> LHYN'S POV <
RAMDAM KO ANG sobrang galit ni Cristy. Nagawa niyang manakit. Di naman siya ganun – nananakit siya kapag inunahan. Pero di siya nananakit ng basta, di naman kami bully. Kanina sobrang napahiya pa siya sa harap nina Carly, na mortal namin kaaway.
"Nakakainis! Wala akong nasabi. Anong sasabihin ko dun? Talo ako. Ako ang loser ngayon. Dahil sa Chelsa na yun!" iyak niya. Narito kami ngayon sa bakanteng classroom.
"Let go. Di mo naman kailangan makipagkompitensya sa kanya." Sabi ko. Actually, kanina ko pa siya pinapakalma.
"Napahiya ako sa harap nina Carly. Nakakairita!"
"Cristy, naman. Di natin sila ka-level. Kaya hayaan na lang natin sila."
"Hindi ako papayag! Ipapahiya ko sila! Yang Chelsa na yan, ilalagay ko siya sa dapat niyang kalagyan! Ambisyosa siya!"
"Mananakit ka na naman? Hindi natin gawain yun, di ba? Hanggang salita lang tayo. Tsaka kapag tayo yung inunahan."
"Pero inunahan na niya ako, di ba?"
"Pero…"
"Basta. Kasalan niya 'to!"
"Okay," Okay na lang. Baka kasi pati sa 'kin magalit pa siya. "Maiba ako. Magkakabalikan pa naman kayo ni Nate, right?"
"Of course! He loves me kaya! Naguguluhan lang siya."
"So, wala na tayong dapat gawin."
"Tama. Wala na tayong gagawin. I did my part, para ipaalam sa Chelsa na yun kung gaano ako kagalit sa kanya. Ngayon, si Nate naman."
"Anong balak mo?"
"Magpapaka-girlfriend." Napa-smile na siya. Pero naging seryoso ulit.
"Hey?"
"Napansin mo ba yung damit ni Chelsa?"
Lagot! Akala ko di niya mapapansin yun? Parang kay Nate kasi yun? Sana hindi. "Ang alin? Yung t-shirt niya? Bakit?" maang-maangan ko.
"Wala." Tapos nag-smile siya. For sure di lang wala yun. Naningkit kasi yung mga mata niya. Mahal ko ang friend ko. Kaya ayaw ko siyang gumawa ng bad. Di cool sa 'kin yun.
~~~
> CRISTY'S POV <
I'M SURE KAY Nate na shirt yun pati yung towel sa roof top. Sabi na nga ba. Dahil nabasa si Chelsa? So, parang lalo ko pa silang pinaglalapit? Kaya change strategy ako. Ako ang victim. Paawa effect na lang talaga. Bahala na si Joyce para kahit papaano makita kong nagdurusa ang babaeng yun. Total wala naman idea si Nate na may kinalaman ako dun.
At ngayon, kailangan ko pang humingi ng tulong sa iba. Tingnan ko kung hanggang saan sila dadalhin ng nararamdaman nila. May tinawagan ako sa phone ko. "Hi?" ako sa kausap ko sa kabilang linya. Halata sa boses niya na nagulat siyang tinawagan ko siya.
Nag-usap kami nang mabilisan lang at agad kong pinutol ang tawag.
"Sino yun?" tanong ni Lhyn. Lumayo kasi ako sa kanya para di niya marinig.
"Don't mind it." Nakangiting sagot ko. "Tara na?" yaya ko sa kanya para bumalik na kami sa classroom.
Pagpasok namin sa room ni Lhyn, wala pa sina Nate. Si bruhildang Chelsa nandun na. Nag-smile ako sa kanya. Sad smile syempre at pinakita ko sa lahat ng classmate namin.
Ilang saglit pa dumating na sina Nate. Smile ako kay Nate. Medyo nagulat pa siya sa pag-approach ko. Tapos pag-upo niya sa tabi ko, hinawakan ko ang kamay niya. Nasasaktan ako sa reaksyon niya. Para akong strangers na bigla siyang hinawakan. Pero nakangiti lang ako. I don't deserved this! Bigla-bigla na lang parang di niya na ako kilala? Ganun ba talaga yun? Di niya ba alam na nasasaktan ako?
