webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasia
Classificações insuficientes
57 Chs

Chapter 48

SI EDWARD HABANG kumakain, kanina pa patingin-tingin sa paligid. Umaasang makikita ang chat-mate niya. Kapag may nakikita siyang babaeng kakulay ng kanyang damit, lumiliwanag ang mukha niya. Kaso may kasama ito at iba ang design sa suot niya. Napapakamot-ulo na lang siya sa dami nang kakulay ng damit niya. Epic fail! Nasa isip niya pa naman na di siya mahihirapan hanapin si AnnieMAZING. Sa laki ng school nila at daming estudyante, good luck sa kanya.

"Guys, una na ako." Paalam niya sa mga kasama nang matapos siyang kumain. Yung subo niya tatlong subo sa pangkaraniwang tao, pati na yung bilis nang pagnguya niya.

"Hahanapin mo na siya?" tanong ni Jasper. Tumango lang siya.

"Good luck, bro!" sambit ng tropa niya.

"Pakilala mo agad sa 'min, hah?" nakangiting ani Cristy.

"At ipi-friendship namin siya." May kilig na sabi ni Lhyn.

"Sana nga lang babae yan." Biro ni Zab.

"O mukhang tao man lang." dugtong ni Kyle.

"At di babaeng mukhang lalaki!" dugtong pa ni Karl at pinagtawanan siya ng mga ito.

"Haist!" sinamaan niya ng tingin ang mga ito at umalis na siya. Napaka-supportive talaga ng tatlong yun. Naiisip niya din naman kung ano kaya ang hitsura ng ka-chat niya. Pero mas excited siyang makilala ito at makausap nang personal. At maging kaibigan at mauwi pa sa ka-ibigan.

