Gusto kong iparamdam sa pamamagitan ng halik ko na hinding-hindi ko na sya iiwan pa.
Kanina habang kinukwento nya yung katotohanan tungkol sa pagkatao nya gusto kong magwala!
Sumasakit ang puso ko isipin na matagal na panahon na syang nagtitiis sa pagpapanggap ni Bella bilang sya.
And that their own parents made her suffer.
Hindi ko maintindihan sa totoo lang kung bakit ganun sila.
Bakit hindi nila kilala ang sarili nilang anak?
And Bella....
How could she do that to her own sister?
She has to pay for what she did!
Hindi ko namalayan na nagiging mapusok na ang halikan namin.
Habol na namin ang aming hininga.
"Da...mon..." she moans as my hand caressed her stomach.
"Mi bella esposa..."
"Ahhhhh!!!"
Sabay kaming napatingin ni Damon sa sumigaw.
At sabay rin kaming nagkumahog na maghiwalay nang makita kung sino yun.
Si Nique kasama si Ionne at Stefan at si...
"Na...na?!?"
Tama ba ang nakikita ko?
"Bea anak..."
Agad akong umalis ng kama at sinalubong ng yakap si Nana.
Para akong batang paslit na umiiyak.
Hinaplos-haplos nya ang buhok ko.
"Na...na...huhuhu..."
"Tahan na anak...makakasama yan sa'yo..."
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Matagal na kitang hinahanap pero bigo ako! Paano ka nakarating dito?"
"Itanong mo sa asawa mo..." sabay turo nya kay Damon.
Tumingin ako kay Damon and he looked at me so tenderly.
"I had people search for her simula nang araw na narinig kong umiiyak ka sa panaginip mo."
Ginawa nya yun?
"Bakit?"
"At that time hindi ko rin alam kung bakit...ang alam ko lang...it hurt my heart hearing you cry and call out to your Nana..."
I couldn't help it!
I ran back to him and kissed him!
"Ahem...ahem...excuse me...does this mean B na hindi ka na namin kailangan bawiin kay Damon?"
Natigil ang halikan namin and Damon looked at me.
"Anong ibig sabihin nyang sabihin?"
"Ah eh...bakit hindi muna kayo umupong lahat..." sabay lapit ko kay Nana para igiya sya sa upuan.
Hindi ko namalayan na lumapit si Damon sa akin at bigla akong binuhat.
"Ay!!!" tili ko pero natahimik ako ng makitang seryoso ang mukha ni Damon.
Dahan-dahan nya akong ihiniga sa kama.
"It's late. You should rest. The doctor is going to examine you tomorrow." he says in a voice that brooks no argument.
He tucked me in and kissed my forehead.
"Ako ng bahala sa kanila."
He signalled for the guests to follow him outside my room.
Dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog na rin ako.