Over ka na Nate! Talagang nagbago ka na! Anyare ba talaga? Sobrang sakit na talaga ng ginagawa mo! Ngitngit ko sa isip ko. Gusto kong maluha.
Di ko talaga alam kung ano ang dahilan. Ang sabi niya lang nawala na ang love niya para sa 'kin – tapos love niya na si Chelsa? Ganun lang ba kadili yun? Last week lang nag-I love you pa siya. Pero ngayon parang di na niya ako kilala?
Does love really exist? Or parang isang simpleng pakiramdam lang yun tulad ng gutom – na kapag kumain ka mawawala na?
~~~
> NATE'S POV <
ANONG TRICK 'TO? Natanong ko sa isip ko nang biglang hawakan ni Cristy ang kamay ko. Tapos nakangiti siya sa 'kin. Kahapon lang, pati kanina dama ko yung galit niya. Pero ngayon parang bumabang anghel siya galing langit. Minsan talaga parang di ko na siya kilala? Nalaman ko pang kasabwat niya si Joyce para i-bully si Chelsa. I admit may mali ako. Pero nagpakatotoo lang ang sa nararamdaman ko. Mas mali naman sigurong paasahin ko siya, to pretend that we're okay and I love her. Now, only love her as a friend.
~~~
LUNCH BREAK.
"Babe, let's go!" si Cristy habang hawak ang kamay ko at pinapatayo ako.
Babe? Seriously? Napakunot-noo ako pero nag-smile na lang din ako. Pero ano bang trip niya. Halata kasing nilakasan niya pa boses niya. Gusto niya bang marinig ni Chelsa yun? Yung tropa nakatingin sa 'min lahat at halos lahat ng classmate namin. Kaya tumayo na lang ako at hinila ako ni Cristy palabas ng classroom. Sumunod naman ang mga kaibigan namin.
Paglabas ng room habang naglalakad kami papuntang canteen, hawak niya pa rin ang kamay ko. Gusto kong bitawan ang kamay niya. Dahil may ibang kamay na akong gustong hawakan. Pero sige, siguro kailangan niya pa ng konting oras. Literal na oras lang. Dahil di matatapos ang araw na 'to na di ko bibigyan closure ang tungkol sa 'ming dalawa. Nasaktan ko siya – kailangan ko munang unawain yun.
Hanggang makaupo na kami sa canteen hawak pa rin ni Cristy ang kamay ko. Kakain na kami't lahat-lahat, di pa rin niya ako binibitawan. Pinagtitinginan pa rin kami tulad kanina – halos lahat natutuwa. At siguro yung iba, iniisip na nagpapapansin lang kami, na hoaxed lang yung break up namin.
"Babe?" susubuan sana ako ni Cristy. Pero tumanggi ako at inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ako na… Cristy." Diretsong sabi ko. At nag-umpisa na akong kumain.
"Okay," yun lang ang naging tugon niya. Pero di ko na tiningnan ang naging reaksyon ng mukha niya – basta kumain na lang ako.
Di rin ako makatingin sa tropa. Lahat kami kumain na lang nang tahimik. Nakakapanibago dahil walang usapan, kulitan at asaran. Pero ang totoo niyan, hinihintay ko lang naman silang kausapin ako about sa isyu namin ni Cristy. Di ko kasi alam kung pa'no i-open up ang topic na yun. O kaya man lang sana si Cristy na mismo mag-confirm sa tropa na talagang wala na kami. Hindi yung ganito na parang kami pa kung umasta siya.
Haist! Nakakabadtrip! Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmasid sa paligid. Umaasa kasi akong makikita si Chelsa – pero wala siya. For sure nasa classroom yun nagla-lunch. Naisip ko na sana makasabay ko rin siyang mag-lunch dito sa canteen kasama ang tropa. O kaya kaming dalawa dun sa classroom.
"Saan ka punta, babe?" tanong ni Cristy pagtayo ko. Napatingin na lang ako sa kanya. Di talaga ako makapaniwala sa inaasal niya.
"CR lang ako, Cristy." Sagot ko lang. Pinagdidiinan ko na ang pagtawag ko sa kanya sa pangalan niya – sana mahalata niya.
