Jennie
Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda para sa pagpasok. Hindi ko na rin hinintay pang magising si kuya bago ako tuluyang umalis. Ganoon na rin si Lisa. Iyon naman kasi talaga ang plano ko, ang maagang umalis habang tulog pa silang dalawa.
Hindi na rin ako nagpaalam pa. Tiyak naman na alam na ni kuya na nauna na akong pumasok oras na makita nitong wala ang bike sa labas ng bahay.
Oo, magbibisikleta na lamang ako papasok dahil walking distance lang naman ang University mula rito sa aming bahay. Dumaan na rin ako sandali sa paborito kong tindahan ng tinapay at bumili ng dalawang piraso ng paborito kong mamon na agad ko rin namang kinain.
Noong malapit na ako sa gate ng University ay may napansin akong tatlong babae na para bang mayroong binubully. Mabilis at agad na nagkubli ako sa pinakamalapit na poste ng kuryente.
Sandaling sinilip ko ang mga ito. Nakasuot sila ng uniform katulad ng suot ko ngayon. Ibig sabihin lamang eh taga St. Wood din ang mga ito. Ngunit iyong babae na nakaupo sa lapag na binubuhusan nila ng soft drinks ay nakasuot lamang ng puting blouse at skirt naman sa pang ibaba.
Hindi ko mapigilan ang maawa sa babae. At kahit gusto ko siyang tulungan at lapitan ay hindi ko magawa dahil tiyak na pati ako ay madadamay. Kaya naman, walang nagawa na hinintay ko na lamang na makaalis muna ang mga ito, bago ako tuluyang lumapit sa babae.
Bakit ba kasi nauso ang pang bubully sa University na ito? Hays.
"A-Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa hanggang ngayon ay nakayuko parin na babae.
Sandaling itinabi ko muna ang aking bisikleta bago umupo ng kalevel niya para alalayan ito sa kanyang pagtayo.
Kitang kita ko rin ang kulay puti nitong damit na ngayon ay kulay orange na, dahil sa royal na ibinuhos sa kanya kanina. Napahinga ako ng malalim bago binuksan ang aking bag. Mabuti nalang at palagi akong may dalang extrang t-shirt. Reserba ko rin para sa tuwing mapagtitripan ako ay mayroon akong pamalit.
"Heto, gamitin mo muna." Sabay abot ko sa kanya ng shirt. Noon din ay nag-angat ito ng kanyang ulo bago napatingin sa akin.
Isang matamis na ngiti ang sinalubong nito sa akin.
"I-It's alright, miss. I-I have mine. Nagdala na ako ng extra dahil expected ko nang mangyayari ito." Mabagal na wika nito nang nakangiti parin habang nakatingin sa akin. "Sikat ang St. Wood na maraming estudyanteng bully eh." Dagdag pa niya.
Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapatulala at mapakurap ng maraming beses pagkatapos ng ilang segundo.
Shit lang! Ang ganda niya! Napakaganda niya kahit na nakasuot pa ito ng makapal na eyeglasses. Hindi ko magets kung bakit nagawa parin siyang i-bully ng mga babae kanina.
Napalunok ako at mabilis na napaiwas ng tingin mula sa kanyang mukha. Narinig kong natawa ito ng mahina.
At nakuha pa niyang tumawa sa kabila ng sitwasyon niya ngayon? Ayos lang ba siya?
"I'm Miyuki." Pagpapakilala nito sa akin bago inilahad ang kanyang kanang kamay. Sandaling tinignan ko muna rin ang kamay nito. Ang puti niya at ang kinis pa.
Bakit ba napaka unfair ng mundo? Tanong ko sa aking sarili bago nahihiya na tuluyang tinanggap ang kamay nito.
"J-Jennie." Pagpapakilala ko rin sa nahihiyang tono. Mataman na tinignan ako nito sa aking mukha bago muling napangiti sa akin.
"Jennie." Napapatango na sabi rin niya habang namumula na ngayon ang pisngi. Nakalimutan ko na hanggang ngayon pala hawak ko parin ang kanyang kamay kaya mabilis ko itong binitiwan at napakamot sa aking batok.
"See you around then, Jennie." Binigyan ako nito muli ng isang ngiti bago tuluyang tumalikod sa akin.
"S-See you, Miyuki." Paalam ko rin sa kanya.
"Just call me, Miyu." Nakangiti na pahabol nito at nag wave pa.
Pagkatapos ng pagtatagpong iyon ay agad na pumasok na ako sa gate ng University. Mabuti na lamang talaga at maaga akong pumasok. Hindi parin ako late dahil may ilang minuto pa bago tuluyang magsimula ang unang klase.
Oo nga pala, nasabi ko na bang nasa second year college na ako ngayon? BS Education major in Mapeh. Kahit naman palagi akong binubully, eh mahilig ako sa sports 'no? Sa arts at syempre sa dancing at singing na kami lamang ni Lisa ang tanging nakakaalam. Hindi katulad sa kanya na alam ng lahat kung gaano ito kagaling sa pagsasayaw at pagkanta.
Hindi ko nga rin alam doon kung bakit naisipan nito na kumuha na lamang din ng kursong kagaya sa akin. Sa totoo lang kasi mas maraming kurso ang nababagay sa kanya kaysa sa Education. Ako tuloy ang nahihirapan minsan sa mga desisyon niya sa buhay.
Habang naglalakad ako sa corridor patungo sa aking unang klase, kung saan kaklase ko rin si Lisa ,ay basta na lamang mayroong umakbay sa akin. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ito dahil alam ko naman na.
"Sabi ko na nga ba at mauuna ka na naman sa pagpasok." Wika nito habang napapailing pa.
