"YOU BETRAYED ME!" dumagundong ang malakas na sigaw ni Aljohn sa kabuuan ng opisina ni Celina--ang opisina ng kanyang asawa. Kasunod niyon ang pagbagsak ng mabibigat na kamay ng lalaki sa ibabaw ng kanyang desk dahilan para mapa-igtad siya sa pagkagulat.
Kitang-kita niya ang matinding galit nito para sa kanya. Ngunit, hindi iyon sapat upang magpatinag siya. Kailangan na niyang lumaban na dapat nga ay noon pa niya ginawa.
Ito ang unang araw niya sa opisina matapos nilang lisanin ang isla. Bago pa man sila magbalik ng siyudad ay inihanda na niya ang sarili dahil alam niyang darating ang sandaling kukumprontahin siya nito--and here they are.
"Is this how you play? Huh? You even managed to do it in front of my two-wide-open eyes! Wow! Just... Wow, Celina! Tell me, ito ba ang plano mo no'ng una pa lang?" Nanginginig ang mga kamay nito sa sobrang galit at tila kating-kati na siyang saktan gamit ang mga iyon. Ngunit, nagpipigil lamang ito dahil tiyak na makakarating sa kaalaman ng kanilang ama ang anumang gawin nito sa kanya.
"Yes!" tahasan niyang sagot. "Dahil pagod na pagod na akong minamanipula ng kahit na sino ang buhay ko at ng pamilya ko! Lalong-lalo na ang pamilya ninyo!"
"I'm not manipulating you, Celina! Sa umpisa pa lang, alam mo nang may usapan tayo. Ang medication ng mommy mo kapalit ng kompanyang 'to! Kung tutuusin... may bonus ka pa nga, e. Dahil makakapaghiganti ka pa kay Ashton! 'Di ba?" anito.
"Hindi nga ba talaga, Kuya Al? Tell me honestly... Sakaling makuha mo na ang kompanyang 'to, itutuloy mo pa ba ang sustento sa medication ng mommy ko?" Walang kurap niyang pinakatitigan ito sa mga mata upang malaman ang magiging reaksyon.
"O-oo naman! Ang usapan ay usapan, Celina. Sinabi ko na sa iyong kapag may binitawan akong pangako, tinutupad ko 'yon!"
"At papaano naman ako makakasiguro? Ang hindi ko lang maintindihan... bakit gustong-gusto mong makuha ang posisyon ni Ashton dito sa Antonette's Collection, when you're already an Executive Director ng Gamara's Group of Companies? You're in a bigger industry--twice larger than this sister company!" panunudyo niyang tanong.
Ang Antonette's Collection ay clothing line and accessories na isinunod sa pangalan ng pangalawang asawa ni Alfred Gamara--na siyang biological mother ni Ashton--bilang tanda ng pagmamahal at pag-alala sa yumaong asawa. At base na rin sa naging hilig nito noong nabubuhay pa.
Maaga itong binawian ng buhay dahil sa isang aksidente. Plane Crash sa bansang South Korea matapos nitong dumalo sa isang prestihiyosong Seoul Fashion Week ng Fall season.
"Huwag mong ibahin ang usapan! I have my own reasons!" Bahagyang bumaba ang tono ng boses nito. Ngunit, naroon pa rin ang guhit ng galit.
"Okay. Then, I have my own reasons too kung bakit hindi ko ibinigay ang kompanyang 'to sa 'yo! I have my own reasons too kung bakit hindi ako sumunod sa usapan nating dalawa. Ang dami ko pang problemang kinakaharap. Iyong kaso tungkol sa aksidente ni Jess, ang kapatid mo, at ang mommy ko. Kaya, please lang... Ibigay mo na muna sa akin 'to, Kuya Al. Once na gumaling lang ang mommy ko, makukuha mo na ang kompanyang 'to. I swear!" pakiusap niya. Kung tutuusin ay wala talaga siyang balak na makipag-agawan sa kayamanan ng mga Gamara. At handa siyang pakawalan ang kompanyang ito kapag nakuha na niya ang gusto niya.