~~~
PAGLABAS KO NG restroom, may mga bulungan. Di ako makapaniwala nang makita ko ang dahilan ng bulungan – ang grupo nina Kristan kasama si Chelsa. Shit! Ano na naman 'to? Nung prom alam kong magkakasama sila. Pero nung Monday nang makita kami ni Kristan, alam kong masama ang tingin niya kay Chelsa. Tapos sa nakaraang dalawang araw, di ko naman napansin na sumama si Chelsa sa grupong yan. Haist! Trick din ba 'to?
Parang gusto ko siyang ilayo sa mga yun. Kaso yung tropa ko nakatingin na sa 'kin. At naisip ko rin na baka nag-o-over think lang ako. Baka naman nagalit lang si Kristan nun kasi nga kasama ako ni Chelsa. Sana lang talaga wala silang masamang binabalak. Magkadurugan na ng mukha.
Tumuloy na ako sa table namin at naupo. Pasulyap-sulyap ako kay Chelsa. Haist! Ano bang trip ng Kristan na yun? Ba't paakbay-akbay siya kay Chelsa?! Okay, relax, Nate. Pakalma ko sa sarili ko. Tapos balik kain na ako. Pero nakakairita talaga ang mga taong yun!
"Shit!" mahinang nasambit ko. Tinginan ang tropa. "Shit, ang tigas ng karne!" palusot ko na lang habang ngumunguya. Haist! Nakakaselos, hah! Nasabi ko sa isip ko habang hawak nang mahigpit ang baso sabay inom.
~~~
> CHELSA'S POV <
***FLASHBACK
SARAP NA NANG kain ko nang biglang dumating sina Carly at Evy sa classroom. Hinila nila ako palabas tapos naroon sina Kristan. Naka-smile sila lahat sa'kin na parang walang nangyaring pilian kanina.
"Welcome to our group!" masayang bati ni Kristan. Tapos nag-alok siya ng shake hands.
Nakipagkamay din sa 'kin yung iba, wala na akong nasabi. Naguguluhan ako. Iba ang pakiramdam ko. Naku naman!
"Natatakot ka pa rin ba sa 'kin?" Tanong ni Kristan. "Initiation lang yun. Trip lang namin bilang pag-welcome sa 'yo sa group namin." Nakangiting pagpapatuloy niya nang di ako sumagot.
"Tara, Chelsa! Lunch tayo treat ka namin!" masayang alok ni Carly at hinila nila ako papuntang canteen.
Habang naglalakad, nakwento nila ni Evy na wala silang alam sa balak nina Kristan. Natawa na lang daw sila nang hilingin ni Kristan na sunduin ako at nang sabihin ngang trip lang yung galit-galitan sa 'kin. Pero, trip lang ba talaga yun? Pa'no yung nangyari nung prom? Nung hawakan niya ako nang mahigpit sa braso at itulak. Alam kong may ibang ibig sabihin 'to. Pero sige, go with the flow.
***END OF FLASHBACK
~~~
NANDITO NA NGA kami sa canteen. Nag-order kami ng iba't ibang klase ng ulam. Lahat sigurong putahe sa counter nandito na sa table namin. Ano 'to fiesta? In fairness, akala ko kasi pasta at burger lang ang ipapakain nila sa 'kin. Pero iba pa rin talaga pakiramdam ko – pangiti-ngiti na lang ako. Nakita ko si Nate, kahit papaano, nakaramdam ako ng security.
Naguguluhan talaga ako sa pinapakita sa 'kin ni Kristan. Ang sweet ng mga ngiti niya sa 'kin. Katabi ko siya at may paakbay-akbay pa. Assuming pa naman ako. Like niya ba ako? O utos na naman 'to ni Cristy? Sana naman wag mag-isip ng kung ano si Carly.
"Chelsa, try mo 'to." Suggest ni Kristan at inabutan ako ng karne. At di lang nilagay sa plato ko. Sinusubuan niya ako. Ako naman si nganga, ngumanga sabay subo. "Masarap?" tanong niya.
Tumango ako. "Wala bang lason 'to?" tanong ko habang ngumunguya. Natawa lang sila sa 'kin.
Hay! Ba't ba kasi di ako makabasa ng isip? Yung mga chismosa sa paligid parang mga bubuyog. Ang landi na siguro talaga ng tingin sa 'kin ng mga schoolmate ko? Naku naman!
ANO BANG GINAGAWA MO DYAN? MAY PASUBO-SUBO PA, HAH?!
