webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasia
Classificações insuficientes
57 Chs

Chapter 6

> EDWARD'S POV <

I KNEW IT! I knew it! May something talaga, eh? Siya yung siyang yun! Excuse me girl? Endearment na kaya nila yun? So, si Nate, si Excuse me boy? Or Boy excuse? Or Mr. Excuse me? Pero di ko pa nakikitang magkasama ang dalawang 'to? Baka may secret place sila? Secretly dating? Kasi may Cristy pa si Nate? Pero di ko gets kung endearment man nila yun?

Kaya pala kahapon sa canteen lumapit 'tong si girl kay Nate? Napa-shit si Nate kasi gusto niyang walang maghinala sa kanila kaya pinaalis niya? At kaya pala nung nasa classroom kami nang nasa unahan sila ni Cristy iba yung titigan talaga nila, eh? May something, eh? Napansin ko yun, eh? At matagal ko nang napapansin 'tong si girl na patingin-tingin kay Nate.

At ngayon, iba na naman ang titigan nila? Ramdam ko, eh?

"Ummh!" tikhim ko. Napalunok-laway na lang ako sa sama ng tingin ni Nate. Parang gusto na akong upakan? Sasabihin na naman nito tamang hinala ako.

"Iniisip mo?" pabulong sa 'kin ni Nate na di bumubuka ang bibig. Halatang galit lumaki pa ang ilong ng Donatong 'to.

"Wala," at na una na akong lumabas. Sumunod na sa 'kin si Nate kaso kung saang direksyon siya naglalakad dun din yung direksyon nung girl. Mukhang di naman sinasadya? Hindi ba?

"Sorry." Narinig kong sabi nung babae. Sino na nga ba 'tong babaeng 'to? Shiela? Sheena? Hmp! Bahala sila dyan.

~~~

> EXCUSE ME GIRL'S POV <

MY STAR! YUN agad rumihistro sa utak ko ng makita ko siya ng papasok ako sa gate. Tapos ayun tugudog-tugudog na puso ko.

"Okay! Inhale! Exhale! Focus lang!" mahinang sambit ko.

"Sorry." Sabi ko. Pero sinasadya kong harangan siya. Landi ko ba? May gusto lang naman kasi akong ibigay sa kanya.

"Okay. Dito ako, diyan ka." Wow! Ang ganda talaga ng talking voice niya! Tinuro niya na sa kanan siya dadaan at ako sa kaliwa.

Pero wait! Pagkakataon ko nang ibigay 'tong gift ko. "F-For you!" at nakayuko akong inabot sa kanya itong loli-cake na hugis puso. Gawa pa namin 'to ng mama ko. Mahilig kasing mag-bake si mama.

"For me?" gulat siya. so unexpected naman kasi talaga. Nagulat siguro siya? Nakakunot-noo siya.

"Happy Valentines!" pasigaw na sabi ko.

"Yeah, Valentine's day ngayon. So, ba't mo ako binibigyan nito?" tanong niya nang kunin niya ang loli-cake. Di ko makita yung reaksyon niya. Nakangiti ba siya o salubong ang kilay pa rin? Nakayuko lang kasi ako. Pero ramdam ko ang coldness sa voice niya. Nahihiya ako! Pero Valentines nga kasi, ano ba?

"Dahil t-type kita." Hala?! Ano sabi ko?

Narinig kong napangisi siya. "Type mo ako?" parang natatawa siya? Sinabi ko bang type ko siya? Waaaahh! Sabi ko lalakasan ko loob ko. Pero di naman ganito kawalang-hiya!

"H-Hah!" nagulat ata siya nang mapalakas ang boses ko at nang bigla akong humarap sa kanya? Napaatras kasi siya.

"Sabi mo type mo ako?"

"T-Type kita?"

"Oo? Sabi mo?" napakunot-noo siya! Waaahh! Ano na kaya iniisip nito sa 'kin?

"Hindi! Type ko lang na bigyan ka!" palusot ko. Pero napalakas na naman ang boses ko.

"Palusot ka pa? Di naman ako magugulat kong type mo ako. Marami kayo." Nakangiting sabi niya. Ano daw? Nagyayabang ba siya? May pagyayabang ang tono niya, eh? Basted na ba ako? Waaahh! Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko! Parang gusto kong maihi! Sana bumuka ang lupa at lamunin na lang ako!

Palusot ako? Obvious ba ako masyado? Mute mode na. Di na ako nakapagsalita.

Pero bigla siyang ngumiti. "Thanks for your heart." sabi niya at tinaas yung loli-cake. Sweet ng ngiti niya. Ayun na, hawak na niya talaga ang puso ko! "Sa iba mo na lang yan ibaling." Pahabol niya at tinapik ako sa balikat! Waaaahh! Hinawakan niya ako!

Pero anong sabi niya? Sa iba ko na lang ibaling? Pilengero din pala siya? Pero tama ang piling niya! Di na ako makakilos. Nilingon ko siya pagkalabas niya ng gate pero wala na siya. Hay, Nate. Why so perfect malabs?!