"So, what do you want me to do? Maghintay hanggang sa bumalik ang memorya ni Ashton para tuluyan na akong mawalan ng pagkakataong makuha ang kompanyang 'to sa kanya? Gano'n ba?"
Punong-puno ito ng takot at pag-aalinlangan na hindi makuha ang kompanya kaya naman labis siyang nagtataka. Ang pagkakaalam niya'y sa yumaong ina ni Ashton ang kompanyang ito at dito rin isinunod ang pangalan ng kompanya. Kaya, ano ang dahilan nito?
Sandali muna niyang nilinaw ang lalamunan bago nagsalita. "Little by little, ihahanda ko na ang paglipat ng rights ng kompanya sa pangalan mo. Kung sakali mang mapaaga ang pagbalik ng memorya ni Ashton, wala kang dapat na ipag-alala pa. Hinding-hindi na niya mababawi ang kompanyang ito! Kasama 'to sa mga mawawala sa kanya!"
Mapait ang ngising pinakawalan ni Aljohn. Kung babasahin ang ekspresyon sa mukha ay tila hindi pa rin palagay ang loob nito't puno pa rin nang pagdududa kay Celina.
"Trust me, Kuya Al. At the end of the day, sa may dugong Gamara pa rin nabibilang ang kompanyang ito. Hindi sa akin o kung kanino pa man!"
"Well, let's see... Oras na lokohin mo ulit ako, isa lang ang masasabi ko sa 'yo. Hindi ako madaling kalabanin, Celina. Tandaan mo 'yan!" Puno ng pagbabanta ang bawat salitang binitawan nito habang hindi inaalis ang mga titig sa kanyang mga mata.
KAHIT MATAGAL-TAGAL nang nakaalis si Aljohn ay nakapako pa rin sa pintong nilabasan nito ang mga mata ni Celina. Kailangan niyang maka-isip ng mas magandang plano kung papaano malulusutan ang lahat ng ito. Lalo pa't hindi na lamang si Ashton ang kalaban niya ngayon. Kundi, maging ang kapatid nito. Ngunit, bago ang lahat, kailangan muna niyang matiyak ang agarang paggaling ng kanyang ina. Iyon lang ang mahalaga sa kanya.
"Ma'am Celina, naipahanda na raw po ang kotse niyo sa ibaba," saad ng kanyang secretary. At doon pa lamang siya natauhan.
"A-ah, alright! Thank you!" Agad siyang napatayo at mabilis na hinablot ang kanyang bag.
Nawala sa isip niyang pupuntahan nga pala niya dapat sa ospital ngayon si Jess para kausapin.
PUNO ng kaba ang kanyang dibdib pagtapat niya pa lamang sa pintuan ng pribadong silid ng lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magpapaliwanag sa ginawa nilang pagtatago.
Kahit ilang beses na niyang pinag-isipan ang mga sasabihin ay nananatili pa ring blangko ang kanyang isip. Ngunit, hindi na niya dapat pang patagalin ito. 'Bahala na!'
"Jess..."
Hindi niya magawang humakbang palapit sa lalaki. Ang makitang nakaratay ito sa higaan habang may benda sa ulo'y nagbibigay sa kanya ng matinding guilt. Alam niyang hindi biro ang pinagdaanan nito habang nakikipaglaban sa kanyang buhay. Habang siya ay nagawa pang magtago sa isla't kinalimutan ang kalagayan nito—na una sa lahat ay kasalanan niya kung bakit ito nangyari sa lalaki!
"Nagi-guilty ka ba? Nagsisisi ka na ba ngayon at iniisip na sana'y hindi ka na lang sumama sa lalaking nasa harapan mo ngayon no'ng gabing iyon?"
Halos makagat niya ang sariling dila sa 'di inaasahang lamig nang pagsalubong nito sa kanya. Sa tono ng pananalita ng lalaki'y alam niyang may hinanakit ito.