What is love? yun ang pakiramdam na ibibigay mo sa isang tao kahit di mo pa lubos na kilala dahil napapasaya ka niya. Na minsan, sana di mo na lang ibinigay. Dahil madalas, may mga expectation tayo na di nauuwi sa reality.

~~~

NAPAPAYUKO SI CHELSA sa mga titig ni Nate. Mga titig na kinakikiligan niya. Kaya di siya makakain nang maayos at naku-conscious na rin siya. Dinala ni Chelsa ang nobyo sa garden na lugar kung saan siya noon madalas mag-isa. Nasa likod ito ng main school building na nagsilbing taguan niya para makaiwas sa mga bully. Takot kasi siya noon sa mga classmate niya maging sa ibang schoolmate nila, at kahit ngayon naman. Tapat lang halos ito ng classroom nila na nasa third floor. Nagustuhan niya rin sa lugar na yun dahil maraming paruparong naliligaw doon. Damuhan iyon at may mga mataas na planter box kung saan nakatanim ang mga flowering plants. At may malaking puno ng acacia na nagsisilbing lilim sa lugar kung nasaan sila.

Naglatag sila ng mat sa damuhan. Para silang nasa park na nagpi-picnic lang. May isang litro sila ng soft drinks at mineral water. Nagdala siya ng creamy pasta carbonara na niluto nila ng mama niya at loli-cake na request ni Nate dahil di nito natikman yung loli-cake na bigay niya nun. Siya na rin ang nagdala ng disposable plates, cups and spoon and fork. Na-assigned kay Nate ang fried chicken. Na tinake-out lang nito sa isang fast food chain. Bumili na rin ito ng dalawang hamburger.

Isa sa list yun ni Chelsa na gagawin nila ni Nate for one month. Kaya nga naisip nilang gawin yun.

#4. MAG-PICNIC KAMI NI NATE.

"Bakit ba?" tanong ni Chelsa kay Nate nang di pa rin siya tinantanan ng titig nito.

Ngumiti lang ang binata. "Wala, ang sarap lang kasi nito." Sagot nitong ang tinutukoy ay ang carbonara sa platong kinakain nito.

"Wag mo nga ako! Ano ba kasi yun?" inis ng tanong niya.

At ngumiti lang ulit ito. "Ikaw pala yun?"

"Ang alin?"

"Yung weird na girl student dito. Sa bench na yan." inginuso ni Nate ang upuan sa tapat nila na nakadit sa isang planter box.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Madalas akong sumisilip sa bintana doon sa room natin. Nakikita kita rito. Nakikipaglaro ka sa mga paruparo." Sumeryoso ang mukha nito. "Di ko alam classmate ko pala? Kung alam ko lang na ganyan ka kaganda, sana noon pa ako nagpakilala." Pinunas ng thumb nito ang sauce ng carbonara na kumalat sa labi niya at isinubo ito.

"Wag mo nga ako! Di ba, naupo na tayo d'yan?" kunwari pa, pero kilig to the spinal cord siya. "Pero ako, matagal na kitang tinatanaw mula sa malayo."

"Di na ako magtataka." May pagyayabang sa tono ng kasintahan.

"Alam mo 'pag kasama kita nabubusog ako sa kayabangan mo?" tinawanan lang siya nito sa pahayag niya. "Siguro di mo na naaalala? Pero una tayong nagkita sa CR ng boys."

Napakunot-noo ito. "What? Seriously?" di makapaniwalang tanong nito. "Hell, wait?" may kung anong naiisip ito. Pero masisisi mo ba si Nate sa sinabi ni Chelsa?

Natawa siya sa reaksyon nito "Hoy, Nate! Wag kang mag-isip nang kung ano, hah?" ngisi niya at tinutukan niya ito ng tinidor. "First day ng class nun – " Medyo may hiyang pagsisimula niya ng kwento.

Daming tawa ni Nate mga 40 to 49, nang matapos ang kwento niya tungkol sa una nilang pagkikita. Pero di nito naaalala ang pangyayaring yun. Nag-flashback lang sa utak ng binata ang moment na yun habang kinikwento niya ang araw na yun. Kung di yun naaalala ni Nate at parang wala lang dito ang araw na yun. Para naman kay Chelsa, best first day in school ever yun in history of human race!

"You're such a crazy girl! Really, yun ang nangyari? That was our first meeting? Woah?" halos mabulunan ito sa kakatawa. Siya naman namula na lang sa hiya.

"Tama na nga!" saway niya.

"Pero cute yun, hah?" tapos tawa na naman ito. "So, kaya star ang tawag mo sa 'kin kasi nang makita mo ako kumiskilap-kislap?" tumango siya. "At dahil yun sa tubig, kasi naghihilamos ako nun? At tinamaan ka na sa 'kin nun? Well, di naman kita masisisi. Starting that day, naging stalker na kita?"

"Hoy, grabe ka! Crush-crush lang naman! Kung maka-stalker?" napasimangot siya.

"Then, naging love?" pagyayabang nito. At tumango naman siya. Kaya ayun, pinagtawanan siya ulit. "Tama, naaalala ko na. So, ikaw pala ang weird na babaeng yun na nasalo ko at nahimatay? Ilang araw din akong napapangiti matapos ang araw na yun kapag naaalala ko. Laging pumapasok sa isip ko ang babaeng yun. Gusto ko nga siyang kamustahin, kaso di ko matandaan mukha niya. At ikaw pala siya at classmate ko lang pala?" abot taingang ngiti nito. "Wow!" Makahulugan siyang tinitigan nito. "Amazing, right?" at hinawakan nito ang kamay niya.

"So, hinanap mo ako nun?" may kislap sa mga mata niyang tanong.

"Wag kang assuming." Smirked ng nobyo. Napangiwi siya at sinamaan ito ng tingin. At muli lang siyang pinagtawanan. "Aalamin ko lang naman yung lagay nung babae, which is ikaw nga. Yun lang. Gusto ko na ngang tanungin si kuyang janitor kung kumusta na yung babaeng dinala niya sa clinic? Kaso di ko siya matyempuhan, hanggang sa nakalimutan ko na lang."

"Kuyang janitor?" gulat na tanong niya.

"Oo. Yung bumuhat sa 'yo papuntang clinic."

"Di ikaw ang bumuhat sa 'kin?"

Umiling-iling ito. "Hindi. Iniisip mong ako ang bumuhat sa 'yo?" tapos tawa ito. "Sobrang pagod ko kaya nun. Kaya nga napahilamos ako kasi sobrang pinagpawisan ako. Na flat kasi gulong nung car ko at ako nagmamaneho. Tinakasan ko lang kasi yung driver namin para magpasikat dito sa school. Ayun, karma agad. At ba't naman kita bubuhatin nun?"

"All this time, akala ko ikaw nagbuhat sa 'kin. Kinikilig pa naman ako kapag naiisip kong binuhat mo ako! Para akong trinaydor ng memory ko. Wala na." disappointed much siya at talagang bumagsak pa ang balikat niya. History ruined. As usual, ano pang aasahan n'yong magiging reaksyon ni Nate. Ayun, hawak sa tiyan sa kakatawa. Napalamon na lang si Chelsa ng hamburger.

"Alam mo ba kung ano ang tawag ko nun sa 'yo?" biglang seryosong tanong nito sa kanya.

"Miss beautiful?" diretsong sagot niya.

"Haist! Wag ka ngang epal!" napasalubong ang kilay nito. "Excuse me girl. Yun ang tawag ko sa 'yo." Nakangiwing sabi nito.

"Excuse me girl?" simangot na ulit niya. Nakakalokong ngiti lang ang isinagot nito sa kanya.

Ikwenento ni Nate kay Chelsa ang dahilan. Minsan na niyang narinig na ang tukoy sa kanya ng binata ay Excuse me girl, at matagal niya ring gustong malaman kung bakit.

"Grabe! May classmate palang tulad mo na nag-e-exist sa mundo?" sita ni Chelsa kay Nate nang matapos ito magkwento sa dahilan kung bakit Excuse me girl ang tawag nito sa kanya. Halos patapos na kasi ang school year di man lang siya kilala nito. Pero di rin naman niya masisisi ang nobyo. Pala-absent siya at loner pa. "Di parang na-love at first sight ka sa 'kin nun? Kasi nagulo ko buhay mo simula nang araw na yun?" may pagmamataas na sabi niya.

"Nawerdohan lang ako sa 'yo nun. Wag kang piling." Smirked ng binata.

"Like love, ang weird kaya ng pag-ibig." Ngiti niya. Isang matamis na ngiti rin ang ibinigay nobyo sa kanya at inalis nito ang tali niya sa buhok kaya naman bumagsak ang malambot niyang buhok patakip sa kanyang mukha. "Akala ko ba gusto mo nakatali lang buhok ko?" tanong niya.

"Na-miss ko lang ang looks mong yan. Ang weird na si Excuse me girl." Nakangiting sagot nito at ginulo nito ang buhok niya. Aaaaww…

"Ngayon ano nang tawag mo sa 'kin?" pa-sweet niyang tanong.

"Ano bang gusto mong tawagan natin?"

Ngumiti siya. "Mas gusto kong binabanggit ang Nate." Sagot niya.

"Ako rin," bahagyang kinurot nito ang kanang pisngi niya. "mas gusto kong tawagin kang Chelsa." ngiti nito. Another, aaaww…at nagtulakan pa ang dalawa na parang mga kulang sa aruga.

Ang epic, biglang kumidlat at nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan. Umambon-ambon na't buti tapos na silang maglandian, este kumain ng lunch. Mabilis silang nagligpit at hawak-kamay na tumakbo papasok ng building. Di maalis ang ngiti sa kanilang mga labi at animo'y huminto ang oras habang tumatakbo sila sa ulanan. Yung tipong parang music video lang. Hay, naman! Love is in the air nga naman. May ilang swerteng nalanghap ito at may ilang polusyon sa hangin pa rin ang nasisinghot kaya bitter.

What is love? Yung simpleng pakiramdam na magpapaguhit ng ngiti sa labi mo kahit sa mga walang sense na bagay.