Nagulat ako nang marinig ko ang tinig na yun sa isip ko. Kilala ko kung kaninong tinig yun. Kinakausap niya ako. Parang gusto ko siyang lingunin. Napapangiti ako. Nagseselos ba siya? Gusto ko siyang kausapin – kaso baka mag-freak out siya.
AT PARANG TUWANG-TUWA KA, HAH?!
Natawa ako sa narinig kong sinabi pa ni Nate. Napatingin sina Kristan sa 'kin.
"Bakit?" tanong ni Carly. Umiling lang ako at pinigil ang tawa ko.
"Chelsa?" tawag ni Kristan. Tawag na para bang nanunuyo.
Di lang tuloy ako ang napalingon – kundi lahat kami sa table. Hindi ako sumagot – nakatitig kami sa isa't isa. Ba't ganito siya makatingin? Si Cristy ba ako? Lagkit, hah!
"Ba't natahimik ka?" sabi niya pa. Napalunok tuloy ako. Nilapit niya kasi mukha niya. "Pwedeng manligaw?" diretsong tanong niya.
Natawa ako. Pero pinilit ko lang matawa. Hay, ano 'to? "Lakas ng trip mo!" natatawang sabi ko. Tapos hinawi ko yung mukha niya palayo sa 'kin.
Paglingon ka kay Carly, nakatawa din siya. Pero yung tawang di sinabayan ng mga mata. Kita kasing may mga katanungan din sa kanya.
"CR lang ako." Paalam ni Carly at bigla siyang tumayo. Sinundan naman siya ni Evy.
Sana wag bigyang kahulugan ni Carly ang sinabi ni Kristan. Yan ang pumasok sa isip ko. Mukha kasing na-offend siya.
"Ano, pwede ba?" seryosong tanong ulit ni Kristan. Natawa lang ulit ako. Napatingin ako sa tatlo pero di sila makatingin sa 'kin. I feel something fishy talaga!
"Kristan, wag mo nga akong pagtripan!" natatawang sagot ko. Tapos hinampas ko siya sa balikat.
AKALA KO PA NAMAN AKO LANG HINAHAMPAS MO NANG GANYAN!
Narinig ko na naman sa isip ko yung tinig ni Nate. Selos siya? natanong ko sa isip ko.
WAG KA NGANG FLIRT!
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya. At nakatingin nga siya sa 'kin habang umiinom ng tubig. Medyo malayo siya, pero kitang ang sama ng tingin niya. Gumanti naman ako ng sama ng tingin.
HINDI AKO FLIRT!
Pasigaw ko sa isip kong sagot sa kanya. Nabigla ata siya at nabitawan niya ang basong hawak niya. Nakita kong napatayo siya pati si Cristy dahil sa nagkalat na tubig. Pero siya, sa 'kin pa rin nakatingin. Ako naman biglang inalis ang tingin sa kanila.
Patay! Baka malaman niya sekreto ko at layuan niya ko. Napakagat labi na lang ako. Sana naman hindi. Nangyari na rin naman 'to. Pero parang binalewala niya lang yun.
CHELSA!
CHELSA!
CHELSA!
HOY! EXCUSE ME GILR! IKAW YUN, DI BA?!
Naririnig kong tawag sa 'kin ni Nate sa isip ko. Patay! Mukhang nagdududa siya. Pero di ko pinansin. Pero ano raw, Excuse me girl?.
Maya-maya, bumalik na sina Carly at Evy.
"Mauna na ako. Thanks sa lunch." Paalam ko. Hinintay ko lang talagang makabalik sina Carly.
"Hatid ka na namin ni Evy." Nakangiting alok ni Carly, at nakangiting tamango naman ako.
"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi ni Kristan kay Carly. Waaaaaahh! Ano ba talaga 'to? Tapos biglang hinawakan ni Kristan ang kamay ko. Nakita ko yung pagkailang sa mga tingin ni Carly at napatitig pa siya sa kamay namin ni Kristan. Bigla ko naman binawi yung kamay ko.
"Sige, mauna na ako." Sabi ko. Tapos naglakad na ako palayo. Di na ako nagpahatid sa kahit kanino. Napaka-uncomfortable na kasi.
Pero biglang may humawak sa kamay ko na nagpatigil sa lakad Ko.