Naihanda na niya ang sarili na maaari nga siya nitong kasuklaman. Pero, sobrang nakakapanibago ito. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam dahil naging napakabuti ni Jess sa kanya.
"G-gusto kong isipin na gano'n na nga... I-I mean, look at you. H-hindi ko gustong nandyan ka. Hindi mo na sana ako tinulungan no'ng gabing iyon." Hindi na niya napigil pa ang mga luha. Malaya iyong nag-unahan sa kanyang pisngi.
"Tama ka! Dapat kahit ano pang ginawa ko no'ng gabing iyon, pinigil mo ang sarili mo't hindi ka sumama sa'kin! Edi sana wala ako ngayon dito!" mariing turan ni Jess.
Labis na ikinagulat ni Celina ang pagtratong ito sa kanya ngayon ng lalaking noo'y handang ibuwis ang buhay matulungan lamang siya. Tila hindi na niya kilala ang lalaking nasa harapan niya. Ngunit, hindi niya masisisi si Jess. Sa kabila ng mga nangyari, tama lang na kamuhian siya nito. Inabandona niya ang lalaki at tama lang sa kanya ang galit na pinapakita nito ngayon.
"Jess, I'm so sorry. I'm so so sorry..."
"Sorry? Kasalanan 'to ng pagiging malandi mo!"
"Jess... Alam kong galit ka sa'kin dahil sa pag-abandona ko sa 'yo. Pero, wala rin akong magawa no'n! Kilala mo si Ashton at alam mo kung ano ang mga ginawa niya sa'kin at sa pamilya ko. Hindi kita ginustong iwanan. Maniwala ka!"
"Alam ko. You're not happy with your marriage kaya sinubukan kong i-provoke ka. Pero, bumigay ka naman kaagad! Kaya kahit hindi ako mag-effort, alam kong mas gugustuhin mong sumama sa'kin kaysa sa asawa mo!" He drew a painful smirk on his lips that hits her really hard. Idagdag pa ang mga binitawan nitong salita na kahit sa hinagap ay hindi niya naisip na masasabi nito.
"Ano?" Ilang ulit a bumukas-sara ang bibig ni Celina pero walang salita ang nais na lumabas mula roon. Sobra siyang nabigla sa mga narinig. Hindi niya lubos mapaniwalaan na nagtraydor ito sa kanya sa umpisa pa lang.
'Fool! Why I didn't see this coming?' Impit na pagalit niya sa sarili.
"Mabuti pang umalis ka na!" Ibinaling ng lalaki ang tingin sa labas ng bintana.
"P-pero, iyong—"
"Kung ang ipinunta mo rito ay ang tungkol sa kaso, wala kang magagawa para baguhin ang isip ko. Kaya 'wag ka nang magsayang ng oras mo."
"Jess, look, I'm so sorry—"
"Sumasakit na ang ulo ko kaya umalis ka na!" bulyaw nito't itinuro pa ang nakabukas na pinto.
Halos mapatalon siya sa kinatatayuan sa lakas nang pagsigaw nito. At wala siyang pagpipilian kundi ang umalis na lang.
Parang dinudurog ang puso niya sa bawat hakbang habang tinatahak ang mahabang pasilyo palabas ng ospital. Gulong-gulo na ang isip niya nang mga sandaling iyon. Paano pa niya maaayos ang lahat ngayon na pati si Jess ay galit na rin sa kanya?
Pakiramdam tuloy niya ngayon ay sumasabak siya sa giyera ng mag-isa at wala ng pag-asa. Paano pa kaya niya kakayanin ang lahat ngayon?
Unti-unti nang bumigay ang kanina pang nanginginig na mga tuhod ni Celina at pabagsak siyang napaupo sa naroong bench chair sa gilid ng daan. At doo'y hindi na niya napigilang mapahagulgol ng iyak. Gusto niyang ilabas na ang lahat sa kanyang pag-iyak. Ngunit, habang iniiyak niya ang lahat ay lalo lamang sumasakit.
...to be continued