~~~

MAAGANG NATAPOS ANG klase, di pa rin humihinto ang pagbuhos nang malakas na ulan. Buhos ng ulan na gustong sabayan ng pagluha ni Edward. Dahil di niya nahanap ang chat-mate niya. Kung saan-saan na siya naghanap at halos malibot niya na ang buong campus. Ayaw niyang magpatulong sa iba, dahil iniisip niyang if destined na magkita sila at fate nila yun, magkikita at magkikita sila. At mukhang nag-day off si destiny at walang pagtatagpong mangyayari sa kanila. Napa-sighed at sad smiled na lang ang nagawa niya pagkatayo niya ng upuan niya.

"Bro, mauna na kami. Sure kang magpapaiwan ka pa?" Ani Nate sa kanya nang tumila na ang ulan sa labas. Sila na lang kasing tatlo nina Chelsa ang naiwan sa classroom nila. Tumango lang siya at nginitian ang mga ito. Kanina pa siya nakatayo lang at nakatanaw sa bintana. "Baka naman maisip mong tumalon d'yan? Mataas din yan." Biro pa nito sa kanya.

"Ikaw unang mumultuhin ko." Pabirong sagot niya. Ngumiti lang ito at tinapik siya sa balikat at naglakad na ito palabas.

"Bye, Edward." Paalam sa kanya ni Chelsa at sumunod na ito kay Nate.