~~~

> NATE'S POV <

"I KNEW IT! Sabihin na nating di mo siya type? Pero ikaw nga, type niya! Dumada-moves nga, eh! Sabi ko na nga ba may something sa kanya? Sino na nga ba siya? Kanina ko pa iniisip yun, eh? Chessa? Sisa? Sheila?" Naka-score na naman 'tong Edward na 'to sa hinala niya.

"Stop that nonsense! Wala namang bago dun. Marami naman silang type ako. Siguro isa lang yun sa mga fans ko." Saway ko kay Edward. Kanina pa kasi 'to, eh!

"Sabagay. Sa 'kin nga rin maraming nagkakagusto, eh." May kaya din 'tong pinsan kong 'to, eh. Kayabangan! "Pero, wait bro?" dadagdag pa?

"Ano na naman?" nakakunot-noong tanong ko.

"Ba't ka binigyan ng gift? At hugis puso, huh?"

"Oh, anong bago dun? May mga nagbibigay naman talaga ng gift sa 'kin, di ba? Sainyo nga rin, di ba? Tsaka Valentines ngayon, kaya heart-shaped."

"Oo nga. Pero sa birthday lang may nagbibigay sa 'min. Di pag Valentines?"

Oo nga, 'no? Napaisip naman ako dun. Wala pa bang nagbigay na fans sa 'kin sa Valentines? Parang meron na? Pero nagulat talaga ako kay Excuse me girl. Akala ko mahiyain yun at di pala kibo? Malakas din pala boses? Ano bang trip nun? O nanggugulo lang ng buhay yun?

~~~

"OH, SHIT!" KAMOT-ulo ko.

"Shit talaga!" kamot-ulo din si Edward.

Haist! Talagang shit! 9:00 am pa pala ang bukas ng flower shop na 'to? Eh, 8:00 am pa lang.

"Ano, maghihintay ka nang isang oras? Kasi ako, hindi. Balik na ako sa school." Ani Edward.

"Wow! Thanks sa suporta!"

"You're welcome, bro!" at nag-you're welcome pa talagang ungas na 'to!

Yun, ending naglakad kami pabalik sa school. Marami naman nagtitindang bulaklak sa tabi-tabi. Kaso maarte si Cristy pagdating sa mga gifts na matatanggap niya. Kahit ano basta pricey. Di niya naman sinasabi sa 'kin na dapat ganun. Eh, sa reaksyon niya malalaman mong ganun, eh. Ba't ba kasi nakalimutan ko ang araw na 'to? Pero di talaga ako nakaramdam ng excitement sa araw na 'to, eh. Siguro ganun talaga kapag medyo matagal na kayo. Halos dalawang taon na rin kasi kami ni Cristy.

"Yan na lang kayang ibigay mo? Total ayaw mo naman ibigay sa 'kin yan." suggestion ni Edward na ang tinutukoy yung loli-cake. Maganda naman talaga 'tong loli-cake na 'to at mukha naman mamahalin at masarap?

"Sigurado ka?" tanong ko. Di ko kasi sure kung pwede na 'to. At isa pa, bigay lang 'to sa 'kin.

"Pwede na yan. Tapos yayain mo na lang mamayang gabi na mag-date kayo? Tamang-tama may card yan. Isulat mo na dyan na 'mamaya sunduin kita'. Yun, ganun." Husay.

"Pwede. 'Lam mo maaasahan ka talaga dyan." Pagsang-ayon ko.

"Pa'no ka na lang kapag wala ako?" May kaya talaga 'to, eh.

"Saan ko naman siya dadalhin? Alam mo naman di ako mahilig sa ganun. Wala akong gaanong alam dyan."

"Ang alam mo lang kasi mang-chicks. Wala ka naman alam sa pagiging sweet. Magpaka-romantic ka naman minsan, bro!" nagparinig pa! Pero tama naman siya. Sa relasyon namin ni Cristy, si Cristy ang mas nag-e-effort. Ewan, siguro di lang talaga ako showy? "Kay Nicole na lang kayo. Mag-set up ka dun. Pwede naman ako ang mag-set up, bigyan mo ako ng budget." Mukhang pera nga din pala 'tong ungas na 'to.

Si Nicole nga pala, di siya tao. Tambayan namin yun na nasa tapat lang ng school. Pag-aari nina Edward yung building, sa baba, convenience store nila at sa taas, yun si Nicole. Pinangalan ni Edward sa girlfriend niyang namatay sa car accident, kaya ganyan yan. Kung ano-anong naiisip na kwento, karamihan sad story at talagang masyadong madrama. May pinaghuhugutan kasi. Natulala yan ng ilang buwan at minsan makikita na lang namin na umiiyak. Hanggang ngayon, basta nakainom hagulhol yan lagi.