muli siyang napatingin sa cellphone niya at umaasang muli itong tumawag para ikuwento nito sa kanya kung may problema man ito. Pero nadismaya siya ng hindi na siya muling makatanggap ng tawag mula sa babaeng mahal niya. Ilang ulit na rin niyang subukang tawagin ang numero nito sa araw na iyon pero hindi nito sinagot ang tawag niya, ring lang ng ring ang cellphone niyo. He wasn't feeling comfortable with Zev's tone and it seems that there was something wrong with her and at naging tanong iyon sa kanya. Nagtatanong ang kanyang isipan at siya mismo ay hindi niya maipaliwanag ang biglang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib.

Ilang minuto na lang at lalabas na siya. Dumiretso siya mamaya sa apartment ni Zev para kamustahin ito. May kutob siyang may hindi magandang nangyari o sadyang lumabas lang sa isipan niya ang bagay na iyon.

Nabigla pa siya ng may kumatok sa pinto ng office niya. Ang katok na iyon ay pumukaw sa kanya at sa utak niyang may pinoprosesong bagay. He's reminiscing something, it's not worth but every time he thinks of it ay pakiramdam niya ay nabuhayan siya ng konting takot at kaba. It was not the news of his death but a guy he met before at Madrid. He was strange and yet, he met him before in his dreams bago pa niya ito nakilala ng personal. Hindi sila magkakilala at nagkataong nakita lang siya nito na nagmukmok sa isang madilim na kalsada.

The name. He was trying to recall the name of the mysterious guy. There's something special about him. Not that special but Reese suspected something about him.

'Don't judge a book by its cover' ani ng isang bahagi ng utak niya.

"May I come in, Sir?" Tanong ng sekretarya niya. It was April at kanina na pala ito nakatayo sa labas. She was promoted to the main branch pero ito rin ang kusang tumanggi dahil loyal raw ito sa branch ng MMC sa Quezon. At dahil na rin malapit lang doon ang pinagtrabahuhan ng nobyo nito. Ang ngiti ni April ay abot tenga. She's more beautiful when she smiles. Para sa kanya mas lalong gumanda ang isang babae kapag ngumingiti.

May hawak itong mga mga brown envelopes. Kung hindi siya nagkakamali ay pawang mga contract papers iyon ng MMC  partners sa iba't-ibang businesses establishment and other companies.

"Sure," he smiled. "Please come in."

Inilapag nito ang mga portfolio na iyon sa ibabaw ng isang mesa saka umupo sa isang client's table. Pormal ang mukha nitong humarap sa kanya na tila isang aplikante.

"I hate that expression, April" he guffawed as he noticed some expression on her face. Hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon nito. Kaya naging isang malaking tandang pananong iyon sa kanya. Why? Mag-resign ba ito? Teka at bakit? Lilipat ba ito sa ibang kompanya? Sa kung saan nagtrabaho ang nobyo nito. No way he cannot let her go.

Matamang niyang minamasdan ang mukha ni, April. Hindi niya maipaliwanag kung malungkot o masaya ito. But her eyes seems suspicious that she wanted to tell him about something. "Okay ka lang? Do you have a problem? Ano ang maitulong ko?" Puno ng pag-alala na tanong niya rito. Responsibilidad niyang protektahin ang mga employee niya at kung kailangan siya ng mga ito he will be there for them.

Hindi niya batas ang makitang nahihirapan ang isang employee niya. Hindi man niya naranasan ang kahirapan sa buhay pero sensitibo naman siya. It was just a pain of fate caused by his destiny always torturing him at hindi ang kahirapan ng buhay.

Nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago sabihin ang nasa isip nito. "This morning the company received an email galing sa lalaking nagpakilalang kaibigan mo."

"Who?" Tanong niya. 'Yon naman pala eh' email lang naman pala at bakit ano bang masama roon kung makatanggap sila ng email galing sa isang lalaking nagpakilala na kaibigan niya. "Si Lee ba kamo?" Napangiting dagdag na tanong ni, Reese. He missed that guy. Malapit na rin ang kasal nito at ni Nace. Masaya siya para sa kanila. Ibubuhos niya ang lahat ng kanyang pagsuporta kina Lee at Nace.

Matigas itong napailing.