Nilibot niya ang paningin sa buong ng classroom. Malalim na napabuntong-hininga siya. Mag-isa na lang talaga siya. Muli siyang naupo at walang buhay na sinubsob ang mukha sa arm chair. Nakadilat siya at nakatingin lang sa kawalan. Di lang pala 'tamang-hinala king' 'tong si Edward. 'Emo king' pa. Kapag pinagtripan ka nga naman ng reality.

~~~

"AYOS LANG BA talagang iniwan natin siya dun?" tanong ni Chelsa kay Nate na ang tinutukoy ay si Edward nang nasa labas na sila ng campus at hinihintay ang papa niya para sunduin siya.

Ngumiti si Nate. "Wag mong isipin yun. Di sira ulo nun. Ganun lang talaga siya kapag may dinaramdam. Sanay na kami sa kanya. Kaya nga yung ibang tropa namin hinayaan na lang siya, di ba? Gusto lang talaga nun mapag-isa sa mga ganitong sitwasyon." Sagot nito.

"Sobrang lungkot niya kasi." Pag-aalala niya.

Inakbayan siya ng nobyo at bahagyang niyakap. "Okay lang ang taong yun. Maya-maya lang nun, makikikulitan na yun. Ako nga rin malungkot, eh." Medyo naging paawa effect ang tono nito.

"Bakit?"

"Uuwi ka na ba talaga? Ang aga pa kaya. Sabado bukas, di kita makikita. Tapos may Linggo pa." asal bata ito.

"Tumigil ka nga." Natawa siya. "Ayan na nga si papa, oh." Nginuso niya ang pulang kotseng paparating. Inalis ni Nate ang pag-kakaakbay sa kanya at napakamot-ulo na lang ito.

"Okay." Simangot nito.

"May Lunes pa naman." Sambit niya. "Bye, Nate." Tumakbo na siya sa nakaparadang kotseng sundo niya. Nag-waved ito ng goodbye sa kanya bago siya pumasok ng kotse. Pagkapasok niya di mawala ang ngiti sa labi niya.

"Mukhang napakasaya ng prinsesa ko, hah?" nakangiting puna ng kanyang ama.

"Napakasaya po talaga, pa. Thank you po at pumayag kayong maging kami." Aniya. Tumango lang ang kanyang ama.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin niya sa rearview mirror ang malungkot na mukha ng kanyang ama na kanina lang ay nakangiti sa kanya. Mukhang napakalalim ng iniisip nito na nagpakaba sa dibdib niya at nabalot ng mga katanungan ang isip niya habang nasa byahe sila dahil sa katahimikan ng papa niya.

~~~

PINILIT NI EDWARD ngumiti pagkalabas niya ng classroom at isinara ang pinto. Palingon-lingon pa siya sa paligid at nagbabakasakaling makita si AnnieMAZING. Pero mukhang wala ito sa mga nakikita niya.

Palabas na siya ng gate nang marining ang bulungan ng dalawang babaeng estudyante na nakasabay niya sa paglalakad.

"Parang couple shirts si Edward at si Annie?" tanong ng isang babae sa kausap nito.

"Oo, nga." pagkumpirma naman ng isa.

Parang lumaki ang tainga ni Edward sa narinig at nakakita siya ng invisible light sa gitna ng makulimlim na hapon na yun. May fireworks pang tila nag-appear sa likod niya at nabuo ang 'PAG-ASA' na salita mula sa liwanag. OA lang.

"Anong sabi n'yo? Annie? At parehas kami ng damit?" tuwang-tuwa niyang tanong sa mga ito.

"O-Oo." Sabay pang-nauutal na sagot ng dalawa dahil nagulat ang mga ito nang biglang kausapin niya.

"May 'looking for him' ang tatak ng damit niya at parehas kayo ng kulay." dagdag nung isa na lalong nagpangiti kay Edward.

"Nasaan siya?" excited na tanong niya.

Agad siyang tumakbo pabalik ng school building matapos sabihin ng dalawang babae kung nasaan ang tinutukoy ng mga ito na kapareha niya ng damit na nagngangalang Annie. Classmate ng dalawa ang babae at naiwan itong mag-isa sa classroom nila. Bago siya umalis, nagpa-picture pa sa kanya ang dalawa. Niyakap niya pa ang mga ito sa sobrang pasasalamat. Minsan talaga di mangyayari ang bagay na hinahangad natin sa nais nating oras. May timing sa bawat happening. Well, baka ito pa lang ang time na dapat magkita sila. Ramdam niya na ang expectation niya ay malapit nang maging reality.