webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasia
Classificações insuficientes
57 Chs

Teaser 2 (the air i breath)

> CHELSA'S POV / NATE'S POV <

CHELSA: Nakahiga siya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Okay na akong makita siyang okay. Bumangon siya at papalapit siya ngayon sa bintana kung saan ako palihim na nakamasid sa kanya. Lumipad ako pataas para di niya ako makita. Naghintay ako nang ilang minuto dahil bago ako umalis, gusto ko siya muling makita.

Lumipad ako pababa. Natigilan ako. Nakabukas na ang bintana at nakatayo siya sa harap nito. Nagtama ang aming paningin. Nakatingin lang kami ngayon sa isa't isa kapwa may luha sa mga mata.

NATE: Nakita ko ang mga paang bumababa mula sa itaas. Naririnig ko ang mahinang pagpagaspas ng mga pakpak. Hindi ako nagkamali, si Chelsa nga. Hindi ko alam kung pa'nong madali kong nabuksan ang bintana ngayon? Para ba sabihing walang magiging hadlang kung gagawa ka ng paraan? Pero applicable ba yun sa sitwasyon namin? May tama bang paraan?

Nagtama ang aming paningin. Nakita kong nagulat siya. marahil hindi niya inaasahang makita ko siya. Nakatingin lang kami ngayon sa isa't isa kapwa may luha sa mga mata. Gusto kong tawagin ang pangalan niya.

CHELSA: Gusto kong tawagin ang pangalan niya.

NATE: Gusto ko siyang yakapin.

CHELSA: Gusto ko siyang yakapin.

NATE: Gusto kong sabihing mahal ko siya.

CHELSA: Mahal na mahal ko siya. Kung pwede lang talagang bumuo ng mundo para lang sa 'ming dalawa. Mundong walang kamatayang mamamagitan sa 'ming pagmamahalan. Mundong magsasama kami habambuhay.

NATE: Kung pwede lang kaming lumayo. Pumunta sa mundong maari kaming magsama at maiwasan namin ang kamatayan niya. Sana may mundong ganun, mundong pwede kong hawakan ang mga kamay niya habambuhay.

CHELSA: Pero walang mundong ganun. Walang mundong pwede naming puntahan at tatanggap sa 'min. Walang mundong makakapigil sa kamatayan ko.

NATE: Pero ito ang totoong mundo. Mundong hindi mo makukontrol ang mga pwedeng mangyari. Mundong puno ng kalungkutan. Mundong kapag sumuko ka, talo ka. At mundo rin na ipagpilitan mo man ang gusto mo at ipaglaban 'to, kung iba ang gusto ng tadhana, wala ka parin magagawa.

CHELSA: Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang salitang lumalabas sa bibig, walang pag-uusap sa isip. Iniwas ko ang tingin ko at unti-unting lumipad pataas. Sa mga tingin niya sa 'kin, parang nagpapaalam na siya. Sinusuko na niya ang pagmamahalan namin. Lumipad akong may ngiti sa mga labi pero patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

"Okay lang yan, Chelsa, na sumuko na siya. Para habang maaga pa matanggap na niya." nasabi ko sa sarili ko. Pero mananatili pa rin ako sa tabi niya, kahit hindi niya ako nakikita. Masiguro ko lang ang kaligtasan niya.

NATE: Parang pinupunit sa sakit ang puso ko. Mahal na mahal ko siya, pero mahal ko rin ang sarili ko. Siguro yun ang tamang dapat gawin, ang magpaalam at isuko ang aming pagmamahalan. Akala ko hindi ko iisipin ang sarili ko at pag-ibig lang namin ang mahalaga. Pero natatakot ako. Naduduwag akong isipin ang kamatayan ko. Wala akong lakas nang loob na harapin ang lahat ng ito. Napayuko na lang ako kasabay nang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.