"Not Lee? Then who?" Iniisip niyang baka si Matt. May trabaho na ang huli. Pero teka bakit kung si Matt iyon ay bakit hindi ito direkta sa account niya at palagi naman silang nag-chat at sa katunayan nga ay palagi niya itong kasama. So it wasn't Matt. That email must be important. "Tell me saan galing ang email at ano bang mensaheng nakalagay." Tumawa muna siya bago magpatuloy. "Wag ka ngang masyadong suspenseful, April."

"Rost," iyon lamang ang sinabi nito.

Napaisip siya dahil parang pamilyar ang pangalang iyon sa kanya. Oh, it was the man na naisip niya kanina lang. Yes, Rost Valerion 'yung lalaking kusang naghatid sa kanya sa MMC dahil wala siyang masakyan sa gabing siya'y nagmukmok at maemosyonal na umupo sa isang gilid ng madilim na kalsada. Pero bakit ito nagpakilalang kaibigan niya. Alam niyang kilala siya ng lalaki dahil kilala naman talaga siya ng mga taga-Madrid. Samantalang siya ay pangalan lang ni Rost ang alam niya.

"So?"

"Ikaw na lang mag-check, sir. I have to go now," bahagya itong ngumiti.

"Ah, sure." Tumatangong sagot niya.

Tumayo ito at nagpa-alam na. Naiwan siyang nakatulala at wala sa isip niya ang pag-check ng email account ng kompanya. He was thinking of Zev. Bumalik sa alaala niya ang tono ng pananalita nito.

Muling bumilis ang tahip ng dibdib niya at dahil na rin sa isiping paano kung sa pagkakataong iyon ay bigo na naman niyang maabot ang pangarap ng ama at ang pangarap niya. Paano kung biglang nagloko si Zev tulad ng mga babaeng nakarelasyon niya rati. But he trusts her, malaki ang tiwala niya kay, Zev. Dahil alam niyang mahal na mahal siya nito at ganon din siya. He loves her damn much.

It was already five-thirty in the afternoon at lumabas na siya para puntahan si Zev at sorpresahin ito. Maybe she wants to discuss aomething or baka nga may suhetisyon ito sa set-up ng kasal nila. Napangiti siya sa mga iniisip niya. Actually , it was his choice na sa Parish, France ang venue ng kasal nila. At masaya si Zev sa desisyon niyang iyon. At gusto rin niyang tanungin ito baka may i-suggest ito sa Theme ng kasal. Maybe she wants a cake that looks like giant books. Naisip niya iyon dahil alam niyang bookworm princess si, Zev.

Pagbaba niya ng company nila ay dumiretso siya sa katabing red ribbon shop at bumili ng cake for her.  My favorite woman on Earth, Zev. I love you so much ang word letterings made of icing ang ipinalagay niya.

Habang minamaneho ang sariling kotse papunta sa apartment ni Zev ay iniisip niya ang magiging hitsura ng magiging anak nila at sa huli ay napatawa lamang siya sa mga sariling iniisip. Every part of his brain was thinking of her at dahil doon ay hindi na niya maalala pa ang bilin ni April na i-check niya ang email na galing kay Rost Valerion.

Ipinahinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bukas ang gate ng apartment ni Zev at malaya siyang pumasok na hindi na ito in-inquire. Pati na rin sa pinto ng apartment ay bukas. Pagpasok sa loob ay hinanap niya ito. Pero wala sa silid nito ang dalaga. He tries to find her everywhere pero hindi niya ito nakita. Sa huli ay desido siyang pumunta sa likod ng bahay dahil alam niyang doon namalagi o tumambay ang dalaga. Iyon ay ang paboritong lugar ni, Zev. Pero nagkakamali siya dahil wala roon ang dalaga.

Napakamot siya sa ulo at hindi niya alam kung saan hanapin ang dalaga. Iniisip niyang baka lumabas ito o may puntahan. Pero bakit bukas ang gate at pinto ng bahay nito. Matamang siyang nag-iisip at napabuntong hiningang muling pumasok sa loob ng bahay at pumanhik sa itaas sa silid ni, Zev.

Isang puting papel sa sahig ang sumalubong sa mga mata niya. Yumuko siya at napansin niya ang nakasulat sa papel na iyon. Napanganga ang binata ng mabasa ang pangalang nakasulat sa puting papel na iyon.