Nagsimula na naman kaming tignan ng mga estudyante na aming nakakasalubong at nadadaanan. At andiyan na naman ang mga pamatay na tingin ng mga ito sa akin.
Hanggang kailan ba nila hindi matatanggap na bestfriend ako ni Lisa?
"Palagi ka talagang umiiwas sa tuwing nahuhuli mo kaming nagkikiss ni Brent." Natigilan ako sandali sa paghakbang noong marinig ko iyon. Agad na naramdaman ko rin ang pamumula ng aking mga pisngi.
"H-Hindi 'no?" Depensa ko naman sa aking sarili bago muling nagpatuloy sa paghakbang.
"Oh, really? Ni hindi ka nga makatingin sa mukha ko ngayon eh." Dagdag pa niya na halatang nang aasar.
Magsasalita pa sana akong muli noong may isang babae ang biglang humarang sa aming daanan habang mayroong hawak na isang slice ng cake. Mayroon din ditong nakasulat na 'I love you, Queen Lisa'.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lisa noong magbaling ito ng tingin sa babae.
"What is it this time?" Walang emosyon na tanong nito.
"Para sa'yo, Queen Lisa." Nakangiti na sabi 'nong babae bago tuluyang iniabot ang cake kay Lisa. Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil favorite ko ang flavor nitong blueberry cheesecake.
Walang sabi naman na kinuha iyon ni Lisa. Ngunit hindi man lamang nagpasalamat at agad na ipinasa niya ito sa akin nang mayroong matamis na ngiti.
"Your favorite." Sandaling napasulyap ako sa babae na nagbigay at hanggang ngayon ay nasa aming harapan. Tinitignan ako ngayon nito na sobrang talim.
"Lisa, bigay sa'yo yan. Hindi naman sa akin." Bulong ko rito bilang pagtatanggi kahit pa gustong-gusto ko na itong lantakan.
"Yes. And now I want to give it to you." Malakas na pagkakasabi nito na halatang ipinaririnig talaga sa babae, na hanggang ngayon ay tinitignan parin ako ng masama. "You know I HATE sweets." Dagdag pa niya na mayroong diin.
Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang biglang pagbusangot nang babaeng nagbigay nang cake, bago tuluyang nag walkout noong kunin ko ito mula sa kamay ni Lisa.
"T-Thank you." Nagniningning ang mga mata na pasasalamat ko at tuluyang napangiti.
"Good. Ngayon bati na tayo." Wika nito bago tuluyang nauna nang maglakad sa akin.
Napapailing na lamang ako habang sinusundan siya.
Nag-away ba kami? Naguguluhan na tanong ko sa aking sarili bago napakagat sa slice ng cake na aking hawak.
Haaaay. Heaven feels. Hehe.
---
Hindi na ako sumabay pa kay kuya at kay Lisa sa pag-uwi dahil mayroon pa raw silang date.
Well, hindi pa ba ako nasanay sa dalawang iyon?
Eh malamang sa malamang eh mag cecelebrate lamang sila ng kanilang monthsary ngayong araw.
Gamit ang aking bisikleta ay muling binaybay ko na ang daan pauwi. Mag papadeliver na lamang siguro ako ng pagkain para sa aking hapunan.
Nakakamiss na ang mga luto ni mama.
Kailan kaya sila uuwi? Tanong ko sa aking sarili. Nagbakasyon kasi ang mga ito kasama ang parents ni Lisa at ilang araw na rin mula noong hindi ko sila nakikita.
Awtomatiko akong napahinto nang mapansin ang isang babae na naglalakad sa may gilid ng kalsada. Kung hindi ako nagkakamali alam kong si Miyuki ang nakikita ko ngayon.
Nakasuot na ito ngayon ng mahabang skirt at puting fitted shirt parin sa pang itaas. Ang tangkad niya tuloy lalo kung tignan.
"Miyu!" Pagtawag ko rito ngunit hindi ako nadinig. Kaya naman walang nagawa na hinabol ko na lamang ito at muling nagpadyak sa aking bike.
Mabilis na huminto ako sa kanyang harapan nang maabutan ko siya. Agad naman itong natigilan noong makita ako. At kaya naman pala hindi ako naririnig sa aking pagtawag dahil mayroong nakalagay na earpods sa kanyang tenga.
"Jennie?" Nakangiting pag banggit nito sa pangalan ko at tila ba lumiwanag pa ang mukha nang makita ako.
"What are you doing here?" Nagtataka na tanong nito habang inaayos ang kanyang eyeglasses. Napakamot ako sa aking batok.
"Ah eh, pauwi na kasi ako. Mukhang same direksyon lang ang pupuntahan natin eh." Tugon ko naman. Napatango siya at sandaling napaisip.
"M-May gagawin ka pa ba?" Tanong nito atsaka agad na namula ang mga pisngi. Mabilis na napailing ako.
"Wala naman na---"
"Pwede ba kitang yayaing mag dinner?" Mabilis na putol nito sa akin. "Please?" Dagdag pa niya pagkatapos ay muling napangiti.
Sandaling pinagmasdan ko muna ito sa kanyang mukha. Mukha namang mabait si Miyu. Mukhang mapagkakatiwalaan din. Kaya wala naman sigurong masama kung susubukan kong buksan ang sarili ko para sa iba, hindi ba?
Wala naman sigurong masama kung susubukan kong makipagkaibigan. Isa pa, magaan ang loob ko kay Miyuki. Hindi ko alam kung bakit pero...
Ginawaran ko ito ng isang ngiti bago napatango.
"S-Sure!" Pagpayag ko sa kanyang kahilingan na siyang dahilan upang mas maging malawak ang kanyang pag ngiti.
Babies, magkakaroon tayo ng maraming POV sa story na ito. I hope it's okay with you. ;)